"Jack!" ilang ulit na sigaw ko pagpasok sa kwarto.
Kasalukuyang nasa photoshoot ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Tita Rose. Naabutan niya si Jack na walang malay sa kwarto niya kaya agad na sinugod sa hospital. Bago ako umalis ng bahay kanina ay napansin ko na ang pamumutla niya. Sinabi ko sa kanya na pumunta kami sa hospital para magpatingin pero ayaw niya. Ang sabi niya ay kailangan lang niya magpahinga. Pinagalitan ko pa siya dahil nabanggit ni Manang Sol na hindi uminom ng gamot si Jack kagabi. Ayoko sana siya iwan para mabantayan ko siya pero pinagtabuyan niya ako. Pinaalala pa niya sa akin kung gaano kahalaga ang photoshoot para sa launching kaya napilitan din ako."I'm here Darling," sagot niya na halatang pinipilit na ngumiti.Huminga ako nang malalim at tiningnan siya nang masama. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing nakikita ko siya nakahiga sa hospital bed. Pinapakita ko na galit ako dahil ayoko ipakita sa kanya natatakot ako kapag nasa hospital siya."Ang tigas talaga ng ulo mo! Sinabi ko na kasing magpatingin tayo sa hospital kaninang umaga. Bakit kasi ayaw mo makinig?" galit na sermon ko at para siyang bata na pinapagalitan."Queen, huwag ka ng magalit," malambing na tugon niya at huminga ako nang malalim saka umiling.Grabe ang pag-aalala ko ng malaman kong sinugod ito sa hospital. Halos paliparin ko na ang sasakyan para lang makarating agad sa hospital. Hindi naman kasi sinabi ni Tita Rose kung okay na ba si Jack o ano na ang nangyari. Sinabi lang niya nasa hospital si Jack at nawala na sa kabilang linya kaya hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. I consider him as one of my family kahit pa nga hindi naman kami related by blood. I will never forgive myself kung may nangyaring masama sa kanya."Anong sabi ng Doctor?" galit na tanong ko habang nakalagay ang kamay ko sa magkabilang bewang ko."Okay lang naman ako kaya please huwag ka ng magalit. Promise from now on makikinig na ako sa 'yo," parang bata na sagot niya at pilit inabot ang kamay ko.Hindi ko naman magawang magalit talaga kay Jack ng matagal. Kahit na matigas ang ulo niya kahit paano ay nakikinig din naman siya sa akin. Maraming tao ang nagtatanong sa totoong relasyon namin pero wala na akong pakialam sa mga sinasabi nila. Nakakapagod magpaliwanag sa mga tao at magsabi ng totoo pero sa bandang huli hindi pa rin naman naniniwala. Ilang beses na akong nabigyan ng label na "Mistress of the Billionaire" at marami pang iba dahil sa closeness namin. Ilan lang sa mga tao na malalapit sa amin ang nakakaunawa sa totoong relasyon namin. Malaki ang utang na loob ko kay Jack dahil kung hindi dahil sa kanya ay wala ako ngayon sa kinaroroonan ko. Para ng totoong Ama ang turing ko sa kanya kaya naman ganoon na lang ang turingan namin na hindi maintindihan ng ibang tao. Napagod na akong magpaliwanag sa kanila kaya hinayaan ko na lang sila sa kung ano ang iniisip nila."Nasaan si Gigi?" tanong ko habang palinga-linga sa paligid.Si Gigi ang current girlfriend niya na ilang taon lang ang tanda sa akin. Kahit may edad na si Jack ay matikas pa rin ang tindigan niya kaya hindi akalaing nasa sixties na siya. Hindi nakakapagtaka na marami pa ring babae ang nahuhumaling sa kanya dahil sa good looks pati na rin sa yaman niya. Iyon din ang dahilan kung bakit sinasabi ng iba na gold digger ako. Every three months ata or depende rin sa mood niya kung magpalit siya ng girlfriend. Tutol man ako sa ginagawa niya pero wala akong karapatang pakialaman ang gusto niya. Bantayan at paalalahanan lang ang pwede kong magawa. Pero minsan hindi ko maiwasang makialam lalo na kung alam kong hindi karapat dapat ang babaeng kinakasama niya. Iyon rin siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko maiwan si Jack. Maraming tao ang gustong pagsamantalahan siya lalo na kapag nakakita ng pagkakataon. Gagawin ko ang lahat para protektahan siya tulad ng ginagawa niya para sa akin."Nag-resign na," natatawa na sagot niya at natatawa napailing naman ako."Huwag mong sabihing nagseselos?" yamot na tanong ko."Slight lang," sagot niya na may kasamang pag-senyas ng kamay saka tumawa nang malakas."Hay naku! Sabi ko naman kasi sa 'yo doon na lang ako sa condo ko mag-stay," sabi ko pagkatapos ko nagpakawala ng nakakaloko na tawa."Wala namang connection 'yon Queen kaya huwag mo ng alalahanin ang bagay na 'yon. At saka alam naman nila kung ano ka sa akin sa umpisa pa lang. Problema na nila kung hindi nila maintindihan kung ano ba tayo. Kung ayaw na nila wala na akong magagawa ang mahalaga binigay ko ang lahat ng gusto nila at sa tingin ko napasaya ko naman sila," katwiran niya at napailing ako sa huling sinabi niya."Oo siguradong napasaya mo talaga sila dahil para kang si Santa Claus hindi pa man pasko pero umuulan ng regalo," sarkastiko na tugon ko."Alam mo naman na hindi ako kampanteng mag-isa ka lang mag-stay doon lalo na sa panahon ngayon," dagdag pa niya at tumango-tango na lang ako.Kumuha ako ng sarili kong place para matigil na ang usap-usapan pero ayaw naman niya ako hayaan na umalis ng bahay. Pumayag siya na bumukod na ako pero kalaunan ay pinigilan din niya ako. May personal nurse naman siya pero hindi rin ako kampante na iwan siya lalo na lately dahil napapadalas na ang pagsama ng pakiramdam niya."Bakit kasi wala ka pang boyfriend?" tanong niya habang binabalatan ko ang apple."Ano naman kinalaman noon sa usapan natin?" kunot ang noo na tanong ko sabay abot ng apple sa kanya."Para naman makampante na ako na may nagproprotekta at mag-aalaga sa 'yo." nakangiti na sagot niya at umiling na lang ako."Kung hindi mo po napapansin malaki na po ako, kayang-kaya ko na po ang sarili ko kaya hindi ko kailangan magkaroon ng boyfriend," sagot ko.Wala sa isip ko ang pumasok sa kahit anong relasyon ngayon. Isa lang ang gusto ko ang makaalis sa buhay na meron ako ngayon dahil hindi naman ito talaga ang pinapangarap ko. Sabay kaming napatingin sa pinto ng makarinig ng katok. Ilang segundo lang ay pumasok si Dr. Abuel kasama ang isang nurse."Hello, Dr. Abuel." nakangiti na bati ko saka nakipag-kamay dito."Kamusta na Queen?" nakangiti na tanong niya sa akin."I'm doing great Doc. Ikaw po kumusta?" nakangiti na tugon ko."Okay din naman," tugon niya at tumango-tango ako."So Doc, kamusta na ang pasyente natin?" tanong ko sa kanya saka tumingin kay Jack."Well you know very well we need to perform the surgery as soon as possible," sagot niya at napabuntonghininga lang ako.Ilang beses ko na kinukumbinsi si Jack na magpa-opera mula ng malaman namin ang tungkol sa condition niya pero ayaw naman niya. Ang lagi niyang katwiran kung oras na niya ay oras na niya at saka wala naman daw nagmamahal sa kanya. Wala na rin dahilan para dugtongan pa niya ang buhay kaya mabuti pang tanggapin na lang namin."Kung oras ko na, oras ko na at saka para pa saan kung magpa-opera ako," sabay naming tugon ni Jack at natawa si Dr. Abuel.Tiningnan ko ng masama si Jack dahil naiinis ako sa katigasan ng ulo niya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa nag-iisang anak ni Jack. After namin malaman ang sakit ni Jack ay tinawagan agad ni Tita Rose ang anak niyang nasa ibang bansa para pauwiin pero matigas din ang loob. Hindi ko alam ang buong kwento kung bakit ganoon na lang ang pagkamuhi niya sa Papa niya. Paanong natitiis niya na malayo gayong alam niya ang kondisyon ni Jack. Sinubukan ko rin na tawagan siya para kumbinsihin pero sinabi niya na wala siyang pakialam kung ano man ang mangyari. Galit na galit ako sa kanya dahil wala man lang siyang pakialam sa kalagayan ni Jack. Hindi man lang siya natatakot sa posibilidad na pwedeng mawala si Jack."All we can do right now is to prevent this from happening again. Your body is getting weak as time goes by and those medicines are what keep you alive. We don't know what will happen next time and maybe it will be worse. I need you to stay away from anything that can make you upset or stressed. Also make sure to continue taking all the prescribed medicine," payo niya at tumingin sa akin."I can't guarantee anything Doc. Sa sobrang tigas ng ulo ng taong 'yan malamang next week or so will be back here again," sagot ko habang nilakihan ng mga mata si Jack.Maya-maya lang ay nagpaalam na si Dr. Abuel pagkatapos niya na ma-check si Jack. Bago siya umalis ay nagbilin ulit siya ng mga dapat hindi dapat gawin ni Jack na lagi niya sinasabi sa amin. Umupo ako sa tabi ni Jack at kinuha ko ang isang kamay niya."Tell me Jack. What can I do to make you go through that operation?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.Kailangan ay may gawin ako dahil hindi ko pwedeng hayaan na sumuko siya ng basta na lang. Gagawin ko ang lahat para lang makumbinsi siya at gumaling. Hindi kasi ito ang tipo ng tao na basta na lang sumusuko kaya nagtataka ako kung bakit ayaw niya magpa-opera. Siya ang nagturo sa akin na gawin ko ang lahat ng makakaya ko para magtagumpay. Lagi rin niya sinasabi sa akin na walang bagay sa mundo ang impossible. Pinisil niya ang kamay ko at ngumiti bago tumingin sa may bintana. Matagal na rin kaming nagsasama ni Jack pero hindi siya nagkukwento tungkol sa nakaraan niya. Mula ng mamatay ang Nanay ko noong nasa highschool palang ako siya na ang kumupkop sa akin. Dumating siya sa huling lamay ng nanay ko noong una ay nagtataka ako dahil noon ko lang siya nakita pero lalo akong nagtaka ng makita ko siya umiiyak sa kabaong ni Nanay. Umiiyak siya na para bang siya mismo ang nawalan. Buong akala ko pa nga siya ang totoong Ama ko pero hindi pala. Lumaki kasi ako na hindi ko nakilala ang tunay kong Ama at hindi rin naman sinabi ng Nanay ko. Malapit na kaibigan ang pakilala niya at sinabi niya na malaki raw ang kasalanan niya kaya ganun na lang paghingi niya ng kapatawaran. Dahil wala sa mga kamag-anak ko ang gustong mag-alaga sa akin kaya inalok niya na ampunin ako pero hindi ako pumayag. Inalok na lang niya ako na pag-aaralin na tinanggap ko naman. Bago namatay si Nanay ay binilin niya ako sa kapitbahay namin na laging nag-aalaga sa akin noon si Lola Sol."Ang bilis ng panahon parang kailan lang ay nag-aaral ka pa. Ngayon sobrang successful mo na at sikat ka na kaya sobrang saya ko. Sigurado ako na masayang-masaya siya na makita kung nasaan ka na ngayon," nakangiti na sabi niya habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana."I just want to see you happy, Darling." Tumingin siya sa akin saka ngumiti.Umiwas ako ng tingin dahil ayaw kong makita niya ang lungkot sa mga mata ko. Ayaw ko rin makita niya ang luhang malapit ng pumatak mula sa mga mata ko. Hangga't maaari gusto kong magpakatatag sa harap niya."I'm happy as long as you're okay Jack." sabi ko pagkalipas ng ilang segundo na katahimikan."I want to see all the people I love happy. I want to see you have your own happiness and hopefully your own family," nakangiting sabi niya habang nakatingin sa akin at tinapik ang kamay ko."Kung gusto mo talaga akong maging masaya pumayag ka na magpagamot. Paano mo makikita na magkapamilya ako kung hindi ka magpa-opera? Sa tingin mo ba magiging masaya kami kapag may nangyari sa iyo na hindi maganda?" tanong ko at umiling siya."You know that you are like a daughter to me. I can see through you Darling and I can see that your not happy," sabi niya pagkatapos haplusin ang pisngi ko.Doon ko na hindi napigilan ang pagbuhos ng luha mula sa mga mata ko. Yumakap ako sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko maipaliwanag pero tama si Jack sa sinabi niya. Kung tutuusin ay wala na akong mahihiling sa oras na ito pero hindi ako masaya. Pakiramdam ko laging may kulang sa buhay ko na hindi ko matukoy kung ano."I'm okay so stop worrying about me and just follow what your heart. Stop making other people happy and find your happiness. Your life and happiness is more important than anything else," bulong niya habang hinahaplos ang likod ko."Sigurado ka bang iniinom mo sa tamang oras ang mga gamot mo?" tanong ko kay Jack habang kumakain kami ng almusal."Opo." natatawa na sagot niya."Tandaan mo mahigpit ang bilin ng Doctor regarding sa mga gamot mo. Higit sa lahat kailangan ay sundin natin lahat ng bilin niya." Paalala ko sa kanya at nakangiti na tumango-tango siya.Maraming binilin ang Doctor na hindi pwedeng gawin habang hindi pa ito pumapayag sa operation. Nangako naman siya na susundin ang lahat ng iyon. Nag-iisip pa rin ako kung ano ang pwede kong gawin para pumayag siya. Ang sabi kasi ni Dr. Abuel kailangan na talaga maisagawa ang operation dahil hindi na tulad noon ay unti-unti ng humihina ang katawan ni Jack."Mukhang maling course ang kinuha mo Queen dapat pala nursing ang kinuha mo instead of business management," biro niya at inismiran ko na lang."At nagagawa mo pa talagang magbiro ha!" inis na sabi ko bago uminom ng kape."Queensley pwede bang galangin mo naman si Jack." sita ni Tita Rose sa akin at nakakun
"Queen, the board meeting will be two weeks from now and I need you to be there," sabi ni Jack habang kumakain kami.Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jack dahil wala naman 'yon connection sa akin. Halos isang buwan na mula ng sabihan niya ako na maging representative. Nagre-report ako sa kanya sa bawat meeting na pinupuntahan ko. Updated din siya sa lahat ng nangyayari sa kumpanya. Nakita kong natigilan si Tita Rose sa pagkain at mahigpit ang hawak niya sa kubyertos."Pero bakit Jack?" nagtataka na tanong ko pagkalipas ng ilang segundo.Tumigil si Jack sa pagkain at tumingin sa akin pagkatapos uminom ng tubig. Tumingin rin siya kay Tita Rose na kasalukuyang nakatingin kay Jack. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Aware naman ako kung ano ang tingin niya sa akin. Pinapakisamahan lang niya ako dahil kay Jack."Hindi lingid sa inyong dalawa ang kalagayan ko. Habang lumilipas ang araw ay lalo akong nanghihina at hindi nakakatulong ang mga gamot na iniinom ko. Alam kong sasabih
"Sunduin na lang kita mamaya ng two o'clock para sa dinner meeting natin mamaya," sabi ni Joshua bago ako bumaba ng sasakyan."Tulungan mo muna kaya akong ibaba ang mga dala ko bago ka lumarga," nakasimangot na tugon ko at tumawa naman siya."Sowi naman Girl, I forgot." Natatawa na sabi nito saka bumaba ng sasakyan.Binuksan niya ang likod ng sasakyan at isa-isa binaba ang mga box na dala namin. Tuwing Linggo ay hindi pwedeng hindi ako bibisita kay Lola Salud at sa mga bata. Si Lola Salud ang nag-aalaga sa akin kapag wala si Nanay para maghanapbuhay. Siya na rin muna ang kumupkop sa akin ng mawala si Nanay. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya dahil hindi ko naman siya kamag-anak at kapitbahay lang namin pero tinuring niya ako na kapamilya. Hindi niya ako pinabayaan at inaalagaan niya ako katulad ng pangako niya kay Nanay. Kay Lola Salud at Jack ko utang kung nasaan man ako ngayon. "Ikamusta mo na lang ako sa kanila," sabi ni Joshua pagkatapos namin mag-beso.Kumaway ako ng bum
"Tatawagan ko na ba siya?" tanong ko habang nilalaro ang telepono sa kamay ko."Paano kung tama ang sinabi ni Eugene? Paano kung hindi ko nga siya makumbinsi?" alanganin na sabi ko saka pinatong ang telepono sa ibabaw ng lamesa.Sinabi ko kasi kay Eugene ang plano ko na kausapin si Mark para kumbinsihin siya na umuwi ng Pilipinas. Nararamdaman kong si Mark lang talaga ang makaka-kumbinsi kay Jack na magpa-opera at saka para na rin magkaayos na ang dalawa sa hindi nila pagkakaintindihan. Tinakot ko siya na mag-resign ako at magpapakalayo kapag hindi siya makinig sa akin pero hindi man lang siya natinag. Good luck and I'm happy for you ang tanging sagot niya. Wala na kasi ako maisip na paraan at habang tumatagal ay mas nagiging kritikal ang sitwasyon niya. Tulol man si Eugene sa plano ko pero ito na lang ang naiisip kong paraan. Wala na akong oras at kailangan ko ng kumilos bago pa mahuli ang lahat."Pero hindi ko naman malalaman kung ano ang magiging reaksyon niya kung hindi ko siya k
Pagkatapos putulin ni Queensley ang tawag ay binato ko sa pader ang hawak kong telepono. Hindi ko na control ang emosyon ko habang kausap ko siya. Hindi ko rin inaasahan ang mga sinabi niya kaya mas lalo ako nakaramdam ng galit. Binalaan na ako ni Auntie Rose na anytime ay tatawagan ako ni Queensley kaya kahit paano ay expected ko na ang maging pag-uusap namin. Sinabi ko pa naman sa sarili ko na hindi ako mag-paapekto sa lahat ng sasabihin niya. Sobrang nagulat ako nang banggitin niya ang tungkol sa kasal dahil wala naman nabanggit si Auntie Rose. Nangyari na nga ang kinatatakutan ko na hindi makuntento ang babaeng iyon at gustuhin na makuha ang lahat. Kumpiyansa ako na hindi magagawa ni Papa iyon at kahit paano ay pinanghahawakan ko ang sinabi niya na parang Anak lang ang tingin niya kay Queensley."Who the hell she think she is!" galit na sigaw ko."Is everything okay, Sir?" nag-aalala na tanong ng Secretary ko pagpasok sa opisina ko.Nakita kong gulat na gulat siya ng makita ang wa
"What! Sinabi mo 'yon?!" sigaw na tanong ni Joshua at napatingin ako sa paligid.Nilakhan ko siya ng mga mata ng makita kong nakatingin sa amin ang ibang mga staff na nandoon sa studio. Natigilan din ang make-up artist na nagre-touch ng make up ko. Kasalukuyang may photoshoot ako para sa isang lifestyle magazine para sa release ng summer collection. Tinaasan lang ng kilay ni Joshua ang mga nakatingin sa amin para ipakita na wala siyang pakialam."Nasisiraan ka na ba talaga? Bakit mo naman ginawa 'yon? Hindi mo ba naisip ang pwedeng mangyari?" gigil na tanong niya.Sinenyasan ko ang make-up artist na iwan muna kami saglit tulal ay may oras pa naman. Kung alam ko lang na mag-hysterical siya hindi ko na muna sana sinabi sa kanya ang napag-usapan namin ni Mark. Kumukulo ang dugo ko kapag naalala ko ang pinag-usapan namin ng walang pusong lalaking 'yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon ang ugali ng lalaking 'yon malayong-malayo sa description ni Tita Rose. Dapat a
"It's good to know that you change your mind about going home. Tito needs you right now and I hope things will turn out good between the two of you," sabi ni Melmar.Katatapos lang ng emergency meeting na pinatawag ko. Hindi ako sigurado kung hanggang kailan ako sa Pilipinas kaya kailangan maayos ko muna ang mga maiiwan ko rito bago ako umalis. Nabanggit ko sa kanya ang naging pag-uusap namin ni Queensley at nasabi ko na rin ang plano ko. "I can't let that girl have it all," sagot ko habang pumirma ng kontrata.Hindi na ako makapaghintay na makita si Papa at makita ang babaeng gusto kong mawala sa buhay ni Papa. Kung hindi ko man makumbinsi si Papa na makipaghiwalay sa babaeng 'yon kailangan kong gumawa ng paraan para mismong si Queensley ang kusang umalis. Walang problema sa akin kung mapunta sa foundation ang maiiwan ni Papa bukod kay Auntie Rose. Wala naman kasi ako interest sa mga iiwanan niya kaya hindi ako umuwi. Tungkol naman sa desisyon niya na magpa-opera ayaw ko siya pakial
Katatapos lang namin makipag-meeting kay Mr. Tam regarding sa darating na event ang Fashion Week. May-ari siya ng isang Mall at matagal ng client ng La Bella. Inutos ni Jack na personal kong tutukan ang preparation sa event dahil hindi pa niya kaya. Mula sa venue, sponsors at mga client ay kailangan namin tutukan. Hindi naman ganoon kahirap ang lahat dahil katulong ko naman si Felix at Joshua. "Ma'am Queensley, we still have to double check again the set-up and venue of the event," sabi ni Felix at biglang napatingin sa amin si Mr. Tan. Kasalukuyang may kausap si Mr. Tam sa phone at hinihintay lang namin siya matapos para magpaalam. Alam ko na ang ganoon klase ng tingin. Ilang beses ko ng sinasabi kay Felix na huwag akong tatawagin ng Ma'am lalo na sa harap ng ibang tao. Nabibigyan kasi ng ibang meaning kapag tinatawag ako ng ganoon lalo pa at bali-balita na isa ako sa mga babae ni Jack. Pero kahit ilang beses ko na siya sinaway ay ganun pa rin ang tawag niya sa akin. "Felix," mah
“Nakalima na tayo siguro naman sure na iyan,” sabi ni Joshua habang naglalakad ako pabalik-balik sa kwarto at banyo.“Pwede ba Queen tumigil ka sa paglalakad mo nahihilo na ako sa pinaggagawa mo,” sabi naman ni Danica at tumigil ako saka huminga ng malalim.Ilang araw na kasi na kakaiba ang nararamdaman ko at ng sabihin ko sa kanila ay agad sila bumili ng pregnancy test. Natawa pa nga ako sa naging reaksyon nila. Sinabi ko na imposibleng mangyari dahil gumagamit kami ng proteksyon pero bigla ko naalala ang isang gabi na nakalimutan namin. Kauuwi lang niya galing Hong Kong at dahil halos isang linggo siya roon ay sobrang na miss namin ang isa't isa. Hindi na kami nakapag-kontrol at nakalimutan naming gumamit ng proteksyon. Binalewala ko lang iyon dahil minsan lang naman iyon nangyari. Irregular naman ako kaya hindi ko rin pwedeng gawin na basehan ang menstruation ko. Napansin ko kasi na madalas masama ang pakiramdam ko at lagi akong pagod kahit wala naman ako masyadong ginagawa. Naging
“Babe, what time nga ba ang dating nila?” tanong ko habang nasa banyo ako.“After lunch pa Babe ang dating nila,” narinig ko na sagot niya.Dito sa Boracay namin napili na mag-honeymoon pero next month ay plano namin pumunta ng Singapore para magbakasyon kasama si Queennie. Doon namin i-celebrate ng birthday niya at tuwang-tuwa siya ng sabihin namin sa kanya. Gusto namin samantalahin ang panahon dahil ilang buwan na lang ay papasok na si Queennie. Tinotoo talaga ni Mark ang sinabi niya na babawi siya sa akin dahil pang dalawang araw na namin dito pero halos nasa loob lang kami ng room. Napag-usapan na susunod sina Danica, Dominic, Joshua, Jack, Nanay Salud at Queennie para naman magkakasama kami na magbakasyon. Maaga kami gumising para may oras pa kami na asikasuhin ang lahat bago sila dumating. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Mark na inaayos ang breakfast namin. Nilapitan ko siya at yinakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran. “Sige ka Babe baka mas
“You look stunning!” sabi Joshua habang nakatingin habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.Sobrang bilis ng mga pangyayari dahil sa loob lang ng anim na buwan mula ng mag-propose si Mark sa akin ay ang dami ng nangyari. Inasikaso muna namin ang pagbili ng mga gamit sa bahay na lilipatan namin. Gustong-gusto na kasi ni Queennie na makalipat na kami ng bahay kayo iyon muna ang inuna namin. Tinanong ako ni Mark kung gusto ko ba mag-hire ng interior designer para hindi na ako mahirapan sa pag aasikaso pero mas gusto ko na kaming tatlo ang mag-decide kung anong gamit ang bibilhin namin. Nahirapan lang naman ako sa pagpili dahil lahat ng suggestions ko ay oo lang ang sagot ni Mark. Pinaubaya niya sa akin ang lahat mula sa mga design at mga kagamitan. Sa loob ng isang buwan ay makumpleto namin lahat ng kailangan sa bahay pati na rin ang konting renovation. Apat ang kwarto plus dalawa ang guest room sa bahay, may malaking receiving area at malaking kusina. Pagkatapos namin ipa-bles
“Congratulations sa inyong dalawa sobrang saya namin dahil sa wakas ay magiging masaya na kayo,” sabi ni Danica at niyakap ko siya ng mahigpit.Sobrang saya ng araw na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Buong akala ko ay mag-dinner lang kaming tatlo pero may iba pala siyang plano. Napansin ko na ang kakaibang kinikilos ni Nanay Salud pati na rin ang mga kaibigan ko pero hinayaan ko lang sila. Nagulat ako ng makita ko ang singsing at susi sa box na inabot niya. Saglit ako natigilan dahil iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya pero mas nangibabaw ang kasiyahan. Nakaramdam din ako ng alinlangan kasi inisip ko na ginagawa lang niya ito dahil sa bata. Kalaunan ay tinanggap ko dahil iyon ang sinasabi ng puso ko at kahit ano pa ang dahilan niya ay gusto ko mabuo ang pamilya ko. Hindi ko na maitatanggi na mahal na mahal ko pa rin siya at ayoko ng itago pa ang nararamdaman ko. Ayokong pakawalan ang pagkakataon na ito na makasama
“Pa, what do you think?” tanong ko at nakangiti na tumango siya.“Sobrang saya ko dahil nakikita kon na masaya ka na ulit. Nag-aalala talaga ako dahil buong akala ko Hindi na kita makikita na ganyan kasaya. Ano man ang maging desisyon mo nandito lang ako para suportahan ka. You are a great person Mark don't make the same mistake I did before,” sabi niya at yinakap ko siya ng mahigpit. Pagkalipas ng halos anim na buwan ay natapos ba rin ang pinagawa kong bahay. Matagal ko na siyang plano ipagawa pero naiisip ko na useless kung ako lang mag-isa ang titira pero nagbago iyon ng makilala ko si Queennie. Kakaibang saya ang naramdaman ko ng malaman ko na anak ko siya. Nakaramdam din ako ng galit, sakit at lungkot ng malaman ko mula sa private investigator ang tungkol sa kanya. Pero higit sa lahat ay nangibabaw sa akin ang saya at mas may dahilan na ako para makasama ulit si Queensley. Kilala ko siya the more na pipilitin ko siya the more na lalayo siya sa akin kaya pumayag ako sa lahat ng k
“Mommy pwede po ba kami maglaro ni Daddy sa playground?” paalam ni Queennie pagpasok niya sa kusina at napatingin ako sa kanya.Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga gulay na gagamitin sa lulutuin na ulam mamayang tanghali. Katatapos lang namin mag-almusal at abala na ang lahat sa mga nakatoka na gagawin. Lahat ng bata sa bahay ampunan ay tinuruan ng gawaing bahay kaya hindi na sila kailangan utusan dahil alam na nila ang mga gagawin. Nakakatuwa dahil namumunga na ang mga tinanim na gulay ni Eugene sa mini garden niya kaya kahit paano ay nakakatipid sa gastusin. “Okay Baby kapag dumating siya,” nakangiti na sagot ko.Parang on cue ay biglang pumasok si Mark at nagkatingin kaming dalawa. Ewan ko ba pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya umiwas agad ako ng tingin. Mahigit isang buwan na ang lumipas mula noong nalaman niya ang tungkol kay Queennie at almost every other day ay nandito siya. Minsan nga ay binibiro pa siya ni Nanay Salud dahil kulang na lang ay dito na siya tumira. Hi
“Sorry Queen wala akong nagawa para pigilan siya. Sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi na namin nagawa na iwasan siya,” sabi ni Eugene pagpasok ko ng gate at nginitian ko siya. “Okay lang iyon wala ka naman kasalanan at saka wala naman tayong magagawa kasi nangyari na siya,” sabi ko at tinapik ko siya sa balikat. Naglakad na kami papasok ng bahay at napansin kong marami na ang nagbago mula sa labas hanggang sa loob. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil bawat sulok na makita ko ay may memories akong naaalala. Halos kalahati ng buhay ko ay dito ako tumira kaya naman iba ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako na makita ulit si Jack pero at the same time ay may nararamdaman akong hiya dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi ko kinakahiya si Queennie dahil nagbago ang buhay ko dahil sa kanya pero ang part na hinayaan ko mahulog ako kay Mark. Kung sana lang ay mas nalaman ko ng maaga ang intensyon niya ay hindi na sana kami umabot sa ganito. “Nasaa
“Nasaan na kaya sila?” tanong ko at napatingin ako nakasabit na wall clock.Nagpaalam sina Nanay Salud na may asikasuhin lang siya sa bayan pero ilang oras na ang lumipas wala pa sila. Nag-message na ako kay Eugene pero hindi pa naman siya nag-reply. Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagluluto ng ulam para sa mga bata. May in-charge naman sa kusina pero mula noong dumating ako Isa na ito sa naging libangan ko kasi hindi na ako sanay ng walang ginagawa. “Ibang-iba ka na talaga ngayon Queen dati hindi ka mahilig magluto pero ngayon para ka ng ekspert at ang sarap pa ng luto mo,” sabi ni Danica pagkatapos niya tikman ang niluto ko na menudo.“Pinag-aralan ko talaga lahat ng gawaing bahay mula sa paglalaba hanggang sa pagluluto. Mas na appreciate ko lahat ng ginagawa ninyo na pagaasikaso sa akin noon dahil hindi siya madali lalo na at napakapasaway ko. Salamat sa walang sawang pag-aasikaso ninyo sa akin at hindi ninyo ako iniwan. Nagpapasalamat talaga ako kay Aling Chato kasi mati
“Pwede naman kami mag-taxi na lang ni Marose papuntang ospital. Alam kong sobrang busy mo ngayon. Okay lang ba talaga na Ikaw ang mag-drive?” tanong ni Papa pag-upo ko sa hapag kainan. Ngayon kasi ang follow up check-up ni Papa at nagkataon naman na nagkaroon ng emergency ang driver namin. May mga kailangan ako asikasuhin sa office ngayon pero tinawagan ko na si Justin kagabi pa para ayusin ang schedule ko. Nang maaksidente si Papa doon ko na realize na maikli lang ang buhay at kailangan ko pahalagahan ang bawat oras na kasama ko siya. Noon galit na galit ko sa kanya dahil wala siyang oras sa amin ngayon lubos ko na siya naiintindihan. Hinding-hindi ko hahayaan na mangyari ulit ang nangyari noon kaya babawi ako sa kanya ngayon. Mula rin ng makita ko ulit si Queensley ay mas nanaig sa akin ang kagustuhan ko na makasama siya dahil sa kanya lang ako magiging masaya. Mamaya ay makakausap ko na ang private investigator at mula doon ay saka ako mag-isip ng way para mapalapit ulit sa kanya.