Pagpasok ni Damien sa kanyang kwarto, napahinto siya.
Wala na ang babae. Napatingin siya sa kama— magulo pa rin ang bedsheet, pero wala na ang init ng katawan ng babaeng kasama niya kagabi. Napamura siya, napahawak sa sentido. Saan siya nagpunta? Kinuha niya ang cellphone sa bedside table at mabilis na tinawagan ang isa sa kanyang mga tauhan. Pagkarinig pa lang ng sagot sa kabilang linya, agad siyang nag-utos. “Hanapin niyo siya. Ngayon din” May bahagyang pag-aalangan sa sagot ng tauhan niya, pero matigas ang boses niya nang ulitin ang utos. “Alamin niyo kung sino siya at saan siya nakatira. Dapat bago matapos ang araw, may sagot na kayo sa akin.” Pagkababa ng tawag, napaupo si Damien sa gilid ng kama, napapikit habang hinahaplos ang sentido. Malabo pa sa kanya ang mga nangyari kagabi—naalimpungatan siya, lasing, at wala sa tamang pag-iisip. Pero isang bagay ang malinaw sa kanya: Ang babaeng iyon… iba siya. At kung sino man siya, hindi siya makakatakas sa akin nang basta-basta. Wala pang ilang minuto nang tumawag muli ang tauhan niya. “Sir Damien, ang babaeng nakasama niyo kagabi ay ang asawa niyo po.” sambit nito sa kabilang linya. “What?” gulat niyang sambit at napahawak sa kaniyang sentido. “Are you sure?!” “Sure na sure, Sir. Sa kabilang unit dapat siya papasok pero nakita ko sa CCTV na hinila siya ng lalaking nagdala rin sa iyo sa kabilang unit.” “Damn it!” mura ni Damien. “Go find her! Bring her to me now!” “Yes, Sir Damien!” Samantala si Carol ay walang gana pa ring tinitigan ang annulment papers sa kanyang harapan. Para bang sa isang iglap, nawala ang dalawang taon niyang paghihintay, ang bawat pangarap niyang makita at makasama ang lalaking pinakasalan niya kahit hindi niya pa ito nakikita. Pero ngayon, gusto na nitong putulin ang lahat. Napakuyom siya ng kamao. Bakit? Halos mapatalon siya nang marinig ang malakas na katok sa pinto ng kanyang kwarto. Ilang saglit lang, bumukas iyon, at pumasok ang isa sa kanilang mga kasambahay, halatang nagmamadali. “Ma’am, may mga lalaking nasa labas. Gusto kayong makausap.” Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Carol. “Sino sila?” “Hindi po nila sinabi, pero mukhang hindi basta-basta ang dating nila. May dala silang sasakyan at mukhang may sinasabi silang importante raw.” Kinuyom ni Carol ang kumot sa kanyang kandungan. May masamang kutob siyang bumalot sa kanyang dibdib. Bumangon siya, inayos ang sarili kahit nanginginig pa rin ang kanyang katawan, bago dahan-dahang lumabas ng kwarto. Habang pababa siya ng hagdan, tanaw niya mula sa malaking bintana ang dalawang itim na SUV na nakaparada sa tapat ng kanilang mansion. Ilang lalaki ang nakatayo sa labas—mga nakaitim, matitikas ang tindig, at halatang hindi mga ordinaryong bisita. Lalo siyang kinabahan. Sa pagbukas ng kanilang pintuan, isang lalaki ang lumapit sa kanya. Matangkad ito, may matigas na ekspresyon sa mukha, at halatang sanay sa pagsunod ng utos. “Ma’am Carol?” tanong nito, malamig ang boses. Tumango siya, kahit pa may bahagyang pag-aalangan. “Sino kayo? Anong kailangan niyo sa akin?” Nagpalitan ng tingin ang mga tauhan, bago nagsalita muli ang lalaki. “Ipinapatawag po kayo ni Sir Damien.” Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Damien. Ang pangalang iyon ay tumatak sa kanyang ispan —at sa isang iglap, bumalik ang lahat ng alaala ng gabing iyon. Ang takot, ang sakit, at ang katotohanang may isang estrangherong lalaking kumuha ng hindi dapat sa kanya. Napaatras siya. “H-Hindi ko siya kilala. Wala akong alam tungkol sa kanya.” pagsisinungaling niya. Nakagawa siya ng mali, at natatakot siyang harapin ang asawa niya. “Pasensya na po, Ma’am,” matigas na sagot ng lalaki. “Pero nais po niya kayong makita.” At bago pa siya makatakbo, naramdaman niya ang malamig na bakal na posas na pumalupot sa kanyang pulso. Madiing nakapikit si Carol sa likod ng sasakyang pwersahang nagdala sa kanya. Pilit niyang kinakalma ang sarili, pero hindi niya mapigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay. Bakit siya hinahanap ni Damien? Ano’ng gusto niya? Ramdam niya ang malamig na bakal ng posas sa kanyang pulso. Hindi naman siya tinrato nang marahas ng mga tauhan nito, pero halata sa kilos ng mga ito na wala siyang pagpipilian kundi sumama. Napalingon siya sa bintana. Mas lalong lumakas ang kaba niya nang mapansin niyang hindi ito ang daan patungo sa city proper. “San’yo ako dinadala?” matigas ang tanong niya. Walang sumagot. Napakuyom siya ng kamao. Hindi siya papayag na manatiling tahimik lang at maghintay sa kung anong gustong gawin sa kanya. “Sabihin niyo kay Damien na kung may gusto siyang pag-usapan, hindi ito ang tamang paraan.” Napatingin sa kanya ang lalaking nakaupo sa harapan, ang isa sa mga tauhan ni Damien. “Huwag kang mag-alala, Ma’am. Gusto ka lang niyang makausap.” “Kung gusto niya akong makausap, puwede naman akong tawagan. Hindi ‘yung dinukot niyo ako sa mismong bahay ko!” galit niyang sagot. Pero bago pa sila makalabas ng highway, biglang huminto ang sasakyan. Napasandal siya sa upuan sa lakas ng preno. “Tang’na,” narinig niyang mura ng driver. Napasulyap siya sa labas—at nanlaki ang mata niya. Dalawang itim na SUV ang humarang sa kanilang daan. Ilang sandali lang, bumukas ang pinto ng isa sa mga sasakyan, at bumaba mula rito ang isang pamilyar na pigura. Si Damien. Napalunok si Carol habang pinagmamasdan ang lalaking papalapit sa sasakyan niya. Matangkad ito, matikas ang tindig, at ang malamig na ekspresyon sa mukha nito ay nagbigay ng kakaibang takot sa kanya. Bumukas ang pinto ng sasakyan niya, at bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang malalim na boses ni Damien. "Wala ka talagang balak magpakita sa akin, hmm… asawa ko?" Halos hindi makahinga si Carol sa sinabi ni Damien. Asawa. Paulit-ulit na umalingawngaw ang salitang iyon sa kanyang isipan habang nakatitig sa lalaking ngayon lang niya nakita nang harapan—ang lalaking lihim niyang pinakasalan dalawang taon na ang nakalilipas. Si Damien. Ang lalaking dapat ay asawa niya… at ang lalaking ninakawan siya ng puri noong gabing iyon ay iisa? Dumagundong ang dibdib niya sa pinaghalong galit, sakit, at pagkabigla. Hindi siya agad nakapagsalita. Gusto niyang isigaw sa kanya kung ano ang ginawa nito sa kanya, gusto niyang malaman kung bakit sa loob ng dalawang taon, ni hindi ito nagpakita, ni hindi siya kinausap—at ngayon, bigla na lang siyang kakaladkarin pabalik sa buhay nito? Ngunit hindi siya maaaring magpakita ng kahinaan. Matapang niyang hinarap si Damien, pilit tinatakpan ang kaba sa kanyang dibdib. “Bakit mo ako dinukot? Anong gusto mong mangyari?” Isang bahagyang ngiti ang lumitaw sa labi ni Damien, ngunit malamig ito, walang bahid ng kasiyahan. “Hindi kita dinukot. Kinuha lang kita para sa isang usapan. Ikaw ang umalis nang hindi nagpapaalam, hindi ba?” Napalunok siya. “Dahil wala akong dahilan para manatili doon.” Nagtaas ito ng kilay, mistulang naaaliw sa sagot niya. “Wala kang dahilan? Hindi mo ba naisip na maaaring may gustong ipaliwanag sa’yo ang lalaking kasama mo kagabi?” Nagsikip ang dibdib ni Carol. Sinadya ba nitong sabihin iyon? Sinadya ba nitong ipamukha sa kanya ang nangyari? Na it was him all night? Nanginginig ang mga kamay niya, pero hindi siya umatras. “Wala akong pakialam kung sino ka, Damien. Kung ano man ang kasunduan natin noon, tapos na iyon. Nakatanggap na ako ng annulment papers. Hindi ba iyon ang gusto mo?” Napuno ng katahimikan ang pagitan nila. Tinitigan siya ni Damien, ang mga mata nito ay may bahagyang anino ng emosyon na hindi niya mabasa. Hanggang sa isang iglap, lumapit ito sa kanya, masyadong malapit para maramdaman niya ang init ng katawan nito. “Bakit ka ba nagmamadaling makawala, hmm?” bulong nito, mababa ang boses. “Dahil ba sa nangyari kagabi?” Muntik nang mawala ang kanyang tapang. Ngunit sa huli, mariin niyang sinagot: “Dahil ayokong magkaroon ng kahit anong koneksyon sa’yo.” Isang mapanganib na ngiti ang lumitaw sa labi ni Damien. “Ayaw mo ng koneksyon sa akin?” inulit niya, parang tinutukso siya. “Sigurado ka ba diyan, asawa ko?” Lalo lang lumakas ang tibok ng puso ni Carol. Gusto niyang umatras, gusto niyang lumayo, pero ayaw niyang ipakita rito na naaapektuhan siya. Pinanindigan niya ang tapang sa kanyang boses. “Oo. Ikaw ang unang lumayo. Ikaw ang unang nagdesisyong tapusin ito. At ngayon, ano? Bigla mo akong ipapatawag na parang utusan? Parang may karapatan ka pang diktahan ang buhay ko?” Bahagyang kumunot ang noo ni Damien. “Wait-What? Ako ang lumayo?” may bahagyang inis sa boses nito. “Ako ang nagdesisyong tapusin ito?” “Huwag mo akong gawing tanga, Damien!” galit niyang sabi. “Dalawang taon akong naghintay na magpakita ka, na makilala ka, kahit man lang sa simpleng usapan! Pero anong ginawa mo? Wala. At ngayong pinadala mo na ang annulment papers, bakit kailangan mo pa akong guluhin?” Tahimik lang si Damien, pero bakas sa mukha nito ang kakaibang tensyon. Parang may gusto itong sabihin, pero pinipigilan. “Sabihin mo nga sa akin,” mariing tanong ni Carol, pilit na pinakakalma ang nanginginig na boses. “Bakit mo ako pinapahanap? Dahil lang ba sa nangyari kagabi?” Hindi sumagot si Damien. Nagtagis ang kanyang bagang, napuno ng matinding sakit at poot ang kanyang dibdib. Kung iniisip nitong may makukuha pa ito sa kanya pagkatapos ng lahat, nagkakamali ito. Tumalikod siya, naglakad palayo. Pero bago pa siya makalayo nang tuluyan, narinig niya ang malalim at seryosong tinig ni Damien. “Hindi ko pinadala ang annulment papers.” Napahinto si Carol. Napalingon siya rito, gulat at naguguluhan. “Ano?” Mabagal na lumapit si Damien, at sa bawat hakbang nito, parang lumalakas ang kaba sa kanyang dibdib. “Sinabi kong hindi ako ang nagpadala ng annulment papers.” Nanlamig siya. “Hindi ikaw?” Umiling si Damien. “At gusto kong malaman kung sino ang may gustong ipawalang-bisa ang kasal natin.” Biglang may bumalik na takot sa puso ni Carol. Kung hindi si Damien ang nagpadala… sino ang gustong maputol ang kasal nila?Nanlamig ang katawan ni Carol sa rebelasyong iyon. Kung hindi si Damien ang nagpadala ng annulment papers… sino? Napatingin siya rito, pilit hinahanap sa mukha ng lalaki ang kahit anong senyales ng pagsisinungaling. Pero seryoso ang ekspresyon ni Damien—matigas, walang bahid ng biro. “Ano’ng ibig mong sabihin?” mahina niyang tanong, pero dama ang tensyon sa kanyang boses. Nagtagal ng ilang segundo bago sumagot si Damien, pero nang nagsalita ito, diretso ang tono. “Ibig sabihin, may taong gustong putulin ang kasal natin nang hindi natin alam.” Napalunok si Carol. Gusto niyang maniwala na wala siyang dapat ikatakot, pero may bumabalot na pangamba sa kanya. Dalawang taon siyang hindi ginulo ng kahit sino, pero bakit ngayon biglang may ganitong nangyayari? At sino ang may lakas ng loob para gumawa nito nang hindi man lang nila alam? Nakita niyang may kinuha si Damien mula sa loob ng kanyang coat—isang papel na tiniklop nito at iniabot sa kanya. “Tingnan mo ito.” Dahan-dahan niyang
Napakurap si Carol. Ang pamilya ko? Hindi siya makapaniwala. Bakit sila? “Wala silang dahilan para gawin ‘to,” mariin niyang sagot. “Kung gusto nilang mapawalang-bisa ang kasal natin, bakit hindi nila sinabi sa’kin?” Tumawa nang mapakla si Damien. “At sa tingin mo, sasabihin nila? Alam mo bang ilang beses silang nakipag-ugnayan sa akin noon para iurong ang kasal natin?” Nanigas ang katawan ni Carol. Hindi siya nagulat na tutol ang pamilya niya sa kasal nila—alam niya ‘yon mula pa noong una. Pero hindi niya alam na umabot ito sa puntong kinausap na pala nila si Damien nang hindi niya alam. “Hindi ako pumayag,” patuloy ni Damien, malamig ang boses. “Pero hindi ibig sabihin noon na titigil sila sa gusto nilang mangyari.” Muli siyang nilapitan nito, at sa pagkakataong ito, hindi siya umatras. “Kung hindi ikaw ang gumawa ng annulment papers na ‘yon, kung hindi rin ako, sino pa ang may motibong gawin ‘yon?” Napalunok si Carol. Ang pamilya niya lang ang may dahilan para gawin ito. “M
Dumadagundong ang kaba sa dibdib ni Carol habang nakatayo siya sa harap ng pintuan ng isang mamahaling condo unit. Dalawang taon. Dalawang taong kasal siya sa isang lalaking hindi pa niya nakikita nang personal. Mga litrato lang mula sa kanilang arranged marriage ang nagbigay sa kanya ng ideya kung ano ang itsura nito—bata pa sa larawan, inosente ang ngiti, at tila walang bahid ng kasamaan. Ngunit ngayon, sa unang pagkakataon, makikilala na niya ito.Sa kanyang pagkakataranta, hindi niya napansin ang lalaking nakamasid sa kanya. Matangkad ito, nakasuot ng mamahaling coat, at may malamig na titig.“Magkano ang usapang ibabayad sa ‘yo?” malamig na tanong nito.Napalingon siya, “Ha?” naguguluhan niyang tugon.Bago pa siya makasagot, marahas siyang hinawakan ng lalaki sa braso at hinila papasok sa isang unit. “Wag ka nang magkunwari. Alam kong ikaw ang pina-book para sa plano ko.”“Sandali! Ano ba—” Naputol ang kanyang salita nang marahas siyang itulak papasok sa loob.Amoy alak at usok a
Napakurap si Carol. Ang pamilya ko? Hindi siya makapaniwala. Bakit sila? “Wala silang dahilan para gawin ‘to,” mariin niyang sagot. “Kung gusto nilang mapawalang-bisa ang kasal natin, bakit hindi nila sinabi sa’kin?” Tumawa nang mapakla si Damien. “At sa tingin mo, sasabihin nila? Alam mo bang ilang beses silang nakipag-ugnayan sa akin noon para iurong ang kasal natin?” Nanigas ang katawan ni Carol. Hindi siya nagulat na tutol ang pamilya niya sa kasal nila—alam niya ‘yon mula pa noong una. Pero hindi niya alam na umabot ito sa puntong kinausap na pala nila si Damien nang hindi niya alam. “Hindi ako pumayag,” patuloy ni Damien, malamig ang boses. “Pero hindi ibig sabihin noon na titigil sila sa gusto nilang mangyari.” Muli siyang nilapitan nito, at sa pagkakataong ito, hindi siya umatras. “Kung hindi ikaw ang gumawa ng annulment papers na ‘yon, kung hindi rin ako, sino pa ang may motibong gawin ‘yon?” Napalunok si Carol. Ang pamilya niya lang ang may dahilan para gawin ito. “M
Nanlamig ang katawan ni Carol sa rebelasyong iyon. Kung hindi si Damien ang nagpadala ng annulment papers… sino? Napatingin siya rito, pilit hinahanap sa mukha ng lalaki ang kahit anong senyales ng pagsisinungaling. Pero seryoso ang ekspresyon ni Damien—matigas, walang bahid ng biro. “Ano’ng ibig mong sabihin?” mahina niyang tanong, pero dama ang tensyon sa kanyang boses. Nagtagal ng ilang segundo bago sumagot si Damien, pero nang nagsalita ito, diretso ang tono. “Ibig sabihin, may taong gustong putulin ang kasal natin nang hindi natin alam.” Napalunok si Carol. Gusto niyang maniwala na wala siyang dapat ikatakot, pero may bumabalot na pangamba sa kanya. Dalawang taon siyang hindi ginulo ng kahit sino, pero bakit ngayon biglang may ganitong nangyayari? At sino ang may lakas ng loob para gumawa nito nang hindi man lang nila alam? Nakita niyang may kinuha si Damien mula sa loob ng kanyang coat—isang papel na tiniklop nito at iniabot sa kanya. “Tingnan mo ito.” Dahan-dahan niyang
Pagpasok ni Damien sa kanyang kwarto, napahinto siya. Wala na ang babae. Napatingin siya sa kama— magulo pa rin ang bedsheet, pero wala na ang init ng katawan ng babaeng kasama niya kagabi. Napamura siya, napahawak sa sentido. Saan siya nagpunta? Kinuha niya ang cellphone sa bedside table at mabilis na tinawagan ang isa sa kanyang mga tauhan. Pagkarinig pa lang ng sagot sa kabilang linya, agad siyang nag-utos. “Hanapin niyo siya. Ngayon din” May bahagyang pag-aalangan sa sagot ng tauhan niya, pero matigas ang boses niya nang ulitin ang utos. “Alamin niyo kung sino siya at saan siya nakatira. Dapat bago matapos ang araw, may sagot na kayo sa akin.” Pagkababa ng tawag, napaupo si Damien sa gilid ng kama, napapikit habang hinahaplos ang sentido. Malabo pa sa kanya ang mga nangyari kagabi—naalimpungatan siya, lasing, at wala sa tamang pag-iisip. Pero isang bagay ang malinaw sa kanya: Ang babaeng iyon… iba siya. At kung sino man siya, hindi siya makakatakas sa akin nang b
Dumadagundong ang kaba sa dibdib ni Carol habang nakatayo siya sa harap ng pintuan ng isang mamahaling condo unit. Dalawang taon. Dalawang taong kasal siya sa isang lalaking hindi pa niya nakikita nang personal. Mga litrato lang mula sa kanilang arranged marriage ang nagbigay sa kanya ng ideya kung ano ang itsura nito—bata pa sa larawan, inosente ang ngiti, at tila walang bahid ng kasamaan. Ngunit ngayon, sa unang pagkakataon, makikilala na niya ito.Sa kanyang pagkakataranta, hindi niya napansin ang lalaking nakamasid sa kanya. Matangkad ito, nakasuot ng mamahaling coat, at may malamig na titig.“Magkano ang usapang ibabayad sa ‘yo?” malamig na tanong nito.Napalingon siya, “Ha?” naguguluhan niyang tugon.Bago pa siya makasagot, marahas siyang hinawakan ng lalaki sa braso at hinila papasok sa isang unit. “Wag ka nang magkunwari. Alam kong ikaw ang pina-book para sa plano ko.”“Sandali! Ano ba—” Naputol ang kanyang salita nang marahas siyang itulak papasok sa loob.Amoy alak at usok a