Nanigas si Carol sa sinabi ni Vincent. Si Tita Margaret? Ang ina ni Damien?
Agad siyang napatingin kay Damien, at sa unang pagkakataon, nakita niyang nawala ang maskara ng pagiging kalmado nito. Matalim ang tingin ng lalaki, ngunit sa ilalim ng galit ay may bahid ng pagtataka. “Siguraduhin mong alam mo ang sinasabi mo, Vincent.” malamig na sabi ni Damien. Napailing si Vincent. “Wala akong dahilan para magsinungaling. Sinabi ko na sa inyo, hindi ko ginusto 'to. Pero kung gusto mong malaman ang lahat, makabubuting kausapin mo ang sarili mong ina, Damien.” Muling nagdilim ang ekspresyon ni Damien. Tumayo ito, halatang hindi makapaniwala. “Impossible! Walang dahilan si Mommy para gawin ‘to!” “Tsk. Talaga?” Tumawa si Vincent, pero halatang walang saya. “Dahil sa kaniya kaya ako napilitang dalhin si Carol sa unit mo. Binalaan niya ako. Sinabi niyang may mas delikadong mangyayari kung hindi ko susundin ang gusto niya.” Napalunok si Carol. “Pero… Bakit? Ano ang gusto niyang mangyari?” Tumahimik si Vincent, at sa isang iglap, tila may bumigat sa hangin. Sa huli, mahina niyang sinabi, “Ayaw niyang magkasama kayong dalawa.” Nanlamig ang pakiramdam ni Carol. Samantala, matagal na nakatitig lang si Damien kay Vincent, bago ito biglang tumalikod at mabilis na lumabas. “Damien!” Tawag niya, pero hindi siya nito nilingon. Mabilis na sumunod si Carol palabas, habang patuloy na bumibigat ang kanyang dibdib. Nang abutan niya ito sa labas, nakita niyang mariing nakuyom ang kamao nito. “Damien, sandali lang—” “Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang dahilan ng lahat ng 'to.” Tumingin ito sa kanya, at sa kabila ng galit, nakita niya ang sakit sa mata nito. “Kahit sino pa ang nasa likod nito, Carol… Kahit pa ang sarili kong ina!” Huminga nang malalim si Carol at dahan-dahang hinawakan ang kamay ni Damien. Ramdam niya ang tensyon sa katawan nito, ang panginginig ng kanyang kamao dahil sa pinaghalong galit at pagtataksil. “Damien, sandali—” mahinahong sabi niya, pilit na hinahatak pabalik ang atensyon ng asawa. “Alam kong galit ka, pero hindi ka dapat magpadalos-dalos. She still your mom, baka may hindi lang kayo pagkakaintindihan.” Napatingin si Damien sa kanya, at sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ni Carol ang bahagyang pagkalito sa mga mata nito. Parang isang bahagi ng kanya ay gustong sumabog, ngunit pinipigilan niya ito. “Paano mo gustong kumalma ako, Carol?” mahina pero puno ng emosyon na sagot ni Damien. “Ina ko ang pinag-uusapan natin. Siya ang posibleng may pakana ng lahat ng ‘to.” Hinawakan ni Carol ang magkabilang pisngi niya, pinilit siyang tingnan ito sa mata. “At mas lalo mong kailangang mag-isip nang malinaw. Hindi natin alam ang buong kwento. Hindi natin alam ang dahilan niya.” Huminga nang malalim si Damien. Alam niyang tama si Carol. Kung pupunta siya sa ina niya nang punong-puno ng galit, baka lalo lang itong lumala. “Damien, hindi kita pinipigilan,” patuloy ni Carol. “Pero harapin natin ito nang may mahinahong isip. Huwag mong hayaang madala ka ng emosyon mo.” Tahimik na tinitigan siya ni Damien bago ito tuluyang napabuntong-hininga. Dahan-dahan nitong binitiwan ang pagkakakuyom ng kamao at marahang hinawakan ang kamay ni Carol. “Okay,” bulong niya. “Pero gusto kong malaman ang totoo. At kung totoo ngang nasa likod nito ang Mommy ko... Wala akong pakialam kung sino siya. Mananagot siya.” Kitang-kita ni Carol kung gaano kagalit si Damien ngayon, ngunit unti-unti din naman itong huminahon. Biglang tumunog ang cellphone ni Damien. Agad niya itong sinagot, at sa bawat segundong lumilipas, unti-unting nagdilim ang ekspresyon niya. “Ano?!” mariin niyang tanong, habang mariing nakuyom muli ang kamao. Napansin ni Carol ang biglang pagbabago ng timpla ng asawa. “Anong nangyari?” tanong niya, pero hindi siya agad sinagot ni Damien. “Nandiyan na ba ang security? Lock down the entire floor. I don’t care what it takes— huwag ninyong hayaang makalabas ang sino man!” matigas na utos ni Damien sa kausap bago nito tinapos ang tawag. “Damien, anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Carol. Huminga nang malalim si Damien bago tumingin sa kanya. “May sumugod sa kumpanya. May isang tauhan akong nawawala, at ang opisina ko… sinira nila.” Nanlaki ang mata ni Carol. “Ano? Sino'ng may gawa nito?” Umiling si Damien. “Hindi pa alam. Pero may iniwan silang mensahe sa desk ko.” Napalunok si Carol. “Anong mensahe?” Matalim ang tingin ni Damien nang sabihin niya ang sagot—isang pangalang hindi nila inakalang babalik pa. “A fvcking threat… from Franco. That asshole ngayon pa sumabay!” Nanlamig ang katawan ni Carol. Si Franco— ang dating karibal ni Damien sa negosyo. Ang lalaking matagal nang nawala matapos matalo ni Damien sa isang deal na muntik nang ikalugi ng kumpanya nito. “Bakit siya bumalik ngayon?” mahina niyang tanong. Mariing tumingin si Damien sa kanya. “Hindi ko alam. Pero isa lang ang sigurado ako… I will end it now.” Napalunok si Carol. Hindi niya pa rin talaga makuha ang ugali ng asawa niya. Ang bilis magbago, pero mas nakakatakot. “Hatid mo si Carol sa bahay.” utos ni Damien sa driver habang mabilis itong sumakay sa sasakyan. “Damien, sandali—” pinigilan siya ni Carol, pero mabilis siyang hinalikan nito sa noo, isang bagay na hindi niya inasahang gagawin ni Damien. “Kailangan kong asikasuhin ‘to, Carol. Huwag kang mag-alala, babalikan kita agad.” Alam niyang wala nang makakapigil kay Damien kapag ganito na ito kaseryoso. Kaya kahit nag-aalangan, tumango na lang siya at hinayaan itong umalis. Habang nasa loob ng sasakyan, hindi mapakali si Carol. Ang daming nangyari sa loob ng isang araw—ang tungkol kay Vincent, ang rebelasyong posibleng si Tita Margaret ang nasa likod ng lahat, at ngayon, si Franco. Parang hindi na natatapos ang mga problemang hinaharap nila. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan sa harap ng bahay nila ni Damien. Bumaba siya, inaayos pa ang kanyang isip, pero agad siyang natigilan nang makita kung sino ang naghihintay sa kanya sa loob. Si Tita Margaret. Nasa sala ito, nakaupo sa isang eleganteng armchair, hawak ang isang tasa ng tsaa. Mukhang kalmado ito—masyadong kalmado para sa isang taong maaaring may kinalaman sa gulong kinakaharap nila. “Carol…” malumanay na bati nito, may bahagyang ngiti sa labi. “Sa wakas, nagkita rin tayo nang maayos.” Napalunok si Carol. Ramdam niya ang kaba sa dibdib niya, pero hindi siya umatras. “Ano pong ginagawa niyo rito, Tita?” tanong niya, pilit pinapakalma ang sarili. Dalawang taon na rin ang nakalipas simula nang makita niya ‘to. Ibinaba ni Tita Margaret ang tasa ng tsaa at marahang tumingin sa kanya, ang mga mata nito ay tila nagmamasid, sinusuri ang bawat galaw niya. “Para kausapin ka, siyempre.” sagot nito. “Marami tayong dapat pag-usapan, hindi ba?” Napalunok si Carol. Alam niyang hindi ito magiging isang simpleng usapan lang. Nanatili lang siyang nakatayo, at pinipilit itago ang kaba na unti-unting gumagapang sa kanya. “Ano’ng gusto ninyong pag-usapan, Tita Margaret?” tanong niya, pilit pinapakalma ang kanyang boses. Tumayo si Tita Margaret, dahan-dahang lumapit sa kanya. Kahit hindi ito nagsasalita, ramdam ni Carol ang bigat ng presensya nito—ang isang uri ng awtoridad na hindi basta-bastang nilalabanan. “Halika, maupo ka muna.” wika nito, itinuro ang sofa sa harap ng kinauupuan niya kanina. Alam ni Carol na may ibang rason ang pagpunta nito rito, pero sa halip na tumanggi, tahimik siyang umupo. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,” panimula ni Tita Margaret. “Gusto kong malaman kung ano na ang nalaman mo.” Napasikip ang hawak ni Carol sa kanyang palda. “Ano pong ibig ninyong sabihin?” Bahagyang ngumiti ang ginang. “Huwag kang magkunwari, Carol. Alam kong nagkausap na kayo ni Vincent. At sigurado akong sinabi niya na ako ang nasa likod ng lahat.” Halos hindi makahinga si Carol. Diretso ang mga salita ni Tita Margaret, parang hindi man lang ito nag-aalalang itanggi ang paratang. “Bakit?” mahina pero matigas na tanong ni Carol. “Bakit ninyo ginawa ito?” Napangiti si Tita Margaret, pero sa likod ng ngiting iyon, may bahid ng pagmamataas. “Dahil hindi ka bagay kay Damien.” Nanlamig ang katawan ni Carol. “A–Ano po?” “Simula pa lang, alam kong ikaw ang magiging kahinaan niya,” patuloy nito. “At hindi ko hahayaang sirain mo ang lahat ng pinaghirapan ng anak ko.” Napatayo si Carol, hindi makapaniwala sa narinig. “Sana noon pa lang ay pinigil niyo na ang kasal namin. Kung kailan ko siya nakita at nakilala saka niyo kami paghihiwalayin?!” Muling umupo si Tita Margaret, hindi natinag sa galit ni Carol. “Sana nga noon pa, pero hindi ko nagawa because I need you that time para makuha ang pamana mula sa Lolo ni Damien.” Nanginginig ang mga kamay ni Carol. “Kaya ninyo ginawa ang lahat ng ito para sa mana? Tapos ngayon pineke niyo ang annulment, pinagamit si Vincent para ilagay ako sa unit ni Damien, at ngayon, ano pa?” “Hindi ko inasahang hindi ka bibitaw, at hindi ko rin inaasahan na malalaman ni Damien na ikaw ang asawa niya.” sagot ni Tita Margaret. “Akala ko, kapag nakita mong nagkakagulo ang lahat, ikaw mismo ang aalis. Pero nagkamali ako. Kaya ngayon, bibigyan kita ng huling pagkakataon.” Dahan-dahang tumayo ito at lumapit sa kanya. “Umalis ka kay Damien, Carol. At titigil na ang lahat ng ito.” Napalunok si Carol, pero hindi siya umatras. “At kung tumanggi ako?” Sa unang pagkakataon, nawala ang ngiti ni Tita Margaret. “Huwag mo akong subukan, hija. Hindi mo pa alam kung ano ang kaya kong gawin.” Nagtagpo ang mga mata nila—isang tahimik na sagupaan ng dalawang babaeng parehong may mahalagang dahilan para ipaglaban ang kanilang panig. “At hindi mo rin alam kung ano ang kaya kong gawin,” matapang na sagot ni Carol. “Hindi ko susundin ang gusto niyo, hindi niyo ako tauhan.” Tahimik na tumitig sa kanya si Tita Margaret bago muling ngumiti, pero sa pagkakataong ito, may bahid ng panlilinlang. “Kung gano’n,” anito, “Handa ka na pa lang malaman ang susunod kong gagawin.” Nanlamig si Carol. Ano pa ang binabalak nito? Hindi kumurap si Carol habang nakatitig kay Tita Margaret. “Ano'ng susunod ninyong gagawin?” tanong niya, pilit pinapanatili ang matatag na tinig. Ngumiti nang bahagya ang ginang, pero sa likod ng ngiting iyon ay isang malamig na babala. “Hindi ko kailangang marumihan ang kamay ko, Carol. Ang kailangan ko lang ay tiyaking mawawalan ka ng dahilan para manatili sa tabi ni Damien.” “At paano ninyo naman gagawin 'yon?” Humakbang palapit si Tita Margaret, halos magkalapit na ang kanilang mukha. “Sabihin na lang natin na hindi mo nagugustuhan ang sagot kapag nalaman mo ang buong katotohanan tungkol kay Damien—at sa relasyon ninyo.” Nanigas si Carol. “Ano'ng ibig ninyong sabihin?” Muling bumalik sa upuan si Tita Margaret, tila sinasadyang paikutin ang sitwasyon. “Wala ka bang naisip na dahilan kung bakit wala sa sarili si Damien nang gabi na ‘yon?” Napalunok si Carol. Alam niyang hindi aksidente ang lahat, pero hindi niya pa rin lubos maisip kung bakit. “Bakit hindi mo tanungin si Damien?” sabay ngiti ni Tita Margaret. “Dahil maaaring hindi lang ako ang may tinatagong lihim sa ‘yo.” Napaatras si Carol. Hindi... imposible. “Hindi mo ako maloloko.” mariing sabi niya. “Alam kong mabuti si Damien, kahit ngayon pa lang kaming nagkita ramdam—” “Oh, really?” Bahagyang natawa si Tita Margaret. “Oh, Don’t tell me you fall for him that fast? Hindi mo ba naisip kung bakit bigla siyang nakaisip na magpakita sa ‘yo?” “A–Ano pong ibig niyong sabihin?” kinakabahang tanong ni Carol. “Carol, you are smart. But Damien wants you just because he needs an heir. A legitimate son from you dahil sa ‘yo siya kasal.” Halos sumikip ang dibdib ni Carol. Hindi na niya kaya. “A heir? Bakit? Anong mayroon bakit kailangan niyang magkaroon na ng tagapagmana?” naguguluhang tanong ni Carol. “Oh, it’s a long story, but to make it short. ’Yung kompanya ni Damien ay magiging sa kaniya lang kapag nagkaanak na siya.” “N–No, that’s not true…” “It’s true, Carol. Kaya huwag kang maniwala sa ginawa niyang kuwento. Gagamitin ka lang din niya, at kung hindi ako nagkakamali ay may nangyari na sa inyo. Now, hihintayin na lang niyang magbunga ang gabi na ‘yon. At kapag naipanganak mo na ang anak niyo… Phew! Wala ka ng silbi.” Napahawak si Carol sa kaniyang tiyan, na para bang pinakikiramdaman niya ‘yon kung sakaling may nabuo na nga ba. “Now choose. Aalis ka, tatakas ka mula kay Damien at tutulungan kita, o pipiliin mong manatili kay Damien para gamitin ka lang niya? Choose wisely, Carol.”Nanatiling tahimik si Carol, ramdam ang bigat ng bawat salita ni Tita Margaret. Parang unti-unting bumagsak ang mundo niya sa mga narinig. Hindi siya makapaniwala—hindi niya alam kung alin ang totoo at alin ang kasinungalingan. Pero isang bagay ang sigurado niya— hindi niya kayang ipagsapalaran ang sarili niya, lalo na kung totoo ngang nagamit lang siya ni Damien.Dahan-dahan siyang tumayo, hindi inaalis ang tingin kay Tita Margaret.“Kung aalis ako,” mahina niyang sabi, “Anong kasiguraduhan kong hindi mo na ako hahanapin pa at hindi mo sasaktan si Damien?”Isang mapanuring tingin ang isinukli ng ginang bago ito ngumiti. “Kung aalis ka, wala na akong rason para sirain pa ang buhay mo o ni Damien. Ang mahalaga lang sa akin ay mawala ka sa kaniya.”Napakuyom ng kamao si Carol. Alam niyang hindi dapat siya basta-basta magpapadala, pero hindi niya kayang isugal ang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya kayang ipilit ang sarili sa isang taong maaaring may itinatagong lihim.“May isa akong s
FIVE YEAR LATERSa isang eleganteng fashion studio sa Paris, France, nakatayo si Carol sa harap ng isang malaking salamin habang inaayos ang isang haute couture gown na gawa niya mismo. Suot niya ang isang sleek na itim na dress, na nagpapakita ng kanyang pagiging isang ganap na fashion designer.“Madame Carol, the client is here,” wika ng kanyang assistant na si Sophie.Ngumiti si Carol at tumango. “Merci, Sophie. I’ll be right there.”Lumipas ang limang taon mula nang lisanin niya ang buhay niya sa Pilipinas—mula nang piliin niyang umalis at magsimula ng panibagong buhay. Matapos ang lahat ng sakit, panlilinlang, at pagsubok na pinagdaanan niya, itinayo niya ang sarili niyang fashion brand sa France. Ngayon, isa na siyang kilalang pangalan sa industriya, at ang kanyang mga disenyo ay suot ng mga pinakamalalaking pangalan sa mundo.Sa kabila ng lahat ng tagumpay, may mga gabing tahimik niyang iniisip ang nakaraan—si Damien, ang lahat ng nangyari sa kanila, at ang pagkawala nito sa bu
Pagkauwi ni Carol sa kanyang tinutuluyang apartment sa Italy, halos hindi siya mapakali. Pilit niyang hinubad ang kanyang gown at nagpalit ng simpleng silk robe, pero kahit anong gawin niya, hindi niya mapawi ang bigat na bumabalot sa kanyang dibdib.Nagkita sila ni Damien—ang lalaking minsan niyang minahal, ang ama ng kanyang anak—ngunit parang hindi na siya nito kilala. Wala man lang bahid ng pagkilala sa mga mata nito, ni isang emosyon na maaaring magtali sa kanilang nakaraan. Paano ito nangyari? Paano niya nagawang kalimutan siya?Lumapit siya sa kanyang dresser at kinuha ang isang lumang larawan. Isang litrato nila ni Damien, kuha noong masaya pa sila. Dahan-dahan niyang hinaplos ang imahe ng lalaking minahal niya, pero bago pa man siya tuluyang lamunin ng damdamin, napapikit siya at marahas na binalik ang larawan sa drawer.Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang kumatok ang nanny ni Dustin sa kanyang kwarto. "Madame, gising pa po si Dustin. Gusto ka niyang makausap."Mabilis
Nag-angat si Carol ng kilay. Ang sakit na matagal na niyang itinago ay nagsimula muling magbalik."Damien, I’m busy," mahinang sagot ni Carol. Ngunit kahit ganun, ang mga salitang iyon ay may kabuntot na isang hindi malirip na sakit."I know, but this is important," wika ni Damien. "It’s about the wedding. We need to finalize some details."Carol naisip niyang huminga muna ng malalim. "Damien, I think you’ve made your decision. It’s clear. The wedding is your priority, and that’s fine. We work on that, unless hindi ka makapaghintay?""That's not it," sagot ni Damien, pero may pagka-irita sa boses nito. "I just… I need your help with the wedding design, that’s all. It’s strictly professional."Professional? Para bang na-slap si Carol sa mga salitang iyon. Ang lahat ng alaala nilang dalawa, pati ang kanilang anak, ay tila naging isang distant memory para kay Damien. Hindi ba siya nararapat na mapansin, o kahit maaalala man lang?“I’m sorry, Damien,” sagot ni Carol, ang kanyang boses ay
Habang nakaupo si Carol sa kanyang opisina, tinitigan niya ang invitation na nasa kanyang lamesa. Hindi niya akalaing may pagkakataon pang bumalik siya sa Pilipinas, lalo na matapos ang lahat ng nangyari. Malalim siyang huminga bago tumayo at tinungo ang kwarto ng kanyang anak.Sa loob ng kwarto, nadatnan niya si Dustin na nakaupo sa sahig, abala sa pagpipinta ng isang larawan gamit ang kanyang watercolor set. Isang bagay na minana nito sa kanya—ang hilig sa sining."Hey, bud," bati ni Carol habang umupo sa tabi ng anak. "Ano 'yang ginagawa mo?"Ngumiti si Dustin habang ipinakita ang kanyang likha. "It’s a sunset, Mommy. Kasi sabi mo, sunsets in the Philippines are really beautiful. Totoo ba ‘yun?"Napangiti si Carol, kahit may kirot sa kanyang puso. "Oo, anak. Totoo ‘yun. Mas maganda pa nga sa personal."Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago inilagay ni Carol ang imbitasyon sa harap ni Dustin. "Anak, may gusto akong itanong sa'yo. May natanggap akong imbitasyon mula sa P
Dumating ang gabi ng event sa Pilipinas—isang engrandeng fashion gala na ginanap sa isang kilalang hotel sa Makati. Habang nasa loob ng kanyang suite, abala si Carol sa paghahanda. Suot niya ang isang eleganteng gown na siya mismo ang nagdisenyo—isang simpleng puting damit na may makabagong twist at malinis na linya. Isang simbolo ng kanyang pagbabalik at bagong simula."Mommy, you look like a queen," sabi ni Dustin habang nakatingala sa kanya, suot ang maliit na tuxedo na bagay na bagay sa kanya.Napatawa si Carol at hinalikan ang noo ng anak. "Thank you, anak. I think I needed that confidence boost."Pagdating nila sa venue, sinalubong agad sila ng mga organizer. Ramdam ni Carol ang excitement at tensyon habang papasok sa main hall na puno ng mga kilalang personalidad, press, at fashion enthusiasts. Ang mga ilaw, camera, at musika ay nagbigay ng kakaibang enerhiya."Miss Caroline Dela Vega, we’ve been waiting for you," bati ng host na si Liza Montes, isang kilalang fashion editor. "
"Ah, yes. M–Meron nga."Tahimik."Where’s his father?" tanong ni Damien.Hindi agad nakasagot si Carol. Sandaling katahimikan. "Nasa barko. Seaman kasi ang asawa ko," sagot niya, pilit ang ngiti—isang kasinungalingang sinubukang ikubli ang katotohanan.Kaagad naman na napatingin si Damien sa daliri ni Carol, at nakita niyang may suot nga itong singsing. Nagkatitigan silang muli. Ang daming salita ang tila hindi nila masabi sa isa’t-isa.Mabuti na lang din at naisipan ni Carol na magsuot ng singsing pang taboy sa mga lalaking gustong umaligid sa kaniya.Tahimik pa ring nakatayo si Carol sa harap ni Damien, tila ba ang oras ay pansamantalang tumigil. Ngunit bago pa man siya muling makapagsalita, isang pamilyar na tinig ang bumasag sa katahimikan.“Carol? Ikaw nga ba ‘yan?” tawag ng isang lalaki mula sa likuran.Paglingon ni Carol, nakita niya si Loey, ang matalik niyang kaibigan mula pa noong nagsisimula pa lang siya sa industriya. Suot nito ang isang classic black suit, at may hawak na
Dumadagundong ang kaba sa dibdib ni Carol habang nakatayo siya sa harap ng pintuan ng isang mamahaling condo unit. Dalawang taon. Dalawang taong kasal siya sa isang lalaking hindi pa niya nakikita nang personal. Mga litrato lang mula sa kanilang arranged marriage ang nagbigay sa kanya ng ideya kung ano ang itsura nito—bata pa sa larawan, inosente ang ngiti, at tila walang bahid ng kasamaan. Ngunit ngayon, sa unang pagkakataon, makikilala na niya ito.Sa kanyang pagkakataranta, hindi niya napansin ang lalaking nakamasid sa kanya. Matangkad ito, nakasuot ng mamahaling coat, at may malamig na titig.“Magkano ang usapang ibabayad sa ‘yo?” malamig na tanong nito.Napalingon siya, “Ha?” naguguluhan niyang tugon.Bago pa siya makasagot, marahas siyang hinawakan ng lalaki sa braso at hinila papasok sa isang unit. “Wag ka nang magkunwari. Alam kong ikaw ang pina-book para sa plano ko.”“Sandali! Ano ba—” Naputol ang kanyang salita nang marahas siyang itulak papasok sa loob.Amoy alak at usok a
"Ah, yes. M–Meron nga."Tahimik."Where’s his father?" tanong ni Damien.Hindi agad nakasagot si Carol. Sandaling katahimikan. "Nasa barko. Seaman kasi ang asawa ko," sagot niya, pilit ang ngiti—isang kasinungalingang sinubukang ikubli ang katotohanan.Kaagad naman na napatingin si Damien sa daliri ni Carol, at nakita niyang may suot nga itong singsing. Nagkatitigan silang muli. Ang daming salita ang tila hindi nila masabi sa isa’t-isa.Mabuti na lang din at naisipan ni Carol na magsuot ng singsing pang taboy sa mga lalaking gustong umaligid sa kaniya.Tahimik pa ring nakatayo si Carol sa harap ni Damien, tila ba ang oras ay pansamantalang tumigil. Ngunit bago pa man siya muling makapagsalita, isang pamilyar na tinig ang bumasag sa katahimikan.“Carol? Ikaw nga ba ‘yan?” tawag ng isang lalaki mula sa likuran.Paglingon ni Carol, nakita niya si Loey, ang matalik niyang kaibigan mula pa noong nagsisimula pa lang siya sa industriya. Suot nito ang isang classic black suit, at may hawak na
Dumating ang gabi ng event sa Pilipinas—isang engrandeng fashion gala na ginanap sa isang kilalang hotel sa Makati. Habang nasa loob ng kanyang suite, abala si Carol sa paghahanda. Suot niya ang isang eleganteng gown na siya mismo ang nagdisenyo—isang simpleng puting damit na may makabagong twist at malinis na linya. Isang simbolo ng kanyang pagbabalik at bagong simula."Mommy, you look like a queen," sabi ni Dustin habang nakatingala sa kanya, suot ang maliit na tuxedo na bagay na bagay sa kanya.Napatawa si Carol at hinalikan ang noo ng anak. "Thank you, anak. I think I needed that confidence boost."Pagdating nila sa venue, sinalubong agad sila ng mga organizer. Ramdam ni Carol ang excitement at tensyon habang papasok sa main hall na puno ng mga kilalang personalidad, press, at fashion enthusiasts. Ang mga ilaw, camera, at musika ay nagbigay ng kakaibang enerhiya."Miss Caroline Dela Vega, we’ve been waiting for you," bati ng host na si Liza Montes, isang kilalang fashion editor. "
Habang nakaupo si Carol sa kanyang opisina, tinitigan niya ang invitation na nasa kanyang lamesa. Hindi niya akalaing may pagkakataon pang bumalik siya sa Pilipinas, lalo na matapos ang lahat ng nangyari. Malalim siyang huminga bago tumayo at tinungo ang kwarto ng kanyang anak.Sa loob ng kwarto, nadatnan niya si Dustin na nakaupo sa sahig, abala sa pagpipinta ng isang larawan gamit ang kanyang watercolor set. Isang bagay na minana nito sa kanya—ang hilig sa sining."Hey, bud," bati ni Carol habang umupo sa tabi ng anak. "Ano 'yang ginagawa mo?"Ngumiti si Dustin habang ipinakita ang kanyang likha. "It’s a sunset, Mommy. Kasi sabi mo, sunsets in the Philippines are really beautiful. Totoo ba ‘yun?"Napangiti si Carol, kahit may kirot sa kanyang puso. "Oo, anak. Totoo ‘yun. Mas maganda pa nga sa personal."Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago inilagay ni Carol ang imbitasyon sa harap ni Dustin. "Anak, may gusto akong itanong sa'yo. May natanggap akong imbitasyon mula sa P
Nag-angat si Carol ng kilay. Ang sakit na matagal na niyang itinago ay nagsimula muling magbalik."Damien, I’m busy," mahinang sagot ni Carol. Ngunit kahit ganun, ang mga salitang iyon ay may kabuntot na isang hindi malirip na sakit."I know, but this is important," wika ni Damien. "It’s about the wedding. We need to finalize some details."Carol naisip niyang huminga muna ng malalim. "Damien, I think you’ve made your decision. It’s clear. The wedding is your priority, and that’s fine. We work on that, unless hindi ka makapaghintay?""That's not it," sagot ni Damien, pero may pagka-irita sa boses nito. "I just… I need your help with the wedding design, that’s all. It’s strictly professional."Professional? Para bang na-slap si Carol sa mga salitang iyon. Ang lahat ng alaala nilang dalawa, pati ang kanilang anak, ay tila naging isang distant memory para kay Damien. Hindi ba siya nararapat na mapansin, o kahit maaalala man lang?“I’m sorry, Damien,” sagot ni Carol, ang kanyang boses ay
Pagkauwi ni Carol sa kanyang tinutuluyang apartment sa Italy, halos hindi siya mapakali. Pilit niyang hinubad ang kanyang gown at nagpalit ng simpleng silk robe, pero kahit anong gawin niya, hindi niya mapawi ang bigat na bumabalot sa kanyang dibdib.Nagkita sila ni Damien—ang lalaking minsan niyang minahal, ang ama ng kanyang anak—ngunit parang hindi na siya nito kilala. Wala man lang bahid ng pagkilala sa mga mata nito, ni isang emosyon na maaaring magtali sa kanilang nakaraan. Paano ito nangyari? Paano niya nagawang kalimutan siya?Lumapit siya sa kanyang dresser at kinuha ang isang lumang larawan. Isang litrato nila ni Damien, kuha noong masaya pa sila. Dahan-dahan niyang hinaplos ang imahe ng lalaking minahal niya, pero bago pa man siya tuluyang lamunin ng damdamin, napapikit siya at marahas na binalik ang larawan sa drawer.Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang kumatok ang nanny ni Dustin sa kanyang kwarto. "Madame, gising pa po si Dustin. Gusto ka niyang makausap."Mabilis
FIVE YEAR LATERSa isang eleganteng fashion studio sa Paris, France, nakatayo si Carol sa harap ng isang malaking salamin habang inaayos ang isang haute couture gown na gawa niya mismo. Suot niya ang isang sleek na itim na dress, na nagpapakita ng kanyang pagiging isang ganap na fashion designer.“Madame Carol, the client is here,” wika ng kanyang assistant na si Sophie.Ngumiti si Carol at tumango. “Merci, Sophie. I’ll be right there.”Lumipas ang limang taon mula nang lisanin niya ang buhay niya sa Pilipinas—mula nang piliin niyang umalis at magsimula ng panibagong buhay. Matapos ang lahat ng sakit, panlilinlang, at pagsubok na pinagdaanan niya, itinayo niya ang sarili niyang fashion brand sa France. Ngayon, isa na siyang kilalang pangalan sa industriya, at ang kanyang mga disenyo ay suot ng mga pinakamalalaking pangalan sa mundo.Sa kabila ng lahat ng tagumpay, may mga gabing tahimik niyang iniisip ang nakaraan—si Damien, ang lahat ng nangyari sa kanila, at ang pagkawala nito sa bu
Nanatiling tahimik si Carol, ramdam ang bigat ng bawat salita ni Tita Margaret. Parang unti-unting bumagsak ang mundo niya sa mga narinig. Hindi siya makapaniwala—hindi niya alam kung alin ang totoo at alin ang kasinungalingan. Pero isang bagay ang sigurado niya— hindi niya kayang ipagsapalaran ang sarili niya, lalo na kung totoo ngang nagamit lang siya ni Damien.Dahan-dahan siyang tumayo, hindi inaalis ang tingin kay Tita Margaret.“Kung aalis ako,” mahina niyang sabi, “Anong kasiguraduhan kong hindi mo na ako hahanapin pa at hindi mo sasaktan si Damien?”Isang mapanuring tingin ang isinukli ng ginang bago ito ngumiti. “Kung aalis ka, wala na akong rason para sirain pa ang buhay mo o ni Damien. Ang mahalaga lang sa akin ay mawala ka sa kaniya.”Napakuyom ng kamao si Carol. Alam niyang hindi dapat siya basta-basta magpapadala, pero hindi niya kayang isugal ang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya kayang ipilit ang sarili sa isang taong maaaring may itinatagong lihim.“May isa akong s
Nanigas si Carol sa sinabi ni Vincent. Si Tita Margaret? Ang ina ni Damien?Agad siyang napatingin kay Damien, at sa unang pagkakataon, nakita niyang nawala ang maskara ng pagiging kalmado nito. Matalim ang tingin ng lalaki, ngunit sa ilalim ng galit ay may bahid ng pagtataka.“Siguraduhin mong alam mo ang sinasabi mo, Vincent.” malamig na sabi ni Damien.Napailing si Vincent. “Wala akong dahilan para magsinungaling. Sinabi ko na sa inyo, hindi ko ginusto 'to. Pero kung gusto mong malaman ang lahat, makabubuting kausapin mo ang sarili mong ina, Damien.”Muling nagdilim ang ekspresyon ni Damien. Tumayo ito, halatang hindi makapaniwala.“Impossible! Walang dahilan si Mommy para gawin ‘to!” “Tsk. Talaga?” Tumawa si Vincent, pero halatang walang saya. “Dahil sa kaniya kaya ako napilitang dalhin si Carol sa unit mo. Binalaan niya ako. Sinabi niyang may mas delikadong mangyayari kung hindi ko susundin ang gusto niya.”Napalunok si Carol. “Pero… Bakit? Ano ang gusto niyang mangyari?”Tumah
Napakurap si Carol. Ang pamilya ko? Hindi siya makapaniwala. Bakit sila? “Wala silang dahilan para gawin ‘to,” mariin niyang sagot. “Kung gusto nilang mapawalang-bisa ang kasal natin, bakit hindi nila sinabi sa’kin?” Tumawa nang mapakla si Damien. “At sa tingin mo, sasabihin nila? Alam mo bang ilang beses silang nakipag-ugnayan sa akin noon para iurong ang kasal natin?” Nanigas ang katawan ni Carol. Hindi siya nagulat na tutol ang pamilya niya sa kasal nila—alam niya ‘yon mula pa noong una. Pero hindi niya alam na umabot ito sa puntong kinausap na pala nila si Damien nang hindi niya alam. “Hindi ako pumayag,” patuloy ni Damien, malamig ang boses. “Pero hindi ibig sabihin noon na titigil sila sa gusto nilang mangyari.” Muli siyang nilapitan nito, at sa pagkakataong ito, hindi siya umatras. “Kung hindi ikaw ang gumawa ng annulment papers na ‘yon, kung hindi rin ako, sino pa ang may motibong gawin ‘yon?” Napalunok si Carol. Ang pamilya niya lang ang may dahilan para gawin ito. “M