HINDI NA nagulat si Weston nang pagbukas niya ng kanyang opisina ay naroroon ang kanyang ate Gladys habang nakaupo ito sa kanyang upuan sa harap ng working table. Matatalim ang mga tinging ipinupukol nito sa kanya, indikasyon na galit na galit ito. Halatang hinihintay nito ang pagdating niya.Nakalimutan niya pala kasing sabihan ang mga guard niya sa kompanya na maging ang ate Gladys niya ay hindi na rin pwedeng papasukin ng mga ito, dahil gulo lang ang dadalhin nito, katulad ngayon, nahihinuha na niya ang posibleng mangyayari.“Weston!” malakas na tawag nito sa pangalan niya kasabay ng pagtayo. “Anong klaseng tiyuhin ka ba at nagawa mo sa pamangkin mo ang saktan siya, gulpihin siya para lang sa babaeng bigla na lang bumagsak sa kandungan mo sa hindi malamang dahilan? Ano, mas importante na sa ‘yo ang ibang tao na ilang buwan o baka araw mo pa lang na nakilala kaysa sa ‘min na simula’t sapul ay kasa-kasama mo na?!” nanlalaki ang mga mata nito habang nagsasalita.“Hindi ibang tao si Sa
BUONG ARAW lang na nakahiga si Saskia sa kama dahil iyon ang kabilin-bilinan sa kanya ni Weston bago ito umalis. Mahigpit din nitong binilinan ang medyo may katandaan ng babae na siyang kinuha nito para magbantay at umalalay sa kanya habang wala ito.Nagpaalam itong saglit na pupunta sa kompanya dahil may kailangan itong asikasuhin na hindi pwedeng ipagpaliban. Pero bawat oras ay palagi itong tumatawag sa kanya para kumustahin ang kalagayan niya.Natutuwa siya sa isiping labis-labis ang pag-aalala nito sa kanya. Wala rin siyang kaide-ideya na ang masarap na pagniniig na namagitan sa kanila ay may kaakibat na sakit. Hanggang ngayon, hirap pa rin siyang maglakad dahil sa sobrang sakit ng kanyang kaselanan kapag sinusubukan niyang ihakbang ang mga paa.Masakit din ang buong katawan niya na para siyang binugbog ng sampong katao. May mga pasa rin siya sa magkabilaang binti, siguro ‘y dahil sa labis na bigat ni Weston nang daganan siya nito. Napakarami rin niyang mga mapupulang marka sa buo
NASA KANYANG silid si Gerald habang nakahiga sa kanyang kama. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang mga pasa at sugat dulot ng ginawang pananakit sa kanya ng tiyuhin kaya hindi siya makakilos ng maayos. Kaunting galaw lang niya ay nananakit na ang mga sugat niya.Ang gusto pa nga ng mommy at lola niya ay i-confine siya sa ospital, pero doctor na rin ang nagsabing pwede rin naman niyang pagalingin ang mga sugat habang nagpapahinga sa bahay. Masyado lang talagang OA ang mga ito pagdating sa kanya.Hindi niya inaasahan na makakatikim siya ng pambubogbog mula kay Weston, at iyon ang hindi niya napaghandaan. Hanggang ngayon ay nanggagalaiti siya sa galit kapag sumasagi sa kanyang isipan ang pangyayaring iyon. Napahiya na siya kay Saskia, ay pinagmukha pa siya nitong mahina at walang kalaban-laban. Kung bakit kasi hindi siya naging maingat at mapagmatyag.Wala kasi siyang nasa isip ng mga sandaling iyon kundi ang makausap ang dalaga at para kumbinsihin itong bumalik sa kanya. Nawala na lang
KANINA PA paikot-ikot sa harap ng salamin si Vivian. Gusto niyang maging maganda at perpekto sa mata ng pamilya ni Gerald, lalo na at alam niyang kahit anumang oras ay pwede niyang makita roon si Weston.At isa pa, gusto niyang siguraduhin na babagay ang hitsura at kasuotan niya sa mansyon. Iyon bang iisipin ng pamilya ni Gerald na nababagay siyang tumira roon at mapabilang sa kanilang pamilya.Nagsuot siya ng kulay beige na fitted off-shoulder dress na above the knee ang haba at pinaresan niya iyon ng kulay itim na stiletto sandals na nasa five inches ang taas. Inayos niya ang buhok niya ng pa-messy bun style. Magaling siyang mag-ayos ng sarili kaya nga lahat ng lalaking target niyang maangkin ay hindi siya nabibigong masungkit ang mga ito.At ngayon ay si Weston naman ang target niya. Ipinapangako niyang ito na ang una ‘t huli siyang mang-aakit ng lalaki kapag napasakanya na si Weston ng tuluyan. Nang makuntento na siya sa kanyang hitsura ay lumabas na siya ng banyo ng opisina niya.
“GERALD, hindi mo man lang sa ‘min binabanggit na girlfriend mo pala ang CEO ng MS Wine Haven. Ang galing mong pumili ng babae, anak. Maganda, matalino at professional ang girlfriend mong napili,” masayang wika ng mommy niya nang pumasok ito sa kanyang kwarto kasunod si Vivian.Napabuntung-hininga na lang siya sa sinambit ng ina. Talagang nagpakilalang girlfriend niya si Vivian dito. At mukhang na-manipulate na rin ito ni Vivian dahil proud na proud ito sa babae. Talagang nag-ayos pa ito na para bang nakikibagay sa mga taong pupuntahan na alam nitong mayayamang tao.“I’m sorry, mommy, hindi ko na nabanggit sa inyo,” hinging paumanhin niya, nasabi rin lang naman ni Vivian na girlfriend niya ito, well, sasakyan na lang muna niya para walang maging problema.Nalukot naman ang mukha ni Vivian pagkakita sa hitsura niya. “Oh my God, Hon! What happen to you??? Sinong may gawa nito sa ‘yo?” nag-aalalang tanong nito sa kanya.“Maiwan ko na muna kayo rito, ha? May pupuntahan pa kasi ako. At Ger
PAGPASOK ni Katrina sa loob ng mansyon ay nakita niyang may nakaparadang kotse kung saan doon niya ipinaparada ang kanyang sasakyan. Hindi iyon pamilyar sa kanya kaya nagtataka siya kung kanino iyon.Pagpasok niya sa mansyon ay agad niyang hinagilap ng paningin ang mag-asawa, pero hindi niya ito makita. Eksaktong napadaan siya sa tapat ng kwarto ni Gerald at naulinigan niyang may kausap itong babae. Doon pumasok sa isip niya na baka ang kausap nito ang nagmamay-ari ng sasakyan.Aalis na sana siya sa tapat ng silid para ipagpatuloy ang paghahanap sa mag-asawa nang bumukas ang pintuan nito. Iniluwa niyon si Gerald kasunod ang isang babaeng todo sa porma. Saglit niya lang itong tiningnan at inalis din niya ang mata niya roon.“Ate Kat, kanina ka pa ba riyan?” tanong sa kanya ni Gerald. Nakasanayan na nitong tawagin siyang ate kaysa tita dahil ilang taon lang naman ang agwat niya rito.“Hindi naman, kararating ko lang. Hinahanap ko sina tito at tita at saka si ate Gladys. Nasaan ba sila?”
BINABAYBAY ni Weston ang daan patungo sa parking area ng kanyang kompanya dahil maaga siyang uuwi para makita agad si Saskia. Parang ang tagal ng bawat oras para sa kanya lalo na ‘t minu-minuto ay gusto niyang masilayan ang asawa. Hulog na hulog na talaga ang loob niya rito lalo na ngayong ganap na silang mag-asawa.Ngunit napakunot ang noo niya ng makita niyang nakasandal sa sasakyan niya si Katrina. Napabuntung-hininga na lang siya. Nakalimutan din pala niyang sabihin sa guard na pati si Katrina maliban kay Gerald at ate Gladys niya, ay banned na rin ito at hindi na pwedeng pumasok pa sa komapanya.“Anong ginagawa mo rito?” walang reaksyong tanong niya rito.“Dinadalaw ka, since hindi ka na umuuwi sa mansyon,” kagat-labing sagot nito na para bang nang-aakit.“Hindi ako pasyente para dalawin, at mas lalong hindi ako patay. Kaya huwag ka nang magsayang ng oras at panahon sa kakahabol sa ‘kin dahil sinisigurado ko sa ‘yo na pagod lang ang mapapala mo,” sarkastikong sambit niya.Biglang
SA WAKAS ay nakabalik na rin si Saskia sa Del Flores Winery dahil pinayagan na siyang pumasok ni Weston makalipas ang isang linggo. Ngunit katakot-takot na parinig ang natanggap niya mula sa ibang mga katrabaho na may galit na yata sa kanya simula nang pumasok siya sa kompanya.Kasalukuyan siyang naglalakad papunta sa kanyang opisina pero napahinto siya nang pagtapat niya sa pintuan sa isa sa mga departamento ay biglang nagsalita ng malakas ang mga naroroon na tila ba sinasadyang iparinig sa kanya ang pinag-uusapan ng mga ito na alam niyang patungkol sa kanya.“Aba, abusado rin itong bagong Chief Financial Officer natin, ‘no? Halos isang linggo siyang nawala ng wala man lang paalam, pagkatapos ay bigla na lang papasok ng wala ring paalam? Ang galing din naman! Gaano kaya siya kalakas kay Sir Weston para payagan siya sa ginagawa niyang ‘yan? Kabago-bago pa lang, gumagawa na ng sariling schedule,” sambit nung isang babae habang ngumunguya ng sandwish sa working table nito.“Sinabi mo pa
“ANO PA po ba ang kailangan ninyo, mommy? Hindi pa ba sapat sa inyo na nabugbog na ninyo si Saskia noong isang araw? Himala nga at hindi mo kasama ‘yong isang bruha! Puro na lang gulo ang mga dala ninyo!” galit na wika niya sa ina.Hindi na siya mangingiming ipakita at iparamdam dito ang kanyang galit para naman matuto itong dumistansya.“Anak, pumunta ako rito kahapon, pero wala ka. Kaya bumalik ulit ako ngayon. Hindi na rin pala ako pinayagan ng guard na pumasok dahil utos mo raw iyon sa kanila. Pero okay lang sa ‘kin ‘yon anak, kasi alam kong iniiwasan mo lang na makagawa kami ng gulo sa loob ng kompanya na pwede mong ikahiya sa tao. Naparito ako para kausapin ka, hindi para gumawa ng gulo,” wika nito sa mahinahong tinig.Hindi nga niya maintindihan kung tama ba ang nababasa niyang lungkot at pag-aalala sa mukha nito. Pero hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin at agad na iwinaksi sa kanyang isipan.“Kung ginagawa niyo ito para lang muling makuha ang loob ko at umuwi sa mansyon
KINABUKASAN ay pareho silang hindi pumasok ni Weston sa kompanya. Lumala kasi ang pananakit ng kanyang ulo gawa ng malakas na paghila ni Katrina sa kanyang buhok. Gusto pa sana siyang dalhin ni Weston sa ospital para ipasuri sa doctor, pero tumanggi siya. Mas gusto niya na lang na magpahinga sa bahay.Magang-maga ang kanyang dalawang pisngi dahil sa tinamong mga malalakas na sampal buhat sa kanyang mga magulang nung umaga at kinahapunan naman, ay sa mommy naman ni Weston. Maga ito at maraming pasa. Masakit na masakit din ang kanyang anit.Mas gusto niyang humiga at matulog buong araw dahil pakiramdam niya ‘y iyon lang naman ang makakapagpagaling sa kanya. Matyaga naman siyang binabantayan at inaalagan ng asawa.Ang mga pasa niya sa mukha ay dinadampian nito ng maliit na towel na inilubog sa mainit na tubig, sa paraang iyon ay madali raw na gagaling ang kanyang mga pasa. Sinusubuan din siya nito kapag kumakain hanggang sa matapos, at inaalalayan sa pagligo.Doon niya mas lalong naramda
NGAYON lang niya nakita sa buong buhay niya kung gaano kagalit ang kanyang anak na si Weston kanina. Damang-dama niya sa mga kilos at pananalita nito ang pagmamahal nito sa asawa. Para siyang natauhan sa mga sinabi nito sa kanya.Nagkamali at nagkasala siya sa kanyang anak. Dahil sa pagiging bulag niya at manhid para lamang masunod ang kagustuhan nilang mag-asawa na si Katrina dapat ang maging asawa nito, ay hindi nila namamalayan na nadidiktahan na pala nila ang damdamin ng anak.May sumungaw na luha mula sa kanyang dalawang mga mata. Pero agad siyang tumingin sa taas para pigilan ang pagpatak niyon. Ayaw niyang makita siya ni Katrina sa ganoong sitwasyon.“Ti-Tita, ano na ang gagawin natin? Mukhang ayaw talaga sa ‘kin ni Weston. Paano naman ako? At saka, kapag nalaman ito ni daddy, magkakagulo tayong lahat, kilala mo naman siya, ‘di ba?” sumisinghot-singhot na wika nito.“Hija, siguro kailangan mo na talagang tanggapin na hindi kayo para sa isa ‘t isa ni Weston. Nasa tamang edad na
SAGLIT muna niyang iniwan ang kanyang asawa sa sasakyan dahil may kukunin siyang mahahalagang dokumento para sa kompanya na naiwan pala niya nung umalis sila. Nakaugalian na kasi niyang mag-uwi ng mga papeles sa tuwing hindi niya natatapos ang pagpipirma sa kanyang opisina, kaya ngayon ay nagmamadali siyang hanapin ang mga iyon.Hindi na kasi sumama sa kanya si Saskia dahil ang sabi niya ‘y madali lang naman siya. Habang naghahanap siya ay parang may naririnig siyang nagsasagutan sa labas na para bang nag aaway. Ipinagsawalang bahala na lang niya iyon at hindi pinansin dahil alam niyang mag-isa lang naman doon si Saskia. Baka ingay lang iyon ng mga kapitbahay niya.Ngunit napahinto siya sa paghahanap nung maging malinaw na sa kanyang pandinig ang ingay na naririnig niya. Bosesi iyon ni Saskia na sumisigaw na para bang nasasaktan at nakikiusap. Bigla ang kabang naramdaman niya kaya iniwan niya ang paghahanap sa mga papeles at mabilis na lumabas.Gayon na lamang ang galit na biglang umu
DUMAAN muna saglit sina Saskia at Weston sa dating bahay kung saan sila nakatira para tingnan ito. Simula kasi nung dinala siya sa Villa ni Weston ay doon na rin sila umuuwi. Saglit siyang iniwan ng asawa sa sasakyan dahil may kukunin lang daw ito sa loob saglit, kaya nagpasiya siyang huwag nang sumama at hintayin na lamang ito roon.Ngunit hindi pa man nagtatagal nung pumasok si Weston sa loob ng bahay, ay nagulat siya nang biglang may kumatok sa pintuan ng sasakyan. Nakita niyang si Katrina ang kumakatok at kasama nito ang ina ni Weston na kahit isang beses pa lang niyang nakita ay nakaukit na sa kanyang isip ang imahe ng mukha nito.Kinakabahan man ay nagpasiya siyang buksan ang pintuan at lumabas sa sasakyan para maayos na harapin ang dalawa kahit na parang mananakmal ang hitsura ni Katrina at parang mangangain naman ng buhay naman ina ni Weston.“Natyempuhan ka rin namin, bitch! Ang feeling mo rin eh, ‘no? Talagang pinaninindigan mo ang pagiging asawa kay Weston, huh? At saka, pa
MATIYAGANG naghihintay sa loob ng kanyang sasakyan si Weston sa pagbalik ni Saskia. Siguro ‘y mga fifteen minutes na ang nakalipas mula nang pumasok si Saskia sa kanilang bahay, nang biglang may dumating na sasakyan at pumarada iyon sa harap mismo ng bahay.Lumabas mula roon ang isang babaeng halos lumabas na ang itinatagong singit sa sobrang iksi ng suot nitong palda. Nakasuot din ito ng pagkataas-taas na sandals. Kumunot pa ang noo niya nang pumasok ito sa gate nang mismong bahay na pinasukan ng kanyang asawa.Doon niya napagtanto na baka ito ang sinasabi ni Saskia na pinsan nito na pumatol sa dating nobyo na si Gerald na siyang pamangkin niya. May kalayuan man ito sa kinaroroonan niya ay malinaw na nakita niya ang hitsura nito. Napatawa na lang siya ng mapakla, mga ganoong klase pala ng babae ang tipo ng kawawa niyang pamangkin.Babaeng halos ibalandra na sa publiko ang katawan makakuha lang ng atensyon. Talagang halata naman sa suot pa lang ng babae na malandi ito. Mabuti na lang
“MOM, bata pa lang ako ay masunurin na ‘ko sa inyo ni Dad, alam niyo ‘yan. Kahit nga madalas na labag sa kalooban ko ang mga pinapagawa ninyo sa ‘kin ay sinusunod ko pa rin dahil ayaw kong ma-disappoint ko kayo. Ayaw kog mawala ang magandang expectation at pagtingin niyo sa ‘kin. Pero kasi, huwag naman ‘yong pati ngayong nasa tamang edad na ‘ko at pwede ng magdesisyon sa sarili ay didiktahan niyo pa rin ako. Oo, minahal ko si Gerald. Mahal na mahal. Kaya nga hindi naging mahirap sa ‘kin na sundin ko ang kagustuhan ninyo na siya na lang ang pakasalan ko. Not until na mahuli ko sila ni Vivian. Iyon ang pinakamasakit sa lahat, dahil kayo dapat ang unang-una kong masasandalan at masasabihan ng mga hinanakit ko, pero ano? Ako pa ‘yong mali sa paningin ninyo,” maluha-luha niyang paliwanag.“So, sinusumbatan mo kami, gano’n? Huh, kaya ka namin hindi pinaniniwalaan dahil gawa-gawa mo lang ‘yon para makatakas ka sa kasal! Iyon pala ay ikaw naman ang totoong may iba! Magaling ka rin, ‘no? Ipapa
KINAKABAHAN si Saskia sa gagawin niyang pakikipagharap sa mga magulang. Kasalukuyang nakaparada ang sasakyan ni Weston hindi kalayuan sa bahay nila kung saan ay nakasakay sila.“Baby, narito lang ako, ha? Kaya mo ‘yan. Hindi ka naman siguro nila sasaktan dahil anak ka nila,” wika ni Weston habang mahigpit na hinahawakan ang isa niyang kamay na kanina pa nanlalamig.“Thank you sa pagpapalakas ng loob ko, Weston,” pilit ang ngiting sambit niya rito.“Sige na, puntahan mo na sila. Dito na lang din kita hihintayin,” sambit nito bago siya kinintilan ng halik sa labi.Kinakabahan man ay pinilit niyang humakbang palabas ng sasakyan kahit na nangangatog ang kanyang mga tuhod. Paglabas niya ‘y nagpalinga-linga muna siya para makasiguradong walang nakakapansin sa paglabas niya ng sasakyan.Nakahinga siya ng maluwag nang makita niyang parang wala namang masyadong tao sa kinaroroonan nila. Mahirap na, baka kasi may makaalam na si Weston ang kasama niya. Baka magkagulo pa dahil nga sikat at mayama
“Weston, gusto ko sanang puntahan sina mommy at daddy sa bahay, alam mo na, kahit naman may nangyaring hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin, still, magulang ko pa rin sila. At saka, na mi-miss ko na rin sila. Kaya gusto ko sanang magpaalam sa ‘yo, kung…papayagan mo ‘ko?” may paki-usap na wika niya sa asawa habang nakayakap ito sa kanyang likod, kasalukuyan na silang nakahiga para matulog.“Oo naman. Wala naman ‘yang problema sa ‘kin. Pero sa isang kondisyon, sasamahan kita. Hindi naman ako magpapakita sa mga magulang mo, magmamasid lang ako sa malayo. Para masigurado ko ang kaligtasan mo,” sagot nito.“Talaga? Pinapayagan mo ‘ko?” masayang tanong niya rito. “Thank you, Weston! I love you,” nagulat pa siya sa huling salitang binanggit, kusa na lang iyon na lumabas sa kanyang bibig.“I love you too, Baby. Kahit ako man ay gusto ko ring umuwi ng mansyon para makita ang pamilya ko. Pero kung ang pag-uwi ko ang magiging dahilan ng pagtatalo namin para muli nilang ipilit na pakasalan ko si