"Gusto mo ng isang bote? Nangangahalaga itong 6.66 milyon, masyadong mahal ito!" Napahikbi si Rachel. "Paano mo nagagawang mag-order ng ganito kamahal? Gusto mo ba siyang patayin?" Nautal siya. Nakakasindak na tumawa si Britney at sumagot, "Anong ikinakatakot mo? Siya mismo ang nagsabi, pwede nating iorder kahit anong gusto natin. Bukod pa rito, kapag di pa tayo nag-order, paano nating magagawang iwan siya dito?" Pagkatapos mag-isip, kaagad siyang sumigaw, "Hindi, hindi, hindi. Di sapat ang isang bote… kukunin natin pareho. Medyo interesado ako matikman kung anong lasa ng pinakamahalagang pagmamay-ari ng establishment na ito!" "Dalawang bote? Higit 13 milyon yan kasama pa ang 1.3 milyon kanina. Diyos ko, napakamahal… higit 14 milyon!" Natulala si Rachel. Gusto niyang maipit si Fane at gusto rin niyang mapahiya ito, pero… di ba mamamatay ka siya sa bigat kapag gumastos siya ng 14 milyon? "Hehe… di mo ba napansin kung paano siya umasta kanina? Sinasabi niya na mayaman siya at
Namula ang mukha ni Dylan sa dami ng kanyang nainom. Tila ba mas madaldal siya kapag nakainom. Mag-isang umiinom si Matt sa kabilang gilid ng kwarto. Sunud-sunod siyang tumutungga ng wine, gusto lang niyang malugi si Fane. "Anong ginagawa mo? Bakit ang dami mong iniinom?" Napansin siya ni Britney sa sandaling makabalik ito at kaagad na tumabi sa kanya. "Diba hilig ng mokong na yun na magpanggap? Itong wine na iniinom ko ay nangangahalagang 50 libo kada bote. Bahala na, hihingi ako nang hihingi ng wine pagkatapos ko dito. Tignan natin kung anong gagawin niya kapag kulang na ang pambayad niya." Lumingon si Matt kay Fane sa tabi habang tumatawa nang nakakakilabot. "Ah, sasabihin ko sa'yo…" Kaagad na lumapit si Britney sa taenga ni Matt at ibinulong ang lahat sa kanya. "Ang mahal nun!" Ang unang sagot ni Matt, habang napahikbi siya. Subalit, makikita sa mga mata niya ang masamang balak at sinabi niya, "Magaling. Gawik natin yan dahil sabi naman niya sagot niya lahat eh. Di ko s
Hindi inakala ng waitress na may gana pa si Fane na magbiro. Napatawa siya sa ugali nito nang nag-aalala bago niya idagdag, "Sir, ikinalulungkot ko na kailangan mo ng taong mas malakas para tulungan ka sa pambayad kasi kakailanganin mo ng 14 na milyon." "Anong ibig-sabihin mong 14 na milyon?" Nagsalubong ang kilay ni Fane. "Nako po… di mo talaga alam ano?" Bulong niya. "Diba dalawang bote ng red wine ang ipinasok kanina? Yung mga extra order? Di ko napansin nung una pero nang tignan ko ang mga bote, napansin kong parang may kakaiba. Lumalabas na yun pala ang pinakamahalagang pagmamay-ari ng establishment namin. 6.66 na milyon yun bawat bote! Dalawa lamang ito, at talagang binuksan nila ito!" "Sa sobang gulat ko tumakas ako at tinanong ang katrabaho ko, at sinabi nila na inutusan sila ng dalawang babaeng yun. Oh, oo nga pala… yung nag-order ay ang girlfriend ni Matt at ang Rachel na yun!" Kumunot ang noo ng magandang waitress at kinakabahang nagtanong, "Ano nang gagawin mo? Di
"Sir, sobrang lakas niya at may sampung sunud-sunod na panalo na siya…" Natatarantang sinubukan ng waitress na pigilan siya. Ikinatatakot niya na baka buhay ni Fane ang maging kapalit ng sinabi niya. "Maraming salamat sa pagsasabi mo sa akin. Ayos lang kung di ko malaman, pero ngayong alam ko na, mamamatay ang Amerikanong yun!" Iniwan siya ni Fane matapos ang malamig na salitang yun bago maglakad papasok sa kwarto. "Tila ba ligtas na ang mga bayarin namin," sinabi niya nang maglakad siya pabalik sa kwarto. "Pero… talagang… ang lakas niya!" Kumunot ang noo ng magandang waitress nang titigan niya si Fane. Dahil nagsisisi siya sa kanyang ginawa, bumulong siya, "Di ko na sana sinabi sa kanya. Mahal na mahal niya ang asawa niya… paano kung mamatay siya sa ngalan ng pagtatanggol sa Cathysia? Di maganda yun!" Unti-unting lumipas ang oras at nang malapit nang mag alas onse, pakiramdam nila marami na ang nainom nila. Napakasarap ng dalawang bote ng wine nang uminom si Fane at Sele
"Imposible… Paanong aabot 'yun ng 12.9 million? Tinignan namin bawat isang order at umabot lang 'to ng 1.3 million. Kahit na nagdagdag pa ng ilang mga bote, hindi 'to dapat lalagpas ng 1.5 million. Paanong naging ganito kamahal ’yun?" Naguguluhan si Selena, pero ang kanyang gulat ay unti-unting naging galit. "Sa tingin ko niloloko mo kami; baka sinadya niyong magkamali," singhal niya. "Tignan niyo ulit para makita niyo kung may pagkakamali!" "Tama, malamang may nangyaring mali. Hindi 'to dapat aabot ng lagpas 10 million dahil hindi naman kami umorder ng ganun karami!" Nabigla rin si Rosa. Base sa kanyang kasalukuyang sahod, hindi niya ito mababayaran kahit na magtrabaho siya rito habang buhay. "Ginawa niyo. Nakalimutan niyo na ba?" Kumunot ang noo ng supervisor at nagdagdag, "Hindi niyo naman siguro balak na tumakas, tama ba?" Tinignan niya ang paligid at tinuro ang dalawang walang lamang bote ng wine sa mesa bago nagsabing, "In-order niyo ang mga signature bottles na iyon at
"Dear, pati ikaw…" Hindi inasahan ni Dylan na gagawa ng ganito ang kanyang asawa. Kahit na nagkaaway sila ng mag-asawa kaninang umaga, mababa ang tingin niya sa mga taong hindi gumagamit ng maduming pamamaraan. Nagngitngit ang ngipin ni Rachel sabay galit na nagsalita, "Hindi mo kami masisisi. Sabi ni Fane pwede kaming mag-order ng kahit anong gusto namin, at nakita namin ang dalawang boteng ito. Mali ba na gusto namin itong tikman?" Suminghal si Rachel. "Kung hindi pala niya kayang bayaran sa umpisa pa lang, 'wag kang magpanggap na kaya mo at sabihin sa'min na umorder ng kahit na ano!" "Rachel, isip-bata si Britney, at alam mong mainitin ang ulo niya. Kung may ginagawa siyang kalokohan, dapat mo rin bang gawin ang ginagawa niya?" Nagdilim ang mukha ni Hugh. Umabot sa sampung milyon ang kanilang nagastos, at kung sapilitang maiiwan si Selena at Fane, anong mangyayari sa kanila? Kung hindi sila makakapagbayad, baka magbayad sila gamit ng buhay nila. Lalo na, ang lugar na ito a
"Ka-Kaibigan niya ang Goddess of War?' Napahinga nang mabilis ang manager pagkatapos niya itong marinig. Maraming tao ang gustong makita ang Goddess of War; kahit man lang makapagsabi ng isang pangungusap sa kanya ay isa nang malaking karangalan. Maraming katawan ng media ang umaasang mainterview ang Goddess of War Lana Zechs ng Middle Province pero lahat sila ay tinanggihan ng malamig na Goddess. Hindi nilang lahat inasahan na ang ordinaryong tao na nasa kanilang harapan ay kaibigan ng Goddess of War. "Imposible, kilala niya ang Goddess of War?" Nagulat din si Britney. Kung si Fane ay isang kaibigan ng Goddess of War, at kung malapit sila, malamang ay magkakaproblema siya. Lalo na, silang dalawa ni Rachel ang nagsimula nito, at siya ang tinaguriang utak sa likod nito. Kung gagamitin ni Fane and kanyang koneksyon sa Goddess of War para ipunta sa kanila ang sisi, matatapos na sila at ang buong Lee family. "Imposible, iniisip mo ba talaga na ganun lang kadaling matawagan a
Hindi na nakapagtimpi si Fane pagkatapos niyang makita ang mukha ni Selena. Lumapit siya at sinampal nang dalawang beses si Britney. "Pak, pak!" Sa sobrang lakas ng tunog ay kaagad na nanahimik ang silid. "Nananaginip ka ba? Handa kami ng asawa ko na bilhan layo ng inumin kaya dapat magpasalamat ka. Tapos, sasabihan mo kami na lumuhod sa harapan mo? Haha, nananaginip ka pa rin na prinsesa ka, tama ba?" Malamig ang ekspresyon ni Fane. Ang kanyang titig ay puno nang nakakatakot na aura. Napahinto si Britney. Hindi pa siya nasampal sa buong buhay niya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng Lee Family kaya siya ang paborito ng kanyang mga magulang at matagal na siyang tinatrato bilang hiyas ng kanilang pamilya. Hindi niya inaasahan na masasampal siya ng isang bodyguard ngayon. "Matt, anong tinatayo-tayo mo diyan?" Nainis si Britney nang makita niyang natakot rin si Matt. "Bw*sit ka, anong klaseng lalaki ang nananakit ng babae?" Tinaas ni Matt ang kanyang kamao at sumugod