Share

ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND
ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND
Author: febbyflame

CHAPTER 1: MISTAKE

Author: febbyflame
last update Huling Na-update: 2025-02-10 20:18:48

Dumadagundong ang kaba sa dibdib ni Carol habang nakatayo siya sa harap ng pintuan ng isang mamahaling condo unit. Dalawang taon. Dalawang taong kasal siya sa isang lalaking hindi pa niya nakikita nang personal. Mga litrato lang mula sa kanilang arranged marriage ang nagbigay sa kanya ng ideya kung ano ang itsura nito—bata pa sa larawan, inosente ang ngiti, at tila walang bahid ng kasamaan. Ngunit ngayon, sa unang pagkakataon, makikilala na niya ito.

Sa kanyang pagkakataranta, hindi niya napansin ang lalaking nakamasid sa kanya. Matangkad ito, nakasuot ng mamahaling coat, at may malamig na titig.

“Magkano ang usapang ibabayad sa ‘yo?” malamig na tanong nito.

Napalingon siya, “Ha?” naguguluhan niyang tugon.

Bago pa siya makasagot, marahas siyang hinawakan ng lalaki sa braso at hinila papasok sa isang unit. “Wag ka nang magkunwari. Alam kong ikaw ang pina-book para sa plano ko.”

“Sandali! Ano ba—” Naputol ang kanyang salita nang marahas siyang itulak papasok sa loob.

Amoy alak at usok ang kwarto. Sa isang gilid, may isang lalaking nakahandusay sa sofa, walang suot na pang-itaas, pawisan, at tila wala sa sarili. Nanginginig ang kamay nitong may hawak na baso ng whiskey, at sa tabi nito, may maliit na tray na may bahid ng puting pulbos.

Napatigil si Carol. Ang panlalamig sa kanyang katawan ay unti-unting napalitan ng matinding takot.

“S–Sino ka? Anong plano mong gawin?” garalgal ang boses ng lasing na lalaki.

“Huwag kang magsayang ng oras,” malamig na sabi ng lalaking nagdala sa kanya. “’Yan ang gusto mo, ‘di ba? Don't worry, hindi makakalabas ‘tong gagawin mo.” sabay tawa ng lalaki.

Parang binuhusan ng yelo ang katawan ni Carol. Hindi niya alam kung paano siya napunta sa ganitong sitwasyon. Ang alam lang niya, dapat ay nasa kabilang unit siya— ang unit ng kanyang mister.

Bigla ay napahawak si Carol sa sentido niya. Ang init sa loob ng unit ay tila dumoble, at ang paninikip ng kanyang dibdib ay hindi dahil lang sa takot— parang may bumabalot na kakaibang hilo sa kanyang katawan.

Parang na gamot sa hangin na naamoy nila.

Napaatras siya, pilit lumalayo sa lalaking nakatayo na ngayon, padaplis-daplis ang hakbang na parang hirap manatiling matino. Sa madilim na kwarto, naaaninag niya ang matalim ngunit tila naghihirap na mga mata nito—mga matang punong-puno ng lungkot at desperasyon.

“I need you,” muling bulong nito, tinig na may halong pakiusap at pangungusap. “Babayaran kita, just name your price after.”

Umiling si Carol, halos napapikit sa panlalabo ng paningin. “N–No, don’t– huwag kang lalapit.”

Naramdaman niya ang malamig na pader sa likuran niya—wala na siyang matatakbuhan. Mas lalong bumigat ang kanyang katawan, at dahan-dahang bumalot ang isang nakapanghihinang pakiramdam sa kanya. Para bang ang bawat paghinga niya ay nakakalason.

Napansin ito ng lalaki. Ngumiti ito, mapait at bahagyang nag-aalangan. “Wala pang babaeng tumanggi sa akin ng ganito,” aniya, may bahid ng pagtataka. “Sorry, Miss, but I won’t let you go that fast—not now that I need you, bago pa ako magkalat ng eskandalo sa labas.”

Ngunit walang takas. Mas lalong lumapit ang lalaki, at bago pa siya makatakbo ay sinunggaban siya nito sa isang marahas na halik.

Kinabukasan, masakit ang buong katawan ni Carol. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, nakatulala lang siya sa kisame. Mabigat ang pakiramdam niya, parang nabugbog ang katawan niya, at nawasak siya. Pero hindi ito panaginip.

Walang saplot ang kanyang katawan sa ilalim ng kumot. At kahit hindi pa niya maalala nang buo ang nangyari kagabi, alam niyang may nagbago na sa kanya.

Hindi na siya birhen.

Napakapit siya sa kumot, at pilit na isinisiksik sa kanyang katawan habang pinipigil ang panginginig ng kanyang mga kamay. Hindi niya maalala kung paano ito nangyari. Ang huling natatandaan niya ay ang pagbigat ng kanyang talukap, ang sakit ng kanyang ulo, at unti-unting pag-init ng kaniyang katawan, kasabay ng paghaplos ng estrangherong lalaki sa kaniyang katawan.

Bigla ay napalingon siya sa tabi. Walang ibang tao sa kama. Wala ang lalaking kumuha sa kanya.

Napaatras siya, dumulas pababa sa kama, halos madapa sa pagmamadali. Kinuha niya ang kanyang bag na nasa sahig, pilit na sinuot ang kanyang gusot na damit habang nanghihina pa rin. Hindi niya puwedeng hintayin ang lalaki. Hindi niya puwedeng harapin ang katotohanan kung andito pa siya.

Bumuntong-hininga siya, sinubukang pigilan ang patak ng luha sa kanyang mga mata. Hindi pa oras para umiyak. Kailangan ko munang makaalis.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto at sumilip sa sala. Tahimik. Walang ibang tao. Ang mga bote ng alak, ang upos ng sigarilyo, at ang baso ng whiskey ay nakakalat pa rin.

Hindi na siya nag-atubili. Lumakad siya nang mabilis, halos hindi na humihinga. Hinawakan niya ang seradura ng pinto, pinihit ito, at tuluyang lumabas.

Habang naglalakad siya sa pasilyo, pilit niyang inaalala kung paano siya napunta sa kwartong iyon, paano siya naloko, paano siya pinagsamantalahan ng lalaking iyon. Pero may isang bagay na mas higit pang bumabagabag sa kanya…

Sino ba ang lalaking ‘yon?

Bagsak ang balikat ni Carol habang naglalakad papasok ng kanilang mansion. Ang sakit ng katawan niya ay hindi pa rin nawawala, pero mas matindi ang hapding bumabagabag sa kanyang isipan. Para siyang basang sisiw, litong-lito at walang matatakbuhan.

Hindi niya alam kung paano siya nakauwi. Hindi niya na rin maalala kung paano niya nagawang sumakay ng taxi habang nanginginig pa rin sa takot at hiya. Ang tanging nasa isip niya ay makabalik sa bahay, sa lugar kung saan siya ligtas.

Pero hindi siya handa sa bumungad sa kanya.

Sa ibabaw ng kanyang lamesa sa study room, isang envelope ang nakapatong. Napakunot ang noo niya, nanginginig ang kamay nang kunin ito. Nang mabasa niya ang laman, nanlabo ang kanyang paningin.

Annulment papers.

Napalunok siya, pinipilit intindihin ang mga nakasulat. Mabilis ang tibok ng puso niya, at sa bawat linya ng dokumento, parang may kutsilyong tumatarak sa kanyang dibdib.

Nakikipaghiwalay sa kanya ang asawa niya.

Nanlalata siya. Para bang sa isang iglap, nawala ang dalawang taon niyang paghihintay, ang bawat pangarap niyang makita at makasama ang lalaking pinakasalan niya kahit hindi niya pa ito nakikita.

Pero ngayon, gusto na nitong putulin ang lahat.

Napakuyom siya ng kamao. Bakit?

Napaatras siya, halos matumba sa kinatatayuan.

Ramdam niya ang sakit sa kanyang ego. Kung siya lang ang unang nakaisip nito, baka hindi ganito kasakit. Pero hindi. Siya ang itinapon. Siya ang tinanggihan.

At ang mas masakit—hindi niya man lang alam kung bakit.

Kaugnay na kabanata

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 2: ANNULMENT

    Pagpasok ni Damien sa kanyang kwarto, napahinto siya. Wala na ang babae. Napatingin siya sa kama— magulo pa rin ang bedsheet, pero wala na ang init ng katawan ng babaeng kasama niya kagabi. Napamura siya, napahawak sa sentido. Saan siya nagpunta? Kinuha niya ang cellphone sa bedside table at mabilis na tinawagan ang isa sa kanyang mga tauhan. Pagkarinig pa lang ng sagot sa kabilang linya, agad siyang nag-utos. “Hanapin niyo siya. Ngayon din” May bahagyang pag-aalangan sa sagot ng tauhan niya, pero matigas ang boses niya nang ulitin ang utos. “Alamin niyo kung sino siya at saan siya nakatira. Dapat bago matapos ang araw, may sagot na kayo sa akin.” Pagkababa ng tawag, napaupo si Damien sa gilid ng kama, napapikit habang hinahaplos ang sentido. Malabo pa sa kanya ang mga nangyari kagabi—naalimpungatan siya, lasing, at wala sa tamang pag-iisip. Pero isang bagay ang malinaw sa kanya: Ang babaeng iyon… iba siya. At kung sino man siya, hindi siya makakatakas sa akin nang b

    Huling Na-update : 2025-02-11
  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 3: SOMEONE TRYING TO BREAK THEM APART

    Nanlamig ang katawan ni Carol sa rebelasyong iyon. Kung hindi si Damien ang nagpadala ng annulment papers… sino? Napatingin siya rito, pilit hinahanap sa mukha ng lalaki ang kahit anong senyales ng pagsisinungaling. Pero seryoso ang ekspresyon ni Damien—matigas, walang bahid ng biro. “Ano’ng ibig mong sabihin?” mahina niyang tanong, pero dama ang tensyon sa kanyang boses. Nagtagal ng ilang segundo bago sumagot si Damien, pero nang nagsalita ito, diretso ang tono. “Ibig sabihin, may taong gustong putulin ang kasal natin nang hindi natin alam.” Napalunok si Carol. Gusto niyang maniwala na wala siyang dapat ikatakot, pero may bumabalot na pangamba sa kanya. Dalawang taon siyang hindi ginulo ng kahit sino, pero bakit ngayon biglang may ganitong nangyayari? At sino ang may lakas ng loob para gumawa nito nang hindi man lang nila alam? Nakita niyang may kinuha si Damien mula sa loob ng kanyang coat—isang papel na tiniklop nito at iniabot sa kanya. “Tingnan mo ito.” Dahan-dahan niyang

    Huling Na-update : 2025-02-11
  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 4: DAMIEN’S MOTHER

    Napakurap si Carol. Ang pamilya ko? Hindi siya makapaniwala. Bakit sila? “Wala silang dahilan para gawin ‘to,” mariin niyang sagot. “Kung gusto nilang mapawalang-bisa ang kasal natin, bakit hindi nila sinabi sa’kin?” Tumawa nang mapakla si Damien. “At sa tingin mo, sasabihin nila? Alam mo bang ilang beses silang nakipag-ugnayan sa akin noon para iurong ang kasal natin?” Nanigas ang katawan ni Carol. Hindi siya nagulat na tutol ang pamilya niya sa kasal nila—alam niya ‘yon mula pa noong una. Pero hindi niya alam na umabot ito sa puntong kinausap na pala nila si Damien nang hindi niya alam. “Hindi ako pumayag,” patuloy ni Damien, malamig ang boses. “Pero hindi ibig sabihin noon na titigil sila sa gusto nilang mangyari.” Muli siyang nilapitan nito, at sa pagkakataong ito, hindi siya umatras. “Kung hindi ikaw ang gumawa ng annulment papers na ‘yon, kung hindi rin ako, sino pa ang may motibong gawin ‘yon?” Napalunok si Carol. Ang pamilya niya lang ang may dahilan para gawin ito. “M

    Huling Na-update : 2025-02-11

Pinakabagong kabanata

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 1: MISTAKE

    Dumadagundong ang kaba sa dibdib ni Carol habang nakatayo siya sa harap ng pintuan ng isang mamahaling condo unit. Dalawang taon. Dalawang taong kasal siya sa isang lalaking hindi pa niya nakikita nang personal. Mga litrato lang mula sa kanilang arranged marriage ang nagbigay sa kanya ng ideya kung ano ang itsura nito—bata pa sa larawan, inosente ang ngiti, at tila walang bahid ng kasamaan. Ngunit ngayon, sa unang pagkakataon, makikilala na niya ito.Sa kanyang pagkakataranta, hindi niya napansin ang lalaking nakamasid sa kanya. Matangkad ito, nakasuot ng mamahaling coat, at may malamig na titig.“Magkano ang usapang ibabayad sa ‘yo?” malamig na tanong nito.Napalingon siya, “Ha?” naguguluhan niyang tugon.Bago pa siya makasagot, marahas siyang hinawakan ng lalaki sa braso at hinila papasok sa isang unit. “Wag ka nang magkunwari. Alam kong ikaw ang pina-book para sa plano ko.”“Sandali! Ano ba—” Naputol ang kanyang salita nang marahas siyang itulak papasok sa loob.Amoy alak at usok a

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status