Share

CHAPTER 6: LOST HIS MEMORY

Author: febbyflame
last update Last Updated: 2025-03-26 09:26:42

Nanatiling tahimik si Carol, ramdam ang bigat ng bawat salita ni Tita Margaret. Parang unti-unting bumagsak ang mundo niya sa mga narinig. Hindi siya makapaniwala—hindi niya alam kung alin ang totoo at alin ang kasinungalingan. Pero isang bagay ang sigurado niya— hindi niya kayang ipagsapalaran ang sarili niya, lalo na kung totoo ngang nagamit lang siya ni Damien.

Dahan-dahan siyang tumayo, hindi inaalis ang tingin kay Tita Margaret.

“Kung aalis ako,” mahina niyang sabi, “Anong kasiguraduhan kong hindi mo na ako hahanapin pa at hindi mo sasaktan si Damien?”

Isang mapanuring tingin ang isinukli ng ginang bago ito ngumiti. “Kung aalis ka, wala na akong rason para sirain pa ang buhay mo o ni Damien. Ang mahalaga lang sa akin ay mawala ka sa kaniya.”

Napakuyom ng kamao si Carol. Alam niyang hindi dapat siya basta-basta magpapadala, pero hindi niya kayang isugal ang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya kayang ipilit ang sarili sa isang taong maaaring may itinatagong lihim.

“May isa akong salita, Carol. Follow my order, and I’ll do what I say.”

Halos hindi makagalaw si Carol. Para siyang ikinulong sa isang sulok—isang madilim at malupit na pagpipilian. Umalis at layuan si Damien para tuluyan nang matapos ang lahat ng kaguluhan… o manatili at harapin ang posibilidad na ginagamit lang siya ng lalaking nagsisimula na niyang mahalin.

Muling lumapit si Tita Margaret sa kaniya, bumubulong na parang isang ahas na dumudulas sa kaniyang tenga.

“Piliin mo ang mas ligtas na daan, Carol,” anito. “Ako lang ang makakatulong sa’yo para makaalis nang maayos.”

Napalunok siya. Tumakbo ang tingin niya sa paligid, hinahanap ang kahit anong palatandaan na hindi niya kailangang gawin ito. Ngunit sa kabila ng pangangatwiran niya sa sarili, may bahagi ng puso niya ang nagsasabing totoo ang mga sinabi ng ginang.

Naaalala niya ang lahat ng ginawa ni Damien—kung paanong biglaan ang pagbawi nito sa kaniya, kung paano ito naging possessive, at kung paanong hindi ito nakapagpaliwanag ng maayos tungkol sa nangyari sa nakaraan nila.

Dahan-dahang pumikit si Carol. Alam niyang masasaktan si Damien, pero mas matimbang ang pangamba niya na baka totoo nga ang sinabi ng ina nito.

Pagdilat niya, mariin niyang tinapunan ng tingin si Tita Margaret.

“Ano ang kailangan kong gawin?” mahina ngunit matatag niyang tanong.

Ngumiti ang ginang, halatang nasisiyahan sa naging desisyon niya. “Good girl,” anito. “Sundin mo lang ang mga sasabihin ko, at bago pa makauwi si Damien, wala ka na rito.”

Ilang Oras ang Lumipas

Sa loob ng kwarto niya, dahan-dahang inilagay ni Carol ang kaniyang mga gamit sa maleta. Ilang beses niyang sinubukan tanungin ang sarili kung tama ba ang ginagawa niya. Pero sa huli, bumabalik siya sa sinabi ni Tita Margaret—na nagamit lang siya.

Hindi niya naisip na magiging ganito kabilis ang lahat. Na ilang araw pa lang silang magkasama ni Damien, pero ganito na ang sakit ng paglisan niya.

Tumigil siya sandali, hinawakan ang kaniyang tiyan. Kung totoo man ang sinabi ni Tita Margaret… kung nagdalang-tao nga siya… mas lalong hindi niya alam ang gagawin.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Kailangan niyang umalis.

Nang bumaba siya sa sala, naghihintay na ang isang itim na sasakyan sa labas. Sa tabi nito, nakatayo si Vincent.

Nang makita siya nito, sumalubong ang gulat sa mga mata ng lalaki. “Carol… anong ginagawa mo?”

Hindi siya sumagot. Pero nang makita niya ang maleta, nagdilim ang ekspresyon ni Vincent.

“Huwag mong sabihing—”

“Tama ang iniisip mo,” mahina niyang sabi. “Aalis na ako.”

“Carol, hindi mo kailangang gawin 'to—”

“Ito lang ang paraan para matapos ang lahat, Vincent.” Pinigilan niya ang sarili na umiyak. “Kung tama ang sinabi mo, kung totoong ginamit lang ako ni Damien para sa isang tagapagmana… ayoko nang maghintay pa ng kasinungalingan. Hindi ko kayang masaktan pa.”

“Pero paano kung hindi totoo ‘yon?”

Natigilan si Carol.

“Alam kong hindi mabuti si Madam Margaret,” dagdag pa ni Vincent. “Pero paano kung pinapaniwala ka lang niya para umalis?”

Nag-alangan siya. Pero sa huli, iniling niya ang ulo. “Mas mabuti na ‘to.”

Napamura si Vincent at mariing tinapakan ang sahig, pero hindi na siya nakipagtalo pa.

“Hahatid kita,” anito, nagbuntong-hininga. “Pero tandaan mo 'to, Carol… Kung sakaling magsisisi ka, kung sakaling malaman mong mali ang naging desisyon mo—”

Tumingin siya kay Vincent, at doon lang bumagsak ang unang luha sa kaniyang pisngi.

“Huli na ang lahat, Vincent,” bulong niya. “Pumayag na ako.”

Makalipas ang isang oras, mabilis na lumabas si Carol sa likod ng mansyon, suot ang isang itim na trench coat at may sumbrero upang maitago ang kaniyang mukha. Kasama niya ang isa sa mga tauhan ni Tita Margaret, na nag-abot sa kaniya ng isang maliit na bag.

“Nandiyan ang pera, bagong ID, at lahat ng kailangan mo para makaalis ng bansa,” sabi nito.

Mabilis niyang tinanggap iyon, ngunit bago siya sumakay sa itim na van, saglit siyang lumingon sa bahay—ang bahay na naging tahanan niya sa loob ng maikling panahon kasama si Damien.

Para bang may bumigat sa kaniyang dibdib. Tama ba talaga ang ginagawa niya? O isa itong pagkakamali?

Napapikit siya sandali bago tuluyang sumakay sa sasakyan.

Sa oras na bumalik si Damien, wala na siya.

At ang iniwang liham sa kama nila ay isang matalim na paalam:

“Patawad, Damien. Pero hindi ako pwedeng manatili sa isang kasinungalingan.”

— At Damien’s Office

Sa pagbukas ng pinto ng opisina, mabilis na pumasok si Damien, kasunod ang ilang tauhan niya. Sira ang mga gamit, nagkalat ang papel, at ang malaking salamin sa dingding ay basag.

Mariin niyang sinuri ang mesa niya, at doon niya nakita ang isang sulat—isang babala mula kay Franco.

“Nice office. Sayang kung may mas masahol pang mangyari dito.”

Napakuyom siya ng kamao. Alam niyang babalik si Franco, pero hindi niya inasahan na sa ganitong paraan.

“Sir, na-secure na namin ang gusali. Walang ibang nakapasok,” ulat ng isa sa kaniyang security personnel.

“Hahanapin ko si Franco,” malamig niyang tugon. “Ayusin ang pinsala at siguraduhing walang makakapasok na hindi awtorisado.”

“Noted, Sir.”

Kinuha ni Damien ang sulat at mabilis na lumabas. Kailangan niyang malaman kung ano ang balak ni Franco. Pero mas higit doon, kailangan niyang makita si Carol.

Napansin niya ang ilang hindi nasagot na tawag mula sa bahay. Napakunot ang noo niya bago mabilis na sumakay sa sasakyan.

“Sa bahay,” utos niya sa driver.

Habang bumibiyahe, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Ang nangyari sa opisina, ang babala ni Franco—lahat ng ito ay sabay-sabay na bumagsak sa kaniya. Pero higit sa lahat, ang iniisip niya ay si Carol.

Nang makarating siya sa mansyon, nagmamadali siyang bumaba at sinalubong siya ng isa sa mga kasambahay.

“Sir… si Ma’am Carol…” nanginginig ang boses nito.

Napahinto siya. “Ano’ng nangyari kay Carol?”

Hindi na sumagot ang kasambahay at itinuro lang ang hagdanan papunta sa kwarto nila.

Mabilis siyang pumasok—at agad na napako ang tingin niya sa kama.

Wala si Carol.

Pero nandoon ang isang liham.

Dahan-dahan niyang kinuha iyon at binasa.

“Patawad, Damien. Pero hindi ako pwedeng manatili sa isang kasinungalingan.”

Nanigas siya.

Hindi.

Mabilis niyang tinawagan si Carol, pero wala na ang number nito. Konektado pa rin ito sa mga tauhan niya, pero sa ngayon, wala siyang ideya kung saan ito nagpunta.

Huminga siya nang malalim, ngunit hindi niya maialis ang matinding sakit at galit na bumalot sa kaniya.

Umalis si Carol.

At ang mas masakit—hindi niya alam kung babalik pa ito.

Mariing isinara ni Damien ang kamao niya.

“Sir… may nakita rin po kami sa CCTV,” sabi ng isa sa mga tauhan niya, lumapit ito at iniabot ang isang tablet.

Pagtingin niya sa screen, bumagsak ang mundo niya.

Si Carol… kasama ang Mommy niya.

Si Carol ay kusang umalis—at ang ina niya ang tumulong dito.

Nanigas siya sa kinatatayuan.

“Si Mommy… ang dahilan ng lahat ng ‘to.”

Sa puntong iyon, isang bagay lang ang alam ni Damien.

Hindi niya hahayaang matapos ito nang ganito.

“I will fvcking find her, no matter what it cost.”

Habang mabilis na binabagtas ng sasakyan ni Damien ang kalsada patungo sa bahay ng kaniyang ina, hindi niya mapigilan ang galit at panlulumo. Paulit-ulit niyang iniisip ang mukha ni Carol, ang sulat na iniwan nito, at ang imahe ng kaniyang ina na kasama ito.

“Bakit ka sumama sa kaniya, Carol?”

Mariin niyang kinuyom ang kamao, ang panga niya’y mahigpit na nakakuyom. Hindi siya papayag. Hindi siya susuko.

Ngunit bago pa siya tuluyang makapag-isip ng plano, isang malakas na busina ang pumuno sa paligid.

BWAAAAAAAAAM!

Napalingon siya sa kaliwa—isang malaking delivery truck ang mabilis na papalapit sa sasakyan niya!

“Sh*t!” sigaw ng driver, mabilis na ikinabig ang manibela, pero huli na ang lahat.

BRAAAAAAGGGGG!

Isang napakalakas na banggaan ang gumulantang sa buong lansangan. Tumilapon ang sasakyan ni Damien, umikot ito nang ilang beses sa ere bago bumagsak sa kalsada. Tumalsik ang salamin, nagkalat ang debris, at ang tunog ng mga sumisigaw na tao ay nagsimulang pumuno sa paligid.

Sa loob ng sirang sasakyan, duguan si Damien. Malabo ang kaniyang paningin, at ramdam niya ang matinding sakit sa katawan.

Napahawak siya sa ulo niya, pilit na binubuksan ang kaniyang mga mata.

Sa malayo, naririnig niya ang tinig ng mga tao.

“Diyos ko! Tawagin n’yo ang ambulansya!”

“May tao pa sa loob! Bilisan n’yo!”

Gusto niyang gumalaw, pero nanlalambot ang katawan niya. Nagdidilim ang kaniyang paningin, at ang huling pumasok sa isip niya bago tuluyang mawalan ng malay ay ang isang pangalan.

“Carol…”

At tuluyan na nagdilim ang paningin niya.

Malakas ang patak ng ulan nang dumating ang ambulansya sa lugar ng aksidente. Agad nilang hinila palabas si Damien mula sa wasak na sasakyan. Duguan ang kaniyang noo, may mga sugat sa braso, at hindi siya gumagalaw.

“Pulse rate is weak! Kailangan nating madala siya agad sa ospital!” sigaw ng isang paramedic.

Sa gitna ng kaguluhan, hindi napansin ng sinuman ang isang lalaking nakatayo sa malayo, nakasilong sa isang itim na sasakyan. Tahimik itong nagmamasid sa eksena, may hawak na cellphone.

“Mission accomplished. Bumangga na siya.” malamig na sabi nito bago pinatay ang tawag.

Malakas ang tunog ng sirena ng ambulansya habang mabilis itong bumabaybay patungo sa ospital. Sa loob, nakahiga si Damien sa stretcher, duguan, may mga sugat sa noo at braso, at hirap huminga. Konektado siya sa isang oxygen mask, at ang kaniyang pulso ay mahina.

“Critical ang pasyente! Kailangan nating makarating agad!” sigaw ng isang paramedic habang sinusuri ang kaniyang vital signs.

Nang makarating sila sa ospital, agad siyang isinugod sa emergency room. Sinundan siya ng mga doktor at nars, mabilis na kumikilos upang mailigtas siya.

“Severe trauma sa ulo at dibdib! Internal bleeding possible—dalhin siya sa operating room, bilis!”

Dalawang linggo ang nakalipas, nang bumukas ang mga mata ni Damien. Ang liwanag mula sa bintana ay tumatama sa kaniyang mukha, dahilan upang mapapikit siya saglit bago muling subukang dumilat.

Naririnig niya ang mahihinang tunog ng mga makina, ang patuloy na pag-beep ng heart monitor, at ang mabining bulong ng isang pamilyar na tinig.

“Damien… Gising ka na,” malumanay ngunit punong-puno ng emosyon na boses ng isang babae.

Unti-unting nag-focus ang kaniyang paningin, at sa unang pagkakataon, nakita niya ang mukha ng isang babae na nakaupo sa tabi niya.

Ngumiti ito, ngunit halata ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata. “Salamat sa Diyos, nagising ka rin…”

Bago pa makapagsalita si Damien, napansin niyang may isa pang presensya sa silid.

Ang kaniyang ina ay nakatayo malapit sa dulo ng kama, nakatitig sa kaniya na may bahagyang ngiti ngunit may kakaibang lamig sa mga mata.

“Anak… Sa wakas,” mahina ngunit matigas na sabi nito. “Nag-aalala kami sa'yo.”

Naguguluhan si Damien. Pakiramdam niya ay may kung anong bumabara sa kaniyang isipan.

“Ako ba… Nasaan ako?” garalgal niyang tanong.

Hinawakan ni Jeannie ang kamay niya, mariing pinisil iyon. “Nasa ospital ka. Naaksidente ka, Damien. Dalawang linggo kang walang malay… Akala namin—” Naputol ang boses nito, halatang pinipigilan ang emosyon.

Napakurap si Damien. Dalawang linggo?

Sinubukan niyang alalahanin kung ano ang nangyari bago ang aksidente, ngunit sa halip na malinaw na imahe, puro blangkong espasyo ang bumungad sa kaniyang isipan.

Umiling siya, pilit kinakapa ang anumang alaala, ngunit wala.

“I can't… I can't remember, Mom…” mahina niyang sabi.

Nagpalitan ng tingin si Jeannie at Madam Margaret. Umaayon sa Ginang lahat ng nangyayari.

“That's okay, anak,” sagot ng Mommy niya, lumapit ito sa kama niya at hinaplos ang noo niya. “Huwag mong pilitin ang sarili mo. Ang mahalaga, ligtas ka na.”

Muling binalingan niya dalaga. “Ikaw… Sino ka?”

Bahagyang nanlaki ang mata nito, ngunit agad din itong ngumiti.

“You didn’t know her, son?” tanong ng Mommy niya.

“I'm your wife, Damien. I’m Jeannie.”

Parang biglang huminto ang mundo ni Damien.

“J–Jeannie…”

Tila hindi pamilyar sa isip ni Damien ang pangalan nito.

Hinawakan ni Jeannie ang kamay niya, mas mahigpit ngayon. “Ako ang asawa mo. Magkasama na tayo for a long time. Mahal na mahal kita, Damien…”

Mas lalong naguluhan si Damien. Pilit niyang iniisip kung totoo ang sinasabi nito, ngunit walang kahit anong alaala ang bumabalik sa kaniya.

Kung gano’n… Bakit parang may kulang?

Bakit parang may ibang taong dapat niyang maalala?

At bakit, sa kabila ng lahat, pakiramdam niya ay may isang napakahalagang bagay ang nawala sa kaniya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 7: NEW IDENTITY LOVERS

    FIVE YEAR LATERSa isang eleganteng fashion studio sa Paris, France, nakatayo si Carol sa harap ng isang malaking salamin habang inaayos ang isang haute couture gown na gawa niya mismo. Suot niya ang isang sleek na itim na dress, na nagpapakita ng kanyang pagiging isang ganap na fashion designer.“Madame Carol, the client is here,” wika ng kanyang assistant na si Sophie.Ngumiti si Carol at tumango. “Merci, Sophie. I’ll be right there.”Lumipas ang limang taon mula nang lisanin niya ang buhay niya sa Pilipinas—mula nang piliin niyang umalis at magsimula ng panibagong buhay. Matapos ang lahat ng sakit, panlilinlang, at pagsubok na pinagdaanan niya, itinayo niya ang sarili niyang fashion brand sa France. Ngayon, isa na siyang kilalang pangalan sa industriya, at ang kanyang mga disenyo ay suot ng mga pinakamalalaking pangalan sa mundo.Sa kabila ng lahat ng tagumpay, may mga gabing tahimik niyang iniisip ang nakaraan—si Damien, ang lahat ng nangyari sa kanila, at ang pagkawala nito sa bu

    Last Updated : 2025-03-26
  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 8: THE REASON WHY

    Pagkauwi ni Carol sa kanyang tinutuluyang apartment sa Italy, halos hindi siya mapakali. Pilit niyang hinubad ang kanyang gown at nagpalit ng simpleng silk robe, pero kahit anong gawin niya, hindi niya mapawi ang bigat na bumabalot sa kanyang dibdib.Nagkita sila ni Damien—ang lalaking minsan niyang minahal, ang ama ng kanyang anak—ngunit parang hindi na siya nito kilala. Wala man lang bahid ng pagkilala sa mga mata nito, ni isang emosyon na maaaring magtali sa kanilang nakaraan. Paano ito nangyari? Paano niya nagawang kalimutan siya?Lumapit siya sa kanyang dresser at kinuha ang isang lumang larawan. Isang litrato nila ni Damien, kuha noong masaya pa sila. Dahan-dahan niyang hinaplos ang imahe ng lalaking minahal niya, pero bago pa man siya tuluyang lamunin ng damdamin, napapikit siya at marahas na binalik ang larawan sa drawer.Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang kumatok ang nanny ni Dustin sa kanyang kwarto. "Madame, gising pa po si Dustin. Gusto ka niyang makausap."Mabilis

    Last Updated : 2025-04-03
  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 9: ONCE CLOSE?

    Nag-angat si Carol ng kilay. Ang sakit na matagal na niyang itinago ay nagsimula muling magbalik."Damien, I’m busy," mahinang sagot ni Carol. Ngunit kahit ganun, ang mga salitang iyon ay may kabuntot na isang hindi malirip na sakit."I know, but this is important," wika ni Damien. "It’s about the wedding. We need to finalize some details."Carol naisip niyang huminga muna ng malalim. "Damien, I think you’ve made your decision. It’s clear. The wedding is your priority, and that’s fine. We work on that, unless hindi ka makapaghintay?""That's not it," sagot ni Damien, pero may pagka-irita sa boses nito. "I just… I need your help with the wedding design, that’s all. It’s strictly professional."Professional? Para bang na-slap si Carol sa mga salitang iyon. Ang lahat ng alaala nilang dalawa, pati ang kanilang anak, ay tila naging isang distant memory para kay Damien. Hindi ba siya nararapat na mapansin, o kahit maaalala man lang?“I’m sorry, Damien,” sagot ni Carol, ang kanyang boses ay

    Last Updated : 2025-04-03
  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 10: WELCOME BACK TO THE PHILIPPINES!

    Habang nakaupo si Carol sa kanyang opisina, tinitigan niya ang invitation na nasa kanyang lamesa. Hindi niya akalaing may pagkakataon pang bumalik siya sa Pilipinas, lalo na matapos ang lahat ng nangyari. Malalim siyang huminga bago tumayo at tinungo ang kwarto ng kanyang anak.Sa loob ng kwarto, nadatnan niya si Dustin na nakaupo sa sahig, abala sa pagpipinta ng isang larawan gamit ang kanyang watercolor set. Isang bagay na minana nito sa kanya—ang hilig sa sining."Hey, bud," bati ni Carol habang umupo sa tabi ng anak. "Ano 'yang ginagawa mo?"Ngumiti si Dustin habang ipinakita ang kanyang likha. "It’s a sunset, Mommy. Kasi sabi mo, sunsets in the Philippines are really beautiful. Totoo ba ‘yun?"Napangiti si Carol, kahit may kirot sa kanyang puso. "Oo, anak. Totoo ‘yun. Mas maganda pa nga sa personal."Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago inilagay ni Carol ang imbitasyon sa harap ni Dustin. "Anak, may gusto akong itanong sa'yo. May natanggap akong imbitasyon mula sa P

    Last Updated : 2025-04-03
  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 11: HE MET OUR SON

    Dumating ang gabi ng event sa Pilipinas—isang engrandeng fashion gala na ginanap sa isang kilalang hotel sa Makati. Habang nasa loob ng kanyang suite, abala si Carol sa paghahanda. Suot niya ang isang eleganteng gown na siya mismo ang nagdisenyo—isang simpleng puting damit na may makabagong twist at malinis na linya. Isang simbolo ng kanyang pagbabalik at bagong simula."Mommy, you look like a queen," sabi ni Dustin habang nakatingala sa kanya, suot ang maliit na tuxedo na bagay na bagay sa kanya.Napatawa si Carol at hinalikan ang noo ng anak. "Thank you, anak. I think I needed that confidence boost."Pagdating nila sa venue, sinalubong agad sila ng mga organizer. Ramdam ni Carol ang excitement at tensyon habang papasok sa main hall na puno ng mga kilalang personalidad, press, at fashion enthusiasts. Ang mga ilaw, camera, at musika ay nagbigay ng kakaibang enerhiya."Miss Caroline Dela Vega, we’ve been waiting for you," bati ng host na si Liza Montes, isang kilalang fashion editor. "

    Last Updated : 2025-04-06
  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 12: DAMIEN’S WIFE

    "Ah, yes. M–Meron nga."Tahimik."Where’s his father?" tanong ni Damien.Hindi agad nakasagot si Carol. Sandaling katahimikan. "Nasa barko. Seaman kasi ang asawa ko," sagot niya, pilit ang ngiti—isang kasinungalingang sinubukang ikubli ang katotohanan.Kaagad naman na napatingin si Damien sa daliri ni Carol, at nakita niyang may suot nga itong singsing. Nagkatitigan silang muli. Ang daming salita ang tila hindi nila masabi sa isa’t-isa.Mabuti na lang din at naisipan ni Carol na magsuot ng singsing pang taboy sa mga lalaking gustong umaligid sa kaniya.Tahimik pa ring nakatayo si Carol sa harap ni Damien, tila ba ang oras ay pansamantalang tumigil. Ngunit bago pa man siya muling makapagsalita, isang pamilyar na tinig ang bumasag sa katahimikan.“Carol? Ikaw nga ba ‘yan?” tawag ng isang lalaki mula sa likuran.Paglingon ni Carol, nakita niya si Loey, ang matalik niyang kaibigan mula pa noong nagsisimula pa lang siya sa industriya. Suot nito ang isang classic black suit, at may hawak na

    Last Updated : 2025-04-06
  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 1: MISTAKE

    Dumadagundong ang kaba sa dibdib ni Carol habang nakatayo siya sa harap ng pintuan ng isang mamahaling condo unit. Dalawang taon. Dalawang taong kasal siya sa isang lalaking hindi pa niya nakikita nang personal. Mga litrato lang mula sa kanilang arranged marriage ang nagbigay sa kanya ng ideya kung ano ang itsura nito—bata pa sa larawan, inosente ang ngiti, at tila walang bahid ng kasamaan. Ngunit ngayon, sa unang pagkakataon, makikilala na niya ito.Sa kanyang pagkakataranta, hindi niya napansin ang lalaking nakamasid sa kanya. Matangkad ito, nakasuot ng mamahaling coat, at may malamig na titig.“Magkano ang usapang ibabayad sa ‘yo?” malamig na tanong nito.Napalingon siya, “Ha?” naguguluhan niyang tugon.Bago pa siya makasagot, marahas siyang hinawakan ng lalaki sa braso at hinila papasok sa isang unit. “Wag ka nang magkunwari. Alam kong ikaw ang pina-book para sa plano ko.”“Sandali! Ano ba—” Naputol ang kanyang salita nang marahas siyang itulak papasok sa loob.Amoy alak at usok a

    Last Updated : 2025-02-10
  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 2: ANNULMENT

    Pagpasok ni Damien sa kanyang kwarto, napahinto siya. Wala na ang babae. Napatingin siya sa kama— magulo pa rin ang bedsheet, pero wala na ang init ng katawan ng babaeng kasama niya kagabi. Napamura siya, napahawak sa sentido. Saan siya nagpunta? Kinuha niya ang cellphone sa bedside table at mabilis na tinawagan ang isa sa kanyang mga tauhan. Pagkarinig pa lang ng sagot sa kabilang linya, agad siyang nag-utos. “Hanapin niyo siya. Ngayon din” May bahagyang pag-aalangan sa sagot ng tauhan niya, pero matigas ang boses niya nang ulitin ang utos. “Alamin niyo kung sino siya at saan siya nakatira. Dapat bago matapos ang araw, may sagot na kayo sa akin.” Pagkababa ng tawag, napaupo si Damien sa gilid ng kama, napapikit habang hinahaplos ang sentido. Malabo pa sa kanya ang mga nangyari kagabi—naalimpungatan siya, lasing, at wala sa tamang pag-iisip. Pero isang bagay ang malinaw sa kanya: Ang babaeng iyon… iba siya. At kung sino man siya, hindi siya makakatakas sa akin nang b

    Last Updated : 2025-02-11

Latest chapter

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 12: DAMIEN’S WIFE

    "Ah, yes. M–Meron nga."Tahimik."Where’s his father?" tanong ni Damien.Hindi agad nakasagot si Carol. Sandaling katahimikan. "Nasa barko. Seaman kasi ang asawa ko," sagot niya, pilit ang ngiti—isang kasinungalingang sinubukang ikubli ang katotohanan.Kaagad naman na napatingin si Damien sa daliri ni Carol, at nakita niyang may suot nga itong singsing. Nagkatitigan silang muli. Ang daming salita ang tila hindi nila masabi sa isa’t-isa.Mabuti na lang din at naisipan ni Carol na magsuot ng singsing pang taboy sa mga lalaking gustong umaligid sa kaniya.Tahimik pa ring nakatayo si Carol sa harap ni Damien, tila ba ang oras ay pansamantalang tumigil. Ngunit bago pa man siya muling makapagsalita, isang pamilyar na tinig ang bumasag sa katahimikan.“Carol? Ikaw nga ba ‘yan?” tawag ng isang lalaki mula sa likuran.Paglingon ni Carol, nakita niya si Loey, ang matalik niyang kaibigan mula pa noong nagsisimula pa lang siya sa industriya. Suot nito ang isang classic black suit, at may hawak na

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 11: HE MET OUR SON

    Dumating ang gabi ng event sa Pilipinas—isang engrandeng fashion gala na ginanap sa isang kilalang hotel sa Makati. Habang nasa loob ng kanyang suite, abala si Carol sa paghahanda. Suot niya ang isang eleganteng gown na siya mismo ang nagdisenyo—isang simpleng puting damit na may makabagong twist at malinis na linya. Isang simbolo ng kanyang pagbabalik at bagong simula."Mommy, you look like a queen," sabi ni Dustin habang nakatingala sa kanya, suot ang maliit na tuxedo na bagay na bagay sa kanya.Napatawa si Carol at hinalikan ang noo ng anak. "Thank you, anak. I think I needed that confidence boost."Pagdating nila sa venue, sinalubong agad sila ng mga organizer. Ramdam ni Carol ang excitement at tensyon habang papasok sa main hall na puno ng mga kilalang personalidad, press, at fashion enthusiasts. Ang mga ilaw, camera, at musika ay nagbigay ng kakaibang enerhiya."Miss Caroline Dela Vega, we’ve been waiting for you," bati ng host na si Liza Montes, isang kilalang fashion editor. "

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 10: WELCOME BACK TO THE PHILIPPINES!

    Habang nakaupo si Carol sa kanyang opisina, tinitigan niya ang invitation na nasa kanyang lamesa. Hindi niya akalaing may pagkakataon pang bumalik siya sa Pilipinas, lalo na matapos ang lahat ng nangyari. Malalim siyang huminga bago tumayo at tinungo ang kwarto ng kanyang anak.Sa loob ng kwarto, nadatnan niya si Dustin na nakaupo sa sahig, abala sa pagpipinta ng isang larawan gamit ang kanyang watercolor set. Isang bagay na minana nito sa kanya—ang hilig sa sining."Hey, bud," bati ni Carol habang umupo sa tabi ng anak. "Ano 'yang ginagawa mo?"Ngumiti si Dustin habang ipinakita ang kanyang likha. "It’s a sunset, Mommy. Kasi sabi mo, sunsets in the Philippines are really beautiful. Totoo ba ‘yun?"Napangiti si Carol, kahit may kirot sa kanyang puso. "Oo, anak. Totoo ‘yun. Mas maganda pa nga sa personal."Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago inilagay ni Carol ang imbitasyon sa harap ni Dustin. "Anak, may gusto akong itanong sa'yo. May natanggap akong imbitasyon mula sa P

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 9: ONCE CLOSE?

    Nag-angat si Carol ng kilay. Ang sakit na matagal na niyang itinago ay nagsimula muling magbalik."Damien, I’m busy," mahinang sagot ni Carol. Ngunit kahit ganun, ang mga salitang iyon ay may kabuntot na isang hindi malirip na sakit."I know, but this is important," wika ni Damien. "It’s about the wedding. We need to finalize some details."Carol naisip niyang huminga muna ng malalim. "Damien, I think you’ve made your decision. It’s clear. The wedding is your priority, and that’s fine. We work on that, unless hindi ka makapaghintay?""That's not it," sagot ni Damien, pero may pagka-irita sa boses nito. "I just… I need your help with the wedding design, that’s all. It’s strictly professional."Professional? Para bang na-slap si Carol sa mga salitang iyon. Ang lahat ng alaala nilang dalawa, pati ang kanilang anak, ay tila naging isang distant memory para kay Damien. Hindi ba siya nararapat na mapansin, o kahit maaalala man lang?“I’m sorry, Damien,” sagot ni Carol, ang kanyang boses ay

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 8: THE REASON WHY

    Pagkauwi ni Carol sa kanyang tinutuluyang apartment sa Italy, halos hindi siya mapakali. Pilit niyang hinubad ang kanyang gown at nagpalit ng simpleng silk robe, pero kahit anong gawin niya, hindi niya mapawi ang bigat na bumabalot sa kanyang dibdib.Nagkita sila ni Damien—ang lalaking minsan niyang minahal, ang ama ng kanyang anak—ngunit parang hindi na siya nito kilala. Wala man lang bahid ng pagkilala sa mga mata nito, ni isang emosyon na maaaring magtali sa kanilang nakaraan. Paano ito nangyari? Paano niya nagawang kalimutan siya?Lumapit siya sa kanyang dresser at kinuha ang isang lumang larawan. Isang litrato nila ni Damien, kuha noong masaya pa sila. Dahan-dahan niyang hinaplos ang imahe ng lalaking minahal niya, pero bago pa man siya tuluyang lamunin ng damdamin, napapikit siya at marahas na binalik ang larawan sa drawer.Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang kumatok ang nanny ni Dustin sa kanyang kwarto. "Madame, gising pa po si Dustin. Gusto ka niyang makausap."Mabilis

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 7: NEW IDENTITY LOVERS

    FIVE YEAR LATERSa isang eleganteng fashion studio sa Paris, France, nakatayo si Carol sa harap ng isang malaking salamin habang inaayos ang isang haute couture gown na gawa niya mismo. Suot niya ang isang sleek na itim na dress, na nagpapakita ng kanyang pagiging isang ganap na fashion designer.“Madame Carol, the client is here,” wika ng kanyang assistant na si Sophie.Ngumiti si Carol at tumango. “Merci, Sophie. I’ll be right there.”Lumipas ang limang taon mula nang lisanin niya ang buhay niya sa Pilipinas—mula nang piliin niyang umalis at magsimula ng panibagong buhay. Matapos ang lahat ng sakit, panlilinlang, at pagsubok na pinagdaanan niya, itinayo niya ang sarili niyang fashion brand sa France. Ngayon, isa na siyang kilalang pangalan sa industriya, at ang kanyang mga disenyo ay suot ng mga pinakamalalaking pangalan sa mundo.Sa kabila ng lahat ng tagumpay, may mga gabing tahimik niyang iniisip ang nakaraan—si Damien, ang lahat ng nangyari sa kanila, at ang pagkawala nito sa bu

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 6: LOST HIS MEMORY

    Nanatiling tahimik si Carol, ramdam ang bigat ng bawat salita ni Tita Margaret. Parang unti-unting bumagsak ang mundo niya sa mga narinig. Hindi siya makapaniwala—hindi niya alam kung alin ang totoo at alin ang kasinungalingan. Pero isang bagay ang sigurado niya— hindi niya kayang ipagsapalaran ang sarili niya, lalo na kung totoo ngang nagamit lang siya ni Damien.Dahan-dahan siyang tumayo, hindi inaalis ang tingin kay Tita Margaret.“Kung aalis ako,” mahina niyang sabi, “Anong kasiguraduhan kong hindi mo na ako hahanapin pa at hindi mo sasaktan si Damien?”Isang mapanuring tingin ang isinukli ng ginang bago ito ngumiti. “Kung aalis ka, wala na akong rason para sirain pa ang buhay mo o ni Damien. Ang mahalaga lang sa akin ay mawala ka sa kaniya.”Napakuyom ng kamao si Carol. Alam niyang hindi dapat siya basta-basta magpapadala, pero hindi niya kayang isugal ang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya kayang ipilit ang sarili sa isang taong maaaring may itinatagong lihim.“May isa akong s

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 5: DISRUPTION

    Nanigas si Carol sa sinabi ni Vincent. Si Tita Margaret? Ang ina ni Damien?Agad siyang napatingin kay Damien, at sa unang pagkakataon, nakita niyang nawala ang maskara ng pagiging kalmado nito. Matalim ang tingin ng lalaki, ngunit sa ilalim ng galit ay may bahid ng pagtataka.“Siguraduhin mong alam mo ang sinasabi mo, Vincent.” malamig na sabi ni Damien.Napailing si Vincent. “Wala akong dahilan para magsinungaling. Sinabi ko na sa inyo, hindi ko ginusto 'to. Pero kung gusto mong malaman ang lahat, makabubuting kausapin mo ang sarili mong ina, Damien.”Muling nagdilim ang ekspresyon ni Damien. Tumayo ito, halatang hindi makapaniwala.“Impossible! Walang dahilan si Mommy para gawin ‘to!” “Tsk. Talaga?” Tumawa si Vincent, pero halatang walang saya. “Dahil sa kaniya kaya ako napilitang dalhin si Carol sa unit mo. Binalaan niya ako. Sinabi niyang may mas delikadong mangyayari kung hindi ko susundin ang gusto niya.”Napalunok si Carol. “Pero… Bakit? Ano ang gusto niyang mangyari?”Tumah

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 4: DAMIEN’S MOTHER

    Napakurap si Carol. Ang pamilya ko? Hindi siya makapaniwala. Bakit sila? “Wala silang dahilan para gawin ‘to,” mariin niyang sagot. “Kung gusto nilang mapawalang-bisa ang kasal natin, bakit hindi nila sinabi sa’kin?” Tumawa nang mapakla si Damien. “At sa tingin mo, sasabihin nila? Alam mo bang ilang beses silang nakipag-ugnayan sa akin noon para iurong ang kasal natin?” Nanigas ang katawan ni Carol. Hindi siya nagulat na tutol ang pamilya niya sa kasal nila—alam niya ‘yon mula pa noong una. Pero hindi niya alam na umabot ito sa puntong kinausap na pala nila si Damien nang hindi niya alam. “Hindi ako pumayag,” patuloy ni Damien, malamig ang boses. “Pero hindi ibig sabihin noon na titigil sila sa gusto nilang mangyari.” Muli siyang nilapitan nito, at sa pagkakataong ito, hindi siya umatras. “Kung hindi ikaw ang gumawa ng annulment papers na ‘yon, kung hindi rin ako, sino pa ang may motibong gawin ‘yon?” Napalunok si Carol. Ang pamilya niya lang ang may dahilan para gawin ito. “M

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status