"Queen, the board meeting will be two weeks from now and I need you to be there," sabi ni Jack habang kumakain kami.
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jack dahil wala naman 'yon connection sa akin. Halos isang buwan na mula ng sabihan niya ako na maging representative. Nagre-report ako sa kanya sa bawat meeting na pinupuntahan ko. Updated din siya sa lahat ng nangyayari sa kumpanya. Nakita kong natigilan si Tita Rose sa pagkain at mahigpit ang hawak niya sa kubyertos."Pero bakit Jack?" nagtataka na tanong ko pagkalipas ng ilang segundo.Tumigil si Jack sa pagkain at tumingin sa akin pagkatapos uminom ng tubig. Tumingin rin siya kay Tita Rose na kasalukuyang nakatingin kay Jack. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Aware naman ako kung ano ang tingin niya sa akin. Pinapakisamahan lang niya ako dahil kay Jack."Hindi lingid sa inyong dalawa ang kalagayan ko. Habang lumilipas ang araw ay lalo akong nanghihina at hindi nakakatulong ang mga gamot na iniinom ko. Alam kong sasabihin ninyo na magpa-opera ako pero alam na ninyo ang sagot ko. Tanggap ko naman ang kalagayan ko at ngayon pa lang dapat ay ayusin ko na ang mga kailangan na ayusin," paliwanag niya.Bigla ako kinabahan sa mga sinasabi niya at hindi ko gusto ang naririnig ko. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagkadismaya. Ramdam ko ang kawalan niya ng pag-asa na ngayon ko lang nakita sa kanya. Sobrang hinahangaan ko siya dahil sa mga pinakita niya."Jack!" tawag ko sa kanya at nakangiti na tumingin siya sa akin."I need someone to take my place in the company," sabi niya bago tumingin sa akin."Hindi maari Jack. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao. Isipin mo nga bakit kay Queensley mo ibibigay ang responsibilidad sa kumpanya gayong buhay pa ang anak mo," tutol ni Tita Rose at tiningnan ako ng masama."Tama si Tita Rose at saka wala akong karapatan sa mga ari-arian mo Jack," sang-ayon ko.Nagkatinginan kami ni Tita Rose ng biglang mahinang tumawa si Jack. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip ni Jack ngayon. Mahirap tanggapin ang kalagayan niya at hindi ako naniniwala na tanggap na talaga niya."Oo nga may anak ako pero ayaw naman niyang akuin ang responsibilidad sa kumpanya. Ayaw nga niyang makita ang Ama niya na may sakit. Ayaw niya sa mga bagay na pinundar ko. Hindi ko pwedeng pabayaan ang mga taong naka-depende sa kumpanya lalo na ngayon," malungkot na sagot niya."Gusto ko lang naman bago ako mawala nasa ayos ang lahat ng maiiwan ko. Alam ko naman na wala siyang ni katiting na interest sa lahat ng ito kaya hindi na ako umaasa. Hahatiin ko sa inyong dalawa ang maiiwan ko pero may iiwan pa rin naman ako para kay Mark," dugtong niya.Bakas sa mukha ni Jack ang pangungulila at lungkot. Alam kong mabigat sa kalooban niya at pinipilit lang niya magpakatatag. Minsan nahiling ko na sana ay siya na lang ang tunay kong tatay. Alam kong galit si Mark sa ama niya pero hindi ko maiintindihan kung paano niya natitiis ang ama niya kahit pa nga alam nito na any moment pwedeng mawala si Jack. Kahit gaano kalaki ang kasalanan ng isang magulang hindi naman siguro dapat maatim ng anak na mawala ito."Walang puso talaga ng lalaking 'yon." sabi ko sa sarili habang nakatingin kay Jack.Narinig ko minsan si Tita Rose na kausap niya si Mark sa telepono at binanggit niya ang tungkol sa kalagayan ni Jack. Kinubinsi rin niya na umuwi at kausapin ang Papa niya pero mukhang Wala siyang balak gawin iyon. Hindi ko maiwasan ang maawa kay Jack na patuloy naghihintay sa anak niya. Napakabuting tao ni Jack at nakita ko kung paano siya tumulong sa ibang tao. At isa na ako sa mga taong tinutulungan niya hanggang ngayon. May malaki siyang puso para sa lahat at may konsiderasyon sa pangangailangan ng ibang tao."Kakausapin ko ulit siya. Hindi ako papayag sa mga plano mo Jack at siguradong ganoon din siya. Siya lang ang may karapatan at walang ni isang katiting na karapatan ang babaeng iyan," galit na sabi ni Tita Rose at tiningnan niya ako ng masama.Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Tita Rose at may dahilan siya para magalit. Wala naman akong interest sa kayamanan ni Jack at kahit kailan ay hindi ako naghahangad. Hindi sumagot si Jack at sinenyasan niya ako na alalayan siyang tumayo. Agad akong lumapit sa kanya at tinulungan siya tumayo."Kung ayaw niya Rose hindi ko siya pipilitin. Hindi ko nga siya napilit noon na bumalik ngayon pa kaya na successful na rin siya," puno ng hinanakit na sabi niya bago humakbang at inalalayan ko siya.Sa garden kami humantong ni Jack, dahan-dahan siyang umupo at ng maayos na ang pwesto niya saka ako umupo sa tabi niya. Bakas sa mukha niyang nahihirapan at nalulungkot ako dahil wala akong magawa."Sorry Queen," pilit ang ngiti na sabi niya at hinawakan ang kamay ko."Para saan?" natatawa na tanong ko."Nadamay ka na naman sa problema ko," sagot niya at umiling ako."Ano ka ba Jack alam mo naman na willing akong tumulong hanggang kaya ko. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo sabihin mo lang," sabi ko habang tinatapik ang kamay niya."Pero hindi ako pabor sa sinabi mo kanina. Sobra-sobra na ang binigay mo sa akin at wala akong karapatan sa mga maiiwan mo. Tama si Tita Rose si Mark lang ang may karapatan sa lahat ng ito. Huwag mo sanang ipilit sa akin dahil hindi ko talaga matatanggap 'yon," sabi ko at tumingala siya sa langit."Ano ba ang plano mo Jack?" tanong ko sa kanya pagkalipas ng ilang minutong katahimikan."Hindi ko rin alam Queen kung anong dapat kong gawin para bumalik si Mark. Alam mo ba noong nalaman ko ang tungkol sa sakit ko naisip ko na baka 'yon ang maging dahilan para makasama ko ulit siya. I was hoping na kahit paano ay may natitira pang pagpapahalaga sa puso niya para sa akin. Hanggang ngayon galit pa rin siya sa akin kahit pa nga ilang beses na ako humingi ng tawad sa kanya. Bago sana ako mawala gusto ko siya makasama. Mapatawad niya ako para mabawasan ang bigat na dinadala ko. Ilang taon na niya akong tinitiis Quern at masakit 'yon para sa akin. Ganoon ba ako kasama? Hindi pa ba sapat na parusa ang ilang taon na paglayo niya sa akin? Ito na ba ang karma ko?" Alam kong masama akong tao pero hindi ba niya ako mabibigyan ng isa pang pagkakataon?" malungkot na sabi niya.Umiwas ako ng tingin para mapigilan ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko. Lumaki ako na walang kinilalang Tatay dahil walang binabanggit ang nyanay ko. Kahit pangalan o picture ay wala akong nakuha kahit pa sa pinakahuling oras niya. Ang lagi lang niya sagot sa tuwing magtatanong ako ay hindi ko na dapat hanapin o alamin pa dahil hindi ako naging kawalan sa buhay ng Tatay ko. Dagdag pa niya na kung mahalaga ako sa Tatay ko dapat ay noon pa niya ako hinanap. Sa tuwing mapag-uusapan namin ang tungkol sa kanya ay kita ko ang lungkot sa mukha ni Nanay kaya iniwasan ko na ang magtanong pa. Clueless ako hanggang ngayon kung sino ang Tatay ko at kung ano ang nangyari sa kanila ng Nanay ko."Nagkamali ka noon Jack pero hindi ibig sabihin noon ay masama kang tao. Hindi ko alam ang buong kwento kung bakit humantong sa ganito pero kailangan lang makapag-usap kayo ng personal para magkaintindihan. Hindi pwedeng habang buhay na lang kayong ganyan dahil magkapamilya kayo. Kailangan lang natin gumawa ng paraan para umuwi siya. Naniniwala ako na kapag nakita ka niya magbabago ang lahat," sabi ko para bigyan siya ng pag-asa."Napakabuti mo na bata Queen kaya naman hindi ako nagsisisi na tinulungan kita. Hindi ka na ibang tao sa akin dahil halos sa akin ka na lumaki kaya anak na ang turing ko sa iyo. Nagpapasalamat ako dahil lumaki kang mabuting tao at may mabuting kalooban. Hindi mo rin ako pinabayaan at ramdam ko ang pagmamahal mo sa akin na lubos akong nagpapasalamat. Hindi man tayo magkadugo pero para sa akin para na kitang anak," nakangiti na sabi niya.Nagulat ako ng maramdaman ko ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Pasimple akong umiwas ng tingin saka pinahid ang mga luha ko dahil ayaw kong makita iyon ni Jack. Hanggang maari ay ayaw kong mag-alala siya o dagdagan pa ang mga iniisip niya. Hanggang kaya ko ay gagawin ko ang lahat mabawasan lang ang mga problema niya at sakit na nararamdaman."At lahat ng 'yon ay utang ko sa 'yo Jack. Kung hindi dahil sa tulong mo hindi ko alam kung ano ako ngayon. Ikaw ang dahilan kung ano ako ngayon dahil pinalaki mo ako. Tinuruan mo ako mabuhay, sinuportahan at hindi pinabayaan kaya utang ko ang buhay ko sa iyo," sabi ko habang pinipigilan ang luha ko."Pero gusto ko sanang isipin mo rin ang sarili mo for once. Lagi na lang sa kapakanan ng ibang tao ang inuuna mo. Lahat na lang ginagawa mo para sa ibang tao. I really want to see you happy," sabi niya at natawa ako."Masaya naman ako ngayon Jack sa mga ginagawa ko. At saka willing naman akong gawin ang lahat para sa ikaliligaya ng mga taong mahal ko. Ang makita lang sila at kayo masaya, masaya na rin ako. Wala kang dapat ipag-alala sa akin dahil okay lang ako," nakangiti na sabi ko.Totoo naman na masaya ako kapag nakikita ang mga tao sa paligid ko na masaya at sapat na 'yon para sa akin. Nakita ko ang lahat ng 'yon sa Nanay ko noong nabubuhay pa siya. Ginawa niya ang lahat para sa akin noong nabubuhay pa siya at pagtulong niya sa ibang tao kahit na wala ng matira sa kanya. May pangarap din ako at soon ay matutupad ko na iyon. Kapag okay na si Jack pwede ko na sundin ang pangarap ko."Do you trust me Jack?" tanong ko sa kanya.Nagtatanong napatingin siya sa akin at ngumiti ako. May naisip akong plano at sana lang ay magtagumpay ako. Willing akong mag-sakripisyo para kay Jack bilang pagtanaw ko ng utang na loob sa kanya. Hindi rin kaya ng konsensya ko na umupo lang at walang gawin."Of course I trust you." nakangiti na sagot niya.Sinabi ko sa kanya ang buong plano ko. Umiiling siya pero pinagpatuloy ko lang ang pagsasalita. Katulad ng sinabi ni Tita Rose hindi papayag si Mark na mapunta sa akin ang kumpanya. Confident ako sa iniisip kong plano at sigurado ako na hindi niya hahayaang mapunta sa akin ang dapat ay sa kanya."No Queen, I won't allow it. This is not your problem to solve. I'll just think of another way but not your plan," umiling na tugon niya."Please Jack, let me help you with this one. Whether mag-succeed ito o hindi kailangan natin subukan. Wala naman mawawala kasi matagal na naman may isyu between us at sanay na ako. Kapag nag-fail promise hindi na ako makialam at hahayaan na kita sa gusto mo. Please," pakiusap ko at tumingala siya saka saglit na pumikit."Okay but you promise you'll stay out of this when it fails," tugon niya at nakangiti na tumango ako."Hopefully mawindang ang pride niya sa gagawin ko and I can't wait kung ano ang gagawin niya," excited na sabi ko at natatawa na umiling naman siya."Pero I must warn you Queen hindi ko alam kung paano siya magre-react sa gagawin mo. I'm just concern na baka may gawin o sabihin siya na hindi maganda sa 'yo," nag-aalala na sabi niya."Para namang hindi mo ako kilala Jack ang dami ko ng napagdaanan na ganyan. Namanhid na ata ako sa tagal ng panahon kaya okay lang sa akin. Ang goal ko is mag-react siya at maapektuhan siya sa gagawin ko," nakangiti na sabi ko saka ko siya tinapik sa balikat."Don't worry this will be fun," excited na dagdag ko."Sunduin na lang kita mamaya ng two o'clock para sa dinner meeting natin mamaya," sabi ni Joshua bago ako bumaba ng sasakyan."Tulungan mo muna kaya akong ibaba ang mga dala ko bago ka lumarga," nakasimangot na tugon ko at tumawa naman siya."Sowi naman Girl, I forgot." Natatawa na sabi nito saka bumaba ng sasakyan.Binuksan niya ang likod ng sasakyan at isa-isa binaba ang mga box na dala namin. Tuwing Linggo ay hindi pwedeng hindi ako bibisita kay Lola Salud at sa mga bata. Si Lola Salud ang nag-aalaga sa akin kapag wala si Nanay para maghanapbuhay. Siya na rin muna ang kumupkop sa akin ng mawala si Nanay. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya dahil hindi ko naman siya kamag-anak at kapitbahay lang namin pero tinuring niya ako na kapamilya. Hindi niya ako pinabayaan at inaalagaan niya ako katulad ng pangako niya kay Nanay. Kay Lola Salud at Jack ko utang kung nasaan man ako ngayon. "Ikamusta mo na lang ako sa kanila," sabi ni Joshua pagkatapos namin mag-beso.Kumaway ako ng bum
"Tatawagan ko na ba siya?" tanong ko habang nilalaro ang telepono sa kamay ko."Paano kung tama ang sinabi ni Eugene? Paano kung hindi ko nga siya makumbinsi?" alanganin na sabi ko saka pinatong ang telepono sa ibabaw ng lamesa.Sinabi ko kasi kay Eugene ang plano ko na kausapin si Mark para kumbinsihin siya na umuwi ng Pilipinas. Nararamdaman kong si Mark lang talaga ang makaka-kumbinsi kay Jack na magpa-opera at saka para na rin magkaayos na ang dalawa sa hindi nila pagkakaintindihan. Tinakot ko siya na mag-resign ako at magpapakalayo kapag hindi siya makinig sa akin pero hindi man lang siya natinag. Good luck and I'm happy for you ang tanging sagot niya. Wala na kasi ako maisip na paraan at habang tumatagal ay mas nagiging kritikal ang sitwasyon niya. Tulol man si Eugene sa plano ko pero ito na lang ang naiisip kong paraan. Wala na akong oras at kailangan ko ng kumilos bago pa mahuli ang lahat."Pero hindi ko naman malalaman kung ano ang magiging reaksyon niya kung hindi ko siya k
Pagkatapos putulin ni Queensley ang tawag ay binato ko sa pader ang hawak kong telepono. Hindi ko na control ang emosyon ko habang kausap ko siya. Hindi ko rin inaasahan ang mga sinabi niya kaya mas lalo ako nakaramdam ng galit. Binalaan na ako ni Auntie Rose na anytime ay tatawagan ako ni Queensley kaya kahit paano ay expected ko na ang maging pag-uusap namin. Sinabi ko pa naman sa sarili ko na hindi ako mag-paapekto sa lahat ng sasabihin niya. Sobrang nagulat ako nang banggitin niya ang tungkol sa kasal dahil wala naman nabanggit si Auntie Rose. Nangyari na nga ang kinatatakutan ko na hindi makuntento ang babaeng iyon at gustuhin na makuha ang lahat. Kumpiyansa ako na hindi magagawa ni Papa iyon at kahit paano ay pinanghahawakan ko ang sinabi niya na parang Anak lang ang tingin niya kay Queensley."Who the hell she think she is!" galit na sigaw ko."Is everything okay, Sir?" nag-aalala na tanong ng Secretary ko pagpasok sa opisina ko.Nakita kong gulat na gulat siya ng makita ang wa
"What! Sinabi mo 'yon?!" sigaw na tanong ni Joshua at napatingin ako sa paligid.Nilakhan ko siya ng mga mata ng makita kong nakatingin sa amin ang ibang mga staff na nandoon sa studio. Natigilan din ang make-up artist na nagre-touch ng make up ko. Kasalukuyang may photoshoot ako para sa isang lifestyle magazine para sa release ng summer collection. Tinaasan lang ng kilay ni Joshua ang mga nakatingin sa amin para ipakita na wala siyang pakialam."Nasisiraan ka na ba talaga? Bakit mo naman ginawa 'yon? Hindi mo ba naisip ang pwedeng mangyari?" gigil na tanong niya.Sinenyasan ko ang make-up artist na iwan muna kami saglit tulal ay may oras pa naman. Kung alam ko lang na mag-hysterical siya hindi ko na muna sana sinabi sa kanya ang napag-usapan namin ni Mark. Kumukulo ang dugo ko kapag naalala ko ang pinag-usapan namin ng walang pusong lalaking 'yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon ang ugali ng lalaking 'yon malayong-malayo sa description ni Tita Rose. Dapat a
"It's good to know that you change your mind about going home. Tito needs you right now and I hope things will turn out good between the two of you," sabi ni Melmar.Katatapos lang ng emergency meeting na pinatawag ko. Hindi ako sigurado kung hanggang kailan ako sa Pilipinas kaya kailangan maayos ko muna ang mga maiiwan ko rito bago ako umalis. Nabanggit ko sa kanya ang naging pag-uusap namin ni Queensley at nasabi ko na rin ang plano ko. "I can't let that girl have it all," sagot ko habang pumirma ng kontrata.Hindi na ako makapaghintay na makita si Papa at makita ang babaeng gusto kong mawala sa buhay ni Papa. Kung hindi ko man makumbinsi si Papa na makipaghiwalay sa babaeng 'yon kailangan kong gumawa ng paraan para mismong si Queensley ang kusang umalis. Walang problema sa akin kung mapunta sa foundation ang maiiwan ni Papa bukod kay Auntie Rose. Wala naman kasi ako interest sa mga iiwanan niya kaya hindi ako umuwi. Tungkol naman sa desisyon niya na magpa-opera ayaw ko siya pakial
Katatapos lang namin makipag-meeting kay Mr. Tam regarding sa darating na event ang Fashion Week. May-ari siya ng isang Mall at matagal ng client ng La Bella. Inutos ni Jack na personal kong tutukan ang preparation sa event dahil hindi pa niya kaya. Mula sa venue, sponsors at mga client ay kailangan namin tutukan. Hindi naman ganoon kahirap ang lahat dahil katulong ko naman si Felix at Joshua. "Ma'am Queensley, we still have to double check again the set-up and venue of the event," sabi ni Felix at biglang napatingin sa amin si Mr. Tan. Kasalukuyang may kausap si Mr. Tam sa phone at hinihintay lang namin siya matapos para magpaalam. Alam ko na ang ganoon klase ng tingin. Ilang beses ko ng sinasabi kay Felix na huwag akong tatawagin ng Ma'am lalo na sa harap ng ibang tao. Nabibigyan kasi ng ibang meaning kapag tinatawag ako ng ganoon lalo pa at bali-balita na isa ako sa mga babae ni Jack. Pero kahit ilang beses ko na siya sinaway ay ganun pa rin ang tawag niya sa akin. "Felix," mah
Narinig ko na ang boses ng pilot, pinapaalam na any moment ay lalapag na ang eroplano. Hindi ko maiwasang maging emosyonal habang nakatingin sa labas ng bintana dahil ngayon lang ulit ako nakauwi. It's been more than ten years mula ng umalis ako para mag-aral abroad. Mula ng umalis ako hindi na ako bumalik kahit pa nga may project kami dito sa Pilipinas. "Get this over and done." Paalala ko sa sarili ko.Ilang sandali lang ay nararamdaman na namin ang paglapag ng eroplano sa paliparan. Nagsimula ng mag-ayos ang mga ibang pasahero. Alam ni Auntie Rose na ngayon ang dating ko at siguradong sinabi na rin niya kay Papa. Ang sabi ni Auntie Rose magiging busy siya sa araw na ito kaya driver na lang ang susundo sa akin. Wala naman kaso sa akin ang mahalaga ay makita ko na si Papa. Kinuha ko na ang telepono ko para tawagan si Auntie Rose at ipaalam nandito na ako. Naka ilang beses nag-ring pero hindi siya sumasagot kaya pinatay ko na. Siguro nga ay busy siya kaya hindi sumasagot. Pagdating k
"I still can't believe that you're here now," emosyonal na sabi ni Papa."I'm here," nakangiti na sabi ko at ngumiti rin siya.Noong unang beses na sinabi ni Auntie Rose ang tungkol sa karamdaman ni Papa hindi ko lubos na mapaniwalaan. Inisip ko na gawa-gawa lang niya ang tungkol doon para mapilitang umuwi ako. Wala naman kasi siyang bisyo kaya sobrang nagtaka ako pero ng makita ko ang medical report niya doon pa lang ako nakumbinsi. Hindi naman totally nawala ang lahat ng nararamdaman ko na hinanakit at galit sa kanya pero sa oras na ito iisang tabi ko iyon. Ang tanging iniisip at gusto ko mangyari ay maka-recover siya. Makita na okay siya at kaya na niya. Panalangin ko na lang na sana ay hindi malala ang condition ni Papa at malaki ang chance na malampasan niya. Tama nga ang sabi nila nawawala rin ang sakit ng nakaraan paglipas ng panahon. Bago ako makarating dito hindi ako sigurado kung paano ko siya patutunguhan o paano ang magiging situation namin kapag nagkita na kami. Ayaw ko k
“Nakalima na tayo siguro naman sure na iyan,” sabi ni Joshua habang naglalakad ako pabalik-balik sa kwarto at banyo.“Pwede ba Queen tumigil ka sa paglalakad mo nahihilo na ako sa pinaggagawa mo,” sabi naman ni Danica at tumigil ako saka huminga ng malalim.Ilang araw na kasi na kakaiba ang nararamdaman ko at ng sabihin ko sa kanila ay agad sila bumili ng pregnancy test. Natawa pa nga ako sa naging reaksyon nila. Sinabi ko na imposibleng mangyari dahil gumagamit kami ng proteksyon pero bigla ko naalala ang isang gabi na nakalimutan namin. Kauuwi lang niya galing Hong Kong at dahil halos isang linggo siya roon ay sobrang na miss namin ang isa't isa. Hindi na kami nakapag-kontrol at nakalimutan naming gumamit ng proteksyon. Binalewala ko lang iyon dahil minsan lang naman iyon nangyari. Irregular naman ako kaya hindi ko rin pwedeng gawin na basehan ang menstruation ko. Napansin ko kasi na madalas masama ang pakiramdam ko at lagi akong pagod kahit wala naman ako masyadong ginagawa. Naging
“Babe, what time nga ba ang dating nila?” tanong ko habang nasa banyo ako.“After lunch pa Babe ang dating nila,” narinig ko na sagot niya.Dito sa Boracay namin napili na mag-honeymoon pero next month ay plano namin pumunta ng Singapore para magbakasyon kasama si Queennie. Doon namin i-celebrate ng birthday niya at tuwang-tuwa siya ng sabihin namin sa kanya. Gusto namin samantalahin ang panahon dahil ilang buwan na lang ay papasok na si Queennie. Tinotoo talaga ni Mark ang sinabi niya na babawi siya sa akin dahil pang dalawang araw na namin dito pero halos nasa loob lang kami ng room. Napag-usapan na susunod sina Danica, Dominic, Joshua, Jack, Nanay Salud at Queennie para naman magkakasama kami na magbakasyon. Maaga kami gumising para may oras pa kami na asikasuhin ang lahat bago sila dumating. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Mark na inaayos ang breakfast namin. Nilapitan ko siya at yinakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran. “Sige ka Babe baka mas
“You look stunning!” sabi Joshua habang nakatingin habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.Sobrang bilis ng mga pangyayari dahil sa loob lang ng anim na buwan mula ng mag-propose si Mark sa akin ay ang dami ng nangyari. Inasikaso muna namin ang pagbili ng mga gamit sa bahay na lilipatan namin. Gustong-gusto na kasi ni Queennie na makalipat na kami ng bahay kayo iyon muna ang inuna namin. Tinanong ako ni Mark kung gusto ko ba mag-hire ng interior designer para hindi na ako mahirapan sa pag aasikaso pero mas gusto ko na kaming tatlo ang mag-decide kung anong gamit ang bibilhin namin. Nahirapan lang naman ako sa pagpili dahil lahat ng suggestions ko ay oo lang ang sagot ni Mark. Pinaubaya niya sa akin ang lahat mula sa mga design at mga kagamitan. Sa loob ng isang buwan ay makumpleto namin lahat ng kailangan sa bahay pati na rin ang konting renovation. Apat ang kwarto plus dalawa ang guest room sa bahay, may malaking receiving area at malaking kusina. Pagkatapos namin ipa-bles
“Congratulations sa inyong dalawa sobrang saya namin dahil sa wakas ay magiging masaya na kayo,” sabi ni Danica at niyakap ko siya ng mahigpit.Sobrang saya ng araw na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Buong akala ko ay mag-dinner lang kaming tatlo pero may iba pala siyang plano. Napansin ko na ang kakaibang kinikilos ni Nanay Salud pati na rin ang mga kaibigan ko pero hinayaan ko lang sila. Nagulat ako ng makita ko ang singsing at susi sa box na inabot niya. Saglit ako natigilan dahil iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya pero mas nangibabaw ang kasiyahan. Nakaramdam din ako ng alinlangan kasi inisip ko na ginagawa lang niya ito dahil sa bata. Kalaunan ay tinanggap ko dahil iyon ang sinasabi ng puso ko at kahit ano pa ang dahilan niya ay gusto ko mabuo ang pamilya ko. Hindi ko na maitatanggi na mahal na mahal ko pa rin siya at ayoko ng itago pa ang nararamdaman ko. Ayokong pakawalan ang pagkakataon na ito na makasama
“Pa, what do you think?” tanong ko at nakangiti na tumango siya.“Sobrang saya ko dahil nakikita kon na masaya ka na ulit. Nag-aalala talaga ako dahil buong akala ko Hindi na kita makikita na ganyan kasaya. Ano man ang maging desisyon mo nandito lang ako para suportahan ka. You are a great person Mark don't make the same mistake I did before,” sabi niya at yinakap ko siya ng mahigpit. Pagkalipas ng halos anim na buwan ay natapos ba rin ang pinagawa kong bahay. Matagal ko na siyang plano ipagawa pero naiisip ko na useless kung ako lang mag-isa ang titira pero nagbago iyon ng makilala ko si Queennie. Kakaibang saya ang naramdaman ko ng malaman ko na anak ko siya. Nakaramdam din ako ng galit, sakit at lungkot ng malaman ko mula sa private investigator ang tungkol sa kanya. Pero higit sa lahat ay nangibabaw sa akin ang saya at mas may dahilan na ako para makasama ulit si Queensley. Kilala ko siya the more na pipilitin ko siya the more na lalayo siya sa akin kaya pumayag ako sa lahat ng k
“Mommy pwede po ba kami maglaro ni Daddy sa playground?” paalam ni Queennie pagpasok niya sa kusina at napatingin ako sa kanya.Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga gulay na gagamitin sa lulutuin na ulam mamayang tanghali. Katatapos lang namin mag-almusal at abala na ang lahat sa mga nakatoka na gagawin. Lahat ng bata sa bahay ampunan ay tinuruan ng gawaing bahay kaya hindi na sila kailangan utusan dahil alam na nila ang mga gagawin. Nakakatuwa dahil namumunga na ang mga tinanim na gulay ni Eugene sa mini garden niya kaya kahit paano ay nakakatipid sa gastusin. “Okay Baby kapag dumating siya,” nakangiti na sagot ko.Parang on cue ay biglang pumasok si Mark at nagkatingin kaming dalawa. Ewan ko ba pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya umiwas agad ako ng tingin. Mahigit isang buwan na ang lumipas mula noong nalaman niya ang tungkol kay Queennie at almost every other day ay nandito siya. Minsan nga ay binibiro pa siya ni Nanay Salud dahil kulang na lang ay dito na siya tumira. Hi
“Sorry Queen wala akong nagawa para pigilan siya. Sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi na namin nagawa na iwasan siya,” sabi ni Eugene pagpasok ko ng gate at nginitian ko siya. “Okay lang iyon wala ka naman kasalanan at saka wala naman tayong magagawa kasi nangyari na siya,” sabi ko at tinapik ko siya sa balikat. Naglakad na kami papasok ng bahay at napansin kong marami na ang nagbago mula sa labas hanggang sa loob. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil bawat sulok na makita ko ay may memories akong naaalala. Halos kalahati ng buhay ko ay dito ako tumira kaya naman iba ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako na makita ulit si Jack pero at the same time ay may nararamdaman akong hiya dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi ko kinakahiya si Queennie dahil nagbago ang buhay ko dahil sa kanya pero ang part na hinayaan ko mahulog ako kay Mark. Kung sana lang ay mas nalaman ko ng maaga ang intensyon niya ay hindi na sana kami umabot sa ganito. “Nasaa
“Nasaan na kaya sila?” tanong ko at napatingin ako nakasabit na wall clock.Nagpaalam sina Nanay Salud na may asikasuhin lang siya sa bayan pero ilang oras na ang lumipas wala pa sila. Nag-message na ako kay Eugene pero hindi pa naman siya nag-reply. Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagluluto ng ulam para sa mga bata. May in-charge naman sa kusina pero mula noong dumating ako Isa na ito sa naging libangan ko kasi hindi na ako sanay ng walang ginagawa. “Ibang-iba ka na talaga ngayon Queen dati hindi ka mahilig magluto pero ngayon para ka ng ekspert at ang sarap pa ng luto mo,” sabi ni Danica pagkatapos niya tikman ang niluto ko na menudo.“Pinag-aralan ko talaga lahat ng gawaing bahay mula sa paglalaba hanggang sa pagluluto. Mas na appreciate ko lahat ng ginagawa ninyo na pagaasikaso sa akin noon dahil hindi siya madali lalo na at napakapasaway ko. Salamat sa walang sawang pag-aasikaso ninyo sa akin at hindi ninyo ako iniwan. Nagpapasalamat talaga ako kay Aling Chato kasi mati
“Pwede naman kami mag-taxi na lang ni Marose papuntang ospital. Alam kong sobrang busy mo ngayon. Okay lang ba talaga na Ikaw ang mag-drive?” tanong ni Papa pag-upo ko sa hapag kainan. Ngayon kasi ang follow up check-up ni Papa at nagkataon naman na nagkaroon ng emergency ang driver namin. May mga kailangan ako asikasuhin sa office ngayon pero tinawagan ko na si Justin kagabi pa para ayusin ang schedule ko. Nang maaksidente si Papa doon ko na realize na maikli lang ang buhay at kailangan ko pahalagahan ang bawat oras na kasama ko siya. Noon galit na galit ko sa kanya dahil wala siyang oras sa amin ngayon lubos ko na siya naiintindihan. Hinding-hindi ko hahayaan na mangyari ulit ang nangyari noon kaya babawi ako sa kanya ngayon. Mula rin ng makita ko ulit si Queensley ay mas nanaig sa akin ang kagustuhan ko na makasama siya dahil sa kanya lang ako magiging masaya. Mamaya ay makakausap ko na ang private investigator at mula doon ay saka ako mag-isip ng way para mapalapit ulit sa kanya.