"Oh, wag mong sabihin sa kanila ina yung tungkol sa nangyari kanina. Di na nila kailangang alalahanin pa ito!" Sinabi ni Fane kay Selena matapos mag-isip. Tumango si Selena. "Oo, nagalit natin ngayon yung young master ng Hugo family. Baka pagalitan ka na naman ni ina pag nalaman niya to!" Pagkatapos ay tinignan niya si Kylie na nasa kanyang braso at sinabi, "Kylie, wag mo sasabihin sa mga lola mo kung paano tinalo ng tatay mo yung mga masamang tao kanina ah!" "Okay!" Masunuring tumango si Kylie. Doon na nakauwi si Joan at ang kanyang katulong na si Shauna mula sa paglalakad sa parke. "Kylie, tignan mo. Tignan mo pasalubong ko sayo!" Masayang inilahad ni Joan kay Kylie ang isang hawthorn candy. "Wow, hawthorn candy!" Nagalak si Kylie nang makita ang mga hawthorn candy. Tumakbo siya patungo kay Joan nang ilapag siya ni Selena. "Siya nga pala, papasok ka pa ng trabaho bukas. Ayaw mo bang bumili ng bagong damit?" Tiningan ni Selena si Fane. "Di na kailangan yan. Ayos na
Tinitigan ni Fiona nang masama si Ben at nagpatuloy, "Di ka ba natatakot na baka niloloko lang siya ni Miss Tanya? Natatakot ako kaya pumunta ako mismo para makita ko. Paano kung umuwi siya at magsinungaling siya sa atin?" "Ben, sa tingin ko tama ang sinasabi ni mama. Anong gagawin natin kapag tinanggihan siya sa trabaho at hindi makapasok, at umuwi para magsinungaling sa atin? Kaya ang pinakasiguradong paraan ay pumunta at tignan kung makakapagsimula siyang magtrabaho!" Sa tabi nila, tumango din si Xena nang tumingin silang tatlo sa gate. Sumakay si Fane sa kanyang electric scooter at papasok na sa mansyon. Subalit, ilang mga bodyguard na nagbabantay sa pintuan ang pumigil sa kanya. "Bata anong ginagawa mo? Mukh ba tong lugar na pwede magpasok ng electric scooter? Alam mo ba ang lugar na to? Ito ang Drake family mansion! Isa ba tong lugar na pwedeng magpasok ng motor ang kung sino?" Isa sa kanila ang tumingin kay Fane at galit na sinabi. Inihinto ni Fane ang kanyang moto
Halos himatayin ang mga bodyguard nang marinig nila ang sinabi ni Fane. Talagang pinagmamayabang ng lalaking ito na ang sahod niya kada buwan ay 20 milyon? "Haha, nagyayabang ka talaga! Kahit ang commander namin dito ay di ganyan kalaki ang sweldo!" Ikinumpas ng matangkad na lalaki ang kanyang kamay at agresibong sinabi matapos niyang tumawa, "Bata, lumayas ka rito. Wala ako masyadong pasensya para maikinig sa pagyayabang mo!" "Haha oo. Sobrang nakakatawa ang batang ito. Posible ba yung 20 milyon kada buwan? Yung sahod ni commander ay nasa dalawang milyon lang kada buwan tapos sinasabi nito mismo na ang sahod niya ay 20 milyon!" Nagsimula ring tumawa nang malakas ang ibang mga bodyguard. "Nandito ako para kay Miss Tanya. Ito ang unang araw ko dito at ayaw kong gumawa ng gulo!" Masyadong tamad si Fane para bigyan sila ng pansin. Nilagpasan niya sila at papasok na sa loob. "Gusto mo bang mamatay?" Naubusan na ng pasensya ang isa sa mga bodyguard. Tinikom niya na parang
"Mauunawaan naman to kasi ganito kalakas ang lalaking yon. Kung gusto niya ng sahod na 20 hanggang 30 libo, malamang pumayag sa kanya si Miss Tanya. Sinong mag-aakala na ganito siya kagahaman? Galing, niloko siya ni Miss Tanya, di siya pinapasok pero talagang nagpupumilit pa siyang pumasok!" Muling sinabi ni Xena, "Ngayon, di lang siya nabigo bilang isang bodyguard, mas mabuti kung di mapapahamak dito yung pamilya mo!" "Wala na. Pag nangyari to, ibig-sabihin ba nito na wala na yung kotse na isang milyon ang halaga na pinangako niya?" Dismayado ang mukha ni Ben at malungkot. Akala niya na makakakuha siya ng magandang kotse pero tila ba nagunaw nang tuluyan ang kanyang pangarap. "Yung kotse pa rin ang nasa isip mo? Di ko sineryoso yun ning sinabi niya yan!" Inilapag ni Xena ang kanyang kamay sa kanyang dibdib at sinabi. "Umuwi na tayo, galit na galit na talaga ako! Habang lalo kong nakikita, lalo akong nagagalit!" Galit na galit si Fiona sa puntong halos masuka na siya ng d
"Kayo ang nauna at tumangging papasukin ako!" Walang pakeng ngumiti si Fane. Matatapos na siyang manigarilyo. Matapos patayin ito, ipinitik niya ang kanyang daliri at tumalsik ito papunta sa basurahan sa malapit. "Haha, bata, sabihin mo sa amin kung bakit ka namin papapasukin? Sino ka ba sa tingin mo? Di ka naman mukhang mayaman. Sabihin mo, anong pinunta mo rito?" Tumawa at nagtanong ang assistant commander na nagngangalang Harvey. "Harvey, sabi ng batang ito na isa daw siyang bodyguard na kinuha ni Miss Tanya at sabi niya rin na may sahod siya na 20 milyon kada buwan. Di kami naniwala sa kanya at pinigilan namin siya na pumasok. Tapos, pwersahan siyang pumasok!" Ang ilang umakyat mula sa sahig ay kawawang tignan at kaagad na sumigaw sa tabi. "20 milyon kada buwan?" Nangutya ang lalaking pangalan ay Harvey matapos marinig ito. "Bata, di ka man lang marunong magsinungaling. Nakakalungkot naman!" "Commander Harvey, hayaan mo akong harapin siya. Antagal na mula nung gumal
Ngumiti lang si Fane at agad na kumilos. Sa mata ng mga bodyguard, para siyang isang multo. Isa-isa silang bumagsak pagdaan ni Fane. "Sige. Pagtulong-tulungan niyo 'ko!' Pagkatapos silang patumbahin ni Fane, sinenyasan niya sina Harvey at ang iba pang natitirang bodyguard. "Commander Harvey, ikaw na!" Halatang takot na takot ang isa sa mga bodyguard. Nakita niya kung gaano kabilis si Fane at alam niya na hindi niya ito kayang sabayan. Imposible na manalo siya kay Fane siya kabilis. Naisip ni Commander Harvey kung anong posibleng mangyari sa kanya habang pinupunasan niya ang malamig na pawis sa kanyang noo. Mahusay rin siyang makipaglaban. Madalas ay wala lang sa kanya ang pakikipaglaban sa apat na daan o limang-daang tao nang mag-isa. Subalit, nagulat siya sa bilis ni Fane at hindi niya kayang tapatan ang ganun kabilis na kalaban. "Anong problema? Di ba dapat ikaw ang maging ehemplo nila, Commander?" Ngumisi si Fane habang nakatingin nang maigi kay Harvey. "Napakatapang
"Ms. Tanya, gusto mo ba talaga siyang maging bodyguard mo? Napakaarogante niya!" Mayroong isang lalaki na nanlulumo ang mukha, parang gusto niyang bugbugin si Fane. Iyon ang ginawa niya kanina. Sa kasamaang palad, bago pa siya makalapit kay Fane ay tumalsik na siya agad sa isang sipa lang. "Siya ang bodyguard na hinire ko kahapon! Si Fane Woods!" Pinakilala siya ni Tanya nang may matamis na ngiti sa kanyang mga labi. "Twenty million nga talaga ang sahod niya kada buwan. Kung hindi kayo masaya ron, hamunin niyo siya sa laban!" Sa puntong ito, ngumiti si Tanya kay Fane. "Mr. Fane, kung talagang mga timba lang ng bigas ang tingin mo sa kanila, malamang ay walang problema kung hahamunin ka nila!" "Syempre naman!" Kalmadong sumagot si Fane. "Bw*sit, ipakita mo ang galing mo. Hahamunin kita ngayon!" Habang lalo niya itong iniisip ay lalong nagagalit si Harvey. Kailanman ay hindi siya natawag na timba ng bigas sa buong buhay niya; hindi pa siya kailanman minaliit ng ganito.
Buti na lang, hindi malayo si Fane kay Harvey; ilang metro lang ang layo nila sa isa't-isa. Malaki ang posibilidad na matamaan ni Harvey ang kanyang target. Kaagad na kumilos si Fane. Sobrang bilis ng kanyang mga kilos na walang nakakita kung paano niya ito ginawa. Ang tanging nakita lang nila ay hinawi niya ang kanyang mga kamay. Nang tumigil siya, nadagdagan ng lima ang mga kutsilyo sa kanyang kamay. Kung isasama ang binato ni Harvey kanina, anim na kutsilyo na ang hawak ni Fane. "Bwisit…" Napalunok ng laway si Harvey at sinubukang pakalmahin ang kanyang sarili. Nagulat siya na kayang saluhin ni Fane ang lahat ng mga kutsilyo. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi niya nakita kung paanong napunta sa mga kamay ni Fane ang limang kutsilyo. Alam niya na kahit na ang Head Commander ay pipiliing iwasan ang limang kutsilyo at magpaplano ng atake kaysa saluhin ang mga ito ng kanyang mga kamay sa ilalim ng ganitong sitwasyon. Sa pagsalo ni Fane sa lahat ng mga kutsilyo, pinatunayan