"Hay ang bilis ng oras maya-maya lang ay matatapos na ako riito. Salamat at makakaabot pa ako sa misa mamaya," sabi ko habang nakatingin sa relo ko.Balak ko sana kumain pagdating sa event kanina pero dahil naipit ako sa traffic kaya hindi ko na nagawa. Tinulungan pa nga ako ni Michelle na mag-make up dahil late na akong nakarating kaya ang ending late na ako nakapag-lunch. Tiisin ko na sana kaso naramdaman ko na ang pagkulo ng tiyan ko kaya nagpaalam ako sa kasama ko kanina."Okay din pala itong ganitong raket iyon nga lang nakakangalay. Grabe ang sakit na ng mga binti ko at for sure iyak ako nito pag-uwi ko mamaya. Salamat na lang talaga may pandagdag na ako sa padala ko kaya solve na ang problema ko," sabi ko habang nagpapahinga at hinihilot ang mga binti ko.Pagbalik ko sa event ay mas marami na ang tao. Hindi ko maiwasang matawa ng makita ang ginagawa ng ibang mga grupo sa iba't ibang booth. May mga sumasayaw at ang iba naman ay gumagawa ng paraan para makakuha ng attention. May
"Hoy! Venus Althea Mendoza, ano ba ang nangyayari sa iyo?" sigaw ng pinsan ko na ikinagulat ko naman.Dalawang linggo ako straight na pumasok dahil may sakit ang isang kasama namin. Nag-volunteer ako na pumasok kaya naman may dalawang akong day-off ngayon. Wala rin akong raket ngayon kaya mas pinili ko na mag-stay na lang sa bahay. Katatapos lang namin mag-general cleaning ng buong bahay. Wala rin naman akong balak na lumabas ng bahay."Kung makatawag ka kailangan talaga buong pangalan. Ano ito attendance?" natatawa na sabi ko at nilipat ko ang channel ng t.v."Sige magbiro ka pa riyan at ng tuktukan kita. Ilang araw ka ng ganyan para kang wala sa sarili mo. Lagi ka rin tulala nitong mga nakalipas na araw. May problema ka ba na hindi ko alam?" tanong niya at napatingin ako sa kanya.Hindi ko namalayan na ganoon na pala ang nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw. Hindi lang naman siya ang nakapansin dahil pati na rin mga kasama ko sa trabaho ay ganoon din ang sinabi sa akin. Ilan
"For God sake! Gaano ba kahirap ang mag-decide? Is my offer still not enough?" inis na tanong ko at tinigil ko muna ang pagbabasa nga report.Ilang linggo na ang lumipas mula ng nakausap ko si Althea pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig na sagot mula sa kanya. Sa mga nakalipas na araw ay pinipigilan ko ang sariling ko na tawagan o puntahan siya. Sa tingin ko naman kasi ay malinaw ang mga sinabi ko. Nang gabing iyon wala naman sa plano ko ang kausapin siya pero hindi ko namalayan ang sarili ko na sinusundan ko na pala siya. Curious lang ako kung saan pa siya pupunta after ng event dahil nakita ko siyang unang umalis at nagmamadali. Hindi ko maipaliwanag kung bakit nasabi ko lahat ng iyon. During the event pumasok sa isip ko na bakit hindi ko na lang siya alukin ng trabaho sa kumpanya ko. Mas malaki ang maitutulong noon sa kanya at pareho namin makukuha ang gusto namin. Makakabayad na ako sa utang ko at magkakaroon na siya ng pera na pinagpaguran niya. Huli nang ma realiz
Cancel ang raket namin ni Eduard kaya nagdesisyon kami na magsimba na lang. Sa una ay ayaw pa niya ako samahan sa loob dahil baka raw masunog siya. Nagkayayaan kami na kumain sa labas pagkatapos ng misa dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita. Ilang linggo rin kami na bakante kasi naging busy siya."Kumusta ka naman?" tanong niya habang naghihintay kami sa order namin."Okay naman ako. Ikaw, kumusta ka? Ang tagal din natin hindi nagkita at nagkasama. Kumusta ang banda?" tanong ko sa kanya.Ilang sandali lang ay dumating na ang pagkain namin. Habang kumakain ay nagkwentuhan kami dahil nga sa tagal namin hindi nagkasama. Si Eduard ang taong lagi kong naasahan at laging tumutulong sa akin kaya naman masasabi kong matalik ko siyang kaibigan. Galing siya sa mayamang pamilya pero mas pinili niya na mamuhay ng mag-isa at simple. Humahanga ako sa paninindigan niya dahil hindi siya umaasa sa ibang tao para mabuhay. Wala akong masyadong alam sa buhay niya dahil kadalasan ay umiiwas siya kap
"Tama ba ang gagawin ko?" alanganin na tanong ko kay Nikka habang kumakain kami.Isang linggo na ang lumipas mula noong araw na pumunta si Axel dito sa bahay namin. Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang huling sinabi niya. Pagkaalis ng binata ay agad akong tinadtad ng tanong ni Nikka at wala na akong choice kung hindi ikwento sa kanya ang lahat. Tuwang-tuwa siya dahil tama ang hinala niya na may gusto sa akin si Axel kaya ganun na lang ang kagustuhan niya na mapalapit sa akin. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa pag-amin niya. Hindi ko talaga inaasahan na pupuntahan niya ako sa bahay namin para lang magkausap kami dahil pwede namang si Mr. Jay na lang ang kumausap sa akin. Alam kong napaka-busy niya na tao at aaminin ko na kahit paano ay kinilig ako sa effort niya pero agad ko rin iyon sinaway."Kung tungkol sa pag-resign mo at pagpasok sa kumpanya nila agree na agree ako one hundred and one percent. Kasi bukod sa malaki ang sweldo kumpara sa kinik
"Bakla, pwede bang bilisan mo naman at baka malate na tayo," sigaw ni Nikka mula sa baba ng hagdan.Natanggap ako sa kumpanya ni Axel na inapplyan ko. Tumupad naman siya sa usapan namin na hindi siya makikialam. Hindi naging madali ang proseso mula sa interview at mga examination. Sa unang araw ay marami kaming nag-apply pero sa bandang huli ay konti na lang kami natira. Hindi pa rin ako makapaniwala nakapasa at natanggap ako. Late na ako nagising dahil nasanay na ako sa night shift. Mukhang mahihirapan akong mag-adjust pero masasanay rin naman ako."Eto na po matatapos na," sagot ko at nagmamadali na bumaba ako nang hagdan.Medyo naiilang din ako sa itsura ko ngayon dahil ibang iba 'yon sa uniform ko sa bar. Required sa company na magsuot ng corporate or semi formal na attire. Malaking pasasalamat ko na lang dahil pinahiram ako ng damit ng pinsan ko at tinuruan din niya ako nito na mag-apply ng makeup. Hindi raw kasi magandang tingnan kung wala man lang akong makeup. Nasanay kasi ak
Wow! Long time no see. Buti naman at naalala mo pa ako. Buong akala ko nakalimutan mo na ako," madrama na bungad sa akin ni Patrick at tinapik ko siya sa balikat.Ngayon lang ulit kami nagkita mula noong magkasama kami sa car show. Sobrang naging busy kasi ako sa trabaho. Madalas akong out of town or overseas at kapag may time naman ako ay kay Althea ko naman iyon nilalaan. Ewan ko ba pero gustong-gusto kong laging makasama ang dalaga kahit pa nga sa konting oras lang. Hindi sapat sa akin ang makausap lang siya sa phone o makita siya sa screen. Ilang buwan na kami nasa dating and getting to know stage pero pakiramdam ko ay konting oras ko pa lang siya nakakasama."You sound like a jealous girlfriend," biro ko bago umupo at umakto siyang nasasaktan habang hawak ang dibdib.Sinenyasan ko ang bartender para umorder ng alak. Natigilan ako ng ipatong na ang baso sa tapat ko na may lamang alak at napangiti ako. Ngayon ko lang na realize na ang tagal ko na palang
"Nikka, nagluto na ako ng almusal!" sigaw ko mula sa kusina.Maaga ako gumising para magluto ng almusal dahil may lakad ako. Hindi ko na siya ginising kanina dahil alam kong puyat siya kaya nauna na akong kumain sa kanya. Waitress din siya sa Restaurant na malapit sa pinasukan ko. Si Nikka ang pinakamalapit kong pinsan sa side ni Papa. Maliit pa lang kami ay sobrang close na kami at kahit pa nga lumipat na sila rito sa Maynila ay hindi naputol ang komunikasyon namin. Tuwing bakasyon ay nauwi siya sa probinsya at madalas ay sa amin tumutuloy. Highschool ako ng maghiwalay ang mga magulang ko. Sinama ni Mama si Ate at ako naman ay naiwan kay Papa. Ilang buwan lang ang lumipas ay may kinakasama na si Papa. Maraming katanungan sa isip ko dahil sa mga nangyari pero tinanggap ko na lang ang lahat dahil wala naman ako magagawa. Patuloy naman niya ako sinuportahan at pinag-aral pero hindi na niya kinaya dahil lumalaki na rin ang mga anak niya. Hindi naman kasi biro ang gastos sa kolehiyo kaya