"Jack!" ilang ulit na sigaw ko pagpasok sa kwarto.Kasalukuyang nasa photoshoot ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Tita Rose. Naabutan niya si Jack na walang malay sa kwarto niya kaya agad na sinugod sa hospital. Bago ako umalis ng bahay kanina ay napansin ko na ang pamumutla niya. Sinabi ko sa kanya na pumunta kami sa hospital para magpatingin pero ayaw niya. Ang sabi niya ay kailangan lang niya magpahinga. Pinagalitan ko pa siya dahil nabanggit ni Manang Sol na hindi uminom ng gamot si Jack kagabi. Ayoko sana siya iwan para mabantayan ko siya pero pinagtabuyan niya ako. Pinaalala pa niya sa akin kung gaano kahalaga ang photoshoot para sa launching kaya napilitan din ako."I'm here Darling," sagot niya na halatang pinipilit na ngumiti.Huminga ako nang malalim at tiningnan siya nang masama. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing nakikita ko siya nakahiga sa hospital bed. Pinapakita ko na galit ako dahil ayoko ipakita sa kanya natatakot ako kapag nasa hospital siya."Ang tigas
"Sigurado ka bang iniinom mo sa tamang oras ang mga gamot mo?" tanong ko kay Jack habang kumakain kami ng almusal."Opo." natatawa na sagot niya."Tandaan mo mahigpit ang bilin ng Doctor regarding sa mga gamot mo. Higit sa lahat kailangan ay sundin natin lahat ng bilin niya." Paalala ko sa kanya at nakangiti na tumango-tango siya.Maraming binilin ang Doctor na hindi pwedeng gawin habang hindi pa ito pumapayag sa operation. Nangako naman siya na susundin ang lahat ng iyon. Nag-iisip pa rin ako kung ano ang pwede kong gawin para pumayag siya. Ang sabi kasi ni Dr. Abuel kailangan na talaga maisagawa ang operation dahil hindi na tulad noon ay unti-unti ng humihina ang katawan ni Jack."Mukhang maling course ang kinuha mo Queen dapat pala nursing ang kinuha mo instead of business management," biro niya at inismiran ko na lang."At nagagawa mo pa talagang magbiro ha!" inis na sabi ko bago uminom ng kape."Queensley pwede bang galangin mo naman si Jack." sita ni Tita Rose sa akin at nakakun
"Queen, the board meeting will be two weeks from now and I need you to be there," sabi ni Jack habang kumakain kami.Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jack dahil wala naman 'yon connection sa akin. Halos isang buwan na mula ng sabihan niya ako na maging representative. Nagre-report ako sa kanya sa bawat meeting na pinupuntahan ko. Updated din siya sa lahat ng nangyayari sa kumpanya. Nakita kong natigilan si Tita Rose sa pagkain at mahigpit ang hawak niya sa kubyertos."Pero bakit Jack?" nagtataka na tanong ko pagkalipas ng ilang segundo.Tumigil si Jack sa pagkain at tumingin sa akin pagkatapos uminom ng tubig. Tumingin rin siya kay Tita Rose na kasalukuyang nakatingin kay Jack. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Aware naman ako kung ano ang tingin niya sa akin. Pinapakisamahan lang niya ako dahil kay Jack."Hindi lingid sa inyong dalawa ang kalagayan ko. Habang lumilipas ang araw ay lalo akong nanghihina at hindi nakakatulong ang mga gamot na iniinom ko. Alam kong sasabih
"Sunduin na lang kita mamaya ng two o'clock para sa dinner meeting natin mamaya," sabi ni Joshua bago ako bumaba ng sasakyan."Tulungan mo muna kaya akong ibaba ang mga dala ko bago ka lumarga," nakasimangot na tugon ko at tumawa naman siya."Sowi naman Girl, I forgot." Natatawa na sabi nito saka bumaba ng sasakyan.Binuksan niya ang likod ng sasakyan at isa-isa binaba ang mga box na dala namin. Tuwing Linggo ay hindi pwedeng hindi ako bibisita kay Lola Salud at sa mga bata. Si Lola Salud ang nag-aalaga sa akin kapag wala si Nanay para maghanapbuhay. Siya na rin muna ang kumupkop sa akin ng mawala si Nanay. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya dahil hindi ko naman siya kamag-anak at kapitbahay lang namin pero tinuring niya ako na kapamilya. Hindi niya ako pinabayaan at inaalagaan niya ako katulad ng pangako niya kay Nanay. Kay Lola Salud at Jack ko utang kung nasaan man ako ngayon. "Ikamusta mo na lang ako sa kanila," sabi ni Joshua pagkatapos namin mag-beso.Kumaway ako ng bum
"Tatawagan ko na ba siya?" tanong ko habang nilalaro ang telepono sa kamay ko."Paano kung tama ang sinabi ni Eugene? Paano kung hindi ko nga siya makumbinsi?" alanganin na sabi ko saka pinatong ang telepono sa ibabaw ng lamesa.Sinabi ko kasi kay Eugene ang plano ko na kausapin si Mark para kumbinsihin siya na umuwi ng Pilipinas. Nararamdaman kong si Mark lang talaga ang makaka-kumbinsi kay Jack na magpa-opera at saka para na rin magkaayos na ang dalawa sa hindi nila pagkakaintindihan. Tinakot ko siya na mag-resign ako at magpapakalayo kapag hindi siya makinig sa akin pero hindi man lang siya natinag. Good luck and I'm happy for you ang tanging sagot niya. Wala na kasi ako maisip na paraan at habang tumatagal ay mas nagiging kritikal ang sitwasyon niya. Tulol man si Eugene sa plano ko pero ito na lang ang naiisip kong paraan. Wala na akong oras at kailangan ko ng kumilos bago pa mahuli ang lahat."Pero hindi ko naman malalaman kung ano ang magiging reaksyon niya kung hindi ko siya k
Pagkatapos putulin ni Queensley ang tawag ay binato ko sa pader ang hawak kong telepono. Hindi ko na control ang emosyon ko habang kausap ko siya. Hindi ko rin inaasahan ang mga sinabi niya kaya mas lalo ako nakaramdam ng galit. Binalaan na ako ni Auntie Rose na anytime ay tatawagan ako ni Queensley kaya kahit paano ay expected ko na ang maging pag-uusap namin. Sinabi ko pa naman sa sarili ko na hindi ako mag-paapekto sa lahat ng sasabihin niya. Sobrang nagulat ako nang banggitin niya ang tungkol sa kasal dahil wala naman nabanggit si Auntie Rose. Nangyari na nga ang kinatatakutan ko na hindi makuntento ang babaeng iyon at gustuhin na makuha ang lahat. Kumpiyansa ako na hindi magagawa ni Papa iyon at kahit paano ay pinanghahawakan ko ang sinabi niya na parang Anak lang ang tingin niya kay Queensley."Who the hell she think she is!" galit na sigaw ko."Is everything okay, Sir?" nag-aalala na tanong ng Secretary ko pagpasok sa opisina ko.Nakita kong gulat na gulat siya ng makita ang wa
"What! Sinabi mo 'yon?!" sigaw na tanong ni Joshua at napatingin ako sa paligid.Nilakhan ko siya ng mga mata ng makita kong nakatingin sa amin ang ibang mga staff na nandoon sa studio. Natigilan din ang make-up artist na nagre-touch ng make up ko. Kasalukuyang may photoshoot ako para sa isang lifestyle magazine para sa release ng summer collection. Tinaasan lang ng kilay ni Joshua ang mga nakatingin sa amin para ipakita na wala siyang pakialam."Nasisiraan ka na ba talaga? Bakit mo naman ginawa 'yon? Hindi mo ba naisip ang pwedeng mangyari?" gigil na tanong niya.Sinenyasan ko ang make-up artist na iwan muna kami saglit tulal ay may oras pa naman. Kung alam ko lang na mag-hysterical siya hindi ko na muna sana sinabi sa kanya ang napag-usapan namin ni Mark. Kumukulo ang dugo ko kapag naalala ko ang pinag-usapan namin ng walang pusong lalaking 'yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon ang ugali ng lalaking 'yon malayong-malayo sa description ni Tita Rose. Dapat a
"It's good to know that you change your mind about going home. Tito needs you right now and I hope things will turn out good between the two of you," sabi ni Melmar.Katatapos lang ng emergency meeting na pinatawag ko. Hindi ako sigurado kung hanggang kailan ako sa Pilipinas kaya kailangan maayos ko muna ang mga maiiwan ko rito bago ako umalis. Nabanggit ko sa kanya ang naging pag-uusap namin ni Queensley at nasabi ko na rin ang plano ko. "I can't let that girl have it all," sagot ko habang pumirma ng kontrata.Hindi na ako makapaghintay na makita si Papa at makita ang babaeng gusto kong mawala sa buhay ni Papa. Kung hindi ko man makumbinsi si Papa na makipaghiwalay sa babaeng 'yon kailangan kong gumawa ng paraan para mismong si Queensley ang kusang umalis. Walang problema sa akin kung mapunta sa foundation ang maiiwan ni Papa bukod kay Auntie Rose. Wala naman kasi ako interest sa mga iiwanan niya kaya hindi ako umuwi. Tungkol naman sa desisyon niya na magpa-opera ayaw ko siya pakial
“Nakalima na tayo siguro naman sure na iyan,” sabi ni Joshua habang naglalakad ako pabalik-balik sa kwarto at banyo.“Pwede ba Queen tumigil ka sa paglalakad mo nahihilo na ako sa pinaggagawa mo,” sabi naman ni Danica at tumigil ako saka huminga ng malalim.Ilang araw na kasi na kakaiba ang nararamdaman ko at ng sabihin ko sa kanila ay agad sila bumili ng pregnancy test. Natawa pa nga ako sa naging reaksyon nila. Sinabi ko na imposibleng mangyari dahil gumagamit kami ng proteksyon pero bigla ko naalala ang isang gabi na nakalimutan namin. Kauuwi lang niya galing Hong Kong at dahil halos isang linggo siya roon ay sobrang na miss namin ang isa't isa. Hindi na kami nakapag-kontrol at nakalimutan naming gumamit ng proteksyon. Binalewala ko lang iyon dahil minsan lang naman iyon nangyari. Irregular naman ako kaya hindi ko rin pwedeng gawin na basehan ang menstruation ko. Napansin ko kasi na madalas masama ang pakiramdam ko at lagi akong pagod kahit wala naman ako masyadong ginagawa. Naging
“Babe, what time nga ba ang dating nila?” tanong ko habang nasa banyo ako.“After lunch pa Babe ang dating nila,” narinig ko na sagot niya.Dito sa Boracay namin napili na mag-honeymoon pero next month ay plano namin pumunta ng Singapore para magbakasyon kasama si Queennie. Doon namin i-celebrate ng birthday niya at tuwang-tuwa siya ng sabihin namin sa kanya. Gusto namin samantalahin ang panahon dahil ilang buwan na lang ay papasok na si Queennie. Tinotoo talaga ni Mark ang sinabi niya na babawi siya sa akin dahil pang dalawang araw na namin dito pero halos nasa loob lang kami ng room. Napag-usapan na susunod sina Danica, Dominic, Joshua, Jack, Nanay Salud at Queennie para naman magkakasama kami na magbakasyon. Maaga kami gumising para may oras pa kami na asikasuhin ang lahat bago sila dumating. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Mark na inaayos ang breakfast namin. Nilapitan ko siya at yinakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran. “Sige ka Babe baka mas
“You look stunning!” sabi Joshua habang nakatingin habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.Sobrang bilis ng mga pangyayari dahil sa loob lang ng anim na buwan mula ng mag-propose si Mark sa akin ay ang dami ng nangyari. Inasikaso muna namin ang pagbili ng mga gamit sa bahay na lilipatan namin. Gustong-gusto na kasi ni Queennie na makalipat na kami ng bahay kayo iyon muna ang inuna namin. Tinanong ako ni Mark kung gusto ko ba mag-hire ng interior designer para hindi na ako mahirapan sa pag aasikaso pero mas gusto ko na kaming tatlo ang mag-decide kung anong gamit ang bibilhin namin. Nahirapan lang naman ako sa pagpili dahil lahat ng suggestions ko ay oo lang ang sagot ni Mark. Pinaubaya niya sa akin ang lahat mula sa mga design at mga kagamitan. Sa loob ng isang buwan ay makumpleto namin lahat ng kailangan sa bahay pati na rin ang konting renovation. Apat ang kwarto plus dalawa ang guest room sa bahay, may malaking receiving area at malaking kusina. Pagkatapos namin ipa-bles
“Congratulations sa inyong dalawa sobrang saya namin dahil sa wakas ay magiging masaya na kayo,” sabi ni Danica at niyakap ko siya ng mahigpit.Sobrang saya ng araw na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Buong akala ko ay mag-dinner lang kaming tatlo pero may iba pala siyang plano. Napansin ko na ang kakaibang kinikilos ni Nanay Salud pati na rin ang mga kaibigan ko pero hinayaan ko lang sila. Nagulat ako ng makita ko ang singsing at susi sa box na inabot niya. Saglit ako natigilan dahil iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya pero mas nangibabaw ang kasiyahan. Nakaramdam din ako ng alinlangan kasi inisip ko na ginagawa lang niya ito dahil sa bata. Kalaunan ay tinanggap ko dahil iyon ang sinasabi ng puso ko at kahit ano pa ang dahilan niya ay gusto ko mabuo ang pamilya ko. Hindi ko na maitatanggi na mahal na mahal ko pa rin siya at ayoko ng itago pa ang nararamdaman ko. Ayokong pakawalan ang pagkakataon na ito na makasama
“Pa, what do you think?” tanong ko at nakangiti na tumango siya.“Sobrang saya ko dahil nakikita kon na masaya ka na ulit. Nag-aalala talaga ako dahil buong akala ko Hindi na kita makikita na ganyan kasaya. Ano man ang maging desisyon mo nandito lang ako para suportahan ka. You are a great person Mark don't make the same mistake I did before,” sabi niya at yinakap ko siya ng mahigpit. Pagkalipas ng halos anim na buwan ay natapos ba rin ang pinagawa kong bahay. Matagal ko na siyang plano ipagawa pero naiisip ko na useless kung ako lang mag-isa ang titira pero nagbago iyon ng makilala ko si Queennie. Kakaibang saya ang naramdaman ko ng malaman ko na anak ko siya. Nakaramdam din ako ng galit, sakit at lungkot ng malaman ko mula sa private investigator ang tungkol sa kanya. Pero higit sa lahat ay nangibabaw sa akin ang saya at mas may dahilan na ako para makasama ulit si Queensley. Kilala ko siya the more na pipilitin ko siya the more na lalayo siya sa akin kaya pumayag ako sa lahat ng k
“Mommy pwede po ba kami maglaro ni Daddy sa playground?” paalam ni Queennie pagpasok niya sa kusina at napatingin ako sa kanya.Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga gulay na gagamitin sa lulutuin na ulam mamayang tanghali. Katatapos lang namin mag-almusal at abala na ang lahat sa mga nakatoka na gagawin. Lahat ng bata sa bahay ampunan ay tinuruan ng gawaing bahay kaya hindi na sila kailangan utusan dahil alam na nila ang mga gagawin. Nakakatuwa dahil namumunga na ang mga tinanim na gulay ni Eugene sa mini garden niya kaya kahit paano ay nakakatipid sa gastusin. “Okay Baby kapag dumating siya,” nakangiti na sagot ko.Parang on cue ay biglang pumasok si Mark at nagkatingin kaming dalawa. Ewan ko ba pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya umiwas agad ako ng tingin. Mahigit isang buwan na ang lumipas mula noong nalaman niya ang tungkol kay Queennie at almost every other day ay nandito siya. Minsan nga ay binibiro pa siya ni Nanay Salud dahil kulang na lang ay dito na siya tumira. Hi
“Sorry Queen wala akong nagawa para pigilan siya. Sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi na namin nagawa na iwasan siya,” sabi ni Eugene pagpasok ko ng gate at nginitian ko siya. “Okay lang iyon wala ka naman kasalanan at saka wala naman tayong magagawa kasi nangyari na siya,” sabi ko at tinapik ko siya sa balikat. Naglakad na kami papasok ng bahay at napansin kong marami na ang nagbago mula sa labas hanggang sa loob. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil bawat sulok na makita ko ay may memories akong naaalala. Halos kalahati ng buhay ko ay dito ako tumira kaya naman iba ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako na makita ulit si Jack pero at the same time ay may nararamdaman akong hiya dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi ko kinakahiya si Queennie dahil nagbago ang buhay ko dahil sa kanya pero ang part na hinayaan ko mahulog ako kay Mark. Kung sana lang ay mas nalaman ko ng maaga ang intensyon niya ay hindi na sana kami umabot sa ganito. “Nasaa
“Nasaan na kaya sila?” tanong ko at napatingin ako nakasabit na wall clock.Nagpaalam sina Nanay Salud na may asikasuhin lang siya sa bayan pero ilang oras na ang lumipas wala pa sila. Nag-message na ako kay Eugene pero hindi pa naman siya nag-reply. Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagluluto ng ulam para sa mga bata. May in-charge naman sa kusina pero mula noong dumating ako Isa na ito sa naging libangan ko kasi hindi na ako sanay ng walang ginagawa. “Ibang-iba ka na talaga ngayon Queen dati hindi ka mahilig magluto pero ngayon para ka ng ekspert at ang sarap pa ng luto mo,” sabi ni Danica pagkatapos niya tikman ang niluto ko na menudo.“Pinag-aralan ko talaga lahat ng gawaing bahay mula sa paglalaba hanggang sa pagluluto. Mas na appreciate ko lahat ng ginagawa ninyo na pagaasikaso sa akin noon dahil hindi siya madali lalo na at napakapasaway ko. Salamat sa walang sawang pag-aasikaso ninyo sa akin at hindi ninyo ako iniwan. Nagpapasalamat talaga ako kay Aling Chato kasi mati
“Pwede naman kami mag-taxi na lang ni Marose papuntang ospital. Alam kong sobrang busy mo ngayon. Okay lang ba talaga na Ikaw ang mag-drive?” tanong ni Papa pag-upo ko sa hapag kainan. Ngayon kasi ang follow up check-up ni Papa at nagkataon naman na nagkaroon ng emergency ang driver namin. May mga kailangan ako asikasuhin sa office ngayon pero tinawagan ko na si Justin kagabi pa para ayusin ang schedule ko. Nang maaksidente si Papa doon ko na realize na maikli lang ang buhay at kailangan ko pahalagahan ang bawat oras na kasama ko siya. Noon galit na galit ko sa kanya dahil wala siyang oras sa amin ngayon lubos ko na siya naiintindihan. Hinding-hindi ko hahayaan na mangyari ulit ang nangyari noon kaya babawi ako sa kanya ngayon. Mula rin ng makita ko ulit si Queensley ay mas nanaig sa akin ang kagustuhan ko na makasama siya dahil sa kanya lang ako magiging masaya. Mamaya ay makakausap ko na ang private investigator at mula doon ay saka ako mag-isip ng way para mapalapit ulit sa kanya.