Nagising akong nakahiga sa hospital bed. Inaalala ko kung anong nangyari sa’kin bakit nandito na naman ako sa hospital.“Salamat naman, iha dahil gising kana”nag-aalalang sabi ni Nanay nang lapitan ako.Pilit akong bumangon sa higaan nang maalala ang nangyari bago ako nawalan ng malay.“Nanay, anong nangyari sa Daddy ko? Si Ares? Nasa’n si Ares?”tarantang sabi ko.“Ang D-Daddy mo—”hindi nito maituloy ang sasabihin kaya kinabahan ako.Nanginginig ang ibabang labi ko kasabay ‘non ang pag-init ng mga mata ko.“Sabihin mo sa’kin kung ano ang nangyari, please”pakiusap ko.Napahawak ako sa sarili kong dibdib dahil ramdam ko ang pananakip at bigat ‘don.“Pa-Patay na s’ya”pahayag ni Nanay na ikinalaglag ng panga ko kasabay nang pagtulo ng luha ko.Napahawak ako sa bibig ko at napahikbi hanggang sa tuluyan na akong mapahagulgol sa pag-iyak.Niyakap naman ako ni Nanay at hinaplos ang likuran ko.“Da…Da…ddy”humahagulgol na tawag ko sa kaniya.“D-Daddy!...Ang Daddy ko!”sigaw ko habang walang tigi
Halos buong magdamag akong nagbantay kay Daddy. Marami naman ang mga taong nakiramay sa’min. Si kuya at Jannet ang nag-asikaso sa kanilang lahat.Napabaling ako kay Nanay nang lapitan ako. Nagtaka ako ng makitang iba ang awra ng mukha nito kaya nag-alala ko.“Nay, may problema ba?”tanong ko.Kinuha nito ang mga kamay ko at mahigpit ‘yong hinawakan kaya kaagad na kumabog ang puso ko sa sobrang kaba.“Iha, h’wag kang mabibigla sa sasabihin ko”anito.Napaawang ang mga labi ko dahil alam kong hindi maganda ang ibabalita n’ya.“Ano po ‘yon, Nay?”nag-aalalang tanong ko.“Iha, h’wag kang magbibigla pero nalaman kong kritikal ang lagay ni Ares ngayon dahil may sumaksak sa kaniya sa kulungan”pahayag nito.Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa kinauupuan ko.Buong katawan ko ang nanginginig dahil sa nabalitaan mula kay Nanay kaagad na nag-unahang tumulo ang mga luha ko.“Iha, iha. Kumalma ka lang”pagpapakalma n’ya sa’kin.Napailing-iling ako habang tumutulo ang mga luha ko para akong sinaksa
Pagkatapos nang libing ni Daddy halos araw-araw nang dumadalaw sa’kin si Desmond. May dala s’yang bulaklak at kung ano-ano pa para hikayatin akong magpakasal.At dahil sa kasunduan namin, hindi s’ya pumunta sa hearing kaya naibasura ang kaso dahil sa kakulangan sa ebedinsya, nagbigay ‘din kasi ako ng statement na aksidente ang nangyari ‘nong araw na ‘yon kaya gumaan ang sentens’ya kay Ares at balita ko nakapagpyansya na s’ya.Galit na galit naman si Kuya dahil gusto talaga nitong makulong si Ares nang pang-habang-buhay.“Gusto kong sa America tayo ikasal at manirahan”sabi ko kay Desmond.“Sa America? Balak mo bang makipag-divorce sa’kin?”galit na tanong nito.Umiling ako. “Anak ni Ares ang batang ‘to kaya sa palagay mo ba papatahimikin n’ya tayo habang nandito ako?”Kumalma naman ito at tila pinag-isipan ang sinabi ko.“Gusto kong lumayo para makalimutan ang lahat ng nangyari dito but promise me one thing na ituturing mo ang batang ‘to na sa’yo”pahayag ko.Lumuhod s’ya sa paanan ko a
Kinagabihan, niyaya ako ni Jannet na puntahan si Nanay para personal na magpaalam sa matanda kaya kaagad akong sumama sa kaniya.Ngunit,laking gulat ko ng ibang daan ang binabaybay namin ni Jannet.“Saan tayo pupunta?”tanong ko sa kaniya.“Basta malalaman mo ‘din kapag nando’n na tayo”nakangiting sabi nitong habang nasa daan ang mga mata.Tumango ako. May tiwala naman ako sa kaniya kahit saan n’ya pa ako dalhin.Napanganga ako ng makita kung sino ang lalaking nakaabang sa kalsada.“A-Ares?”sambit ko sa pangalan n’ya habang nakatitig dito.Itinigil ni Jannet ang sasakyan saka ako nakangiting binalingan.“Surprise”nakangiting sabi n’ya kaya napayakap ako sa kaniya bilang pasasalamat.Napabaling ako sa pintuan ng passenger seat nang bumukas iyon.Nakangiti kong tiningnan si Ares saka kinuha ang kamay n’yang nakalahad sa’kin bago lumabas ng sasakyan.Napayakap kaagad ako sa leeg n’ya ng mahigpit, namiss ko talaga s’ya ng sobra-sobra, niyakap n’ya ‘din ang beywang ko pero hindi ‘yon gano’n
May inilabas s’yang panyo at itinakip iyon sa mga mata ko.Naramdaman kong pumunta s’ya sa likuran ko pagkuwa’y hinawakan ang magkabilaan kong balikat para alalayan ako.“Sige, baby. Lakad na, trust me, okay? Hinding-hindi kita ipapahamak”bulong n’ya sa tenga ko kaya kaagad akong tumango sa kaniya.Mas may tiwala ako kay Ares kaysa sa sarili ko kaya nagsimula na akong maglakad nanatili namang nasa balikat ko ang kamay n’ya kaya kampante akong hindi ako mapapahawak.Naglakad lang ako ng naglakad habang hindi n’ya sinasabi sa’kin na huminto na.“Napapagod na ako, ah”reklamo ko.Narinig ko naman ang pagtawa n’ya kaya napangiti ako. Hinding-hindi ko makakalimutan kong paano s’ya tumawa.“Stop, baby”anito kaya huminto na ako sa paglalakad.Napa-wow ako ng tanggalin n’ya ang piring sa mata ko.Nasa pantalan kami at may yateng naghihintay sa’min.“Sasakay tayo d’yan?”tanong ko.“Yes, baby”tugon n’ya sa’kin.Napabaling ako sa kaniya ng hawakan n’ya ang kamay ko at inalalayan akong sumakay sa ya
Nagkatitigan kami ni Ares nang makarinig nang tunog ng helicopter galing sa itaas nitong yate.Kumabog ng husto ang dibdib ko dahil alam kung para kanino ang helicopter na ‘yun.“Magtago ka, Almera. Ako na ang bahala sa kanila”saad ni Ares.Umiling ako. “No need for that, ako ang kailangan nila”Taranta n’yang hinawakan ang magkabilaan kong pisngi at tinitigan ang mga mata ko.“Please, makinig ka sa’kin. Mamatay muna ko bago ka nila makuha mula sa’kin, naiintindihan mo ‘ba?!”anito.Napailing-iling ako ng ulo. “Ayaw kitang masaktan kaya hayaan muna ko”Nakitang kong bumaba si kuya mula sa hagdan na galing sa helicopter na nanatiling nasa itaas nitong yate kaya kaagad kong niyakap si Ares. Niyakap ko s’ya ng mahigpit na mahigpit dahil alam kong ito na ang huling mayayakap at makikita ko s’ya. Maisip ko lang na magkakalayo kaming dalawa halos hindi na ako makahinga.Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko habang pinipigilan ang mga luha ko.“I’m going to America. At ikakasal na ‘din ako, ka
ARES’s POV"Iho, it's time for you to get married.Nasa tamang edad kana para magkaroon ng pamilya"suhestyon ni Papa.Napailing-iling ako ng maalala 'yun sabay lagok sa alak na nasa kopita ko."Alam mo, pare. Hindi ka naman mahihirapan humanap ng mapapangasawa, e. Ano bang pinoproblema mo?"tanong ng kaibigan kung may-ari nitong bar na kinaroroonan ko ngayon.Napabuga ako ng hangin.Tama ang sinabi n'ya, hindi naman talaga mahirap maghanap ng mapapangasawa ko. Lalo na't isa akong Ledezma."Excuse me, bigyan mo ako ng vodka”rinig kung order ‘nong babae sa waiter.Hindi ito kalayuan sa kinauupuan ko kaya napansin ko kaagad ito. Hinagod ng mata ko ang kabuuan nito, medyo wavy ang mahabang buhok nito, mala porselena ang balat nito na bumagay sa suot nitong white dress.Hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil nakatagilid ito mula dito sa kinaroronan ko pero sigurdo akong maganda s’ya.Maraming lalaki ‘din ang nakatingin dito mula sa iba’t-ibang table. Nag-iisa lang kasi ito at walang k
ALMERA's POV Sermun ang inabot ko pagdating sa bahay. Mabuti na lang dahil nilalagnat ako kaya hindi na nila ako masyadong pinagalitan dahil sa nangyari.Iniwan ko ang mga bagahe sa airport at pumunta sa bar kagabi. At may nakatalik na hindi kilalang lalaki pero hindi ko pinagsisihan ‘yung nangyari. I’m 25 now, kailangan kuna ‘yung maexperience at alam ko naman na hindi naman masamang tao ang lalaking ‘yun.Hindi kuna s’ya hinintay kaninang magising dahil hindi ko ‘din naman alam ang sasabihin ko. Wala akong lakas ng loob na harapin s’ya dahil wala na sa sistema ko ‘yung alak na nagpalakas ng loob ko na magawa ‘yung kagabi.Ipinagdarasal ko lang na sana h’wag ng mag krus ang landas naming dalawa. Hayaan na lang ng tandhana na one night stand lang ang nangyari sa’ming dalawa.Narinig ko sa mga katulong namin dito sa bahay ang tungkol sa mga tatakbong kandidato na nag file na ng kanilang mga COC.Hindi naman ako kinakabahan sa darating na eleksyon dahil ilang dekada ng hawak nang p