Kinagabihan, niyaya ako ni Jannet na puntahan si Nanay para personal na magpaalam sa matanda kaya kaagad akong sumama sa kaniya.Ngunit,laking gulat ko ng ibang daan ang binabaybay namin ni Jannet.“Saan tayo pupunta?”tanong ko sa kaniya.“Basta malalaman mo ‘din kapag nando’n na tayo”nakangiting sabi nitong habang nasa daan ang mga mata.Tumango ako. May tiwala naman ako sa kaniya kahit saan n’ya pa ako dalhin.Napanganga ako ng makita kung sino ang lalaking nakaabang sa kalsada.“A-Ares?”sambit ko sa pangalan n’ya habang nakatitig dito.Itinigil ni Jannet ang sasakyan saka ako nakangiting binalingan.“Surprise”nakangiting sabi n’ya kaya napayakap ako sa kaniya bilang pasasalamat.Napabaling ako sa pintuan ng passenger seat nang bumukas iyon.Nakangiti kong tiningnan si Ares saka kinuha ang kamay n’yang nakalahad sa’kin bago lumabas ng sasakyan.Napayakap kaagad ako sa leeg n’ya ng mahigpit, namiss ko talaga s’ya ng sobra-sobra, niyakap n’ya ‘din ang beywang ko pero hindi ‘yon gano’n
May inilabas s’yang panyo at itinakip iyon sa mga mata ko.Naramdaman kong pumunta s’ya sa likuran ko pagkuwa’y hinawakan ang magkabilaan kong balikat para alalayan ako.“Sige, baby. Lakad na, trust me, okay? Hinding-hindi kita ipapahamak”bulong n’ya sa tenga ko kaya kaagad akong tumango sa kaniya.Mas may tiwala ako kay Ares kaysa sa sarili ko kaya nagsimula na akong maglakad nanatili namang nasa balikat ko ang kamay n’ya kaya kampante akong hindi ako mapapahawak.Naglakad lang ako ng naglakad habang hindi n’ya sinasabi sa’kin na huminto na.“Napapagod na ako, ah”reklamo ko.Narinig ko naman ang pagtawa n’ya kaya napangiti ako. Hinding-hindi ko makakalimutan kong paano s’ya tumawa.“Stop, baby”anito kaya huminto na ako sa paglalakad.Napa-wow ako ng tanggalin n’ya ang piring sa mata ko.Nasa pantalan kami at may yateng naghihintay sa’min.“Sasakay tayo d’yan?”tanong ko.“Yes, baby”tugon n’ya sa’kin.Napabaling ako sa kaniya ng hawakan n’ya ang kamay ko at inalalayan akong sumakay sa ya
Nagkatitigan kami ni Ares nang makarinig nang tunog ng helicopter galing sa itaas nitong yate.Kumabog ng husto ang dibdib ko dahil alam kung para kanino ang helicopter na ‘yun.“Magtago ka, Almera. Ako na ang bahala sa kanila”saad ni Ares.Umiling ako. “No need for that, ako ang kailangan nila”Taranta n’yang hinawakan ang magkabilaan kong pisngi at tinitigan ang mga mata ko.“Please, makinig ka sa’kin. Mamatay muna ko bago ka nila makuha mula sa’kin, naiintindihan mo ‘ba?!”anito.Napailing-iling ako ng ulo. “Ayaw kitang masaktan kaya hayaan muna ko”Nakitang kong bumaba si kuya mula sa hagdan na galing sa helicopter na nanatiling nasa itaas nitong yate kaya kaagad kong niyakap si Ares. Niyakap ko s’ya ng mahigpit na mahigpit dahil alam kong ito na ang huling mayayakap at makikita ko s’ya. Maisip ko lang na magkakalayo kaming dalawa halos hindi na ako makahinga.Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko habang pinipigilan ang mga luha ko.“I’m going to America. At ikakasal na ‘din ako, ka
ARES’s POV"Iho, it's time for you to get married.Nasa tamang edad kana para magkaroon ng pamilya"suhestyon ni Papa.Napailing-iling ako ng maalala 'yun sabay lagok sa alak na nasa kopita ko."Alam mo, pare. Hindi ka naman mahihirapan humanap ng mapapangasawa, e. Ano bang pinoproblema mo?"tanong ng kaibigan kung may-ari nitong bar na kinaroroonan ko ngayon.Napabuga ako ng hangin.Tama ang sinabi n'ya, hindi naman talaga mahirap maghanap ng mapapangasawa ko. Lalo na't isa akong Ledezma."Excuse me, bigyan mo ako ng vodka”rinig kung order ‘nong babae sa waiter.Hindi ito kalayuan sa kinauupuan ko kaya napansin ko kaagad ito. Hinagod ng mata ko ang kabuuan nito, medyo wavy ang mahabang buhok nito, mala porselena ang balat nito na bumagay sa suot nitong white dress.Hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil nakatagilid ito mula dito sa kinaroronan ko pero sigurdo akong maganda s’ya.Maraming lalaki ‘din ang nakatingin dito mula sa iba’t-ibang table. Nag-iisa lang kasi ito at walang k
ALMERA's POV Sermun ang inabot ko pagdating sa bahay. Mabuti na lang dahil nilalagnat ako kaya hindi na nila ako masyadong pinagalitan dahil sa nangyari.Iniwan ko ang mga bagahe sa airport at pumunta sa bar kagabi. At may nakatalik na hindi kilalang lalaki pero hindi ko pinagsisihan ‘yung nangyari. I’m 25 now, kailangan kuna ‘yung maexperience at alam ko naman na hindi naman masamang tao ang lalaking ‘yun.Hindi kuna s’ya hinintay kaninang magising dahil hindi ko ‘din naman alam ang sasabihin ko. Wala akong lakas ng loob na harapin s’ya dahil wala na sa sistema ko ‘yung alak na nagpalakas ng loob ko na magawa ‘yung kagabi.Ipinagdarasal ko lang na sana h’wag ng mag krus ang landas naming dalawa. Hayaan na lang ng tandhana na one night stand lang ang nangyari sa’ming dalawa.Narinig ko sa mga katulong namin dito sa bahay ang tungkol sa mga tatakbong kandidato na nag file na ng kanilang mga COC.Hindi naman ako kinakabahan sa darating na eleksyon dahil ilang dekada ng hawak nang p
Sinalubong ni Nanay ang mga bagong dating sa labas ng kaniyang bakuran. Sumilip naman ako mula dito sa kusina dahil kita naman mula dito ang mga bagong dating. Inutusan kasi ako ni Nanay na hugasan ang mga ginamit n’ya sa pagluluto. Nilinis kuna ‘din ang kusina para hindi naman nakakahiya sa mga bisita kung maabutan nilang marumi sa bahay ni Nanay.“Marami po ata kayong kasama ngayon, Sir?”tanong ni Manang sa lalaking nakasuot ng sunglasses, shorts and white shirt.Napakalinis nitong tingnan sa suot nitong damit. Sino kaya siya? Bakit pamilyar ang siya sa’kin? Nagkita na ‘ba kami dati?“Nagpa-plano po kasi akong magtayo ng resthouse dito para naman may tutuluyan ako kapag pumupunta ako dito para hindi kuna po kayo naabala”magalang nitong sabi sa kausap.Kitang-kita ko ang tuwa sa mukha ni Nanay mukhang matagal na silang magkakilala.“Hay naku, sir. Mapalad ang matandang katulad ko dahil sa’kin ka nanunuluyan kapag nagagawi ka dito”tugon naman dito ni Nanay.“Huwag n’yo na po akong t
Maaga akong nagising para tulungan si Lola sa pagluto ng almusal. Maagang dumating ang mga magsasaka para daw kausapin ang mga bisita ni Nanay.“Manay, sisay a kaiba mong magayun na raraga?”-magsasakaNapatingin ako kay Nanay dahil sa tanong ng isang magsasaka habang nakatingin ito sa ‘akin. Tinatanong n’ya kung sino daw ang kasama ni Nanay na ‘raraga’ it means dalaga ‘magayun’ it means maganda ‘manay’ it means ate ‘sisay’ it means ‘sino’ in Bicol.Nagkatinginan kami ni Nanay. Hindi ko kasi pwedeng sabihin na anak ako ng Congressman dahil baka may tumangka sa buhay ko. Alam ‘din naman ‘yun ni Nanay kaya kaagad akong sumagot sa tanong ng magsasaka.“Ako tabi si Maria. Apo ni Nanay”pakilala ko sa aking sarili in Bicol language.‘tabi’ means ‘po’ in Bicol. Marami ang dialect dito sa Bicol, iba ang dialect ng Bato at iba ‘din sa Naga.“Manay. Diri namo isi na may apo palan ika na sobrang magayun, kisay po siyang egin?”tanong pa ng magsasaka na hindi matanggal ang tingin sa’kin kaya pinap
Tinawagan ako ng maraming beses ni kuya pero hindi sinasagot ang tawag nito. Mukhang sa pamilya namin ako na lang ang may pakialam sa Mommy ko kahit matagal na siyang wala.Kahit wala na ang ina ko, masakit parin na may ibang babae ng may mag mamay-ari ng puso ng Daddy ko. Lalo na kung hindi ko alam kong anong gusto niyang makuha sa pamilya namin.Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok mula sa pintuan.Alam kong si Nanay iyon kaya kaagad akong bumangon sa pagkakahiga at nagtungo sa pintuan para buksan iyon.Nanlaki ang mga mata ko ng isang lalaki ang mapagbuksan ko ng pintuan kaya kaagad kong isinara iyon at inilock bago pa siya nakapagsalita.Narinig ko ang muli nitong pagkatok pero hindi kuna ito pinansin. “Nakita niya kaya ang mukha ko?”tanong ko sa sarili.“Maria, ipinapaalam ko lang sayo na pumunta ng bayan si Nanay. Pinapasabi niya sayo na kumain ka daw bago matulog”rinig kong sabi ng lalaki sa labas ng nakasaradong pintuan.Narinig ko ang mga footsteps nito na papalayo sa pin