"Saan ka na, Bro?" tanong ng kaibigan ko habang nag-park ako ng sasakyan.Araw ng Linggo at napagkasunduan namin ni Patrick na umattend sa Car Show na kaibigan namin ang nag-organizer. Matagal na niya ito ginagawa na sinusuportahan namin mula pa noon. Isa kasi sa mga pinagkasunduan at kinahihiligan namin ni Patrick ay ang mga sasakyan. "I'm here in the parking lot," natatawa na sagot ko bago patayin ang makina ng sasakyan."Axel, ang bagal mo naman hindi lang mga sasakyan ang magandang tingnan dito pati mga chikas quality rin. Kaya bilisan mo na at baka hindi mo na ako maubutan," natatawa na sabi niya at natatawa na lang din ako.Kung marami kaming pinagkasunduan may mga bagay din na hindi kami magkapareho ng interest katula ng pagkahilig niya sa babae at party. Para kasi kay Patrick ang babae ay parang sasakyan kailangan munang test drive bago bilhin. Hopeless romantic siya at naniniwala na one day ay mahahanap niya ang one true love kahit pa nga ilang beses na siya naloko at nasawi
"Hay ang bilis ng oras maya-maya lang ay matatapos na ako riito. Salamat at makakaabot pa ako sa misa mamaya," sabi ko habang nakatingin sa relo ko.Balak ko sana kumain pagdating sa event kanina pero dahil naipit ako sa traffic kaya hindi ko na nagawa. Tinulungan pa nga ako ni Michelle na mag-make up dahil late na akong nakarating kaya ang ending late na ako nakapag-lunch. Tiisin ko na sana kaso naramdaman ko na ang pagkulo ng tiyan ko kaya nagpaalam ako sa kasama ko kanina."Okay din pala itong ganitong raket iyon nga lang nakakangalay. Grabe ang sakit na ng mga binti ko at for sure iyak ako nito pag-uwi ko mamaya. Salamat na lang talaga may pandagdag na ako sa padala ko kaya solve na ang problema ko," sabi ko habang nagpapahinga at hinihilot ang mga binti ko.Pagbalik ko sa event ay mas marami na ang tao. Hindi ko maiwasang matawa ng makita ang ginagawa ng ibang mga grupo sa iba't ibang booth. May mga sumasayaw at ang iba naman ay gumagawa ng paraan para makakuha ng attention. May
"Hoy! Venus Althea Mendoza, ano ba ang nangyayari sa iyo?" sigaw ng pinsan ko na ikinagulat ko naman.Dalawang linggo ako straight na pumasok dahil may sakit ang isang kasama namin. Nag-volunteer ako na pumasok kaya naman may dalawang akong day-off ngayon. Wala rin akong raket ngayon kaya mas pinili ko na mag-stay na lang sa bahay. Katatapos lang namin mag-general cleaning ng buong bahay. Wala rin naman akong balak na lumabas ng bahay."Kung makatawag ka kailangan talaga buong pangalan. Ano ito attendance?" natatawa na sabi ko at nilipat ko ang channel ng t.v."Sige magbiro ka pa riyan at ng tuktukan kita. Ilang araw ka ng ganyan para kang wala sa sarili mo. Lagi ka rin tulala nitong mga nakalipas na araw. May problema ka ba na hindi ko alam?" tanong niya at napatingin ako sa kanya.Hindi ko namalayan na ganoon na pala ang nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw. Hindi lang naman siya ang nakapansin dahil pati na rin mga kasama ko sa trabaho ay ganoon din ang sinabi sa akin. Ilan
"For God sake! Gaano ba kahirap ang mag-decide? Is my offer still not enough?" inis na tanong ko at tinigil ko muna ang pagbabasa nga report.Ilang linggo na ang lumipas mula ng nakausap ko si Althea pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig na sagot mula sa kanya. Sa mga nakalipas na araw ay pinipigilan ko ang sariling ko na tawagan o puntahan siya. Sa tingin ko naman kasi ay malinaw ang mga sinabi ko. Nang gabing iyon wala naman sa plano ko ang kausapin siya pero hindi ko namalayan ang sarili ko na sinusundan ko na pala siya. Curious lang ako kung saan pa siya pupunta after ng event dahil nakita ko siyang unang umalis at nagmamadali. Hindi ko maipaliwanag kung bakit nasabi ko lahat ng iyon. During the event pumasok sa isip ko na bakit hindi ko na lang siya alukin ng trabaho sa kumpanya ko. Mas malaki ang maitutulong noon sa kanya at pareho namin makukuha ang gusto namin. Makakabayad na ako sa utang ko at magkakaroon na siya ng pera na pinagpaguran niya. Huli nang ma realiz
Cancel ang raket namin ni Eduard kaya nagdesisyon kami na magsimba na lang. Sa una ay ayaw pa niya ako samahan sa loob dahil baka raw masunog siya. Nagkayayaan kami na kumain sa labas pagkatapos ng misa dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita. Ilang linggo rin kami na bakante kasi naging busy siya."Kumusta ka naman?" tanong niya habang naghihintay kami sa order namin."Okay naman ako. Ikaw, kumusta ka? Ang tagal din natin hindi nagkita at nagkasama. Kumusta ang banda?" tanong ko sa kanya.Ilang sandali lang ay dumating na ang pagkain namin. Habang kumakain ay nagkwentuhan kami dahil nga sa tagal namin hindi nagkasama. Si Eduard ang taong lagi kong naasahan at laging tumutulong sa akin kaya naman masasabi kong matalik ko siyang kaibigan. Galing siya sa mayamang pamilya pero mas pinili niya na mamuhay ng mag-isa at simple. Humahanga ako sa paninindigan niya dahil hindi siya umaasa sa ibang tao para mabuhay. Wala akong masyadong alam sa buhay niya dahil kadalasan ay umiiwas siya kap
"Tama ba ang gagawin ko?" alanganin na tanong ko kay Nikka habang kumakain kami.Isang linggo na ang lumipas mula noong araw na pumunta si Axel dito sa bahay namin. Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang huling sinabi niya. Pagkaalis ng binata ay agad akong tinadtad ng tanong ni Nikka at wala na akong choice kung hindi ikwento sa kanya ang lahat. Tuwang-tuwa siya dahil tama ang hinala niya na may gusto sa akin si Axel kaya ganun na lang ang kagustuhan niya na mapalapit sa akin. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa pag-amin niya. Hindi ko talaga inaasahan na pupuntahan niya ako sa bahay namin para lang magkausap kami dahil pwede namang si Mr. Jay na lang ang kumausap sa akin. Alam kong napaka-busy niya na tao at aaminin ko na kahit paano ay kinilig ako sa effort niya pero agad ko rin iyon sinaway."Kung tungkol sa pag-resign mo at pagpasok sa kumpanya nila agree na agree ako one hundred and one percent. Kasi bukod sa malaki ang sweldo kumpara sa kinik
"Bakla, pwede bang bilisan mo naman at baka malate na tayo," sigaw ni Nikka mula sa baba ng hagdan.Natanggap ako sa kumpanya ni Axel na inapplyan ko. Tumupad naman siya sa usapan namin na hindi siya makikialam. Hindi naging madali ang proseso mula sa interview at mga examination. Sa unang araw ay marami kaming nag-apply pero sa bandang huli ay konti na lang kami natira. Hindi pa rin ako makapaniwala nakapasa at natanggap ako. Late na ako nagising dahil nasanay na ako sa night shift. Mukhang mahihirapan akong mag-adjust pero masasanay rin naman ako."Eto na po matatapos na," sagot ko at nagmamadali na bumaba ako nang hagdan.Medyo naiilang din ako sa itsura ko ngayon dahil ibang iba 'yon sa uniform ko sa bar. Required sa company na magsuot ng corporate or semi formal na attire. Malaking pasasalamat ko na lang dahil pinahiram ako ng damit ng pinsan ko at tinuruan din niya ako nito na mag-apply ng makeup. Hindi raw kasi magandang tingnan kung wala man lang akong makeup. Nasanay kasi ak
Wow! Long time no see. Buti naman at naalala mo pa ako. Buong akala ko nakalimutan mo na ako," madrama na bungad sa akin ni Patrick at tinapik ko siya sa balikat.Ngayon lang ulit kami nagkita mula noong magkasama kami sa car show. Sobrang naging busy kasi ako sa trabaho. Madalas akong out of town or overseas at kapag may time naman ako ay kay Althea ko naman iyon nilalaan. Ewan ko ba pero gustong-gusto kong laging makasama ang dalaga kahit pa nga sa konting oras lang. Hindi sapat sa akin ang makausap lang siya sa phone o makita siya sa screen. Ilang buwan na kami nasa dating and getting to know stage pero pakiramdam ko ay konting oras ko pa lang siya nakakasama."You sound like a jealous girlfriend," biro ko bago umupo at umakto siyang nasasaktan habang hawak ang dibdib.Sinenyasan ko ang bartender para umorder ng alak. Natigilan ako ng ipatong na ang baso sa tapat ko na may lamang alak at napangiti ako. Ngayon ko lang na realize na ang tagal ko na palang
"Wala ka na ba nakalimutan, Babe?" tanong ni Axel bago niya buhatin ang malaking kahon. Tumingin ako sa paligid para siguraduhing wala na akong naiwan na gamit. Hindi ko naman totally dinala lahat ng mga gamit ko. Wala rin balak si Nikka na tumanggap ng ibang makakasama at sinabi niya na iiwan niyang bakante ang kwarto ko kahit anong mangyari. Nangako naman ako sa kanya na bisitahin ko siya. Masaya siya ng sabihin ko na pumayag ako na magsama na kami ni Axel pero nalungkot din siya dahil ibig sabihin ay kailangan namin maghiwalay. Ilang taon din kasi kami magkasama sa bahay at sanay na sanay na kami sa isa't isa. Sa loob ng mga taon na magkasama kami ay naging sandigan namin ang isa't isa sa hirap at saya. Kahit ako ay nalulungkot din dahil iba pa rin kapag nasa isang bahay lang kami. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko sa paglipat ko sa bahay ni Axel. Excited at masaya ako dahil araw-araw na kami magkasama pero kinakabahan ako sa pwedeng gawin ng Papa niya. Sa palagay ko kasi ay
"Mr. Jay, kindly finalized the schedule of site visit in Highland Golf and Country club with Mr. Salazar. We need to finish the layout for the clubhouse and other facilities," utos ko habang binabasa ang report. Kadarating ko lang kagabi at halos wala pa akong tulog pero kailangan ko pumasok dahil maraming trabaho ang naghihintay sa akin. Hindi pa ako dapat pabalik pero ng malaman ko na pupunta si Papa ay bumalik na ako. Originally ay siya naman talaga ang kausap ng investor na pinasa niya sa akin. Lately ay may kutob ako sa mga nangyayari pero hindi ko pa naman kumpirmado. "Okay Sir, how about the project in Cebu? The client would like you to be there for the site visit because of the changes he wants to discuss," sabi niya at huminga ako nang malamin. Nitong mga nakalipas na linggo ay sobrang naging busy ako sa trabaho. Hindi pa nakalipat si Althea sa bahay ko dahil gusto ko ay magkasama kami sa paglipat ng mga gamit niya. Ang sabi ko sa kanya ay pagbalik ko pero mukhang hindi pa
"Ate, sabi ni Papa ipasok mo na raw po si Kuya Axel kasi lasing na," sabi ni Aliaza at napalingon ako para tingnan siya. Kasalukuyan akong naglalagay ng ulam sa plato para ilabas sa mga bisita. Nagulat si Papa ng dumating kami kanina dahil hindi niya inaasahan na makakarating si Axel. Tuwang-tuwa siya na ipinakilala sa iba pa namin kamag-anak ang boyfriend ko. Hindi na lang niya binanggit na boss ko ang boyfriend ko dahil ayaw din niya na may masabi ang mga ito. Bago kami pumunta kanina ay dumaan muna kami sa isang bake shop para bumili ng cake. Marami rin bisita si Papa at nagulat ako dahil maraming handa. "Ako na bahala rito Thea puntahan mo na si Axel," sabi ni Tita Liza at nakangiti na tumango ako. Paglabas ko ay naabutan ko sina Papa nagkakatuwaan sa may kubo kung saan sila nag-iinuman. Natawa ako ng makita ko ang itsura ni Axel. Kanina ng tanungin siya ni Papa kung umiinom ba siya ng lambanog ay tumingin siya sa akin. Sinabi naman ni Papa na pwede siya magpabili ng alak na g
"Let's live together," sabi ko at nakita kong nagulat siya. "Ha?" tugon niya at hinaplos ko ang pisngi niya. "Mahal na mahal kita Althea at hindi pa ako naging ganito ka-sigurado sa buhay ko. Wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sa atin sa hinaharap dahil ang alam ko ikaw lang ang babaeng gusto ko makasama ngayon. Gusto ko na ikaw ang una kong makita paggising ko sa umaga araw-araw. Hindi na ako sanay na wala ka sa tabi ko. Please, pumayag kang magsama na tayo. Ngayon na alam ni Papa ang tungkol sa atin alam kong hindi siya titigil. Gagawa at gagawa pa rin siya ng paraan para paghiwalayin tayo kaya gusto ko na protektahan ka," paliwanag ko habang nakatingin siya sa mga mata ko. Iyon ang naisip kong paraan para protektahan ko siya laban kay Papa. Isa pa matagal ko na rin gusto sabihin iyon sa kanya pero natatakot ako na baka hindi siya pumayag at isipin niya na masyadong maaga pa. "Please say something, Babe. Kung hindi ka pa handa ay maintindihan ko at hindi kita pi
Nakaramdam ako ng kaginhawaan ng maramdaman ko ang pag-lagaslas ng malamig na tubig sa buong katawan ko. Kahit paano ay nabawasan ang init na nararamdaman ko. Kung hindi ako pinigilan ni Althea kanina ay malamang mas uminit pa ang katawan ko at Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sobrang miss na miss ko na siya at kahit hindi pa ako dapat umuwi ay ginawa ko para makasama ko siya. Gulong-gulo ang isip ko dahil sa dami ng problema pero si Althea lang ang tanging nagpapakalma sa akin. Hindi lang sa kumpanya pero pati na rin si Papa ay dumagdag sa mga isipin ko. Nalaman kong kinausap ni Papa si Althea at sinadya niya na wala ako. Hindi na ako nagtataka dahil alam kong naghihintay lang siya ng pagkakataon. Hindi naman ako nangamba sa pag-uusap nila dahil alam kong mahal ako ni Althea at hindi siya ang tipo ng tao na basta lang nasisindak. Sigurado ako na inalok siya ni Papa ng malaking halaga para layuan ako pero kilala ko siya hindi siya ganun na klase ng babae. Wala man sinabi si Althea
"Babe, may problema ba?" narinig ko na tanong ni Axel at napatingin ako sa kanya. Sinundo namin si Axel sa airport at on the way na kami ngayon papunta sa probinsya. Sinabi ko sa kanya na kahit bukas na na lang para makapagpahinga siya o sa ibang araw. Kung tutuusin ay pwede naman na hindi siya sumama kasi nakausap ko na si Papa kahapon at sabi niya na okay lang. Nagulat ako kanina paglabas ko sa office ng tawagan ako ni Mr. Jay at sinabi na susunduin na namin si Axel sa airport. Dumaan muna kami sa bahay para kunin ang gamit ko para diretso na ako sa terminal mamaya. Nagulat talaga ako dahil buong akala ko ay matatagalan pa siya umuwi. Noong huli kami nag-usap Wala siyang nabanggit na uuuwi na siya at ang pagka-intindi ko pa nga ay nagkaproblema sila. "Don't tell me Babe nagtatampo ka pa rin dahil hindi ko sinabi sa iyo? I just want to surprise you kaya hindi ko na sinabi sa iyo Babe," malambing na sabi niya at napatingin ako sa kanya ng akbayan niya ako. "Hindi naman sa ganun Ba
"Hello Venus Althea Mendoza!" sigaw ni Nikka at napaigtad ako sa gulat. "Ano ka ba Nikka ang aga-aga sumisigaw ka diyan. Mahiya ka nga sa kapitbahay baka kung ano isipin nila," saway ko sa kanya at nilakhan niya ako ng mata. "Nakakahiya? Sa kanila nahihiya ka pero sa akin hindi? Kanina pa ako salita ng salita rito para akong baliw nakikipag-usap sa hangin. May problema ka ba, Althea?" inis na tugon niya at huminga ako nang malalim. Hindi agad ako nakatugon sa tanong niya dahil kahit na itanggi ko ay alam ko na kukulitin pa rin niya ako. Ilang araw na ang lumipas mula ng nakausap ko ang Papa ni Axel. Sa totoo lang pilit ko man itago at kalimutan ay apektado talaga ako sa mga sinabi niya. Kahit si Axel ay napansin na may bumabagabag sa akin pero sinabi ko na lang na dahil namimiss ko na siya. "Hoy! Huwag mong subukang na magdahilan o itanggi dahil kilalang-kilala kita. Alam kong hanggang kaya mong itago ay itatago mo iyan hanggang sa huli," pagbabanta niya sa akin nang umiwas ako ng
Gusto ko matawa dahil bigla ako may naalala sa sinabi niya. Marahan kong yinuko ang ulo ko para pigilann dahil aya ko isipin niya na bastos ako. Noong una kong narinig kay Axel ang katagang iyon halos umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo pero ngayon iba ang tumatakbo sa isip ko."Mag-ama nga talaga sila," bulong ko bago tumingin sa kanya. "Hindi mo naman kailangang mahiya sa akin Ms. Mendoza. I will make sure he will never know about this. Just name the price and leave him, simple as that. Don't worry, no one will know about this," sabi niya at marahan napailing ako. Speechless ako sa mga narinig ko kahit pa nga inaasahan ko na rin ito. Ang hindi ko lang inaasahan ay mas masakit pala kung marinig ko ng personal. Hindi ko mapigilan ang masaktan at manliit dahil may punto naman siya. Alam kong malayo ang agwat namin sa buhay pero hindi na niya kailangan na ipamukha pa sa akin. Naiintindihan ko rin na concen lang siya kaya pinoprotektahan niya si Axel. Ayaw niya na mangyari ulit ang n
"Miss Mendoza!" tawag ni Ms. Sebastian sa akin. Saglit ko tinigil ang ginagawa ko at tumingin ako sa kanya. Sa tuwing naririnig ko ang boses niya ay hindi ko maiwasan na kabahan. Pakiramdam ko kasi ay nasa highschool ako at siya ang guidance counselor. Lahat ng kasama ko sa department ay takot sa kanya dahil bukod sa mataray na boses ay napaka-seryoso ng mukha niya. Kailangan lahat ng ipagawa niya ay perfect dahil sa konting pagkakamali lang ay sangkatutak na sermon na aabutin mula sa kanya. Mabait naman siya at nakikisama rin pero kapag nasa labas ng kompanya. "I don't know what you did but the President wants to see you now," sabi niya at nagtataka nakatingin ako sa kanya. "Ang Presidente po ng kumpanya?" paglilinaw ko at tinaasan niya ako ng isang kilay. "Hindi Ms. Mendoza, Presidente ng Pilipinas po ang nagpatawag sa iyo," mataray na sagot niya at yumuko ako. "Bakit naman kaya niya ako pinapatawag? Ano kaya ang posibleng kailangan niya sa akin?" bulong ko. "Okay po M