Buti na lang, hindi malayo si Fane kay Harvey; ilang metro lang ang layo nila sa isa't-isa. Malaki ang posibilidad na matamaan ni Harvey ang kanyang target. Kaagad na kumilos si Fane. Sobrang bilis ng kanyang mga kilos na walang nakakita kung paano niya ito ginawa. Ang tanging nakita lang nila ay hinawi niya ang kanyang mga kamay. Nang tumigil siya, nadagdagan ng lima ang mga kutsilyo sa kanyang kamay. Kung isasama ang binato ni Harvey kanina, anim na kutsilyo na ang hawak ni Fane. "Bwisit…" Napalunok ng laway si Harvey at sinubukang pakalmahin ang kanyang sarili. Nagulat siya na kayang saluhin ni Fane ang lahat ng mga kutsilyo. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi niya nakita kung paanong napunta sa mga kamay ni Fane ang limang kutsilyo. Alam niya na kahit na ang Head Commander ay pipiliing iwasan ang limang kutsilyo at magpaplano ng atake kaysa saluhin ang mga ito ng kanyang mga kamay sa ilalim ng ganitong sitwasyon. Sa pagsalo ni Fane sa lahat ng mga kutsilyo, pinatunayan
Maswerte? Hindi mga tanga ang mga tao sa paligid. Lahat ng kutsilyo ay tumama kay Harvey pero ang hawakan lamang ng mga ito ang tumama sa kanya. Malinaw na hindi iyon nagkataon lang. Maliban dito, si Harvey ang commander ng grupo. Kung hindi siya makalaban kay Fane, sino pa ang magtatangkang hamunin si Fane? "Br*t, napakagaling mo talaga! Tara na, sa tingin ko ay hindi ka nila kayang tapatan. Ipapakilala kita sa aking ama, lolo at kuya!" "Pagkatapos mo silang makita, aayusin ko na ang mga kakailanganin mo. Syempre, kung wala kang plano mamayang hapon, pwede mong sunduin ang asawa mo sa trabaho. Kung may kailangan kang gawin, pwede kang umalis ano mang oras. Pwede ka ring magpahinga sa Drake Residence. Pwede kang tumira sa kahit saang lugar na gustuhin mo!" Bahagyang ngumiti si Tanya at naglakad papasok kasama si Fane. Nagkatinginan ang mga bodyguard. Napatunganga na naman silang lahat. "Tama ba ang narinig ko? Sinabi niya ba na pwede siyang umalis sa trabaho kahit na kai
Hindi lang iyon, interesado rin siya sa kakayahan ni Fane. Sumasahod si Fane ng dalawampung milyon kada buwan. Hindi maganda pakiramdaman kung hindi siya nararapat sa halagang iyon. At saka, hindi na niya ito pinigilan dahil pumayag naman si Fane. Pagkalabas ni Timothy sa bahay, nakita niya si Harvey na naglalakad kasama ang ilang mga bodyguard. Halos lumipad ang puso niya sa tuwa. Napakalakas ni Harvey at siya ang pinakamalakas sa lahat ng mga Commander. Kaagad siyang kumaway at sumigaw, "Harvey, halika rito at subukan mo ang bagong bodyguard na 'to. Dadalian lang natin. Lalo na at isa tayong pamilya!" Kumibot ang ngiti ni Timothy. Hindi siya makapaghintay magmukhang tanga si Fane. Kung hindi man lang matalo ni Fane si Harvey, malamang mahihiya siya na babayaran siya ng ganoon kalaking halaga, hindi ba? Hindi mapigilan ni Tanya na tumawa sa isang tabi. "Bakit ka tumatawa?" Kumunot ang noo ni Timothy, naguguluhan siya. "Wala lang." Hawak ni Tanya ang kanyang tiyan.
"Okay Fane, tara na!" Nilagay ni Tanya ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran habang pinasunod niya si Fane papunta sa isang malapit na villa nang may ngiti sa kanyang mga labi. Pagkaalis ni Fane ay nanlumo ang ekspresyon ni James. Sinabihan niya si Timothy, "Timothy, ano bang sabi ko sa'yo? Kahit na gaano pa kalakas si Fane, kailangan mong maging magalang sa kanya. Wala tayong ma-trace na kahit na anong record ng batang 'yon sa army, tumagal siya roon ng limang taon. Kagaya ng hula ni Spectre Face, maaaring nasa top-secret files ang kanyang impormasyon!" Yumuko si Timothy at mahinang nagsalita. "Ama, hindi ako naging bastos sa kanya. Pakiramdam ko lang ay overpaid siya sa twenty million bucks na sahod sa isang buwan. Sa tingin ko ay masyado itong mataas para sa isang bodyguard, kaya gusto ko siyang subukan kung gaano ba talaga siya kalakas." Sa puntong ito, itinaas niya ang kanyang mukha at kalmadong ngumiti. "Ngayon, mukha ngang magaling siya. Malamang isa sa top gun ng mil
Sobrang kinakabahan si Fiona. Nataranta siya. "Ano nang gagawin natin? Sa huli, siya ang ang may gawa nito. Wala itong kinalaman sa pamilya natin!" "Isa pa, hindi ko naman siya tinanggap bilang manugang!" Kaagad na nilinaw ni Fiona ang kanyang saloobin. "Tama, wala akong brother-in-law na kagaya niya!" Kaagad na tinalikuran ni Ben si Fane nang walang pagaalinlangan. Ang salitang 'brother-in-law' na mabait niyang sinabi kahapon ay kaagad na nabaon sa limot. Sa kabilang banda, naging maayos ang unang araw ni Selena sa trabaho. Hindi niya inaasahan na nagpaplano ang Drake Family na mag-invest ng isang malaking proyekto sa silangan ng lungsod. Bumili sila ng malawak na lupa at inaayos ito para maging isang high-end na residential area. Bilang bagong talagang Procurement Manager, siya ang natatanging responsable sa pagkuha ng mga materyales. Natuwa si Selena. Nagpadala pa ang Drake Family ng isang Procurement Supervisor para paghatiin ang kanilang trabaho. Ang supervis
Pagkaalis ni Sonia, sumandal si Selena sa kanyang upuan at kumunot ang kanyang noo. "Mukhang 'di natutuwa sa'kin ang supervisor. Higit pa roon, pinilit niya akong ilibre sila. Kung hindi ako pumayag, malamang ichichismis niya na kuripot ako at hindi pumayag na ilibre sila pagkatapos kong maging manager!" "Kalimutan na natin 'yon, buti na lang, binigyan ako ni Fane ng nine hundred thousand kahapon at binigyan ako ni ina ng one hundred thousand. Sapat na siguro 'yon para sa isang hapunan, 'di ba?" Mapait na ngumiti si Selena at hindi na ito pinroblema pa. Kasabay nito, isang lalaki na nasa limampung taong gulang galing sa Taylor Family ay nasasabik na umuwi. Kaagad niyang pinatawag ang Old Master Taylor at ang iba pang miyembro ng Taylor Family. "Tito Timmy, anong problema?" Tamad na sinabi ni Ivan habang pinag-aaralan ang lalaki sa kanyang harapan. Masama ang timpla niya ngayon. Naghahanda siya para sa isang pagdiriwang sa hotel kahapon para ipagyabang ang kanyang nakamit
"Wag kang mag-alala. Kung mangyayari iyon, hindi lang natin siya kikilalanin bilang son-in-law!" "At saka, alam ng lahat ang kasunduan natin sa kanya. Kahit na si Young Master Michael ay nakakaalam nito. Mayroon tayong isang buwan na kasunduan kay Fane." "Higit pa roon, 'pag kinilala natin siya, hindi sana natin pinalayas sina Selena mula sa Taylor Family!" Tumango ang Old Master Taylor. "Tama, hindi natin siya kinilala kaya hindi siya kabilang sa Taylor Family!" Dahil dito, huminto ang old master at nagtanong, "Oo nga pala, ano naman ang magandang balita na sinasabi mo tungkol kay Selena? Talaga bang nagtatrabaho na siya para sa Drake Family?" Seryoso ang mukha ni Timmy. "Old Master, hindi ba alam na ito ng lahat kahapon? At saka, may kakayahan si Selena. Hindi masyadong mataas ang sahod na isang milyon kada buwan. Higit pa roon, nagtatrabaho siya sa Drake Family at siya pa ang manager!" "Kung ganoon, iyon ba ang magandang balita?" Kumunot ang noo ni Ivan kaya naguluhan
"Tama, gagana siguro ito. Si Selena ay parte ng ating Taylor Family. Sino pa ba ang makikinabang sa ganito kalaking project kundi tayo?" Kaagad na komento ni Cecelia nang nakangiti. Kung magawa ng Taylor Family na maging isang second-class aristocratic family, tataas ang ang kanyang kumpanya sa lumabas sa hinaharap nang may ganitong klaseng pamilya. Pagdating ng oras, ang mga dalagang iyon mula sa mga third class aristocratic family na malapit sa kanya ay maiinggit. Malamang ay susubukan nilang matuwa siya sa kanila, hindi ba? "Tama, kasapi natin si Selena kaya natural na aalagaan niya tayo!" Tumango si Theodore pagkatapos niyang pag-aralan ang ideya sa kanyang isipan. Tumingin siya kay Ivan at nagsabing, "Ivan, kailangan mong maging sinsero kung hihingi ka ng tawad sa kanya. Kuha mo?" "Huwag kang mag-alala. Tiyak na magiging sinsero ako!" Sabi ni Ivan habang nakangiti, "Pinag-isipan ko na ito. Basta't aalagaan niya ang ating pamilya at hahayaan tayong kumita, pwede ko siya