"Althea, may naghahanap sa iyo na customer sa labas at mukhang bigatin," sabi ni Princess na kasama ko sa trabaho.Tinapos ko muna ang paglalagay ng mga plato sa lababo bago ako humarap sa kanya. Tiningnan ko muna siya para makasigurado na hindi siya nagbibiro. Kapag kasi may customer siya na ayaw niya ay madalas pinapasa niya sa ibang waitress. Nilakihan niya ako ng mata para iparating na seryoso nga siya."Sa akin?" paglilinaw ko at tinuro ko pa ang sarili ko."Unless na lang kung may iba pang Althea na nagtatrabaho rito." natatawa na tugon niya."Sino raw?" nagtataka na tanong ko at nagkibit-balikat lang siya.Tumingin ako sa orasan at sakto na break ko na pala. Napaisip ako kung sino ang posibleng maghanap sa akin. Sa tagal ko na rito sa Bar ay may mga nakilala na akong mga customer at lahat ng iyon ay kilala ng mga staff kaya nagtataka ako kung sino ang tinutukoy ni Princess. Tinuro ni Princess ang table kung saan nandoon ang taong naghahanap sa akin. Hindi ko siya kilala at ngay
''Saan naman ang gorabels mo, Baklita?" tanong sa akin ng pinsan ko habang naghahain siya ng pagkain.Nag-effort kasi ako ng kauntian sa ayos ko kaya siguro nagtaka ang pinsan ko. Gusto ko lang magbigay ng magandang impression kapag nagkita kami ng taong niligtas ko. Ayaw ko naman humarap sa kanya ng basta lang lalo pa at anak siya ng Presidente ng isang kilalang kumpanya."Diyan lang naman sa tabi-tabi," nakangiti na sabi ko saka umupo at uminom ng kape.Kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Nakakatuwa isipin na hinanap niya ako para pasalamatan at nagulat talaga ako dahil hindi ko inaasahan. Nakahinga rin ako nang maluwag dahil ngayon ay alam kong okay na siya. "Raket?" nagtataka na tanong niya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago umupo sa harapan ko."Wala akong raket ngayon pahinga ang Lola mo pero may kailangan akong puntahan," sagot ko sa pagitan ng pagnguya at tumango-tango siya."Grabe ka Thea para kang lalaki. Pwede bang tap
Nakatingin ako sa pinto kung saan lumabas ang babae na kausap ko kanina. Galit na galit siya pero nakita ko na pinipigilan niya ang sarili na ipakita iyon sa akin. Pumikit ako para alalahanin ang mukha niya pero ang tanging naiwan sa alaala ko ay ang amoy niya. It was the same scent from that evening and same voice. Akala ko ay matatapos na ngayon ang lahat pero hindi pala. Kung sa tingin niya ay na insulto ko siya dahil sa sinabi ko tinapakan naman niya ang pride ko. Tinanggap na lang sana niya ang inaalok ko para natapos na ang lahat. "I underestimate her," sabi ko at huminga ng malalim saka sumandal sa upuan. "Axel, ano ang nangyari? Nakasalubong ko si Miss Mendoza sa hallway at mukhang galit na galit siya? Ano ba ang sinabi mo sa kanya? May ginawa ka ba sa kanya?" nagtataka na tanong ni Jay pagpasok ng opisina ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tumawa ng dahil sa naging takbo ng pag-uusap namin kanina lang. Never pa ako naka-encounter ng babae na katulad niya. In fact, wal
"Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon!" gigil na sabi ko pagpasok ko ng elevator.Padabog na pinindot ko ang button at tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Huminga ako nang malalim at bumilang mula sampu pababa. Nakuyom ko ang kamay ko ng bigla ko maalala ang sarkastiko na ngiti niya. Gusto ko sumigaw pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayaw ko sana maapektuhan sa mga sinabi niya pero hindi ko mapigilan. "Ang sama niya para isipin na pera ang dahilan kung bakit ako pumunta rito. Akala mo kung sino kung makapagsalita. Kalahating milyon? Isang milyon? Nagpapatawa ba siya? Akala ba niya masisilaw ako sa ganoon lalaking halaga? Dahil ba mahirap ako at mayaman siya ay pwede na niya gawin sa akin 'yon. Ganun ba ka baba ang tingin niya sa mga tao sa paligid niya?" inis na bulong ko.Kulang ang salitang galit para ipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ba ako ng mga tao sa loob ng elevator. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko pe
"Hindi pa rin ba siya tumatawag?" tanong ko pagpasok ng office.Tinanggal ko na muna ang coat ko at niluwagan ang necktie bago ako umupo. Inabot ni Mr. Jay sa akin ang mga folder na kailangan kong pag-aralan at pirmahan. Napatigil ako bigla pagkatapos kong pirmahan ang dalawang folder at napatingin ako sa calendar nakapatong sa lamesa ko. Mahigit tatlong linggo na mula ng pumunta ang babaeng iyon dito sa opisina ko. Sa lumipas na mga araw ay hindi ako makapag-concentrate sa mga ginagawa ko. Katulad ngayon natigilan na naman ako dahil bigla ko na naman siya naalala. Kahit sa panaginip ko ay hindi rin siya maalis. Kung dati ay blurred ang mukha niya sa mga panaginip ko ngayon ay nakikita ko ng maliwanag ang imahe niya. Akala ko ay hindi ko na siya mapanaginipan pero mas naging madalas pa at hindi ko maipaliwanag kung bakit iyon nangyayari. Hindi ko man lubos matandaan ang mukha niya pero bigla na lang lumilitaw ang imahe niya sa isip ko. Stress and frustration ang naiisip ko na dahilan
"Alam mo Thea ewan ko kung tama ba ang ginawa mo na pagtanggi sa inaalok niya o wrong move? Proud ako sa ginawa mo dahil pinakita mo na hindi ka after sa pera niya pero at the same time nakakapanghinayang naman. Sa panahon ngayon hindi biro ang kalahating million at lalo ang isang milyon Pinsan. Kahit magtrabaho ka ng isang taon hindi ka magkakaroon ng ganoon kalaking halaga. Alam naman natin na kailangan mo talaga ng pera para sa pagpapagamot mo kay Tito at para na rin sa mga kapatid mo. Higit sa lahat malaking tulong iyon para matapos mo na ang course mo," sabi ni Nikka habang kumakain kami ng almusalTatlong linggo na ang lumipas mula ng makilala ko siya. Pagdating ko mula sa trabaho ay tinanong agad ako ni Nikka tungkol sa pagkikita namin. Kitang-kita ko sa mukha niya ang excitement na marinig ang buong detalye. Ayaw ko na sana ipaalam pa sa kanya dahil ayaw ko rin alalahanin pa pero lahat ay sinasabi ko sa kanya. Kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari ultimo sa pinakamaliit n
"Althea, pwede ba Ikaw na Ang kumuha ng order sa table five," sabi ng kasama kong waitress at ngumiti ako saka tumango. Punong-puno ang Bar at Resto dahil araw ng Sabado. Tuwing Friday at Saturday ang araw na marami talaga kaming customer. Puno rin lahat ang mga VIP room at tables kaya halos hindi kami tumitigil sa pagkuha ng mga order. Masakit na ang mga hita, paa at buong katawan ko pero kailangan ko tiisin. Kung tutuusin ay sanay na naman ako nakakapagod pero okay din kasi alam namin na malaki ang tip na makukuha namin kapag ganitong araw. "Good evening, Sir! May I take your order, Sir?" magiliw na tanong ko pagdating sa table na tinuro ng kasama ko. "One bottle of vodka," sagot niya habang nakatungo at agad ko naman sinulat ang order niya. Ewan ko pero parang pamilyar sa akin ang boses niya pero hindi na ako nag-usisa pa. Medyo madilim sa pwesto niya kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Wala rin naman ako interest na makita pa ang mukha niya. Kahit na medyo malakas ang live
"Saan ka na, Bro?" tanong ng kaibigan ko habang nag-park ako ng sasakyan.Araw ng Linggo at napagkasunduan namin ni Patrick na umattend sa Car Show na kaibigan namin ang nag-organizer. Matagal na niya ito ginagawa na sinusuportahan namin mula pa noon. Isa kasi sa mga pinagkasunduan at kinahihiligan namin ni Patrick ay ang mga sasakyan. "I'm here in the parking lot," natatawa na sagot ko bago patayin ang makina ng sasakyan."Axel, ang bagal mo naman hindi lang mga sasakyan ang magandang tingnan dito pati mga chikas quality rin. Kaya bilisan mo na at baka hindi mo na ako maubutan," natatawa na sabi niya at natatawa na lang din ako.Kung marami kaming pinagkasunduan may mga bagay din na hindi kami magkapareho ng interest katula ng pagkahilig niya sa babae at party. Para kasi kay Patrick ang babae ay parang sasakyan kailangan munang test drive bago bilhin. Hopeless romantic siya at naniniwala na one day ay mahahanap niya ang one true love kahit pa nga ilang beses na siya naloko at nasawi
Gusto ko matawa dahil bigla ako may naalala sa sinabi niya. Marahan kong yinuko ang ulo ko para pigilann dahil aya ko isipin niya na bastos ako. Noong una kong narinig kay Axel ang katagang iyon halos umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo pero ngayon iba ang tumatakbo sa isip ko."Mag-ama nga talaga sila," bulong ko bago tumingin sa kanya. "Hindi mo naman kailangang mahiya sa akin Ms. Mendoza. I will make sure he will never know about this. Just name the price and leave him, simple as that. Don't worry, no one will know about this," sabi niya at marahan napailing ako. Speechless ako sa mga narinig ko kahit pa nga inaasahan ko na rin ito. Ang hindi ko lang inaasahan ay mas masakit pala kung marinig ko ng personal. Hindi ko mapigilan ang masaktan at manliit dahil may punto naman siya. Alam kong malayo ang agwat namin sa buhay pero hindi na niya kailangan na ipamukha pa sa akin. Naiintindihan ko rin na concen lang siya kaya pinoprotektahan niya si Axel. Ayaw niya na mangyari ulit ang n
"Miss Mendoza!" tawag ni Ms. Sebastian sa akin. Saglit ko tinigil ang ginagawa ko at tumingin ako sa kanya. Sa tuwing naririnig ko ang boses niya ay hindi ko maiwasan na kabahan. Pakiramdam ko kasi ay nasa highschool ako at siya ang guidance counselor. Lahat ng kasama ko sa department ay takot sa kanya dahil bukod sa mataray na boses ay napaka-seryoso ng mukha niya. Kailangan lahat ng ipagawa niya ay perfect dahil sa konting pagkakamali lang ay sangkatutak na sermon na aabutin mula sa kanya. Mabait naman siya at nakikisama rin pero kapag nasa labas ng kompanya. "I don't know what you did but the President wants to see you now," sabi niya at nagtataka nakatingin ako sa kanya. "Ang Presidente po ng kumpanya?" paglilinaw ko at tinaasan niya ako ng isang kilay. "Hindi Ms. Mendoza, Presidente ng Pilipinas po ang nagpatawag sa iyo," mataray na sagot niya at yumuko ako. "Bakit naman kaya niya ako pinapatawag? Ano kaya ang posibleng kailangan niya sa akin?" bulong ko. "Okay po M
Ang simpleng paglapat ng labi namin ay nauwi sa mainit, mapangahas at mapusok na halik. Hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko kapag ganito kalapit ang mga katawan namin. May dapat pa sana ako tapusin pero ipinagpaliban ko na muna dahil mas mahalaga si Althea sa akin. Gusto Kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Totoo ang mga sinabi ko sa kanya kanina na pakiramdam ko ay hindi ko nagagawa ng maayos ang responsibilidad ko sa kanya bilang boyfriend niya. Natatakot din ako na baka dumating ang araw na magsawa na siya sa pag-intindi sa sitwasyon ko at piliin niya na iwan ako. Hindi ko naman sinasabi na mababaw lang ang pagmamahal niya sa akin pero lahat naman ng tao ay napupuno rin. Hanggang kaya ko at may oras ay bumabawi ako sa kanya. Mahal na mahal ko si Althea at ayoko na mawala siya sa akin kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya."You are driving me crazy," mapangakit na sabi ko sa pagitan ng paghalik ko sa may leeg niya.Sinandal ko siya sa dingding at nilapat ko ang
"Babe, paalis nga pala ako next week," sabi ni Axel habang nakatutok sa laptop niya.Natigilan ako sa paglalagay ng french fries sa plato at napatingin ako sa kanya. Dumaan muna kami sa drive thru kanina bago kami umuwi. Nag-dinner naman kami pero kahapon pa ako nag-crave ng fries kaya nakisuyo ako na bumili kami. Plano rin kasi namin manood ng movie kaya tamang-tama lang. Naka-schedule ako na matulog ngayon dito sa bahay niya dahil wala naman pasok bukas. Mula noong gabi natulog ako dito may mga weekend na dito na ako natutulog lalo na kung wala siyang meeting ng weekend. May mga gamit na rin naman ako rito kaya hindi ko na kailangan magdala pa. Ito na lang kasi ang araw o oras na pwede kaming magkasama dahil lagi siyang busy at naiintindihan ko kung bakit. Minsan late na matapos ang mga meeting niya kaya hindi na kami magkasabay kumain ng dinner o ihatid sa bahay. Tinatawagan na lang niya ako pagkatapos at doon lang kami may oras para mag-usap. Hindi ako nagrereklamo sa set-up namin
"Himala pa sa himala napatawag ka, Brad. Kailangan ko na ata magsimba," sagot ni Patrick sa tawag ko."Bakit naman himala?" natatawa na tanong ko."Akala ko kasi nakalimutan mo na ako mula ng magkaroon ka ng lovelife. So, ano po ang maipaglilingkod ko sa iyo, Mahal na Hari?" nakakalokong tanong niya at nakangiti na pailing ako. "Masama bang tawagan ang matalik kong kaibigan?" tanong ko at narinig ko na tumawa siya nang malakas."Wow! Ngayon matalik mo na akong kaibigan samantalang noong mga panahon na kailangan ko ng makakasama lagi kang hindi available dahil may date kayo ng girlfriend mo. Akala mo ba hindi ako nasasaktan dahil pinagpalit mo na ako sa kanya. Ako na matagal mo ng kilala at kasama. Ako na nagtitiyaga diyan sa ugali mo mula pa noon pero mas pinili mo pa siya na ngayon mo pa lang nakilala. Nakakasakit ka ng damdamin," madrama na salaysay niya at napapangiti lang ako."Saan ba tayo?" biglang tanong niya at ako naman ang natawa nang malakas."Ay, malala ka na dahil tumata
"Can you stay again tonight?" tanong ni Axel habang kumakain kami ng lunch.Magkatulong kaming naglilinis ng kwarto niya pagkatapos namin sabay na maligo. Ako na ang nagluto ng lunch namin dahil may kailangan siya kausapin. Hindi na ako kumontra dahil pina-cancel na nga niya ang mga meeting niya para magkasama kami ngayon. Habang nagluluto ay sinalang ko na sa washing machine ang mga damit ko para masuot ko ulit mamaya sinama ko na rin ang ibang damit niya. Medyo naasiwa ako dahil t-shirt at boxer short lang ang suot ko pero wala naman akong ibang choice."Baka po nakakalimutan mo may work na po tayo bukas at saka magaling ka na," sagot ko pagkatapos ko uminom ng tubig.Napatingin ako sa kanya nang higitin niya papalapit ang bangko ko sa pwesto niya. Gusto ko man mag-stay pa para makasama siya pero natatakot ako na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo na kapag magkalapit kami. Ibang-iba ngayon ang epekto niya sa akin at natatakot ako para sa sarili ko."Babe, pwede naman tayo sa
"From now on no more secrets between us. Don't think that I don't trust you but I just want to know where you are because I'm always worried about you," bulong ni Axel bago niya ako hinalikan sa ulo.Napatingin ako sa kanya at hinaplos ko ang pisngi niya saka siya tumingin sa akin. Ito ang unang beses na may nangyari sa amin at hinding-hindi ako nagsisisi. Ilang oras na ang lumipas mula ng pinagsaluhan namin isang mainit na tagpo at pahupa pa lang ang init na bumabalot sa buong katawan ko. Nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya at ramdam ko na unti-unti ng bumalik sa normal ang tibok ng puso niya pati na rin ang paghinga niya. Mahal na mahal ko siya at pinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Hindi man siya ang unang lalaki na umangkin sa katawan ko pero gusto ko na siya na ang huling lalaki sa buhay ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman kung paano hawakan at halikan na para bang wala ng bukas. Puno ng pagmamahal ang bawat halik niya samantalang kakaibang init naman ang dala n
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm sa phone ko. Ibig sabihin ay kailangan ng uminom ng gamot ni Axel. Kahit antok na antok pa dahil sa puyat ay kinapa ko sa side table ang phone ko at pinatay ang alarm saka ako paupong bumangon. Kinuha ko ang gamot nakapatong sa side table."Nasaan kaya siya?" takang tanong ko ng makitang wala si Axel sa kama.Tumingin muna ako sa paligid bago ako tuluyang tumayo para silipin kung nasa banyo ba siya. Wala roon ang binata pero amoy na amoy ko ang magkahalong amoy ng after shave, shampoo at sabon."Mukhang okay na siya," sabi ko sa sarili.Habang palabas ng kwarto ay narinig ko na may nag-uusap. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses at nakarating ako sa kusina. Nakita ko si Axel nagluluto habang may kausap sa phone. Hindi niya namalayan ang pagdating ko dahil abala siya sa ginagawa niya. Malaya ko napagmamasdan ang kabuuan niya at napalunok ako sa nakikita ko na magandang tanawin. "Lord, kung ganito po ang sasalubong sa akin tuwing umaga ako na
Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi ko nagustuhan ang nangyari kanina dahil pinaalam ko naman sa kanya na magkikita kami ni Eduard para mag-usap. Hindi siya nag-reply pero Hindi ibig sabihin hindi na ako tutuloy. Hindi naman niya kailangan saktan si Eduard dahil nakita niya nakayakap sa akin. Sinabi ko naman sa kanya noon na sobrang close kami at parang nakakatandang kapatid ang turing ko sa kanya. Nilinaw ko sa kanya kung ano ba talaga ang relasyon namin ni Eduard kaya hindi dapat ganoon ang naging reaksyon niya kanina."Okay, siguro nga dapat siya magalit dahil naabutan niyang nakayakap sa akin si Edu pero sana naman inalam muna niya ang side ko. Pwede naman niya ako kausapin at hindi na sana umabot sa ganoon. Kung alam lang niya na gusto ko lang na linawin ang relasyon namin ni Edu kaya ako nakipagkita," sabi ko sa sarili habang nakayuko.Sinusulyapan ko siya para makita ang reaksyon niya. Obvious na galit siya dahil sa mahigpit na hawak niya sa manibela. Nakakun