CHAPTER SIXTY-NINE"Diane!" garalgal ang kanyang boses.Malungkot ang mga mata ni Diane na tumingin sa kanya. Bumitiw siya sa pagkakayakap niya sa kanyang mga kapatid. Halatang lugmok na lugmok na si Diane sa kapighatian at sa kawalang pag-asa.Siya na ang lumapit at mahigpit niyang niyakap ito."Wala na si Mama, Gerald. Hindi ko na nagawang iligtas ang Mama ko!" iyon ang namutawi ng labi ni Diane na siya niyang ikinabigla. Sa kanyang balikat ay pinabayaan niyang humagulgol ng malakas si Diane. Ayaw niya itong patigilin sa pag-iyak. Gusto niyang ilabas ni Diane ang sakit na naiipon sa kanyang dibdib. Lumuha din siya. Daman-dama niya ang hirap na pinagdadaanan ng kanyang mahal. Alam niya kung gaano kasakit at kahirap ang mawalan ng ina. Dumaan na siya noon sa ganoong pakiramdam at naiintindihan niya ang bigat ng dala-dala ni Diane."Hindi kita pababayaan. Hindi ko kayo pababayaan, Diane. Pangako." bulong niya. Gusto niyang tumigil sa pagluha ngunit hindi niya kaya. Awang-awa siya ng so
CHAPTER SEVENTYPinigilan si Diane ng mga investigators ngunit nagpumilit siya.Wala ding magawa si Gerald kundi alalayan lang si Diane na nang una ay tahimik lang na nakamasid sa nasunog na bangkay.Gusto ni Diane na isigaw ang lahat ng sakit sa kanyang dibdib, gusto niya iluha ang bigat ng kanyang nararamdaman nang makitang sunug na sunog na ang katawan ng Mama niya. Hindi na niya nararamdaman ang pagyakap ni Gerald sa kanya. Wala siyang naririnig sa mga sinasabi nito. Ang tanging nananaig ay ang di niya maipaliwanag na pighati sa nakikita niyang ayos ng kanyang ina. Hindi na makilala ang bangkay ngunit alam niyang Mama niya iyon dahil sa yakap nitong box niya na naglalaman ng mga pictures nila, medals at certificates niya. Gawa ang box na iyon sa stainless kaya kahit nangitim ay buo pa rin. Para siyang kandilang unti-unting natutunaw.Hanggang sa huling sandali ng Mama niya, naisip pa rin nitong unahin kung anong mahalaga sa kanya. Naisip niyang kaya na-trap ang mama niya dahil tin
CHAPTER SEVENTY-ONE"Condolence tol." malungkot na sinabi iyon ni Sackey.Tumango lang siya kasabay ng malungkot niyang buntong-hininga.“Nakikiramay ako, Sis. Sorry kung pinilit kitang umalis nang gabing iyon. Sana hindi ito nagyari kung di kita sinundo. Baka nailigtas mo pa ang Mama mo.”“Nangyari na ang nangyari. Sisihin man kita o ang sarili ko, hindi na maibabalik pa nito ang buhay ng Mama ko. Salamat sa pakikiramay.”Nilapitan siya ni Sackey. Hinawakan ang kanyang kamay."Ayaw kong sabihin ito sa'yo ngayong nagdadalamhati ka pa pero hinihintay ka ng mga pulis. Gusto ka daw makausap para maisampa mo ang kaso sa nahuli nilang nanunog sa inyo. Ayon sa nakalap nilang mga ebidensiya at sa mga nasabi ng mga witness, malakas ang laban ng kaso mo kung makikipagtulungan ka lalo na at ikaw lang ang namatayan."Iyon ang hinihintay niya. Ang magsampa ng kaso sa dahilan ng pagkamatay ng kanyang mahal na ina. Hindi na siya makapaghintay pang makaharap ang hayop na gumawa no'n. Gusto niyang pa
CHAPTER SEVENTY-TWOGusto niyang lapitan si Diane, yakapin at iparamdam ang kanyang pagmamahal ngunit ayaw na niyang lalo lang itong maguluhan. Yung sampal sa kanya kanina ay simbolo na hindi sa kanya ito naniniwala. Hindi na siya pinagkakatiwalaan. Pero naiintindihan niya si Diane. Sobrang hirap na ng mga pinagdadaanan nito at lalong nag-uumigting ang galit niya sa taong gumawa ne'to sa kanila. Panalo si Ringgo ngayon ngunit hinding-hindi siya susuko. Mangingibabaw ang kabutihan sa kasamaan. Lalabas din ang katotohanan. Ang tanging ipinagpapasalamat niya ay naihanda na niya ang lahat ng dapat ayusin bago nangyari ito. Napapayag at nakausap na niya ang dapat niyang mga kausapin. Sana hindi siya mabigo. Hinding-hindi pa tapos ang laban. Para sa legacy ng pamilya niya at para kay Diane, kahit pa makulong siya ng gaano katagal, hinding-hindi siya tuluyang matatalo ni Ringgo. Bago siya pumasok sa sasakyan ng mga pulis ay nagtagpo ang mga mata ni Diane."Babalik ako, hindi ko alam kung gaa
Sa huling gabi ng burol ay magkakatabi silang magkakapatid malapit sa kabaong ng Mama nila. Walang humpay ang pag-iyak ng mga ito. Pinakamalakas ang iyak ng kanilang bunso ngunit si Diane, tahimik lang ang kanyang pagluha. Pinipilit niyang tanggapin sa sarili na wala na ang kanilang ina para makapagsimula na rin siyang iahon ang mga kapatid. Bumabalik sa kanyang alaala ang lahat ng masasayang sandali nila ng Mama niya. Alam ng Mama niya na matatag siya at patutunayan niya iyon kahit wala na ito sa piling nila. Tanging ang pangarap na lang niya ang kinakapitan niya ngayon. Hinding-hindi siya titigil hangga't hindi niya iyon makakamtan.Sa gabing iyon ay dumating si Sofia sa burol. Nagpunta ito nang wala si Diane kaya hindi sila nagkita. Kay Sackey na lang niya inihabilin ang nahanap niyang abogado na hahawak sa kaso sa Mama ni Diane.Nakita ni Diane si Sofia na nagdasal muna ng taimtim sa tabi ng nakasarang kabaong ng Mama niya bago siya nilingon saka nilapitan. Hinihiling nitong mag-u
Naramdaman ni Ringgo ang sakit ng pagkakasampal ng pera sa kanya ni Diane. Kumalat ang pera sa damuhan. Sinenyasan niya ang isa niyang tauhan para pulutin iyon. Maswerte sina Sofia at Diane, nakainom siya ng gamot niya kaya kalmado siya at kaya niyang kontrolin ang galit. Sinadya niyang pumunta doon na kalmado ang kanyang pakiramdam. Kailangan niya iyon ngayon."Sige ba, hihintayin kita sa taas. Saka na lang tayo mag-usap kung pantay na tayo ng katayuan sa buhay. Sa pelikula lang nangyayari ang nasa isip mo Diane. Gumising ka sa katotohanan, marahil magtagumpay ka sa iyong pag-aaral, puwede ring yayaman ka ngunit imposible ang sinasabi mong mapapantayan mo o kaya maagaw mo ang lahat ng meron ako. Hindi naman masamang mangarap, huwag lang masyadong mataas lalo na ang kagaya mong basura at walang-wala. Problemahin mo kaya muna ang ipapalamon mo doon sa tatlong kapatid mo. Isipin mo muna kung saan kayo titira at kung makakapag-aral ka pa ba bago ka magyabang." Pailing-iling at natatawa n
"May mga anak din ako pero kung walang sasalo sa bunso ninyo e mabuti nang may titingin-tingin sa kanya kaysa sa wala. Pero Diane, hindi ako mayaman para maibigay ang lahat sa bunso ninyo. Uunahin ko siyempre lagi ang mga anak ko." Sa sinabing iyon ng Tito niya ay alam niyang walang kasiguraduhan na maalagaan ng maayos ang kapatid niya."Ate, papayag kang maghiwa-hiwalay tayo? Ate akala ko ba habang nandiyan ka, buo pa rin tayo. Ate, please? Huwag mo kaming ipamigay sa mga kamag-anak natin? Please?" nakikiusap si Marian kay Diane. Halos lumuhod na ito at puno ng luha ang kanyang mukha."Hahanap muna ng trabaho si Ate ha?" Huminga siya nang malalim. Hindi siya luluha. Kahit pa gaano kasakit ang lahat habang nagpapaliwanag siya, hindi siya dapat iiyak. " Kapag may trabaho na ako, hahanap ako agad ng marerentahan nating kuwarto. Susunduin ko kayo. Ngayon lang ito, Marian. Sandaling-sandali lang 'to." Basag na ang kanyang boses. Kahit walang luha ay alam ng lahat ang bigat na kanyang nara
Ilang Linggo nang nakakulong si Gerald. Daman-dama na niya ang hirap ng kalagayan niya sa loob. Bukod kina Sackey, Sofia, Daddy niya at si Brtney na dumaan muna bago tumulak papungtang ibang bansa ay may isang tao siyang gusto sana niyang makausap. Ngunit sa pagdaan ng mga araw, nawawalan na siya ng pag-asang dadalawin pa siya ni Diane sa kulungan. Ngunit kahit sa gitna ng lungkot at hirap niya sa loob ay nagagawa pa rin niyang ngumiti dahil sigurado siyang nasa mabuting kalagayan na si Diane at ang mga kapatid nito. Iyon lang naman ang gusto niyang mangyari hangga't hindi pa nalilinawan ang kanyang kaso.Hindi bailable ang arson kaya nanatili siyang nakakulong. Naalala niya ang naging pag-uusap nila ng Daddy niya nang nakaraang araw. Doon siya ngayon humuhugot ng katiting na pag-asa."Anak, magtiis ka na muna. Kailangan nating maghintay na mamatay na muna ang isyu bago tayo makagawa ng paraan para mailabas ka dito. Mainit pa sa midya ang kaso mo pero pagdaan ng ilang buwan o kung mam