Wow! Long time no see. Buti naman at naalala mo pa ako. Buong akala ko nakalimutan mo na ako," madrama na bungad sa akin ni Patrick at tinapik ko siya sa balikat.
Ngayon lang ulit kami nagkita mula noong magkasama kami sa car show. Sobrang naging busy kasi ako sa trabaho. Madalas akong out of town or overseas at kapag may time naman ako ay kay Althea ko naman iyon nilalaan. Ewan ko ba pero gustong-gusto kong laging makasama ang dalaga kahit pa nga sa konting oras lang. Hindi sapat sa akin ang makausap lang siya sa phone o makita siya sa screen. Ilang buwan na kami nasa dating and getting to know stage pero pakiramdam ko ay konting oras ko pa lang siya nakakasama."You sound like a jealous girlfriend," biro ko bago umupo at umakto siyang nasasaktan habang hawak ang dibdib.Sinenyasan ko ang bartender para umorder ng alak. Natigilan ako ng ipatong na ang baso sa tapat ko na may lamang alak at napangiti ako. Ngayon ko lang na realize na ang tagal ko na palang"Nikka, nagluto na ako ng almusal!" sigaw ko mula sa kusina.Maaga ako gumising para magluto ng almusal dahil may lakad ako. Hindi ko na siya ginising kanina dahil alam kong puyat siya kaya nauna na akong kumain sa kanya. Waitress din siya sa Restaurant na malapit sa pinasukan ko. Si Nikka ang pinakamalapit kong pinsan sa side ni Papa. Maliit pa lang kami ay sobrang close na kami at kahit pa nga lumipat na sila rito sa Maynila ay hindi naputol ang komunikasyon namin. Tuwing bakasyon ay nauwi siya sa probinsya at madalas ay sa amin tumutuloy. Highschool ako ng maghiwalay ang mga magulang ko. Sinama ni Mama si Ate at ako naman ay naiwan kay Papa. Ilang buwan lang ang lumipas ay may kinakasama na si Papa. Maraming katanungan sa isip ko dahil sa mga nangyari pero tinanggap ko na lang ang lahat dahil wala naman ako magagawa. Patuloy naman niya ako sinuportahan at pinag-aral pero hindi na niya kinaya dahil lumalaki na rin ang mga anak niya. Hindi naman kasi biro ang gastos sa kolehiyo kaya
"Jay, have you already contacted the supplier from Thailand?" tanong ko pagpasok ng opisina.Kagagaling ko lang ng Europe para sa isang business trip at alam kong maraming trabaho ang naghihintay sa akin mula sa isang linggo na pagkawala ko. Higit sa lahat ayaw kong nag-aaksaya ng oras dahil para sa akin bawat minuto at segundo ay mahalaga. Gusto kong nagagawan agad ng solusyon ang lahat ng problema bago maging komplikado. Pagdating sa personal o negosyo ay masasabi ko na perfectionist ako. Hindi ako tumatanggap ng kahit ano na hindi pasok sa standard ko. Mataas ang expectation ng pamilya ko sa akin kaya naman lumaki ako na competitive and I don't settle just for the best but for the excellent. Nag-iisa akong anak kaya naman inaasahan ng lahat na ako ang magpapatuloy sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya ko. Sa lumipas na taon mula ng ako ang humawak sa negosyo namin ay napalago ko iyon at ngayon ay mas na kilala pa. Ang kumpanya namin ang isa sa mga kilalang construction company sa b
"Tita, nakuha mo na po ba 'yong pinadala ko pong pera?" tanong ko sa kabilang linya."Oo Thea nakuha ko na maraming salamat at may pambili na si Papa mo ng mga gamot niya." masayang sagot niya at nakahinga ako ng maluwag.May natanggap si Papa na pension pero hindi iyon sapat para sa kanilang lahat. Nagtitinda ng isda si Tita Liza habang si Papa naman ay nasa bahay lang nagbabantay ng maliit na tindahan. May apat pa akong kapatid na mga nag-aaral kaya kulang na kulang sa kanila. Hindi naman nila ako inobliga na magpadala pero dahil sa sitwasyon nila ay hindi ko sila matiis. "Oo nga po at 'yong matitira naman ay idagdag po ninyo sa gastusin ninyo diyan. Iyong pambayad po ng mga bata sa school sa sunod na linggo ko po ipapadala," sabi ko."Thea, maraming salamat talaga sa tulong mo. Alam mo naman konti lang ang kita sa palengke kasya lang sa pang araw-araw naming gastusin. Kumikita naman ang tindahan pero paikot lang din. Nahihiya na nga ako sa iyo dahil hindi mo naman obligasyon ang m
Pinilit kong imulat ang mga mata ko pero blurred ang paningin ko. Ilang beses na binuka at sara ko ang mga mata ko para luminaw pero nanatili na malabo pa rin epekto ng matagal na pagtakip sa mga mata ko. May mga boses akong naririnig mula pa kanina pero hindi ko masyado maintindihan ang sinasabi ng mga nila. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko dahil nakatali ang dalawang kamay ko sa likuran ng bangko. Napangiwi naman ako nang makaramdam ako nang pangangalay ng braso ko at likod. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko para alalahanin ang lahat ng mga nangyari. Masakit na ang buong katawan ko at nanghihina na ako pero kailangan ko patatagin ang sarili ko. Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagbubukas ng pinto kaya yumuko agad ako. "Hindi ba sinabi ko naman sa 'yo na hintayin muna nating makasal kami," pabulong na sabi ng isang babae."Hindi ko na kayang hintayin pa ang araw na 'yon. Ilang taon na ako nagtitiis at hindi ko na kaya na maghintay pa. Alam mo ba na sa tuwing magkasama kayo ay
"Jay, wala pa rin bang balita sa kanya?" tanong ko pagkatapos ko magbasa ng report.Nakita kong nagulat siya at tiningnan niya ako dahil hindi siguro niya inaasahan ang tanong ko. Ilang buwan na rin akong hindi nagtatanong tungkol sa bagay na iyon dahil sa sobrang busy ko sa trabaho. Kung hindi dahil sa panaginip ko kagabi ay hindi ko siya ulit maiisip. Katulad ng dati kong mga panaginip ay boses lang niya ang naririnig ko."Napanaginipan mo na naman ba siya?" tanong niya at tumango lang ako bago ko pinatong ang folder sa lamesa."May nakuha ka bang clue na pwedeng makatulong sa atin para mahanap siya?" tanong niya at huminga ako ng malalim."It was the same as before," tugon ko saka sumandal sa upuan at tumingin sa kisame."Subukan ko ulit mag-follow doon sa private investigator na kinuha natin. Ang huling balita niya sa akin ay may nakuha siyang lead sa mga nurse naka-duty that night. After noon ay hindi na ulit siya nagbigay ng update. Hindi ako sigurado kung ano ang kinalabasan ng
"Saan ang punta mo?" nagtataka na tanong ni Nikka habang inaayos ko ang bag ko. "Huwag mo sabihin na may raket ka na naman? Hindi ba usapan natin sasamahan mo ako sa Mall ngayon?" paalala niya sa akin. Natigilan ako sa ginagawa ko at napatingin ako sa kanya. Nawala sa isip ko na may usapan nga pala kami ng pinsan ko ngayon. Hindi ko agad nabanggit sa kanya kahapon dahil tulog na siya pag-uwi ko sobrang dami kasi ng tao sa Bar dahil Sabado. Hindi na ako pwedeng mag-back out kasi nag-confirm na ako kay Edu at nakakahiya naman sa kanya. Na-guilty tuloy ako dahil minsan lang kami lalabas ni Nikka pero nakalimutan ko pa. "Sorry, nakalimutan ko," malambing na tugon ko at tinaasan niya ako ng isang kilay saka nilagay ang dalawang kamay sa bewang. "Althea, huwag mo ako daanin sa mga ganyan mo dahil alam mo na hindi eepek sa akin ang pagpapa-cute mo," inis na sabi niya at yinakap ko siya sa tagiliran. "Sorry talaga nawala kasi sa isip ko. Promise, babawi ako sa iyo next week hindi ko
"Tumawag si Patrick, tinanong niya kung makakarating ka pa raw ba? Ang sabi ko nasa meeting ka pa at tatawagan mo na lang siya pagkatapos," sabi ni Jay pagabot niya ng phone ko. Katatapos lang ng meeting ko sa isang client namin at hindi ko inakala na tatagal ang meeting namin dahil akala ko ay okay na sa kanya ang lahat. Ang purpose kasi ng meeting ay para ma-finalize ang contract pero humaba ang oras dahil marami siyang tanong for clarification. Kailangan ko ipaliwanag at sagutin ang mga tanong niya dahil hindi ko pwede pabayaan na mawala ang project na ito sa kumpanya namin. Kapag nakuha namin ang project na ito ay sigurado na marami pa ang kasunod. "No need, I'll just explain to him when we get there," tugon ko habang naglalakad kami palabas ng Hotel papunta sa parking lot. Habang nasa biyahe ay binasa ko ang mga message niya at napailing lang ako saka napangiti. Pagkalipas ng ilang sandali ay papasok na kami sa subdivision kung saan naganap ang birthday celebration ni Patric
"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Eduard pagtanggal ko nang helmet."Medyo," alanganin na sagot ko at ngumitii siya."You will be fine. Just relax and do what you do best," nakangiti na sabi niya at natawa ako."Best talaga? Kahit kailan napaka-bolero mo talaga," natatawa na sabi ko at kinindatan lang niya ako.Naglakad na kami papasok sa Hotel kung saan gaganapin ang event. Nandoon na ang mga kasamahan ni Eduard kanina pa para mag-set up ng mga gamit nila. Wala pa naman mga bisita at puro mga staff pa lang ang nasa function hall na abala sa pag-aayos. Hindi ko mapigilan ang mamangha habang tinitignan ko ang makapigil hininga na mga naka-display na painting."Ang gaganda naman," mangha na sabi ko ng mapatigil ako sa paglalakad."Maganda talaga at siguradong maganda rin ang mga presyo ng mga iyan," tugon niya mula sa likuran ko at napatingin ako sa kanya."Part kasi ng event na ito ang pag-auction ng mga painting na iyan. Lahat ng mabebenta nila ay mapupunta sa isang foundation," paliwan