"For God sake! Gaano ba kahirap ang mag-decide? Is my offer still not enough?" inis na tanong ko at tinigil ko muna ang pagbabasa nga report.Ilang linggo na ang lumipas mula ng nakausap ko si Althea pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig na sagot mula sa kanya. Sa mga nakalipas na araw ay pinipigilan ko ang sariling ko na tawagan o puntahan siya. Sa tingin ko naman kasi ay malinaw ang mga sinabi ko. Nang gabing iyon wala naman sa plano ko ang kausapin siya pero hindi ko namalayan ang sarili ko na sinusundan ko na pala siya. Curious lang ako kung saan pa siya pupunta after ng event dahil nakita ko siyang unang umalis at nagmamadali. Hindi ko maipaliwanag kung bakit nasabi ko lahat ng iyon. During the event pumasok sa isip ko na bakit hindi ko na lang siya alukin ng trabaho sa kumpanya ko. Mas malaki ang maitutulong noon sa kanya at pareho namin makukuha ang gusto namin. Makakabayad na ako sa utang ko at magkakaroon na siya ng pera na pinagpaguran niya. Huli nang ma realiz
Cancel ang raket namin ni Eduard kaya nagdesisyon kami na magsimba na lang. Sa una ay ayaw pa niya ako samahan sa loob dahil baka raw masunog siya. Nagkayayaan kami na kumain sa labas pagkatapos ng misa dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita. Ilang linggo rin kami na bakante kasi naging busy siya."Kumusta ka naman?" tanong niya habang naghihintay kami sa order namin."Okay naman ako. Ikaw, kumusta ka? Ang tagal din natin hindi nagkita at nagkasama. Kumusta ang banda?" tanong ko sa kanya.Ilang sandali lang ay dumating na ang pagkain namin. Habang kumakain ay nagkwentuhan kami dahil nga sa tagal namin hindi nagkasama. Si Eduard ang taong lagi kong naasahan at laging tumutulong sa akin kaya naman masasabi kong matalik ko siyang kaibigan. Galing siya sa mayamang pamilya pero mas pinili niya na mamuhay ng mag-isa at simple. Humahanga ako sa paninindigan niya dahil hindi siya umaasa sa ibang tao para mabuhay. Wala akong masyadong alam sa buhay niya dahil kadalasan ay umiiwas siya kap
"Tama ba ang gagawin ko?" alanganin na tanong ko kay Nikka habang kumakain kami.Isang linggo na ang lumipas mula noong araw na pumunta si Axel dito sa bahay namin. Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang huling sinabi niya. Pagkaalis ng binata ay agad akong tinadtad ng tanong ni Nikka at wala na akong choice kung hindi ikwento sa kanya ang lahat. Tuwang-tuwa siya dahil tama ang hinala niya na may gusto sa akin si Axel kaya ganun na lang ang kagustuhan niya na mapalapit sa akin. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa pag-amin niya. Hindi ko talaga inaasahan na pupuntahan niya ako sa bahay namin para lang magkausap kami dahil pwede namang si Mr. Jay na lang ang kumausap sa akin. Alam kong napaka-busy niya na tao at aaminin ko na kahit paano ay kinilig ako sa effort niya pero agad ko rin iyon sinaway."Kung tungkol sa pag-resign mo at pagpasok sa kumpanya nila agree na agree ako one hundred and one percent. Kasi bukod sa malaki ang sweldo kumpara sa kinik
"Bakla, pwede bang bilisan mo naman at baka malate na tayo," sigaw ni Nikka mula sa baba ng hagdan.Natanggap ako sa kumpanya ni Axel na inapplyan ko. Tumupad naman siya sa usapan namin na hindi siya makikialam. Hindi naging madali ang proseso mula sa interview at mga examination. Sa unang araw ay marami kaming nag-apply pero sa bandang huli ay konti na lang kami natira. Hindi pa rin ako makapaniwala nakapasa at natanggap ako. Late na ako nagising dahil nasanay na ako sa night shift. Mukhang mahihirapan akong mag-adjust pero masasanay rin naman ako."Eto na po matatapos na," sagot ko at nagmamadali na bumaba ako nang hagdan.Medyo naiilang din ako sa itsura ko ngayon dahil ibang iba 'yon sa uniform ko sa bar. Required sa company na magsuot ng corporate or semi formal na attire. Malaking pasasalamat ko na lang dahil pinahiram ako ng damit ng pinsan ko at tinuruan din niya ako nito na mag-apply ng makeup. Hindi raw kasi magandang tingnan kung wala man lang akong makeup. Nasanay kasi ak
Wow! Long time no see. Buti naman at naalala mo pa ako. Buong akala ko nakalimutan mo na ako," madrama na bungad sa akin ni Patrick at tinapik ko siya sa balikat.Ngayon lang ulit kami nagkita mula noong magkasama kami sa car show. Sobrang naging busy kasi ako sa trabaho. Madalas akong out of town or overseas at kapag may time naman ako ay kay Althea ko naman iyon nilalaan. Ewan ko ba pero gustong-gusto kong laging makasama ang dalaga kahit pa nga sa konting oras lang. Hindi sapat sa akin ang makausap lang siya sa phone o makita siya sa screen. Ilang buwan na kami nasa dating and getting to know stage pero pakiramdam ko ay konting oras ko pa lang siya nakakasama."You sound like a jealous girlfriend," biro ko bago umupo at umakto siyang nasasaktan habang hawak ang dibdib.Sinenyasan ko ang bartender para umorder ng alak. Natigilan ako ng ipatong na ang baso sa tapat ko na may lamang alak at napangiti ako. Ngayon ko lang na realize na ang tagal ko na palang
"Wow! Anong meron? Ang bongga naman ng almusal natin. Kailangan pala talaga na may lovelife para masarap ang almusal," biro ni Nikka bago umupo.Kadalasan kasi siya ang nagluluto ng almusal namin dahil mahilig siya magluto. Mula ng pumasok ako sa kumpanya ni Axel ay bawing-bawi talaga ako sa tulog. Minsan ay nauuna gumising si Nikka kaysa sa akin. "Tse! Tumigil ka nga dyan at kumain ka na lang," kunwari ay galit na sabi ko."Ikaw naman pinupuri na nga kita ganyan ka pa. Nanibago lang naman ako dahil madalas ay pandesal lang hinahanda mo," malambing na tugon niya at napangiti ako."Kumain na nga tayo at baka lumamig na ang pagkain," aya ko at inabot ko ang kape niya.Sinangag na kanin, scramble egg at tocino ang niluto ko. Wala namang kakaiba sa niluto ko kaya natatawa ako sa pinsan ko."Kumusta naman ang lovelife este buhay pala, Bakla?" natatawa na tanong ni Nikka bago sumubo."Okay naman," nakangiti na sagot ko."Nakikita ko nga mukhang okay nga naman kasi malapit ng mapunit ang la
Halos isang buwan na ang lumipas mula ng huli ko na kasama si Axel at ang huling beses na iyon ay noong araw na sinamahan niya ako sa probinsya. Kung dati hindi ko alintana ang paglipas ng araw at oras ngayon pakiramdam ko ang bagal-bagal ng pag-usad nang oras. Hindi ko pa rin siya makontak kahit ilang beses ko na sinubukang tawagan at tinext pero walang response mula sa kanya. Hindi pa siya nakabalik ng bansa at nag-umpisa na akong mag-alala. Higit sa lahat ay unti-unti ko na rin siya namimiss. Hinahanap ko na ang presensya niya."Oh! Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nawalan ng pera," narinig ko na tanong ni Nikka."Hoy! Venus Althea Mendoza malapit ng matunaw ang telepono mo!" sigaw niya at muntik ko na mabitawan ang telepono sa gulat."Bakit ka ba sumisigaw? Ang aga-aga beastmode ka na agad diyan. Mahiya ka naman sa mga kapitbahay natin," saway ko sa kanya."Paano po ako hindi sisigaw eh kanina pa po kita kinakausap pero para pong wala kang naririnig diyan. Ano bang nangyari sa
"Sige na Althea sumama ka na sa amin minsan lang magyaya si Queen Sebastian kaya samantalahin na natin. May bagong jowa kasi ang Lola mo kaya good mood. Sige na huwag ka naman KJ diyan at saka ngayon ka lang namin makakasama sa mga ganitong ganap," pangungumbinsi ni Chino at napangiti ako.Mula pagpasok ko hanggang sa break namin kinukulit niya ako. Wala ako balak na sumama pero ngayon naisip ko na wala rin naman akong gagawin sa bahay pag-uwi ko. Sa bahay ng boyfriend ni Nikka siya matutulog kaya solo lang ako sa bahay. Nagmumukmok lang naman ako sa bahay at maghihintay."Oh sige na nga Bakla, sasama na ako," natatawa na sabi ko at nagtatalon siya sa tuwa."Mabuti naman at hindi nasayang ang laway ko sa iyo," sabi niya at napailing lang ako habang nakangiti.Bumalik na siya sa table niya at ipinagpatuloy na namin ang mga ginagawa namin. Nagkasundo ang lahat na sa isang KTV kami pupunta. Buong akala ko ay kami-kami lang sa department namin pero meron din pala na galing sa ibang depart
Gusto ko matawa dahil bigla ako may naalala sa sinabi niya. Marahan kong yinuko ang ulo ko para pigilann dahil aya ko isipin niya na bastos ako. Noong una kong narinig kay Axel ang katagang iyon halos umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo pero ngayon iba ang tumatakbo sa isip ko."Mag-ama nga talaga sila," bulong ko bago tumingin sa kanya. "Hindi mo naman kailangang mahiya sa akin Ms. Mendoza. I will make sure he will never know about this. Just name the price and leave him, simple as that. Don't worry, no one will know about this," sabi niya at marahan napailing ako. Speechless ako sa mga narinig ko kahit pa nga inaasahan ko na rin ito. Ang hindi ko lang inaasahan ay mas masakit pala kung marinig ko ng personal. Hindi ko mapigilan ang masaktan at manliit dahil may punto naman siya. Alam kong malayo ang agwat namin sa buhay pero hindi na niya kailangan na ipamukha pa sa akin. Naiintindihan ko rin na concen lang siya kaya pinoprotektahan niya si Axel. Ayaw niya na mangyari ulit ang n
"Miss Mendoza!" tawag ni Ms. Sebastian sa akin. Saglit ko tinigil ang ginagawa ko at tumingin ako sa kanya. Sa tuwing naririnig ko ang boses niya ay hindi ko maiwasan na kabahan. Pakiramdam ko kasi ay nasa highschool ako at siya ang guidance counselor. Lahat ng kasama ko sa department ay takot sa kanya dahil bukod sa mataray na boses ay napaka-seryoso ng mukha niya. Kailangan lahat ng ipagawa niya ay perfect dahil sa konting pagkakamali lang ay sangkatutak na sermon na aabutin mula sa kanya. Mabait naman siya at nakikisama rin pero kapag nasa labas ng kompanya. "I don't know what you did but the President wants to see you now," sabi niya at nagtataka nakatingin ako sa kanya. "Ang Presidente po ng kumpanya?" paglilinaw ko at tinaasan niya ako ng isang kilay. "Hindi Ms. Mendoza, Presidente ng Pilipinas po ang nagpatawag sa iyo," mataray na sagot niya at yumuko ako. "Bakit naman kaya niya ako pinapatawag? Ano kaya ang posibleng kailangan niya sa akin?" bulong ko. "Okay po M
Ang simpleng paglapat ng labi namin ay nauwi sa mainit, mapangahas at mapusok na halik. Hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko kapag ganito kalapit ang mga katawan namin. May dapat pa sana ako tapusin pero ipinagpaliban ko na muna dahil mas mahalaga si Althea sa akin. Gusto Kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Totoo ang mga sinabi ko sa kanya kanina na pakiramdam ko ay hindi ko nagagawa ng maayos ang responsibilidad ko sa kanya bilang boyfriend niya. Natatakot din ako na baka dumating ang araw na magsawa na siya sa pag-intindi sa sitwasyon ko at piliin niya na iwan ako. Hindi ko naman sinasabi na mababaw lang ang pagmamahal niya sa akin pero lahat naman ng tao ay napupuno rin. Hanggang kaya ko at may oras ay bumabawi ako sa kanya. Mahal na mahal ko si Althea at ayoko na mawala siya sa akin kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya."You are driving me crazy," mapangakit na sabi ko sa pagitan ng paghalik ko sa may leeg niya.Sinandal ko siya sa dingding at nilapat ko ang
"Babe, paalis nga pala ako next week," sabi ni Axel habang nakatutok sa laptop niya.Natigilan ako sa paglalagay ng french fries sa plato at napatingin ako sa kanya. Dumaan muna kami sa drive thru kanina bago kami umuwi. Nag-dinner naman kami pero kahapon pa ako nag-crave ng fries kaya nakisuyo ako na bumili kami. Plano rin kasi namin manood ng movie kaya tamang-tama lang. Naka-schedule ako na matulog ngayon dito sa bahay niya dahil wala naman pasok bukas. Mula noong gabi natulog ako dito may mga weekend na dito na ako natutulog lalo na kung wala siyang meeting ng weekend. May mga gamit na rin naman ako rito kaya hindi ko na kailangan magdala pa. Ito na lang kasi ang araw o oras na pwede kaming magkasama dahil lagi siyang busy at naiintindihan ko kung bakit. Minsan late na matapos ang mga meeting niya kaya hindi na kami magkasabay kumain ng dinner o ihatid sa bahay. Tinatawagan na lang niya ako pagkatapos at doon lang kami may oras para mag-usap. Hindi ako nagrereklamo sa set-up namin
"Himala pa sa himala napatawag ka, Brad. Kailangan ko na ata magsimba," sagot ni Patrick sa tawag ko."Bakit naman himala?" natatawa na tanong ko."Akala ko kasi nakalimutan mo na ako mula ng magkaroon ka ng lovelife. So, ano po ang maipaglilingkod ko sa iyo, Mahal na Hari?" nakakalokong tanong niya at nakangiti na pailing ako. "Masama bang tawagan ang matalik kong kaibigan?" tanong ko at narinig ko na tumawa siya nang malakas."Wow! Ngayon matalik mo na akong kaibigan samantalang noong mga panahon na kailangan ko ng makakasama lagi kang hindi available dahil may date kayo ng girlfriend mo. Akala mo ba hindi ako nasasaktan dahil pinagpalit mo na ako sa kanya. Ako na matagal mo ng kilala at kasama. Ako na nagtitiyaga diyan sa ugali mo mula pa noon pero mas pinili mo pa siya na ngayon mo pa lang nakilala. Nakakasakit ka ng damdamin," madrama na salaysay niya at napapangiti lang ako."Saan ba tayo?" biglang tanong niya at ako naman ang natawa nang malakas."Ay, malala ka na dahil tumata
"Can you stay again tonight?" tanong ni Axel habang kumakain kami ng lunch.Magkatulong kaming naglilinis ng kwarto niya pagkatapos namin sabay na maligo. Ako na ang nagluto ng lunch namin dahil may kailangan siya kausapin. Hindi na ako kumontra dahil pina-cancel na nga niya ang mga meeting niya para magkasama kami ngayon. Habang nagluluto ay sinalang ko na sa washing machine ang mga damit ko para masuot ko ulit mamaya sinama ko na rin ang ibang damit niya. Medyo naasiwa ako dahil t-shirt at boxer short lang ang suot ko pero wala naman akong ibang choice."Baka po nakakalimutan mo may work na po tayo bukas at saka magaling ka na," sagot ko pagkatapos ko uminom ng tubig.Napatingin ako sa kanya nang higitin niya papalapit ang bangko ko sa pwesto niya. Gusto ko man mag-stay pa para makasama siya pero natatakot ako na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo na kapag magkalapit kami. Ibang-iba ngayon ang epekto niya sa akin at natatakot ako para sa sarili ko."Babe, pwede naman tayo sa
"From now on no more secrets between us. Don't think that I don't trust you but I just want to know where you are because I'm always worried about you," bulong ni Axel bago niya ako hinalikan sa ulo.Napatingin ako sa kanya at hinaplos ko ang pisngi niya saka siya tumingin sa akin. Ito ang unang beses na may nangyari sa amin at hinding-hindi ako nagsisisi. Ilang oras na ang lumipas mula ng pinagsaluhan namin isang mainit na tagpo at pahupa pa lang ang init na bumabalot sa buong katawan ko. Nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya at ramdam ko na unti-unti ng bumalik sa normal ang tibok ng puso niya pati na rin ang paghinga niya. Mahal na mahal ko siya at pinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Hindi man siya ang unang lalaki na umangkin sa katawan ko pero gusto ko na siya na ang huling lalaki sa buhay ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman kung paano hawakan at halikan na para bang wala ng bukas. Puno ng pagmamahal ang bawat halik niya samantalang kakaibang init naman ang dala n
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm sa phone ko. Ibig sabihin ay kailangan ng uminom ng gamot ni Axel. Kahit antok na antok pa dahil sa puyat ay kinapa ko sa side table ang phone ko at pinatay ang alarm saka ako paupong bumangon. Kinuha ko ang gamot nakapatong sa side table."Nasaan kaya siya?" takang tanong ko ng makitang wala si Axel sa kama.Tumingin muna ako sa paligid bago ako tuluyang tumayo para silipin kung nasa banyo ba siya. Wala roon ang binata pero amoy na amoy ko ang magkahalong amoy ng after shave, shampoo at sabon."Mukhang okay na siya," sabi ko sa sarili.Habang palabas ng kwarto ay narinig ko na may nag-uusap. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses at nakarating ako sa kusina. Nakita ko si Axel nagluluto habang may kausap sa phone. Hindi niya namalayan ang pagdating ko dahil abala siya sa ginagawa niya. Malaya ko napagmamasdan ang kabuuan niya at napalunok ako sa nakikita ko na magandang tanawin. "Lord, kung ganito po ang sasalubong sa akin tuwing umaga ako na
Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi ko nagustuhan ang nangyari kanina dahil pinaalam ko naman sa kanya na magkikita kami ni Eduard para mag-usap. Hindi siya nag-reply pero Hindi ibig sabihin hindi na ako tutuloy. Hindi naman niya kailangan saktan si Eduard dahil nakita niya nakayakap sa akin. Sinabi ko naman sa kanya noon na sobrang close kami at parang nakakatandang kapatid ang turing ko sa kanya. Nilinaw ko sa kanya kung ano ba talaga ang relasyon namin ni Eduard kaya hindi dapat ganoon ang naging reaksyon niya kanina."Okay, siguro nga dapat siya magalit dahil naabutan niyang nakayakap sa akin si Edu pero sana naman inalam muna niya ang side ko. Pwede naman niya ako kausapin at hindi na sana umabot sa ganoon. Kung alam lang niya na gusto ko lang na linawin ang relasyon namin ni Edu kaya ako nakipagkita," sabi ko sa sarili habang nakayuko.Sinusulyapan ko siya para makita ang reaksyon niya. Obvious na galit siya dahil sa mahigpit na hawak niya sa manibela. Nakakun