"Mister! Mister! Mister, naririnig mo ba ako? Kung naririnig mo ako please imulat mo ang mga mata mo," naririnig ko na sigaw ng isang babae.Pinilit kong buksan ang mga mata ko para makita kung kanino nanggaling ang tinig na iyon. Blurred ang imahe ng babae pero nakikita ko ang liwanag mula sa ilaw ng poste. Ang bigat ng pakiramdam ko at hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. "Diyos ko! Ano ang gagawin ko sa iyo ang dami ng dugo ang nawawala sa iyo. Ano ba ang nangyari sa iyo? Naririnig mo ba ako, Mister? Please, hang in there huwag kang bibitaw at lumaban ka. Aalis lang ako para humingi ng tulong. Babalik agad ako," paalam niya at pumikit ako.Inipon ko ang natitira ko pang lakas para pigilan siya. Hindi ko alam kung sino siya at kung nasaan ako pero sa oras na iyon ay natatakot ako na mag-isa. Hinigpitan ko ang kapit sa braso niya at mukhang naintindihan naman niya ang gusto ko mangyari. Narinig ko na may kausap siya pero hindi ko masyado maintindihan. "Relax ka lang nakatawag na
"Althea, may naghahanap sa iyo na customer sa labas at mukhang bigatin," sabi ni Princess na kasama ko sa trabaho.Tinapos ko muna ang paglalagay ng mga plato sa lababo bago ako humarap sa kanya. Tiningnan ko muna siya para makasigurado na hindi siya nagbibiro. Kapag kasi may customer siya na ayaw niya ay madalas pinapasa niya sa ibang waitress. Nilakihan niya ako ng mata para iparating na seryoso nga siya."Sa akin?" paglilinaw ko at tinuro ko pa ang sarili ko."Unless na lang kung may iba pang Althea na nagtatrabaho rito." natatawa na tugon niya."Sino raw?" nagtataka na tanong ko at nagkibit-balikat lang siya.Tumingin ako sa orasan at sakto na break ko na pala. Napaisip ako kung sino ang posibleng maghanap sa akin. Sa tagal ko na rito sa Bar ay may mga nakilala na akong mga customer at lahat ng iyon ay kilala ng mga staff kaya nagtataka ako kung sino ang tinutukoy ni Princess. Tinuro ni Princess ang table kung saan nandoon ang taong naghahanap sa akin. Hindi ko siya kilala at ngay
''Saan naman ang gorabels mo, Baklita?" tanong sa akin ng pinsan ko habang naghahain siya ng pagkain.Nag-effort kasi ako ng kauntian sa ayos ko kaya siguro nagtaka ang pinsan ko. Gusto ko lang magbigay ng magandang impression kapag nagkita kami ng taong niligtas ko. Ayaw ko naman humarap sa kanya ng basta lang lalo pa at anak siya ng Presidente ng isang kilalang kumpanya."Diyan lang naman sa tabi-tabi," nakangiti na sabi ko saka umupo at uminom ng kape.Kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Nakakatuwa isipin na hinanap niya ako para pasalamatan at nagulat talaga ako dahil hindi ko inaasahan. Nakahinga rin ako nang maluwag dahil ngayon ay alam kong okay na siya. "Raket?" nagtataka na tanong niya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago umupo sa harapan ko."Wala akong raket ngayon pahinga ang Lola mo pero may kailangan akong puntahan," sagot ko sa pagitan ng pagnguya at tumango-tango siya."Grabe ka Thea para kang lalaki. Pwede bang tap
Nakatingin ako sa pinto kung saan lumabas ang babae na kausap ko kanina. Galit na galit siya pero nakita ko na pinipigilan niya ang sarili na ipakita iyon sa akin. Pumikit ako para alalahanin ang mukha niya pero ang tanging naiwan sa alaala ko ay ang amoy niya. It was the same scent from that evening and same voice. Akala ko ay matatapos na ngayon ang lahat pero hindi pala. Kung sa tingin niya ay na insulto ko siya dahil sa sinabi ko tinapakan naman niya ang pride ko. Tinanggap na lang sana niya ang inaalok ko para natapos na ang lahat. "I underestimate her," sabi ko at huminga ng malalim saka sumandal sa upuan. "Axel, ano ang nangyari? Nakasalubong ko si Miss Mendoza sa hallway at mukhang galit na galit siya? Ano ba ang sinabi mo sa kanya? May ginawa ka ba sa kanya?" nagtataka na tanong ni Jay pagpasok ng opisina ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tumawa ng dahil sa naging takbo ng pag-uusap namin kanina lang. Never pa ako naka-encounter ng babae na katulad niya. In fact, wal
"Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon!" gigil na sabi ko pagpasok ko ng elevator.Padabog na pinindot ko ang button at tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Huminga ako nang malalim at bumilang mula sampu pababa. Nakuyom ko ang kamay ko ng bigla ko maalala ang sarkastiko na ngiti niya. Gusto ko sumigaw pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayaw ko sana maapektuhan sa mga sinabi niya pero hindi ko mapigilan. "Ang sama niya para isipin na pera ang dahilan kung bakit ako pumunta rito. Akala mo kung sino kung makapagsalita. Kalahating milyon? Isang milyon? Nagpapatawa ba siya? Akala ba niya masisilaw ako sa ganoon lalaking halaga? Dahil ba mahirap ako at mayaman siya ay pwede na niya gawin sa akin 'yon. Ganun ba ka baba ang tingin niya sa mga tao sa paligid niya?" inis na bulong ko.Kulang ang salitang galit para ipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ba ako ng mga tao sa loob ng elevator. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko pe
"Hindi pa rin ba siya tumatawag?" tanong ko pagpasok ng office.Tinanggal ko na muna ang coat ko at niluwagan ang necktie bago ako umupo. Inabot ni Mr. Jay sa akin ang mga folder na kailangan kong pag-aralan at pirmahan. Napatigil ako bigla pagkatapos kong pirmahan ang dalawang folder at napatingin ako sa calendar nakapatong sa lamesa ko. Mahigit tatlong linggo na mula ng pumunta ang babaeng iyon dito sa opisina ko. Sa lumipas na mga araw ay hindi ako makapag-concentrate sa mga ginagawa ko. Katulad ngayon natigilan na naman ako dahil bigla ko na naman siya naalala. Kahit sa panaginip ko ay hindi rin siya maalis. Kung dati ay blurred ang mukha niya sa mga panaginip ko ngayon ay nakikita ko ng maliwanag ang imahe niya. Akala ko ay hindi ko na siya mapanaginipan pero mas naging madalas pa at hindi ko maipaliwanag kung bakit iyon nangyayari. Hindi ko man lubos matandaan ang mukha niya pero bigla na lang lumilitaw ang imahe niya sa isip ko. Stress and frustration ang naiisip ko na dahilan
"Alam mo Thea ewan ko kung tama ba ang ginawa mo na pagtanggi sa inaalok niya o wrong move? Proud ako sa ginawa mo dahil pinakita mo na hindi ka after sa pera niya pero at the same time nakakapanghinayang naman. Sa panahon ngayon hindi biro ang kalahating million at lalo ang isang milyon Pinsan. Kahit magtrabaho ka ng isang taon hindi ka magkakaroon ng ganoon kalaking halaga. Alam naman natin na kailangan mo talaga ng pera para sa pagpapagamot mo kay Tito at para na rin sa mga kapatid mo. Higit sa lahat malaking tulong iyon para matapos mo na ang course mo," sabi ni Nikka habang kumakain kami ng almusalTatlong linggo na ang lumipas mula ng makilala ko siya. Pagdating ko mula sa trabaho ay tinanong agad ako ni Nikka tungkol sa pagkikita namin. Kitang-kita ko sa mukha niya ang excitement na marinig ang buong detalye. Ayaw ko na sana ipaalam pa sa kanya dahil ayaw ko rin alalahanin pa pero lahat ay sinasabi ko sa kanya. Kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari ultimo sa pinakamaliit n
"Althea, pwede ba Ikaw na Ang kumuha ng order sa table five," sabi ng kasama kong waitress at ngumiti ako saka tumango. Punong-puno ang Bar at Resto dahil araw ng Sabado. Tuwing Friday at Saturday ang araw na marami talaga kaming customer. Puno rin lahat ang mga VIP room at tables kaya halos hindi kami tumitigil sa pagkuha ng mga order. Masakit na ang mga hita, paa at buong katawan ko pero kailangan ko tiisin. Kung tutuusin ay sanay na naman ako nakakapagod pero okay din kasi alam namin na malaki ang tip na makukuha namin kapag ganitong araw. "Good evening, Sir! May I take your order, Sir?" magiliw na tanong ko pagdating sa table na tinuro ng kasama ko. "One bottle of vodka," sagot niya habang nakatungo at agad ko naman sinulat ang order niya. Ewan ko pero parang pamilyar sa akin ang boses niya pero hindi na ako nag-usisa pa. Medyo madilim sa pwesto niya kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Wala rin naman ako interest na makita pa ang mukha niya. Kahit na medyo malakas ang live