"Kailangan pa ba ng pruweba?" Humalakhak ng malakas si Trevor at mayabang na nagsalita, "Kilala mo ba kung sino ang girlfriend ko? Isa siyang malayong kamag-anak ng Drake family at matagal na siyang nagtatrabaho dun. Siya dapat ang naging bagong manager, kaso biglang sumulpot yung manager nila na yun. Maganda siya at sexy siya manamit, kaya kung wala siyang relasyon sa young master ng Drake family, palagay mo ba bibigyan siya ng special treatment?"Pagkatapos niyang sabihin yun, nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Ilang daang libo lang ang sahod ng dating manager kada buwan, pero nung dumating yung bagong manager, hulaan mo kung gaano kalaki ang naging sahod niya? Isang milyon kada buwan! Ngayon sabihin mo sakin: hindi ba nakakapagtaka yun?" "Malamang may ginagawang kabalbalan yung babaeng yun kasama ang young master ng Drake family. Paano pa ba siya makakakuha ng special treatment kung hindi yun ang dahilan?" "Napakarami nang babae ang ginagamit ang itsura nila para kumita ng pera
"10 libong dolyar?" Napahikbi si Rosa nang marinig niya ito at inisip na nagsisinungaling siguro si Fane. Nagsumikap siya ng isang buwan para lang makakuha ng ganitong kakarampot na sahod. Sa madaling salita, isa lamang siyang supervisor pero labis siyang napagod. Subalit heto naman si Fane na basta na lang binibigyan ng 10 libong dolyar ang waitress bilang tip. Sobra na yun diba?"Maraming salamat Sir!" Natuwa din ang magandang waitress. Ang natural na pinagkukunan nila ng pera ay ang komisyon mula sa alak na ibinebenta nila. Kahit na ganon, napakababa ng mga komisyong ito. Kung idadagdag ito sa normal na sahod, di pa ito aabot ng 10 libo. Totoong may mga customer na nagbibigay sa kanila ng tip, ngunit ang makakuha ng 3 hanggang 5 libong halaga ng tip ay kukumpleto na sa araw nila. Kahit na ang ilan sa guest nila ay mga young master mula sa second o third-class aristocratic family, ang malaking tip mula sa kanila ay nasa 2 hanggang 3 libong dolyar lamang, ang mga waitress n
Tumawa nang malakas si Dylan. Di siya pinansin ni Selena nang maglabas ito ng name card at iniabot ito kay Rosa. "Ito ang business card ko, hawakan mo muna ito. Mas maganda ang offer kaysa sa trabaho mo ngayon. My tiwala ako sa kakayahan mo. Isa kang matalino ay matiyagang tao!" "Sige, sige. Itatabi ko ito." Inisip ni Rosa na nagyayabang na naman si Selena. Kahit na ganon, di niya ito masabi kaya naiilang na lang siyang tumawa bago itabi ang business card sa kanyang pitaka. Isang sarkastikong ngiti ang lumitaw sa mukha ni Matt. "Magaling, nakakapag-alok ka pa ng trabaho sa iba. Di ko inasahang mag-aalok ka pa. Maganda pala ang trabaho mo!" Di lang siya pinansin ni Selena nang tumungo sila sa magarbong private room. "Holy sh*t. Ito yung luxury room? Unang beses ko dito… ang laki!" "Yamaha yung piano dito! Ang laki din ng screen!" Labis na nagalak si Rosa matapos tignan ang bawat detalye. "Magaling! Magaling!" Tumango din ang iba sa pagsang-ayon. "Fane, ikaw na mism
Kaagad na kinabahan si Selena. Ang taong ito y isang sundalo, paano siya matututong tumugtog ng piano kahit na hindi naman siya laging isang halimaw? Ang musika at sayaw ay isang napakasagradong bagay para sa mga taong nakakaunawa nito dahil isa itong bagay na nakakapag-ugnay ng kaluluwa. Paanong may di magseseryoso dito? Ayos lang sa kanya kung di makakapagtugtog nang maayos ang asawa niya, kaso kahit na marilag siyang sumayaw, di siya makakasabay sa 'magulong tunog' na ito. Ang lebel ni Fane ay di dapat napakababa. Doon lang siya pilitang makakasabay sa tunog nito. "K-kalimutan mo na. Kakanta at sasayaw din naman ang lahat mamaya…" Malungkot na tumawa si Selena, mas naging malungkot pakinggan ang kayang sinabi. Kahit sa kanyang mga mata, may bakas ng lungkot at panghihinayang. Ang tagal na niyang di nakakasayaw, at halos nakalimutan na niya ang 'Selena' na dating eleganteng sumayaw sa entablado na parang isang swan. Iba lagi ang pakiramdam niya tuwing umaakyat siya sa ent
Ang kinahinatnan ng digmaan, isang maalikabok na labanan, bundok ng mga bangkay ang nakahandusay habang umiiyak ang mga uwak sa ilalim ng palubog na araw. Nagulat ang lahat sa kantang ito nang maantig ang puso nila sa isang iglap at nabuhay ang imaheng ito sa kanilang isipan. Sa isang iglap, di na barumbado ang tingin nila kay Fane. Walang nangahas na isiping wala siyang alam sa musika. Sa halip ay sila ang tunay na tanga. Nagulantang si Selena. Hindi niya alam na ang pagtugtog ni Fane ng piano ay umabot na sa maladiyos na lebel. "Ano pang tinatayo mo diyan? Dalian mo na!" Sinagi ni Rosa si Selena sa sandaling makawala siya sa pagkatulala. Doon lang nahimasmasan si Selena. Pagkatapos ay mahinhing yumuko si Selena at nagsplit habang bahagyang itinataas ang kanyang katawan, nagpapakita ng imahe ng isang sugatang swan. Maliit ay maliksi ang kanyang katawan nang kumumpas ang kanyang mga kamay kasabay ng tugtog. Sa sandaling ito, nagsimulang magsama ang musika at sayaw. Sa i
Hinila ni Rosa si Selena sa isang sulok. "Selena… sabi nila barumbado daw ang asawa mo at talagang naniwala ako sa kanila," Bulong ni Rosa. "Di ko inakalang marunong siyang tumugtog ng piano, at ang galing niya pang tumugtog." "Di na ako naniniwalang isa siyang barumbado… ang kahit sinong marunong tumugtog ng piano ay hindi magiging isang barumbado!" Dagdag niya. "Tingin ko isa siyang matalinong tao na marunong lumaban at tumugtog ng piano!" "Hmm… naging maladiyos na ba siya sa paningin mo?" Natawa si Selena dahil parang masyado atang mabilis ang pagbabago ng ugali niya. Bumuntong hininga si Rosa. "Pagkatapos ko itong pag-isipan kanina, siguro kalokohan lang yun na gawa-gawa ni Rachel. Hay, sumosobra na talaga ang babaeng yun kasi mukhang di ka na niya gusto noong nasa unibersidad pa lang tayo. Lagi niyang iniisip na inaagaw mo sa kanya ang spotlight." "Nakapagtapos na tayong lahat atsaka sobrang tagal na nun. Akala ko nakaraan na yun at di na natin masyadong iniisip. Di ko
"Imposible. Saan nga ba talaga nanggagaling ang pera niya?" Walang alinlangang nagsalita si Rachel, "Ginawa lang yun ng mokong na yun para sa dangal niya, nagyayabang lang siya!" "Pero di naman siya ganon katanga dibs? Ito ang Lotus Bar and Lounge, ang may-ari nito ay isang myembro ng first-class aristocratic family. Di naman siya kakain dito at aalis na lang diba? Gusto niya bang mamatay?" Pagkatapos itong himayin ni Britney, nagsimula siyang magtaka kung may pambayad ba talaga ng bill si Fane. "Oo nga!" Sa sandaling iyon, hindi na sigurado si Rachel gaya noong una. "Tingin ko di alam ni Fane kung sino ang may-ari dahil kagagaling lang niya sa army," Sinabi niya, "Kaya paano niya malalaman ito?" "Tingin ko mas tama ka!" Tumango si Britney at mabilis na sinabi, "Huy, balita ko noong umuwi yung mga beteranong yun, yung mga nanatili muna sandali sa departamento nila ay makakakuha ng malaking pera dahil nag-ambag sila sa bansa, at marangal silang makakapagretiro. Tingin ko n
"Gusto mo ng isang bote? Nangangahalaga itong 6.66 milyon, masyadong mahal ito!" Napahikbi si Rachel. "Paano mo nagagawang mag-order ng ganito kamahal? Gusto mo ba siyang patayin?" Nautal siya. Nakakasindak na tumawa si Britney at sumagot, "Anong ikinakatakot mo? Siya mismo ang nagsabi, pwede nating iorder kahit anong gusto natin. Bukod pa rito, kapag di pa tayo nag-order, paano nating magagawang iwan siya dito?" Pagkatapos mag-isip, kaagad siyang sumigaw, "Hindi, hindi, hindi. Di sapat ang isang bote… kukunin natin pareho. Medyo interesado ako matikman kung anong lasa ng pinakamahalagang pagmamay-ari ng establishment na ito!" "Dalawang bote? Higit 13 milyon yan kasama pa ang 1.3 milyon kanina. Diyos ko, napakamahal… higit 14 milyon!" Natulala si Rachel. Gusto niyang maipit si Fane at gusto rin niyang mapahiya ito, pero… di ba mamamatay ka siya sa bigat kapag gumastos siya ng 14 milyon? "Hehe… di mo ba napansin kung paano siya umasta kanina? Sinasabi niya na mayaman siya at