"It's good to know that you change your mind about going home. Tito needs you right now and I hope things will turn out good between the two of you," sabi ni Melmar.Katatapos lang ng emergency meeting na pinatawag ko. Hindi ako sigurado kung hanggang kailan ako sa Pilipinas kaya kailangan maayos ko muna ang mga maiiwan ko rito bago ako umalis. Nabanggit ko sa kanya ang naging pag-uusap namin ni Queensley at nasabi ko na rin ang plano ko. "I can't let that girl have it all," sagot ko habang pumirma ng kontrata.Hindi na ako makapaghintay na makita si Papa at makita ang babaeng gusto kong mawala sa buhay ni Papa. Kung hindi ko man makumbinsi si Papa na makipaghiwalay sa babaeng 'yon kailangan kong gumawa ng paraan para mismong si Queensley ang kusang umalis. Walang problema sa akin kung mapunta sa foundation ang maiiwan ni Papa bukod kay Auntie Rose. Wala naman kasi ako interest sa mga iiwanan niya kaya hindi ako umuwi. Tungkol naman sa desisyon niya na magpa-opera ayaw ko siya pakial
Katatapos lang namin makipag-meeting kay Mr. Tam regarding sa darating na event ang Fashion Week. May-ari siya ng isang Mall at matagal ng client ng La Bella. Inutos ni Jack na personal kong tutukan ang preparation sa event dahil hindi pa niya kaya. Mula sa venue, sponsors at mga client ay kailangan namin tutukan. Hindi naman ganoon kahirap ang lahat dahil katulong ko naman si Felix at Joshua. "Ma'am Queensley, we still have to double check again the set-up and venue of the event," sabi ni Felix at biglang napatingin sa amin si Mr. Tan. Kasalukuyang may kausap si Mr. Tam sa phone at hinihintay lang namin siya matapos para magpaalam. Alam ko na ang ganoon klase ng tingin. Ilang beses ko ng sinasabi kay Felix na huwag akong tatawagin ng Ma'am lalo na sa harap ng ibang tao. Nabibigyan kasi ng ibang meaning kapag tinatawag ako ng ganoon lalo pa at bali-balita na isa ako sa mga babae ni Jack. Pero kahit ilang beses ko na siya sinaway ay ganun pa rin ang tawag niya sa akin. "Felix," mah
Narinig ko na ang boses ng pilot, pinapaalam na any moment ay lalapag na ang eroplano. Hindi ko maiwasang maging emosyonal habang nakatingin sa labas ng bintana dahil ngayon lang ulit ako nakauwi. It's been more than ten years mula ng umalis ako para mag-aral abroad. Mula ng umalis ako hindi na ako bumalik kahit pa nga may project kami dito sa Pilipinas. "Get this over and done." Paalala ko sa sarili ko.Ilang sandali lang ay nararamdaman na namin ang paglapag ng eroplano sa paliparan. Nagsimula ng mag-ayos ang mga ibang pasahero. Alam ni Auntie Rose na ngayon ang dating ko at siguradong sinabi na rin niya kay Papa. Ang sabi ni Auntie Rose magiging busy siya sa araw na ito kaya driver na lang ang susundo sa akin. Wala naman kaso sa akin ang mahalaga ay makita ko na si Papa. Kinuha ko na ang telepono ko para tawagan si Auntie Rose at ipaalam nandito na ako. Naka ilang beses nag-ring pero hindi siya sumasagot kaya pinatay ko na. Siguro nga ay busy siya kaya hindi sumasagot. Pagdating k
"I still can't believe that you're here now," emosyonal na sabi ni Papa."I'm here," nakangiti na sabi ko at ngumiti rin siya.Noong unang beses na sinabi ni Auntie Rose ang tungkol sa karamdaman ni Papa hindi ko lubos na mapaniwalaan. Inisip ko na gawa-gawa lang niya ang tungkol doon para mapilitang umuwi ako. Wala naman kasi siyang bisyo kaya sobrang nagtaka ako pero ng makita ko ang medical report niya doon pa lang ako nakumbinsi. Hindi naman totally nawala ang lahat ng nararamdaman ko na hinanakit at galit sa kanya pero sa oras na ito iisang tabi ko iyon. Ang tanging iniisip at gusto ko mangyari ay maka-recover siya. Makita na okay siya at kaya na niya. Panalangin ko na lang na sana ay hindi malala ang condition ni Papa at malaki ang chance na malampasan niya. Tama nga ang sabi nila nawawala rin ang sakit ng nakaraan paglipas ng panahon. Bago ako makarating dito hindi ako sigurado kung paano ko siya patutunguhan o paano ang magiging situation namin kapag nagkita na kami. Ayaw ko k
"Mukhang masaya ka ata Bakla. May nangyari ba na maganda na hindi ko alam?" puna ni Joshua habang pumipili ako nang flavor ng cakes sa display.Pagkatapos kong ihatid si Mark sa kwarto ni Jack ay nag-request si Jack ng cheesecake at pagkain para kay sa kanila. Alam ko naman ang dahilan kung bakit inutusan ako ni Jack na bumili ng pagkain at wala namang kaso sa akin. Gusto niyang makausap ng masinsinan si Mark at normal lang iyon dahil sa tagal nila hindi nagkita. Tinawagan ko si Joshua para may kasama ako dahil alam kong matatagalan sila. Gusto ko rin malaman ang kalagayan ng venue at preparation."Ikaw?" alok ko sa kanya at umiling ito."You know I hate sweets and you know you're not allowed to eat that," nakasimangot na sagot niya at nagkibit-balikat lang ako."Miss two slices of cheesecake for take out and one for dine in. Two sets of breakfast meal for take out and two cups of black coffee for dine in," sabi ko sa waiter. Inulit niya ang order ko at nakangiti na tumango ako. Hind
"Dan, where are you?" sigaw ko pagpasok ko sa condo. Napapikit ako ng maamoy ko ang masarap na niluluto ni Danica. Agad kong binaba ang bag ko at tinanggal ang heels bago tuluyang pumasok sa loob. Para akong bata na excited pumasok sa look ng bahay. "This is home." nakangiti na sabi ko habang naglalakad papunta sa kusina. Hindi nga ako nagkakamali dahil naabutan kong abalang nagluluto si Danica. Si Danica ang tipo ng babae na pang bahay dahil hindi lang siya masarap magluto dahil maasikaso rin. Wala bagay na hindi niya kayang gawin kaya sobrang hanga ako sa kanya. Ilang linggo na siya rito sa Manila pero dahil naging sobrang busy ako kaya ngayon lang ako nakapasyal dito sa condo. Dito na muna ako mag-stay habang nasa hospital pa si Jack. Nang nagpaalam ako sa kanya noong nakaraang buwan ay hindi siya pumayag pero ng sabihin ko na kasama ko si Danica ay saka pa lang siya pumayag. Ayokong makasama ang lalaki na 'yon sa isang lugar at iyon ang pinaka dahilan kung bakit ayaw ko mag-stay
This is the first day na makakatuntong ulit ako sa kumpanya after so many years. Kahapon ng bumisita ako sa hospital ay nandoon si Queensley at sinabi ni Papa na ito ang personal na magturo sa akin sa in and out operation ng company at factory. Hindi ko inaasahan na si Queensley ang makakasama ko pero naisip ko na pabor din 'yon para sa akin. Kailangan kong makahanap ng mga ebidensya tungkol sa babaeng 'yon sa lalong madaling panahon at magagawa ko lang 'yon kapag kasama ko siya. Mapapatunayan ko na kay Papa na pera lang ang habol ng babaeng 'yon at hindi totoo lahat ng pinapakita niya. Handa na ako sa lahat ng pwede niyang gawin at sisiguraduhin ko na mabibigo siya sa mga plano niya."I'll find everything soon and that will be the end for you," puno ng determinasyon na sabi ko habang nakatingin sa salamin."Good morning, Hijo!" nakangiti na bati sa akin ni Auntie Rose pagdating ko sa kusina."Good morning too, Auntie!" tugon ko saka humalik sa pisngi niya."Umupo ka na Hijo at mag-al
Bukas na ang alis nina Jack at Auntie Rose para sa nalalapit niyang operasyon. Kahit anong pigil ay hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagpatak. Pasimple kong pinupunasan ang mga luha ko para hindi niya makita. Nangako ako sa kanya at sa sarili ko na hindi ako iiyak. Hangga't maari ay ayaw kong ipakita niya na malungkot ako sa pag-alis niya dahil dapat ay maging masaya ako. Ayoko rin na mag-alala pa siya sa akin."Sinabi ko naman sa 'yo na hindi mo na kailangang gawin 'yan Queen pwede namang si Rose na lang ang gumawa ng mga iyan," sabi ni Jack sa akin habang inaayos ko ang mga gamit na dadalhin niya."Gusto mo lang ako itaboy," kunwari ay nagtatampo na sagot ko.Isa-isa ko ng nilagay at inayos sa maleta ang mga damit at mga gamit niya. Ilang buwan rin siyang mawawala dahil after ng operation ay kailangang maobserbahan ang kalagayan niya bago makabalik dito sa Pilipinas. Hindi ako makakasama sa paghatid bukas dahil may maaga akong schedule. Gusto kong sulitin ang araw na ito dahil
“Nakalima na tayo siguro naman sure na iyan,” sabi ni Joshua habang naglalakad ako pabalik-balik sa kwarto at banyo.“Pwede ba Queen tumigil ka sa paglalakad mo nahihilo na ako sa pinaggagawa mo,” sabi naman ni Danica at tumigil ako saka huminga ng malalim.Ilang araw na kasi na kakaiba ang nararamdaman ko at ng sabihin ko sa kanila ay agad sila bumili ng pregnancy test. Natawa pa nga ako sa naging reaksyon nila. Sinabi ko na imposibleng mangyari dahil gumagamit kami ng proteksyon pero bigla ko naalala ang isang gabi na nakalimutan namin. Kauuwi lang niya galing Hong Kong at dahil halos isang linggo siya roon ay sobrang na miss namin ang isa't isa. Hindi na kami nakapag-kontrol at nakalimutan naming gumamit ng proteksyon. Binalewala ko lang iyon dahil minsan lang naman iyon nangyari. Irregular naman ako kaya hindi ko rin pwedeng gawin na basehan ang menstruation ko. Napansin ko kasi na madalas masama ang pakiramdam ko at lagi akong pagod kahit wala naman ako masyadong ginagawa. Naging
“Babe, what time nga ba ang dating nila?” tanong ko habang nasa banyo ako.“After lunch pa Babe ang dating nila,” narinig ko na sagot niya.Dito sa Boracay namin napili na mag-honeymoon pero next month ay plano namin pumunta ng Singapore para magbakasyon kasama si Queennie. Doon namin i-celebrate ng birthday niya at tuwang-tuwa siya ng sabihin namin sa kanya. Gusto namin samantalahin ang panahon dahil ilang buwan na lang ay papasok na si Queennie. Tinotoo talaga ni Mark ang sinabi niya na babawi siya sa akin dahil pang dalawang araw na namin dito pero halos nasa loob lang kami ng room. Napag-usapan na susunod sina Danica, Dominic, Joshua, Jack, Nanay Salud at Queennie para naman magkakasama kami na magbakasyon. Maaga kami gumising para may oras pa kami na asikasuhin ang lahat bago sila dumating. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Mark na inaayos ang breakfast namin. Nilapitan ko siya at yinakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran. “Sige ka Babe baka mas
“You look stunning!” sabi Joshua habang nakatingin habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.Sobrang bilis ng mga pangyayari dahil sa loob lang ng anim na buwan mula ng mag-propose si Mark sa akin ay ang dami ng nangyari. Inasikaso muna namin ang pagbili ng mga gamit sa bahay na lilipatan namin. Gustong-gusto na kasi ni Queennie na makalipat na kami ng bahay kayo iyon muna ang inuna namin. Tinanong ako ni Mark kung gusto ko ba mag-hire ng interior designer para hindi na ako mahirapan sa pag aasikaso pero mas gusto ko na kaming tatlo ang mag-decide kung anong gamit ang bibilhin namin. Nahirapan lang naman ako sa pagpili dahil lahat ng suggestions ko ay oo lang ang sagot ni Mark. Pinaubaya niya sa akin ang lahat mula sa mga design at mga kagamitan. Sa loob ng isang buwan ay makumpleto namin lahat ng kailangan sa bahay pati na rin ang konting renovation. Apat ang kwarto plus dalawa ang guest room sa bahay, may malaking receiving area at malaking kusina. Pagkatapos namin ipa-bles
“Congratulations sa inyong dalawa sobrang saya namin dahil sa wakas ay magiging masaya na kayo,” sabi ni Danica at niyakap ko siya ng mahigpit.Sobrang saya ng araw na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Buong akala ko ay mag-dinner lang kaming tatlo pero may iba pala siyang plano. Napansin ko na ang kakaibang kinikilos ni Nanay Salud pati na rin ang mga kaibigan ko pero hinayaan ko lang sila. Nagulat ako ng makita ko ang singsing at susi sa box na inabot niya. Saglit ako natigilan dahil iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya pero mas nangibabaw ang kasiyahan. Nakaramdam din ako ng alinlangan kasi inisip ko na ginagawa lang niya ito dahil sa bata. Kalaunan ay tinanggap ko dahil iyon ang sinasabi ng puso ko at kahit ano pa ang dahilan niya ay gusto ko mabuo ang pamilya ko. Hindi ko na maitatanggi na mahal na mahal ko pa rin siya at ayoko ng itago pa ang nararamdaman ko. Ayokong pakawalan ang pagkakataon na ito na makasama
“Pa, what do you think?” tanong ko at nakangiti na tumango siya.“Sobrang saya ko dahil nakikita kon na masaya ka na ulit. Nag-aalala talaga ako dahil buong akala ko Hindi na kita makikita na ganyan kasaya. Ano man ang maging desisyon mo nandito lang ako para suportahan ka. You are a great person Mark don't make the same mistake I did before,” sabi niya at yinakap ko siya ng mahigpit. Pagkalipas ng halos anim na buwan ay natapos ba rin ang pinagawa kong bahay. Matagal ko na siyang plano ipagawa pero naiisip ko na useless kung ako lang mag-isa ang titira pero nagbago iyon ng makilala ko si Queennie. Kakaibang saya ang naramdaman ko ng malaman ko na anak ko siya. Nakaramdam din ako ng galit, sakit at lungkot ng malaman ko mula sa private investigator ang tungkol sa kanya. Pero higit sa lahat ay nangibabaw sa akin ang saya at mas may dahilan na ako para makasama ulit si Queensley. Kilala ko siya the more na pipilitin ko siya the more na lalayo siya sa akin kaya pumayag ako sa lahat ng k
“Mommy pwede po ba kami maglaro ni Daddy sa playground?” paalam ni Queennie pagpasok niya sa kusina at napatingin ako sa kanya.Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga gulay na gagamitin sa lulutuin na ulam mamayang tanghali. Katatapos lang namin mag-almusal at abala na ang lahat sa mga nakatoka na gagawin. Lahat ng bata sa bahay ampunan ay tinuruan ng gawaing bahay kaya hindi na sila kailangan utusan dahil alam na nila ang mga gagawin. Nakakatuwa dahil namumunga na ang mga tinanim na gulay ni Eugene sa mini garden niya kaya kahit paano ay nakakatipid sa gastusin. “Okay Baby kapag dumating siya,” nakangiti na sagot ko.Parang on cue ay biglang pumasok si Mark at nagkatingin kaming dalawa. Ewan ko ba pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya umiwas agad ako ng tingin. Mahigit isang buwan na ang lumipas mula noong nalaman niya ang tungkol kay Queennie at almost every other day ay nandito siya. Minsan nga ay binibiro pa siya ni Nanay Salud dahil kulang na lang ay dito na siya tumira. Hi
“Sorry Queen wala akong nagawa para pigilan siya. Sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi na namin nagawa na iwasan siya,” sabi ni Eugene pagpasok ko ng gate at nginitian ko siya. “Okay lang iyon wala ka naman kasalanan at saka wala naman tayong magagawa kasi nangyari na siya,” sabi ko at tinapik ko siya sa balikat. Naglakad na kami papasok ng bahay at napansin kong marami na ang nagbago mula sa labas hanggang sa loob. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil bawat sulok na makita ko ay may memories akong naaalala. Halos kalahati ng buhay ko ay dito ako tumira kaya naman iba ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako na makita ulit si Jack pero at the same time ay may nararamdaman akong hiya dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi ko kinakahiya si Queennie dahil nagbago ang buhay ko dahil sa kanya pero ang part na hinayaan ko mahulog ako kay Mark. Kung sana lang ay mas nalaman ko ng maaga ang intensyon niya ay hindi na sana kami umabot sa ganito. “Nasaa
“Nasaan na kaya sila?” tanong ko at napatingin ako nakasabit na wall clock.Nagpaalam sina Nanay Salud na may asikasuhin lang siya sa bayan pero ilang oras na ang lumipas wala pa sila. Nag-message na ako kay Eugene pero hindi pa naman siya nag-reply. Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagluluto ng ulam para sa mga bata. May in-charge naman sa kusina pero mula noong dumating ako Isa na ito sa naging libangan ko kasi hindi na ako sanay ng walang ginagawa. “Ibang-iba ka na talaga ngayon Queen dati hindi ka mahilig magluto pero ngayon para ka ng ekspert at ang sarap pa ng luto mo,” sabi ni Danica pagkatapos niya tikman ang niluto ko na menudo.“Pinag-aralan ko talaga lahat ng gawaing bahay mula sa paglalaba hanggang sa pagluluto. Mas na appreciate ko lahat ng ginagawa ninyo na pagaasikaso sa akin noon dahil hindi siya madali lalo na at napakapasaway ko. Salamat sa walang sawang pag-aasikaso ninyo sa akin at hindi ninyo ako iniwan. Nagpapasalamat talaga ako kay Aling Chato kasi mati
“Pwede naman kami mag-taxi na lang ni Marose papuntang ospital. Alam kong sobrang busy mo ngayon. Okay lang ba talaga na Ikaw ang mag-drive?” tanong ni Papa pag-upo ko sa hapag kainan. Ngayon kasi ang follow up check-up ni Papa at nagkataon naman na nagkaroon ng emergency ang driver namin. May mga kailangan ako asikasuhin sa office ngayon pero tinawagan ko na si Justin kagabi pa para ayusin ang schedule ko. Nang maaksidente si Papa doon ko na realize na maikli lang ang buhay at kailangan ko pahalagahan ang bawat oras na kasama ko siya. Noon galit na galit ko sa kanya dahil wala siyang oras sa amin ngayon lubos ko na siya naiintindihan. Hinding-hindi ko hahayaan na mangyari ulit ang nangyari noon kaya babawi ako sa kanya ngayon. Mula rin ng makita ko ulit si Queensley ay mas nanaig sa akin ang kagustuhan ko na makasama siya dahil sa kanya lang ako magiging masaya. Mamaya ay makakausap ko na ang private investigator at mula doon ay saka ako mag-isip ng way para mapalapit ulit sa kanya.