Share

Kabanata 87

Author: Moneto
Tinitigan ni Fiona nang masama si Ben at nagpatuloy, "Di ka ba natatakot na baka niloloko lang siya ni Miss Tanya? Natatakot ako kaya pumunta ako mismo para makita ko. Paano kung umuwi siya at magsinungaling siya sa atin?"

"Ben, sa tingin ko tama ang sinasabi ni mama. Anong gagawin natin kapag tinanggihan siya sa trabaho at hindi makapasok, at umuwi para magsinungaling sa atin? Kaya ang pinakasiguradong paraan ay pumunta at tignan kung makakapagsimula siyang magtrabaho!"

Sa tabi nila, tumango din si Xena nang tumingin silang tatlo sa gate.

Sumakay si Fane sa kanyang electric scooter at papasok na sa mansyon.

Subalit, ilang mga bodyguard na nagbabantay sa pintuan ang pumigil sa kanya.

"Bata anong ginagawa mo? Mukh ba tong lugar na pwede magpasok ng electric scooter? Alam mo ba ang lugar na to? Ito ang Drake family mansion! Isa ba tong lugar na pwedeng magpasok ng motor ang kung sino?"

Isa sa kanila ang tumingin kay Fane at galit na sinabi.

Inihinto ni Fane ang kanyang moto
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 88

    Halos himatayin ang mga bodyguard nang marinig nila ang sinabi ni Fane. Talagang pinagmamayabang ng lalaking ito na ang sahod niya kada buwan ay 20 milyon? "Haha, nagyayabang ka talaga! Kahit ang commander namin dito ay di ganyan kalaki ang sweldo!" Ikinumpas ng matangkad na lalaki ang kanyang kamay at agresibong sinabi matapos niyang tumawa, "Bata, lumayas ka rito. Wala ako masyadong pasensya para maikinig sa pagyayabang mo!" "Haha oo. Sobrang nakakatawa ang batang ito. Posible ba yung 20 milyon kada buwan? Yung sahod ni commander ay nasa dalawang milyon lang kada buwan tapos sinasabi nito mismo na ang sahod niya ay 20 milyon!" Nagsimula ring tumawa nang malakas ang ibang mga bodyguard. "Nandito ako para kay Miss Tanya. Ito ang unang araw ko dito at ayaw kong gumawa ng gulo!" Masyadong tamad si Fane para bigyan sila ng pansin. Nilagpasan niya sila at papasok na sa loob. "Gusto mo bang mamatay?" Naubusan na ng pasensya ang isa sa mga bodyguard. Tinikom niya na parang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 89

    "Mauunawaan naman to kasi ganito kalakas ang lalaking yon. Kung gusto niya ng sahod na 20 hanggang 30 libo, malamang pumayag sa kanya si Miss Tanya. Sinong mag-aakala na ganito siya kagahaman? Galing, niloko siya ni Miss Tanya, di siya pinapasok pero talagang nagpupumilit pa siyang pumasok!" Muling sinabi ni Xena, "Ngayon, di lang siya nabigo bilang isang bodyguard, mas mabuti kung di mapapahamak dito yung pamilya mo!" "Wala na. Pag nangyari to, ibig-sabihin ba nito na wala na yung kotse na isang milyon ang halaga na pinangako niya?" Dismayado ang mukha ni Ben at malungkot. Akala niya na makakakuha siya ng magandang kotse pero tila ba nagunaw nang tuluyan ang kanyang pangarap. "Yung kotse pa rin ang nasa isip mo? Di ko sineryoso yun ning sinabi niya yan!" Inilapag ni Xena ang kanyang kamay sa kanyang dibdib at sinabi. "Umuwi na tayo, galit na galit na talaga ako! Habang lalo kong nakikita, lalo akong nagagalit!" Galit na galit si Fiona sa puntong halos masuka na siya ng d

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 90

    "Kayo ang nauna at tumangging papasukin ako!" Walang pakeng ngumiti si Fane. Matatapos na siyang manigarilyo. Matapos patayin ito, ipinitik niya ang kanyang daliri at tumalsik ito papunta sa basurahan sa malapit. "Haha, bata, sabihin mo sa amin kung bakit ka namin papapasukin? Sino ka ba sa tingin mo? Di ka naman mukhang mayaman. Sabihin mo, anong pinunta mo rito?" Tumawa at nagtanong ang assistant commander na nagngangalang Harvey. "Harvey, sabi ng batang ito na isa daw siyang bodyguard na kinuha ni Miss Tanya at sabi niya rin na may sahod siya na 20 milyon kada buwan. Di kami naniwala sa kanya at pinigilan namin siya na pumasok. Tapos, pwersahan siyang pumasok!" Ang ilang umakyat mula sa sahig ay kawawang tignan at kaagad na sumigaw sa tabi. "20 milyon kada buwan?" Nangutya ang lalaking pangalan ay Harvey matapos marinig ito. "Bata, di ka man lang marunong magsinungaling. Nakakalungkot naman!" "Commander Harvey, hayaan mo akong harapin siya. Antagal na mula nung gumal

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 91

    Ngumiti lang si Fane at agad na kumilos. Sa mata ng mga bodyguard, para siyang isang multo. Isa-isa silang bumagsak pagdaan ni Fane. "Sige. Pagtulong-tulungan niyo 'ko!' Pagkatapos silang patumbahin ni Fane, sinenyasan niya sina Harvey at ang iba pang natitirang bodyguard. "Commander Harvey, ikaw na!" Halatang takot na takot ang isa sa mga bodyguard. Nakita niya kung gaano kabilis si Fane at alam niya na hindi niya ito kayang sabayan. Imposible na manalo siya kay Fane siya kabilis. Naisip ni Commander Harvey kung anong posibleng mangyari sa kanya habang pinupunasan niya ang malamig na pawis sa kanyang noo. Mahusay rin siyang makipaglaban. Madalas ay wala lang sa kanya ang pakikipaglaban sa apat na daan o limang-daang tao nang mag-isa. Subalit, nagulat siya sa bilis ni Fane at hindi niya kayang tapatan ang ganun kabilis na kalaban. "Anong problema? Di ba dapat ikaw ang maging ehemplo nila, Commander?" Ngumisi si Fane habang nakatingin nang maigi kay Harvey. "Napakatapang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 92

    "Ms. Tanya, gusto mo ba talaga siyang maging bodyguard mo? Napakaarogante niya!" Mayroong isang lalaki na nanlulumo ang mukha, parang gusto niyang bugbugin si Fane. Iyon ang ginawa niya kanina. Sa kasamaang palad, bago pa siya makalapit kay Fane ay tumalsik na siya agad sa isang sipa lang. "Siya ang bodyguard na hinire ko kahapon! Si Fane Woods!" Pinakilala siya ni Tanya nang may matamis na ngiti sa kanyang mga labi. "Twenty million nga talaga ang sahod niya kada buwan. Kung hindi kayo masaya ron, hamunin niyo siya sa laban!" Sa puntong ito, ngumiti si Tanya kay Fane. "Mr. Fane, kung talagang mga timba lang ng bigas ang tingin mo sa kanila, malamang ay walang problema kung hahamunin ka nila!" "Syempre naman!" Kalmadong sumagot si Fane. "Bw*sit, ipakita mo ang galing mo. Hahamunin kita ngayon!" Habang lalo niya itong iniisip ay lalong nagagalit si Harvey. Kailanman ay hindi siya natawag na timba ng bigas sa buong buhay niya; hindi pa siya kailanman minaliit ng ganito.

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 93

    Buti na lang, hindi malayo si Fane kay Harvey; ilang metro lang ang layo nila sa isa't-isa. Malaki ang posibilidad na matamaan ni Harvey ang kanyang target. Kaagad na kumilos si Fane. Sobrang bilis ng kanyang mga kilos na walang nakakita kung paano niya ito ginawa. Ang tanging nakita lang nila ay hinawi niya ang kanyang mga kamay. Nang tumigil siya, nadagdagan ng lima ang mga kutsilyo sa kanyang kamay. Kung isasama ang binato ni Harvey kanina, anim na kutsilyo na ang hawak ni Fane. "Bwisit…" Napalunok ng laway si Harvey at sinubukang pakalmahin ang kanyang sarili. Nagulat siya na kayang saluhin ni Fane ang lahat ng mga kutsilyo. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi niya nakita kung paanong napunta sa mga kamay ni Fane ang limang kutsilyo. Alam niya na kahit na ang Head Commander ay pipiliing iwasan ang limang kutsilyo at magpaplano ng atake kaysa saluhin ang mga ito ng kanyang mga kamay sa ilalim ng ganitong sitwasyon. Sa pagsalo ni Fane sa lahat ng mga kutsilyo, pinatunayan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 94

    Maswerte? Hindi mga tanga ang mga tao sa paligid. Lahat ng kutsilyo ay tumama kay Harvey pero ang hawakan lamang ng mga ito ang tumama sa kanya. Malinaw na hindi iyon nagkataon lang. Maliban dito, si Harvey ang commander ng grupo. Kung hindi siya makalaban kay Fane, sino pa ang magtatangkang hamunin si Fane? "Br*t, napakagaling mo talaga! Tara na, sa tingin ko ay hindi ka nila kayang tapatan. Ipapakilala kita sa aking ama, lolo at kuya!" "Pagkatapos mo silang makita, aayusin ko na ang mga kakailanganin mo. Syempre, kung wala kang plano mamayang hapon, pwede mong sunduin ang asawa mo sa trabaho. Kung may kailangan kang gawin, pwede kang umalis ano mang oras. Pwede ka ring magpahinga sa Drake Residence. Pwede kang tumira sa kahit saang lugar na gustuhin mo!" Bahagyang ngumiti si Tanya at naglakad papasok kasama si Fane. Nagkatinginan ang mga bodyguard. Napatunganga na naman silang lahat. "Tama ba ang narinig ko? Sinabi niya ba na pwede siyang umalis sa trabaho kahit na kai

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 95

    Hindi lang iyon, interesado rin siya sa kakayahan ni Fane. Sumasahod si Fane ng dalawampung milyon kada buwan. Hindi maganda pakiramdaman kung hindi siya nararapat sa halagang iyon. At saka, hindi na niya ito pinigilan dahil pumayag naman si Fane. Pagkalabas ni Timothy sa bahay, nakita niya si Harvey na naglalakad kasama ang ilang mga bodyguard. Halos lumipad ang puso niya sa tuwa. Napakalakas ni Harvey at siya ang pinakamalakas sa lahat ng mga Commander. Kaagad siyang kumaway at sumigaw, "Harvey, halika rito at subukan mo ang bagong bodyguard na 'to. Dadalian lang natin. Lalo na at isa tayong pamilya!" Kumibot ang ngiti ni Timothy. Hindi siya makapaghintay magmukhang tanga si Fane. Kung hindi man lang matalo ni Fane si Harvey, malamang mahihiya siya na babayaran siya ng ganoon kalaking halaga, hindi ba? Hindi mapigilan ni Tanya na tumawa sa isang tabi. "Bakit ka tumatawa?" Kumunot ang noo ni Timothy, naguguluhan siya. "Wala lang." Hawak ni Tanya ang kanyang tiyan.

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status