Share

Kabanata 89

"Mauunawaan naman to kasi ganito kalakas ang lalaking yon. Kung gusto niya ng sahod na 20 hanggang 30 libo, malamang pumayag sa kanya si Miss Tanya. Sinong mag-aakala na ganito siya kagahaman? Galing, niloko siya ni Miss Tanya, di siya pinapasok pero talagang nagpupumilit pa siyang pumasok!"

Muling sinabi ni Xena, "Ngayon, di lang siya nabigo bilang isang bodyguard, mas mabuti kung di mapapahamak dito yung pamilya mo!"

"Wala na. Pag nangyari to, ibig-sabihin ba nito na wala na yung kotse na isang milyon ang halaga na pinangako niya?"

Dismayado ang mukha ni Ben at malungkot. Akala niya na makakakuha siya ng magandang kotse pero tila ba nagunaw nang tuluyan ang kanyang pangarap.

"Yung kotse pa rin ang nasa isip mo? Di ko sineryoso yun ning sinabi niya yan!"

Inilapag ni Xena ang kanyang kamay sa kanyang dibdib at sinabi.

"Umuwi na tayo, galit na galit na talaga ako! Habang lalo kong nakikita, lalo akong nagagalit!"

Galit na galit si Fiona sa puntong halos masuka na siya ng d
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status