Napakurap si Carol. Ang pamilya ko?
Hindi siya makapaniwala. Bakit sila? “Wala silang dahilan para gawin ‘to,” mariin niyang sagot. “Kung gusto nilang mapawalang-bisa ang kasal natin, bakit hindi nila sinabi sa’kin?” Tumawa nang mapakla si Damien. “At sa tingin mo, sasabihin nila? Alam mo bang ilang beses silang nakipag-ugnayan sa akin noon para iurong ang kasal natin?” Nanigas ang katawan ni Carol. Hindi siya nagulat na tutol ang pamilya niya sa kasal nila—alam niya ‘yon mula pa noong una. Pero hindi niya alam na umabot ito sa puntong kinausap na pala nila si Damien nang hindi niya alam. “Hindi ako pumayag,” patuloy ni Damien, malamig ang boses. “Pero hindi ibig sabihin noon na titigil sila sa gusto nilang mangyari.” Muli siyang nilapitan nito, at sa pagkakataong ito, hindi siya umatras. “Kung hindi ikaw ang gumawa ng annulment papers na ‘yon, kung hindi rin ako, sino pa ang may motibong gawin ‘yon?” Napalunok si Carol. Ang pamilya niya lang ang may dahilan para gawin ito. “May kailangan tayong malaman,” seryosong sabi ni Damien. “At gusto kong marinig mismo mula sa kanila kung anong tinatago nila.” Magsasalita pa sana si Carol, pero biglang tumunog ang telepono ni Damien. Agad nitong sinagot ang tawag. “Ano?” malamig nitong sagot. Ilang saglit lang, nagdilim ang ekspresyon nito. “Saan?” Nagtama ang mga mata nila ni Carol. Kitang-kita niya ang lalong paglamig ng mukha ng asawa. “Ano’ng nangyari?” tanong niya, hindi mapigilang kabahan. Bumaba ang telepono ni Damien. Ilang segundo pa bago ito sumagot. “May nahanap kaming CCTV footage sa building.” Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Carol. “At?” Matalim ang titig ni Damien. “May nagdala sa’yo sa unit ko, Carol.” Napasinghap siya. Hindi nga aksidente ang lahat. Ngunit mas tumindi ang kaba niya sa sumunod na sinabi ni Damien. “At kilala ko ang taong ‘yon.” Nanlamig ang katawan ni Carol sa sinabi ni Damien. May nagdala sa kanya sa unit nito? At kilala ito ni Damien? Mabilis niyang hinanap ang sagot sa mukha ng asawa, pero nanatili itong walang emosyon, tila pinipigil ang anumang nararamdaman. “S-Sino?” halos pabulong niyang tanong. Matalim ang titig ni Damien nang sagutin siya. “Si Vincent.” Vincent. Halos mahulog si Carol sa kinatatayuan. “H-Hindi… hindi pwede,” mahina niyang bulong, pilit iniiwasan ang katotohanang iyon. Si Vincent? Ang matalik niyang kaibigan? Hindi maaari. Si Vincent ang laging nasa tabi niya, ang taong pinagkakatiwalaan niya mula pa noon. Bakit niya gagawin ito sa akin? Pinanood lang siya ni Damien habang dahan-dahan siyang nauupos sa sofa, pinipilit iproseso ang lahat. “Hindi ko alam kung bakit niya ginawa ‘to,” ani Damien. “Pero may isang bagay akong sigurado—hindi aksidente ang lahat ng nangyari.” Napailing si Carol. “Hindi… hindi ako makapaniwala.” Humugot ng malalim na hininga si Damien, saka umupo sa tabi niya. “Alam kong mahirap tanggapin, pero ito ang totoo. Nasa footage ang mukha niya, Carol. Malinaw na siya mismo ang nagdala sa’yo sa unit ko.” Hindi na niya napigilang manginig. “Anong gagawin mo ngayon?” Napabuntong-hininga si Damien. “Malalaman natin kung anong motibo niya.” Seryoso ang tono nito. “At kung may kinalaman siya sa annulment papers, sa pagkawala ng alaala ko, at sa lahat ng ito—mananagot siya.” Hindi pa rin makapaniwala si Carol. Ang Vincent na kilala niya ay mabait, maalaga, at laging handang ipagtanggol siya. Ano ang dahilan niya para gawin ito sa kanya? Ngunit bago pa siya tuluyang malunod sa gulo ng kanyang isipan, muling nagsalita si Damien—at sa pagkakataong ito, ang boses nito ay may bahid ng pangako. “Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman ang totoo.” At sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang kaguluhang ito, kahit papaano, naramdaman ni Carol na may isang taong handang ipaglaban siya. Hindi mapakali si Carol habang nasa loob ng sasakyan ni Damien. Ilang minuto na silang bumabagtas sa highway, patungo sa lugar kung saan nila matatagpuan si Vincent. Si Vincent… ang taong matagal niyang pinagkatiwalaan. Ang taong palagi niyang nilalapitan tuwing may problema siya. At ngayon, siya rin ang taong maaaring nasa likod ng pinakamalaking panlilinlang sa buhay niya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Takot? Galit? O sakit dahil sa posibilidad na pinaglaruan lang siya ng isang taong itinuring niyang pamilya? “Dito mo na lang ihinto ang sasakyan,” biglang utos ni Damien sa driver. Napatigil si Carol sa pag-iisip. “Bakit?” “Dahil hindi ka pwedeng humarap kay Vincent nang ganyan ang estado mo.” Kumunot ang noo niya. “Anong ibig mong sabihin?” Huminga ng malalim si Damien bago tumingin sa kanya. “Gulong-gulo ka pa. At kung totoo ngang may kasalanan si Vincent, hindi mo siya matatanong nang maayos kung puno ka ng emosyon.” Naningkit ang mga mata ni Carol. “Kaya mo akong pigilan, Damien?” Tumitig ito sa kanya, seryoso. “Hindi kita pinipigilan. Pero kung gusto mong malaman ang totoo, dapat maging matalino ka.” Nagpigil siya ng buntong-hininga. Ayaw niyang aminin, pero may punto si Damien. Kung masyado siyang emosyonal sa paghaharap nila ni Vincent, baka hindi niya makuha ang sagot na gusto niya. “Fine,” mahina niyang sagot. “Pero hindi ako magpapahuli sa laro mo, Damien. Kung may nalaman kang bago, gusto kong malaman agad.” Ngumiti ito nang bahagya. “Basta makinig ka sa’kin, Carol. Dahil sa larong ‘to, kahit isang maling hakbang lang, maaari ka nang masaktan.” Hindi na siya sumagot, pero alam niyang tama ito. Masyado nang maraming kasinungalingan. At ngayon, malapit na niyang malaman ang katotohanan—kahit gaano pa ito kasakit. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan sa isang upscale café sa gilid ng isang business district. Tahimik ang paligid, pero halatang pribado at eksklusibo ang lugar. Napalunok si Carol habang nakatingin sa loob ng café mula sa bintana ng sasakyan. Doon, sa isang sulok na lamesa, nakita niya ang isang lalaking pamilyar sa kanya—si Vincent. Naka-relax ang postura nito, hawak ang isang tasa ng kape habang may kausap sa phone. Para bang wala itong alam sa gulong pinagdaanan niya nitong mga nakaraang araw. “Ito na ba ‘yon?” mahina niyang tanong, hindi maalis ang tingin sa lalaki. Tumango si Damien. “Oo. At kung may kahit anong pakiramdam ka pa sa kanya, Carol, iwanan mo sa sasakyang ‘to. Dahil hindi natin alam kung kaibigan o kaaway siya.” Napakuyom ng kamao si Carol. Hindi siya sigurado kung galit ba o pangamba ang nangingibabaw sa kanya. Pero isang bagay ang sigurado—oras na para malaman ang katotohanan. Lumabas sila ng sasakyan. Habang naglalakad papasok ng café, hindi niya napigilan ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Nang makalapit sila sa lamesa ni Vincent, agad itong napatingin sa kanila. At sa isang iglap, bumalik ang lahat—ang mga alaala ng pagkakaibigan nila, ang mga panahong ito ang naging sandigan niya… at ang posibilidad na siya rin ang nagkanulo sa kanya. “Carol?” Nagulat ang boses ni Vincent, pero agad itong napalitan ng isang bahagyang ngiti. “Anong ginagawa mo rito?” Hindi siya sumagot. Umupo si Damien sa harapan nito, kalmado pero may bahid ng awtoridad ang kilos. “Mukhang masyado kang relaxed, Vincent.” Nagtaas ng kilay si Vincent, saka nagbaling ng tingin kay Carol. “May problema ba?” Huminga nang malalim si Carol, pinipilit maging matatag. “Sabihin mo sa’kin, Vincent. Ano ang ginawa mo sa akin noong gabing ‘yon?” Napatigil si Vincent. Sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon nito—mula sa pagiging kampante, naging alerto at bahagyang tensyonado. “A-Anong ibig mong sabihin?” Seryoso ang tingin ni Carol. “Alam mo kung anong ibig kong sabihin.” Nanatiling tahimik si Vincent. Kita sa mga mata nito na may tinatago ito—at hindi niya alam kung kaya niyang marinig ang sagot. Ngunit kailangan niya itong malaman. Dahil maaaring ang lalaking nasa harapan niya ngayon ang dahilan ng lahat ng sakit at pagkalito niya. Tahimik lang si Vincent habang nakatitig kay Carol. Kita sa mukha nito ang bahagyang pag-aalangan, pero sa likod ng maingat na ekspresyon nito, alam niyang may tinatago ito. “Ano ang ginawa mo sa akin noong gabing ‘yon, Vincent?” ulit ni Carol, mas matigas na ang boses. Nagkibit-balikat ito, pilit ngumiti. “Ano bang sinasabi mo? Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo.” Mas lalong tumigas ang ekspresyon ni Damien. “Huwag ka nang magpaliguy-ligoy pa. May CCTV footage kami. Ikaw mismo ang nagdala kay Carol sa unit ko.” Nanlaki ang mata ni Vincent, pero agad nitong pinakalma ang sarili. “Wait, wait… That’s impossible. Hindi ko magagawa ‘yan.” Itinukod ni Damien ang isang braso sa mesa, bahagyang lumapit. “Pero ginawa mo.” Halos hindi na makahinga si Carol. Hindi niya alam kung mas nangingibabaw ang galit, takot, o sakit ng pagtatraydor. “Bakit, Vincent? Ano’ng dahilan mo?” Napayuko ito, huminga nang malalim bago muling tumingin sa kanila. “Carol… Hindi ako ang may pakana nito. You see, wala rin ako sa katinuan nang gabi na 'yon. I didn't know that it was you! Pero hindi ko 'yon ginusto!” Napakunot ang noo ni Carol. “A-Anong 'di mo ginusto?” Nagbuntong-hininga si Vincent. “Tama, dinala kita sa unit ni Damien. Pero hindi ko alam kung ano ang nangyari pagkatapos noon. May nag-utos lang sa akin.” Halos magdilim ang paningin ni Carol. “Sinong nag-utos sa’yo?” Halatang nag-aalangan si Vincent, pero nang makitang hindi siya uurungan ni Damien, bumuntong-hininga ito. Sa wakas, bumigay ito. “Si Tita Margaret.” Biglang nanlamig ang katawan ni Carol. Halos hindi siya makahinga. Si Tita Margaret… ang ina ni Damien.Dumadagundong ang kaba sa dibdib ni Carol habang nakatayo siya sa harap ng pintuan ng isang mamahaling condo unit. Dalawang taon. Dalawang taong kasal siya sa isang lalaking hindi pa niya nakikita nang personal. Mga litrato lang mula sa kanilang arranged marriage ang nagbigay sa kanya ng ideya kung ano ang itsura nito—bata pa sa larawan, inosente ang ngiti, at tila walang bahid ng kasamaan. Ngunit ngayon, sa unang pagkakataon, makikilala na niya ito.Sa kanyang pagkakataranta, hindi niya napansin ang lalaking nakamasid sa kanya. Matangkad ito, nakasuot ng mamahaling coat, at may malamig na titig.“Magkano ang usapang ibabayad sa ‘yo?” malamig na tanong nito.Napalingon siya, “Ha?” naguguluhan niyang tugon.Bago pa siya makasagot, marahas siyang hinawakan ng lalaki sa braso at hinila papasok sa isang unit. “Wag ka nang magkunwari. Alam kong ikaw ang pina-book para sa plano ko.”“Sandali! Ano ba—” Naputol ang kanyang salita nang marahas siyang itulak papasok sa loob.Amoy alak at usok a
Pagpasok ni Damien sa kanyang kwarto, napahinto siya. Wala na ang babae. Napatingin siya sa kama— magulo pa rin ang bedsheet, pero wala na ang init ng katawan ng babaeng kasama niya kagabi. Napamura siya, napahawak sa sentido. Saan siya nagpunta? Kinuha niya ang cellphone sa bedside table at mabilis na tinawagan ang isa sa kanyang mga tauhan. Pagkarinig pa lang ng sagot sa kabilang linya, agad siyang nag-utos. “Hanapin niyo siya. Ngayon din” May bahagyang pag-aalangan sa sagot ng tauhan niya, pero matigas ang boses niya nang ulitin ang utos. “Alamin niyo kung sino siya at saan siya nakatira. Dapat bago matapos ang araw, may sagot na kayo sa akin.” Pagkababa ng tawag, napaupo si Damien sa gilid ng kama, napapikit habang hinahaplos ang sentido. Malabo pa sa kanya ang mga nangyari kagabi—naalimpungatan siya, lasing, at wala sa tamang pag-iisip. Pero isang bagay ang malinaw sa kanya: Ang babaeng iyon… iba siya. At kung sino man siya, hindi siya makakatakas sa akin nang b
Nanlamig ang katawan ni Carol sa rebelasyong iyon. Kung hindi si Damien ang nagpadala ng annulment papers… sino? Napatingin siya rito, pilit hinahanap sa mukha ng lalaki ang kahit anong senyales ng pagsisinungaling. Pero seryoso ang ekspresyon ni Damien—matigas, walang bahid ng biro. “Ano’ng ibig mong sabihin?” mahina niyang tanong, pero dama ang tensyon sa kanyang boses. Nagtagal ng ilang segundo bago sumagot si Damien, pero nang nagsalita ito, diretso ang tono. “Ibig sabihin, may taong gustong putulin ang kasal natin nang hindi natin alam.” Napalunok si Carol. Gusto niyang maniwala na wala siyang dapat ikatakot, pero may bumabalot na pangamba sa kanya. Dalawang taon siyang hindi ginulo ng kahit sino, pero bakit ngayon biglang may ganitong nangyayari? At sino ang may lakas ng loob para gumawa nito nang hindi man lang nila alam? Nakita niyang may kinuha si Damien mula sa loob ng kanyang coat—isang papel na tiniklop nito at iniabot sa kanya. “Tingnan mo ito.” Dahan-dahan niyang
Napakurap si Carol. Ang pamilya ko? Hindi siya makapaniwala. Bakit sila? “Wala silang dahilan para gawin ‘to,” mariin niyang sagot. “Kung gusto nilang mapawalang-bisa ang kasal natin, bakit hindi nila sinabi sa’kin?” Tumawa nang mapakla si Damien. “At sa tingin mo, sasabihin nila? Alam mo bang ilang beses silang nakipag-ugnayan sa akin noon para iurong ang kasal natin?” Nanigas ang katawan ni Carol. Hindi siya nagulat na tutol ang pamilya niya sa kasal nila—alam niya ‘yon mula pa noong una. Pero hindi niya alam na umabot ito sa puntong kinausap na pala nila si Damien nang hindi niya alam. “Hindi ako pumayag,” patuloy ni Damien, malamig ang boses. “Pero hindi ibig sabihin noon na titigil sila sa gusto nilang mangyari.” Muli siyang nilapitan nito, at sa pagkakataong ito, hindi siya umatras. “Kung hindi ikaw ang gumawa ng annulment papers na ‘yon, kung hindi rin ako, sino pa ang may motibong gawin ‘yon?” Napalunok si Carol. Ang pamilya niya lang ang may dahilan para gawin ito. “M
Nanlamig ang katawan ni Carol sa rebelasyong iyon. Kung hindi si Damien ang nagpadala ng annulment papers… sino? Napatingin siya rito, pilit hinahanap sa mukha ng lalaki ang kahit anong senyales ng pagsisinungaling. Pero seryoso ang ekspresyon ni Damien—matigas, walang bahid ng biro. “Ano’ng ibig mong sabihin?” mahina niyang tanong, pero dama ang tensyon sa kanyang boses. Nagtagal ng ilang segundo bago sumagot si Damien, pero nang nagsalita ito, diretso ang tono. “Ibig sabihin, may taong gustong putulin ang kasal natin nang hindi natin alam.” Napalunok si Carol. Gusto niyang maniwala na wala siyang dapat ikatakot, pero may bumabalot na pangamba sa kanya. Dalawang taon siyang hindi ginulo ng kahit sino, pero bakit ngayon biglang may ganitong nangyayari? At sino ang may lakas ng loob para gumawa nito nang hindi man lang nila alam? Nakita niyang may kinuha si Damien mula sa loob ng kanyang coat—isang papel na tiniklop nito at iniabot sa kanya. “Tingnan mo ito.” Dahan-dahan niyang
Pagpasok ni Damien sa kanyang kwarto, napahinto siya. Wala na ang babae. Napatingin siya sa kama— magulo pa rin ang bedsheet, pero wala na ang init ng katawan ng babaeng kasama niya kagabi. Napamura siya, napahawak sa sentido. Saan siya nagpunta? Kinuha niya ang cellphone sa bedside table at mabilis na tinawagan ang isa sa kanyang mga tauhan. Pagkarinig pa lang ng sagot sa kabilang linya, agad siyang nag-utos. “Hanapin niyo siya. Ngayon din” May bahagyang pag-aalangan sa sagot ng tauhan niya, pero matigas ang boses niya nang ulitin ang utos. “Alamin niyo kung sino siya at saan siya nakatira. Dapat bago matapos ang araw, may sagot na kayo sa akin.” Pagkababa ng tawag, napaupo si Damien sa gilid ng kama, napapikit habang hinahaplos ang sentido. Malabo pa sa kanya ang mga nangyari kagabi—naalimpungatan siya, lasing, at wala sa tamang pag-iisip. Pero isang bagay ang malinaw sa kanya: Ang babaeng iyon… iba siya. At kung sino man siya, hindi siya makakatakas sa akin nang b
Dumadagundong ang kaba sa dibdib ni Carol habang nakatayo siya sa harap ng pintuan ng isang mamahaling condo unit. Dalawang taon. Dalawang taong kasal siya sa isang lalaking hindi pa niya nakikita nang personal. Mga litrato lang mula sa kanilang arranged marriage ang nagbigay sa kanya ng ideya kung ano ang itsura nito—bata pa sa larawan, inosente ang ngiti, at tila walang bahid ng kasamaan. Ngunit ngayon, sa unang pagkakataon, makikilala na niya ito.Sa kanyang pagkakataranta, hindi niya napansin ang lalaking nakamasid sa kanya. Matangkad ito, nakasuot ng mamahaling coat, at may malamig na titig.“Magkano ang usapang ibabayad sa ‘yo?” malamig na tanong nito.Napalingon siya, “Ha?” naguguluhan niyang tugon.Bago pa siya makasagot, marahas siyang hinawakan ng lalaki sa braso at hinila papasok sa isang unit. “Wag ka nang magkunwari. Alam kong ikaw ang pina-book para sa plano ko.”“Sandali! Ano ba—” Naputol ang kanyang salita nang marahas siyang itulak papasok sa loob.Amoy alak at usok a