Chapter: CHAPTER 35Nagising ako dahil sa tunog ng alarm sa phone ko. Ibig sabihin ay kailangan ng uminom ng gamot ni Axel. Kahit antok na antok pa dahil sa puyat ay kinapa ko sa side table ang phone ko at pinatay ang alarm saka ako paupong bumangon. Kinuha ko ang gamot nakapatong sa side table."Nasaan kaya siya?" takang tanong ko ng makitang wala si Axel sa kama.Tumingin muna ako sa paligid bago ako tuluyang tumayo para silipin kung nasa banyo ba siya. Wala roon ang binata pero amoy na amoy ko ang magkahalong amoy ng after shave, shampoo at sabon."Mukhang okay na siya," sabi ko sa sarili.Habang palabas ng kwarto ay narinig ko na may nag-uusap. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses at nakarating ako sa kusina. Nakita ko si Axel nagluluto habang may kausap sa phone. Hindi niya namalayan ang pagdating ko dahil abala siya sa ginagawa niya. Malaya ko napagmamasdan ang kabuuan niya at napalunok ako sa nakikita ko na magandang tanawin. "Lord, kung ganito po ang sasalubong sa akin tuwing umaga ako na
Huling Na-update: 2024-12-11
Chapter: CHAPTER 34Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi ko nagustuhan ang nangyari kanina dahil pinaalam ko naman sa kanya na magkikita kami ni Eduard para mag-usap. Hindi siya nag-reply pero Hindi ibig sabihin hindi na ako tutuloy. Hindi naman niya kailangan saktan si Eduard dahil nakita niya nakayakap sa akin. Sinabi ko naman sa kanya noon na sobrang close kami at parang nakakatandang kapatid ang turing ko sa kanya. Nilinaw ko sa kanya kung ano ba talaga ang relasyon namin ni Eduard kaya hindi dapat ganoon ang naging reaksyon niya kanina."Okay, siguro nga dapat siya magalit dahil naabutan niyang nakayakap sa akin si Edu pero sana naman inalam muna niya ang side ko. Pwede naman niya ako kausapin at hindi na sana umabot sa ganoon. Kung alam lang niya na gusto ko lang na linawin ang relasyon namin ni Edu kaya ako nakipagkita," sabi ko sa sarili habang nakayuko.Sinusulyapan ko siya para makita ang reaksyon niya. Obvious na galit siya dahil sa mahigpit na hawak niya sa manibela. Nakakun
Huling Na-update: 2024-12-09
Chapter: CHAPTER 33Hello!" bati ko pagkarating sa restaurant kung saan kami mag-uusap ni Eduard.Nagkatinginan kaming dalawa at hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya katulad ng ginagawa ko dati. Habang papunta ako ay hindi mawala ang kaba sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ako aakto sa harap niya ngayon na alam ko na hindi lang basta kaibigan ang tingin niya sa akin. Niyakap ko siya para mabawasan ang tensyon sa pagitan namin at tinugon naman niya. Kung noon ay hindi ako nakakaramdam ng ilang sa kanya pero ngayon ay iba na. Ilang ulit ko sinabi sa sarili ko na siya pa rin ang kaibigan nakilala ko noon."Hi! Umorder na ako ng pagkain dahil alam kong gutom ka na pagdating mo," nakangiti na sabi niya at nakangiti na tumango ako.Pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung naiilang pa ba ako sa mga oras na ito at sa tingin ko naman ay ganoon pa rin kami tulad ng dati. Masaya kaming nagkwekwentuhan at nagbiruan ni Eduard katulad ng dati. Puro pa rin siya kalokohan at puro biro kaya hindi ko mapigilan ang tuma
Huling Na-update: 2024-12-05
Chapter: CHAPTER 32"Kumusta, Bakla?" tanong ni Nikka habang kumakain kami ng almusal.Kahapon ay nagpaalam ako kay Axel na kakausapin ko si Carlo. Ramdam ko ang alinlangan niya na payagan ako pero ipinaliwanag ko sa kanya na kailangan ko iyon gawin dahil ayaw ko na umasa si Carlo. Ayaw ko rin kasi na magkaroon pa kami ng misunderstanding sa susunod. "Okay naman dahil nakahinga na ako ngayon ng maluwag. Syempre tinanong niya kung ano ang dahilan at kung ano ang pwede niya gawin. Tinanggap naman niya ang mga sinabi ko na hanggang kaibigan lang ang pwede ko maibigay sa kanya. " nakangiti na tugon ko."Kumusta naman ang boyfriend mo na ubod ng seloso?" tanong niya at natawa ako.Naikwento ko kasi sa kanya ang reaksyon ni Axel nang makita niya ako kasama si Carlo sa hallway. Pagbalik ko kasi sa table ko ay nakita ko ang message niya at pinapababa niya ako sa basement kung saan siya maghihintay. Sakto naman na lunch break kaya pinuntahan ko siya. Nagulat ako dahil pagsakay ko sa sasakyan ay siya ang nakita k
Huling Na-update: 2024-12-01
Chapter: CHAPTER 31"Okay ka lang ba Axel?" tanong ni Jay ng mapansin niya na nagbago ang mood ko. Hindi mawala sa isip ko ang imahe ni Althea habang kasama ang lalaking iyon. Pinigilan ko ang sarili ko na lapitan sila at pilipitin ang leeg ng lalaking kasama niya. Kinontrol ko ang sarili ko dahil ayaw ko na malagay si Althea sa hindi magandang sitwasyon. Hindi ako pwedeng magalit sa kanya dahil pumayag ako na ilihim ang relasyon namin pero deep inside ay para akong bulkang na malapit na sumabog. "Ano ang schedule ko ngayong araw?" tanong ko at agad siya tumingin sa hawak niya na tablet."Nevermind. Cancel them all," sabi ko at hindi makapaniwala nakatingin siya sa akin.Tiningnan ko siya para sabihin na seryoso ako sa sinabi ko. I never cancel my appointment ever but this time I know I can't work in this state I'm in. Ayaw ko magsayang ng oras ko at sayangin ang oras ng iba kung alam ko na hindi rin naman ako makapag-concentrate."Okay, Sir!" tugoj niya at lumabas na siya ng opisina ko.Umupo na ako a
Huling Na-update: 2024-11-30
Chapter: CHAPTER 30Nagpaalam na ako sa dalawa na mauuna ng umuwi dahil biglang sumakit ang ulo ko. Gulong-gulo ang isip ko sa mga nangyari kanina. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Eduard. Hindi naman mawala sa isip ko ang pamilyar na boses ng lalaking nakasalubong ko kanina. Noong una ay ayaw pumayag ni Nikka dahil nag-aalala siya pero sinabi ko na kailangan ko lang itulog at magiging okay din ako. Hindi na ako tumutol ng hinatid ako ni Nikka sa labas ng Restaurant para maghintay ng taxi. Lumipas ang ilang minuto at sinabi ko sa kanya na bumalik na sa loob at kaya ko na."Going somewhere?" tanong ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko habang nag-aantay ako ng taxi."Axel!" gulat na bigkas ko ng makita ko siya paglingon ko. Nagulat ako dahil inaasahan ko ay pinaglalaruan na naman ako ng guni-guni ko. Saglit ako pumikit para lang makasigurado at pagmulat ko ay siya pa rin ang nakikita ko. Sa pagkakataon na ito ay hindi na imagination o guni-guni ko lang ang lalaking nasa harap k
Huling Na-update: 2024-11-28
Chapter: Chapter 90 “Nakalima na tayo siguro naman sure na iyan,” sabi ni Joshua habang naglalakad ako pabalik-balik sa kwarto at banyo.“Pwede ba Queen tumigil ka sa paglalakad mo nahihilo na ako sa pinaggagawa mo,” sabi naman ni Danica at tumigil ako saka huminga ng malalim.Ilang araw na kasi na kakaiba ang nararamdaman ko at ng sabihin ko sa kanila ay agad sila bumili ng pregnancy test. Natawa pa nga ako sa naging reaksyon nila. Sinabi ko na imposibleng mangyari dahil gumagamit kami ng proteksyon pero bigla ko naalala ang isang gabi na nakalimutan namin. Kauuwi lang niya galing Hong Kong at dahil halos isang linggo siya roon ay sobrang na miss namin ang isa't isa. Hindi na kami nakapag-kontrol at nakalimutan naming gumamit ng proteksyon. Binalewala ko lang iyon dahil minsan lang naman iyon nangyari. Irregular naman ako kaya hindi ko rin pwedeng gawin na basehan ang menstruation ko. Napansin ko kasi na madalas masama ang pakiramdam ko at lagi akong pagod kahit wala naman ako masyadong ginagawa. Naging
Huling Na-update: 2024-10-07
Chapter: Chapter 89“Babe, what time nga ba ang dating nila?” tanong ko habang nasa banyo ako.“After lunch pa Babe ang dating nila,” narinig ko na sagot niya.Dito sa Boracay namin napili na mag-honeymoon pero next month ay plano namin pumunta ng Singapore para magbakasyon kasama si Queennie. Doon namin i-celebrate ng birthday niya at tuwang-tuwa siya ng sabihin namin sa kanya. Gusto namin samantalahin ang panahon dahil ilang buwan na lang ay papasok na si Queennie. Tinotoo talaga ni Mark ang sinabi niya na babawi siya sa akin dahil pang dalawang araw na namin dito pero halos nasa loob lang kami ng room. Napag-usapan na susunod sina Danica, Dominic, Joshua, Jack, Nanay Salud at Queennie para naman magkakasama kami na magbakasyon. Maaga kami gumising para may oras pa kami na asikasuhin ang lahat bago sila dumating. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Mark na inaayos ang breakfast namin. Nilapitan ko siya at yinakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran. “Sige ka Babe baka mas
Huling Na-update: 2024-10-04
Chapter: Chapter 88“You look stunning!” sabi Joshua habang nakatingin habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.Sobrang bilis ng mga pangyayari dahil sa loob lang ng anim na buwan mula ng mag-propose si Mark sa akin ay ang dami ng nangyari. Inasikaso muna namin ang pagbili ng mga gamit sa bahay na lilipatan namin. Gustong-gusto na kasi ni Queennie na makalipat na kami ng bahay kayo iyon muna ang inuna namin. Tinanong ako ni Mark kung gusto ko ba mag-hire ng interior designer para hindi na ako mahirapan sa pag aasikaso pero mas gusto ko na kaming tatlo ang mag-decide kung anong gamit ang bibilhin namin. Nahirapan lang naman ako sa pagpili dahil lahat ng suggestions ko ay oo lang ang sagot ni Mark. Pinaubaya niya sa akin ang lahat mula sa mga design at mga kagamitan. Sa loob ng isang buwan ay makumpleto namin lahat ng kailangan sa bahay pati na rin ang konting renovation. Apat ang kwarto plus dalawa ang guest room sa bahay, may malaking receiving area at malaking kusina. Pagkatapos namin ipa-bles
Huling Na-update: 2024-10-03
Chapter: Chapter 87“Congratulations sa inyong dalawa sobrang saya namin dahil sa wakas ay magiging masaya na kayo,” sabi ni Danica at niyakap ko siya ng mahigpit.Sobrang saya ng araw na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Buong akala ko ay mag-dinner lang kaming tatlo pero may iba pala siyang plano. Napansin ko na ang kakaibang kinikilos ni Nanay Salud pati na rin ang mga kaibigan ko pero hinayaan ko lang sila. Nagulat ako ng makita ko ang singsing at susi sa box na inabot niya. Saglit ako natigilan dahil iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya pero mas nangibabaw ang kasiyahan. Nakaramdam din ako ng alinlangan kasi inisip ko na ginagawa lang niya ito dahil sa bata. Kalaunan ay tinanggap ko dahil iyon ang sinasabi ng puso ko at kahit ano pa ang dahilan niya ay gusto ko mabuo ang pamilya ko. Hindi ko na maitatanggi na mahal na mahal ko pa rin siya at ayoko ng itago pa ang nararamdaman ko. Ayokong pakawalan ang pagkakataon na ito na makasama
Huling Na-update: 2024-10-01
Chapter: Chapter 86“Pa, what do you think?” tanong ko at nakangiti na tumango siya.“Sobrang saya ko dahil nakikita kon na masaya ka na ulit. Nag-aalala talaga ako dahil buong akala ko Hindi na kita makikita na ganyan kasaya. Ano man ang maging desisyon mo nandito lang ako para suportahan ka. You are a great person Mark don't make the same mistake I did before,” sabi niya at yinakap ko siya ng mahigpit. Pagkalipas ng halos anim na buwan ay natapos ba rin ang pinagawa kong bahay. Matagal ko na siyang plano ipagawa pero naiisip ko na useless kung ako lang mag-isa ang titira pero nagbago iyon ng makilala ko si Queennie. Kakaibang saya ang naramdaman ko ng malaman ko na anak ko siya. Nakaramdam din ako ng galit, sakit at lungkot ng malaman ko mula sa private investigator ang tungkol sa kanya. Pero higit sa lahat ay nangibabaw sa akin ang saya at mas may dahilan na ako para makasama ulit si Queensley. Kilala ko siya the more na pipilitin ko siya the more na lalayo siya sa akin kaya pumayag ako sa lahat ng k
Huling Na-update: 2024-09-28
Chapter: Chapter 85“Mommy pwede po ba kami maglaro ni Daddy sa playground?” paalam ni Queennie pagpasok niya sa kusina at napatingin ako sa kanya.Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga gulay na gagamitin sa lulutuin na ulam mamayang tanghali. Katatapos lang namin mag-almusal at abala na ang lahat sa mga nakatoka na gagawin. Lahat ng bata sa bahay ampunan ay tinuruan ng gawaing bahay kaya hindi na sila kailangan utusan dahil alam na nila ang mga gagawin. Nakakatuwa dahil namumunga na ang mga tinanim na gulay ni Eugene sa mini garden niya kaya kahit paano ay nakakatipid sa gastusin. “Okay Baby kapag dumating siya,” nakangiti na sagot ko.Parang on cue ay biglang pumasok si Mark at nagkatingin kaming dalawa. Ewan ko ba pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya umiwas agad ako ng tingin. Mahigit isang buwan na ang lumipas mula noong nalaman niya ang tungkol kay Queennie at almost every other day ay nandito siya. Minsan nga ay binibiro pa siya ni Nanay Salud dahil kulang na lang ay dito na siya tumira. Hi
Huling Na-update: 2024-09-26