Share

KABANATA 27:

Sa bar ako ni Dustine pumunta paglabas ko sa hospital para maglasing.

Nakakailang bote palang ako ng beer nang dumating si Mike.Mukhang tinawagan ni Dustine para samahan akong uminom.

Alam na nila ang nangyari sa’min ni Almera kaya wala na ‘din akong maitatago sa kanila.

“Alam ko ang nararamdaman mo ngayon pare. Pero isipin mong mabuti na isang maling galaw mo lang masisira ang lahat ng pinaghirapan mo”paalala sa’kin ni Mike.

“Tandaan mo na si Congressman ang kalaban mo. Maimpluwensyang tao, kaya n’yang manipulahin ang lahat kong gugustuhin n’ya”dagdag pa nitong sabi.

Napailing-iling ako. “Hindi ako natatakot sa kaniya”

“Tumigil ka nga, nagdesisyon kana na mas piliin ang bayan natin di’ba? Kaya panindigan muna lang”anito bagay na ikinagalit ko sa kaibigan pero mas galit ako sa sarili ko.

“Tama, pero malalaman mo lang ang nararamdaman ko kapag nagkapamilya kana”tugon ko bago tinungga ang laman ng bote ng beer na hawak ko.

“Bakit naman kasi sa lahat ng babae ay anak pa ni Congressman?”i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status