"Tumawag si Patrick, tinanong niya kung makakarating ka pa raw ba? Ang sabi ko nasa meeting ka pa at tatawagan mo na lang siya pagkatapos," sabi ni Jay pagabot niya ng phone ko.
Katatapos lang ng meeting ko sa isang client namin at hindi ko inakala na tatagal ang meeting namin dahil akala ko ay okay na sa kanya ang lahat. Ang purpose kasi ng meeting ay para ma-finalize ang contract pero humaba ang oras dahil marami siyang tanong for clarification. Kailangan ko ipaliwanag at sagutin ang mga tanong niya dahil hindi ko pwede pabayaan na mawala ang project na ito sa kumpanya namin. Kapag nakuha namin ang project na ito ay sigurado na marami pa ang kasunod. "No need, I'll just explain to him when we get there," tugon ko habang naglalakad kami palabas ng Hotel papunta sa parking lot. Habang nasa biyahe ay binasa ko ang mga message niya at napailing lang ako saka napangiti. Pagkalipas ng ilang sandali ay papasok na kami sa subdivision kung saan naganap ang birthday celebration ni Patrick. May private resort kasi siya rito sa subdivision na kadalasan ay ginagamit niya para sa mga party niya. Ever since ay mahilig na talaga siya mag-party at madalas ay sinasama niya ako kahit na alam niya na ayoko. Magkasalungat kaming dalawa dahil mas gusto ko na tahimik na lugar at hindi ako mahilig makipag-socialize. Kahit naman ngayon ay kung hindi kailangan ay hindi ako umattend sa mga event. Pagbaba ko ng sasakyan ay medyo nagulat ako dahil ang sabi niya ay simpleng celebration lang pero base sa nakikita ko ay hindi iyon basta simple lang. Hindi na ako dapat nagulat o magtaka dahil sa pagkakakilala ko sa kanya. Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang mga bisita niya naka-costume. "Axel, tama ba ang napuntahan natin na party?" nagtataka na tanong ni Jay at natawa lang ako habang naglalakad papasok. "We are in the right place and exact Patrick's birthday. Kakaiba talaga mag-isip lang talaga ang taong iyon," natatawa na sabi ko habang hinahanap siya. Bukod sa malakas na tugtog na nanggagaling sa live band ay punong-puno ang lugar. Kahit saan ako tumingin ay puro nakasuot ng costume ang mga tao. Mga umiinom, sumasayaw at may mga naglalaro sa pool. Kung hindi lang sasama ang loob niya ay kanina pa ako umalis. Ilang sandali lang ay natanaw ko na siya at sinenyasan ko si Jay na sumunod sa akin. Habang papalapit ay may mga babae na humahara sa daan ko pero hindi ko sila pinansin. "Happy birthday, Bro!" bati ko sa kanya at napatingin siya sa akin saka ngumiti. Tumayo siya at agad akong yinakap. "Akala ko talaga ay hindi ka na darating," bulong niya at tinapik ko siya sa balikat. "Akala ko kasi mabilis matatapos ang meeting ko pero tumagal kaya ngayon lang ako nakarating. Mag-start pa rin naman ang party kahit wala ako," sabi ko at sumimangot siya. "It's Sunday Bro and you're still working? You should be chillin and have fun. You still know how to have fun, right?" tanong niya at tiningnan ko lang siya. "Happy birthday, Sir Patrick!" bati naman ni Jay saka inabot ang paper bag na may laman na mamahaling alak. "Thank you Jay. Huwag mo nga ako matawag na Sir dahil pakiramdam ko mas matanda pa ako sa iyo," natatawa na tugon niya. "Nice!" nakangiti na sabi niya ng silipin ang laman ng paper bag. Sinenyasan niya kami na umupo na at binati ko naman ang iba pa naming kaibigan na kasama niya sa table. Pareho kami ng mga collection mula sa mamahaling alak, motor, sasakyan at superhero memorabilia. Sa mga bagay na iyon kami sobrang nagkakasundo. Kung ang favorite niya ay si Batman sa akin naman ay si Superman. "Kailan ko ba nakalimutan ang birthday mo?" nailing na tanong ko pagkaabot niya ng alak sa akin. "Gusto mo bang ipaalala ko kung kailan at kung ano ang nangyari noong nakalimutan mo?" natatawa na tanong niya. "No need, Bro. My memory is perfectly fine," sagot ko at tumawa naman siya. Inalok niya ako na kumain pero sapat na sa akin ang alak dahil wala akong gana. Wala naman ako balak na magtagal dahil may mga aasikasuhin pa ako bukas. Malapit na ang board meeting kaya kailangan ko tapusin ang iba ko pang trabaho. "Nice party," natatawa na sabi ko habang nag-palingalinga ng tingin sa paligid. "You know me, I don't just celebrate but I party hard," tugon niya. "Bro, balita ko end of contract na si Christine," natatawa na sabi ni Patrick. May sinenyasan si Patrick na waitress na may dalang finger food. Paglapit ng babae ay hindi muna siya kumuha at tiningnan mula ulo hanggang paa ang may dala ng tray. Napailing na lang ako sa ginawa ng kaibigan ko. Hindi na ako nagtataka bakit naka-costume ng catwoman ang mga server. Nang minsan kami umattend ng isang exhibit ng superheroes abroad ay nakita niya nakasuot ng costume ang mga nag-assist. Sinabi niya sa akin na one day ay gagawin niya rin iyon. "Thank you," nakangiti na sabi ni Patrick pagkatapos ilagay ng server ang laman ng tray. Bago pa umalis ang babae ay kinindatan iyon ni Patrick at ngumiti naman ang babae. Wala namang babae ang tatanggi sa katulad niya at madalas ay babae pa ang gumagawa ng paraan para makuha ang attention niya. Dati ay ganun din ako bago ko nakilala si Ellaine at nagbago ako dahil sa kanya pero pagkatapos ng ginawa niya sa akin ay nawalan na ako ng interest na magkaroon ng commitment. Si Christine lang ang tumagal sa mga nakarelasyon ko pero wala akong plano na seryosohin iyon. "Breach of contract," simpleng sagot ko saka straight na ininom ang laman ng baso ko. Napunta sa banda ang attention ko dahil magaling sila tumugtog. Sila rin kasi ang Banda na kinuha namin para sa event. Nagalinlangan pa nga ako sa kanila dahil ibang genre ang mga music na kailangan sa event. Tinanggap naman nila ang offer ko at sinabi na kayang-kaya nila. Bigla akong natigilan ng lumampas ang babae sa harap ko at hindi ako pwedeng magkamali sa naamoy ko. "That's smell again." sabi ko sa sarili at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sigurado akong nanggagaling iyon sa babaeng nag-serve sa amin ng alak. Sinundan ko siya ng tingin at lumingon siya pero dahil nakasuot siya ng mask kaya hindi ko makita ang buong mukha niya. Hindi ko rin narinig ang boses niya kanina dahil sa malakas na tugtog. Huli na ng ma realize ko na sundan ang babae dahil papalayo na siya. Ilang minuto nga lang ay naglaho na siya sa paningin ko. Tumayo agad ako para sundan siya pero nilapitan ako ni Jay bago pa ako makahakbang. "Sir, important call." sabi niya at inabot ang telepono sa akin. Tumingin ako sa direksyon kung saan ko huling nakita ang babae at napatingin naman ako kay Patrick na kasalukuyan nakatingin pala sa akin. Naintindihan ko ang ibig sabihin ni Jay kaya kinuha ko ang phone mula sa kanya. Nilapitan ko si Patrick para mag-excuse sa kanya dahil hindi pwede na hindi ko sagutin ang tawag. "I need to get this." Tapik ko sa balikat niya. "For christ sake, it's past office hours Dude and it is Sunday," natatawa na sabi niya bago ako umalis. Naglakad ako papalayo at nakarating ako sa may garden kung saan ay malayo sa ingay. Mahalagang transaction iyon na hindi ko pwedeng balewalain. Habang nakikipag-usap ay nahagip ko na naman ang amoy na iyon. Naglakad pa ako para hanapin ang pinanggagalingan ng amoy ng may narinig akong nag-uusap. Hindi ko naman ugali na makinig sa usapan ng ibang tao pero na curious ako. "Okay lang ako Nikka huwag ka ngang praning diyan at saka sayang din naman ang kikitain ko rito. Ilang oras na lang naman ay patapos na rin kami rito. Huwag kang mag-alala dahil costume lang naman ito as if naman na ito pa rin ang susuotin ko pag-uwi. Ingat ka pag-uwi mo at text na lang kita pagkatapos ko rito," rinig ko na sabi ng babae sa kausap niya. May kung ano akong nararamdaman habang pinapakinggan ko ang boses na iyon. Ipinikit ko pa nga ang mga mata ko kanina para lang maikumpara ko. Hindi ko masabi na one hundred percent na iyon ang boses sa panaginip ko pero malapit. Dahil nakatalikod siya mula sa pwesto ko kaya hindi ko makita ang mukha niya. "Mr. Rodriguez, are you still there?" tanong ng kausap ko. "Yes, I'm still here," sagot ko sa kausap at nagpatuloy siya sa pagsasalita at pilit ko tinuon ang attention ko sa mga sinasabi niya. "May mas mahirap pang bagay ang pwedeng mangyari bukod dito," narinig ko na sabi ng babae. Parang narinig ko na ang mga salitang 'yon pero hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig. Pagkatapos ng pakikipagusap ko sa client ay hinanap ko ang babaeng nakita ko kanina pero wala na siya sa pwesto niya. Gusto ko lang kumpirmahin kung tama ba ang nasa isip ko. Tumingin ako sa paligid nagbabakasakali na makita siya pero ako na lang ang tao rito. Sa babaeng iyon nanggaling ang amoy na hinahanap ko at kung sa boses naman ay hindi rin nalalayo. Kailangan ko na lang malaman kung tugma ba ang pangalan niya sa initial nakalagay sa panyo. "Could it be her?" may alinlangan na tanong ko at napapikit ako. Nagmamadaling bumalik ako sa loob sa pag-asa na makakakuha ko ang sagot. Pero bigla akong natigilan ng maalala ko na lahat ng server ay nakasuot ng ganoong costume. Hindi lang isa pero marami sila at napaka-imposible naman na isa-isahin ko silang lapitan para lang makasigurado. Hindi ko makukuha ang hinahanap ko na sagot sa oras na ito kaya nagdesisyon ako na umalis na lang. "Sorry Bro, but I need to go now. I still have an important meeting tomorrow," paalam ko kay Patrick at nagulat siya. "Ano? Kararating mo pa lang aalis ka na agad," gulat na sabi niya. "Hindi pa nga kita ipinakilala sa mga chika babes dito. Sigurado na hindi mo pagsisihan kapag nakilala mo na sila. Nakakailang shot ka pa lang at masyado pang maaga para umalis ka. The party is just getting started. Stay a little more para naman makapag-relax ka. Bro, you have been working like a horse," sabi niya at ngumiti ako. "No need, Bro. I'm really sorry but I need to go. Happy birthday to you and enjoy the party," paalam ko at tumango-tango lang siya. "Okay," nakangiti na tugon niya at tinapik ko siya sa balikat. Bago ako tuluyang umalis at nilibot ko muna ang paningin ko sa paligid. Frustrated ako dahil hindi ko siya nilapitan kanina habang may pagkakataon ako. She is just feet away from me but that phone call is more important at that moment. "Okay ka lang ba, Axel?" tanong ni Jay habang nasa biyahe kami. Nakatingin ako sa labas ng bintana at inaalala ko ang mga nangyari kanina. Hindi mawala sa isip ko ang pamilyar na amoy at ang boses na iyon. Hindi ko mapigilan na maalala rin ang gabing na laging laman ng panaginip ko. Iba ang dating sa akin ng boses ng babae kanina. "Hearing that voice again makes me feel something I can't explain. I need to find her soon to know if she's the one I have been looking for," sabi ko sa sarili ko. "Jay, get all the information from all the servers on Patrick's birthday. I need it A.S.A.P," utos ko at saglit siya tumingin sa akin. "May nangyari ba kanina?" nag-aalala na tanong niya. "Nothing. I just need it," tugon ko at tumango siya. Mas pinili ko na huwag muna sabihin hanggang hindi pa ako sigurado. Kailangan ay makita ko muna ang mga information nila para makasigurado ako na tama nga ang nasa isip ko. Kung sakali nga na mahanap ko na siya ay mababawasan na ang bigat na nararamdaman ko dahil sa nakaraan. Masusuklian ko na ang ginawa niyang pagligtas sa akin. Mawawala na rin siya sa isip ko at baka sakali ay bumalik na sa normal ang lahat. Hindi ko naman ginusto na maging miserable pero iyon ang nararamdaman ko."Kinakabahan ka ba?" tanong ni Eduard pagtanggal ko nang helmet."Medyo," alanganin na sagot ko at ngumitii siya."You will be fine. Just relax and do what you do best," nakangiti na sabi niya at natawa ako."Best talaga? Kahit kailan napaka-bolero mo talaga," natatawa na sabi ko at kinindatan lang niya ako.Naglakad na kami papasok sa Hotel kung saan gaganapin ang event. Nandoon na ang mga kasamahan ni Eduard kanina pa para mag-set up ng mga gamit nila. Wala pa naman mga bisita at puro mga staff pa lang ang nasa function hall na abala sa pag-aayos. Hindi ko mapigilan ang mamangha habang tinitignan ko ang makapigil hininga na mga naka-display na painting."Ang gaganda naman," mangha na sabi ko ng mapatigil ako sa paglalakad."Maganda talaga at siguradong maganda rin ang mga presyo ng mga iyan," tugon niya mula sa likuran ko at napatingin ako sa kanya."Part kasi ng event na ito ang pag-auction ng mga painting na iyan. Lahat ng mabebenta nila ay mapupunta sa isang foundation," paliwan
"Mister! Mister! Mister, naririnig mo ba ako? Kung naririnig mo ako please imulat mo ang mga mata mo," naririnig ko na sigaw ng isang babae.Pinilit kong buksan ang mga mata ko para makita kung kanino nanggaling ang tinig na iyon. Blurred ang imahe ng babae pero nakikita ko ang liwanag mula sa ilaw ng poste. Ang bigat ng pakiramdam ko at hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. "Diyos ko! Ano ang gagawin ko sa iyo ang dami ng dugo ang nawawala sa iyo. Ano ba ang nangyari sa iyo? Naririnig mo ba ako, Mister? Please, hang in there huwag kang bibitaw at lumaban ka. Aalis lang ako para humingi ng tulong. Babalik agad ako," paalam niya at pumikit ako.Inipon ko ang natitira ko pang lakas para pigilan siya. Hindi ko alam kung sino siya at kung nasaan ako pero sa oras na iyon ay natatakot ako na mag-isa. Hinigpitan ko ang kapit sa braso niya at mukhang naintindihan naman niya ang gusto ko mangyari. Narinig ko na may kausap siya pero hindi ko masyado maintindihan. "Relax ka lang nakatawag na
"Althea, may naghahanap sa iyo na customer sa labas at mukhang bigatin," sabi ni Princess na kasama ko sa trabaho.Tinapos ko muna ang paglalagay ng mga plato sa lababo bago ako humarap sa kanya. Tiningnan ko muna siya para makasigurado na hindi siya nagbibiro. Kapag kasi may customer siya na ayaw niya ay madalas pinapasa niya sa ibang waitress. Nilakihan niya ako ng mata para iparating na seryoso nga siya."Sa akin?" paglilinaw ko at tinuro ko pa ang sarili ko."Unless na lang kung may iba pang Althea na nagtatrabaho rito." natatawa na tugon niya."Sino raw?" nagtataka na tanong ko at nagkibit-balikat lang siya.Tumingin ako sa orasan at sakto na break ko na pala. Napaisip ako kung sino ang posibleng maghanap sa akin. Sa tagal ko na rito sa Bar ay may mga nakilala na akong mga customer at lahat ng iyon ay kilala ng mga staff kaya nagtataka ako kung sino ang tinutukoy ni Princess. Tinuro ni Princess ang table kung saan nandoon ang taong naghahanap sa akin. Hindi ko siya kilala at ngay
''Saan naman ang gorabels mo, Baklita?" tanong sa akin ng pinsan ko habang naghahain siya ng pagkain.Nag-effort kasi ako ng kauntian sa ayos ko kaya siguro nagtaka ang pinsan ko. Gusto ko lang magbigay ng magandang impression kapag nagkita kami ng taong niligtas ko. Ayaw ko naman humarap sa kanya ng basta lang lalo pa at anak siya ng Presidente ng isang kilalang kumpanya."Diyan lang naman sa tabi-tabi," nakangiti na sabi ko saka umupo at uminom ng kape.Kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Nakakatuwa isipin na hinanap niya ako para pasalamatan at nagulat talaga ako dahil hindi ko inaasahan. Nakahinga rin ako nang maluwag dahil ngayon ay alam kong okay na siya. "Raket?" nagtataka na tanong niya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago umupo sa harapan ko."Wala akong raket ngayon pahinga ang Lola mo pero may kailangan akong puntahan," sagot ko sa pagitan ng pagnguya at tumango-tango siya."Grabe ka Thea para kang lalaki. Pwede bang tap
Nakatingin ako sa pinto kung saan lumabas ang babae na kausap ko kanina. Galit na galit siya pero nakita ko na pinipigilan niya ang sarili na ipakita iyon sa akin. Pumikit ako para alalahanin ang mukha niya pero ang tanging naiwan sa alaala ko ay ang amoy niya. It was the same scent from that evening and same voice. Akala ko ay matatapos na ngayon ang lahat pero hindi pala. Kung sa tingin niya ay na insulto ko siya dahil sa sinabi ko tinapakan naman niya ang pride ko. Tinanggap na lang sana niya ang inaalok ko para natapos na ang lahat. "I underestimate her," sabi ko at huminga ng malalim saka sumandal sa upuan. "Axel, ano ang nangyari? Nakasalubong ko si Miss Mendoza sa hallway at mukhang galit na galit siya? Ano ba ang sinabi mo sa kanya? May ginawa ka ba sa kanya?" nagtataka na tanong ni Jay pagpasok ng opisina ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tumawa ng dahil sa naging takbo ng pag-uusap namin kanina lang. Never pa ako naka-encounter ng babae na katulad niya. In fact, wal
"Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon!" gigil na sabi ko pagpasok ko ng elevator.Padabog na pinindot ko ang button at tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Huminga ako nang malalim at bumilang mula sampu pababa. Nakuyom ko ang kamay ko ng bigla ko maalala ang sarkastiko na ngiti niya. Gusto ko sumigaw pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayaw ko sana maapektuhan sa mga sinabi niya pero hindi ko mapigilan. "Ang sama niya para isipin na pera ang dahilan kung bakit ako pumunta rito. Akala mo kung sino kung makapagsalita. Kalahating milyon? Isang milyon? Nagpapatawa ba siya? Akala ba niya masisilaw ako sa ganoon lalaking halaga? Dahil ba mahirap ako at mayaman siya ay pwede na niya gawin sa akin 'yon. Ganun ba ka baba ang tingin niya sa mga tao sa paligid niya?" inis na bulong ko.Kulang ang salitang galit para ipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ba ako ng mga tao sa loob ng elevator. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko pe
"Hindi pa rin ba siya tumatawag?" tanong ko pagpasok ng office.Tinanggal ko na muna ang coat ko at niluwagan ang necktie bago ako umupo. Inabot ni Mr. Jay sa akin ang mga folder na kailangan kong pag-aralan at pirmahan. Napatigil ako bigla pagkatapos kong pirmahan ang dalawang folder at napatingin ako sa calendar nakapatong sa lamesa ko. Mahigit tatlong linggo na mula ng pumunta ang babaeng iyon dito sa opisina ko. Sa lumipas na mga araw ay hindi ako makapag-concentrate sa mga ginagawa ko. Katulad ngayon natigilan na naman ako dahil bigla ko na naman siya naalala. Kahit sa panaginip ko ay hindi rin siya maalis. Kung dati ay blurred ang mukha niya sa mga panaginip ko ngayon ay nakikita ko ng maliwanag ang imahe niya. Akala ko ay hindi ko na siya mapanaginipan pero mas naging madalas pa at hindi ko maipaliwanag kung bakit iyon nangyayari. Hindi ko man lubos matandaan ang mukha niya pero bigla na lang lumilitaw ang imahe niya sa isip ko. Stress and frustration ang naiisip ko na dahilan
"Alam mo Thea ewan ko kung tama ba ang ginawa mo na pagtanggi sa inaalok niya o wrong move? Proud ako sa ginawa mo dahil pinakita mo na hindi ka after sa pera niya pero at the same time nakakapanghinayang naman. Sa panahon ngayon hindi biro ang kalahating million at lalo ang isang milyon Pinsan. Kahit magtrabaho ka ng isang taon hindi ka magkakaroon ng ganoon kalaking halaga. Alam naman natin na kailangan mo talaga ng pera para sa pagpapagamot mo kay Tito at para na rin sa mga kapatid mo. Higit sa lahat malaking tulong iyon para matapos mo na ang course mo," sabi ni Nikka habang kumakain kami ng almusalTatlong linggo na ang lumipas mula ng makilala ko siya. Pagdating ko mula sa trabaho ay tinanong agad ako ni Nikka tungkol sa pagkikita namin. Kitang-kita ko sa mukha niya ang excitement na marinig ang buong detalye. Ayaw ko na sana ipaalam pa sa kanya dahil ayaw ko rin alalahanin pa pero lahat ay sinasabi ko sa kanya. Kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari ultimo sa pinakamaliit n
"Himala pa sa himala napatawag ka, Brad. Kailangan ko na ata magsimba," sagot ni Patrick sa tawag ko."Bakit naman himala?" natatawa na tanong ko."Akala ko kasi nakalimutan mo na ako mula ng magkaroon ka ng lovelife. So, ano po ang maipaglilingkod ko sa iyo, Mahal na Hari?" nakakalokong tanong niya at nakangiti na pailing ako. "Masama bang tawagan ang matalik kong kaibigan?" tanong ko at narinig ko na tumawa siya nang malakas."Wow! Ngayon matalik mo na akong kaibigan samantalang noong mga panahon na kailangan ko ng makakasama lagi kang hindi available dahil may date kayo ng girlfriend mo. Akala mo ba hindi ako nasasaktan dahil pinagpalit mo na ako sa kanya. Ako na matagal mo ng kilala at kasama. Ako na nagtitiyaga diyan sa ugali mo mula pa noon pero mas pinili mo pa siya na ngayon mo pa lang nakilala. Nakakasakit ka ng damdamin," madrama na salaysay niya at napapangiti lang ako."Saan ba tayo?" biglang tanong niya at ako naman ang natawa nang malakas."Ay, malala ka na dahil tumata
"Can you stay again tonight?" tanong ni Axel habang kumakain kami ng lunch.Magkatulong kaming naglilinis ng kwarto niya pagkatapos namin sabay na maligo. Ako na ang nagluto ng lunch namin dahil may kailangan siya kausapin. Hindi na ako kumontra dahil pina-cancel na nga niya ang mga meeting niya para magkasama kami ngayon. Habang nagluluto ay sinalang ko na sa washing machine ang mga damit ko para masuot ko ulit mamaya sinama ko na rin ang ibang damit niya. Medyo naasiwa ako dahil t-shirt at boxer short lang ang suot ko pero wala naman akong ibang choice."Baka po nakakalimutan mo may work na po tayo bukas at saka magaling ka na," sagot ko pagkatapos ko uminom ng tubig.Napatingin ako sa kanya nang higitin niya papalapit ang bangko ko sa pwesto niya. Gusto ko man mag-stay pa para makasama siya pero natatakot ako na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo na kapag magkalapit kami. Ibang-iba ngayon ang epekto niya sa akin at natatakot ako para sa sarili ko."Babe, pwede naman tayo sa
"From now on no more secrets between us. Don't think that I don't trust you but I just want to know where you are because I'm always worried about you," bulong ni Axel bago niya ako hinalikan sa ulo.Napatingin ako sa kanya at hinaplos ko ang pisngi niya saka siya tumingin sa akin. Ito ang unang beses na may nangyari sa amin at hinding-hindi ako nagsisisi. Ilang oras na ang lumipas mula ng pinagsaluhan namin isang mainit na tagpo at pahupa pa lang ang init na bumabalot sa buong katawan ko. Nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya at ramdam ko na unti-unti ng bumalik sa normal ang tibok ng puso niya pati na rin ang paghinga niya. Mahal na mahal ko siya at pinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Hindi man siya ang unang lalaki na umangkin sa katawan ko pero gusto ko na siya na ang huling lalaki sa buhay ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman kung paano hawakan at halikan na para bang wala ng bukas. Puno ng pagmamahal ang bawat halik niya samantalang kakaibang init naman ang dala n
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm sa phone ko. Ibig sabihin ay kailangan ng uminom ng gamot ni Axel. Kahit antok na antok pa dahil sa puyat ay kinapa ko sa side table ang phone ko at pinatay ang alarm saka ako paupong bumangon. Kinuha ko ang gamot nakapatong sa side table."Nasaan kaya siya?" takang tanong ko ng makitang wala si Axel sa kama.Tumingin muna ako sa paligid bago ako tuluyang tumayo para silipin kung nasa banyo ba siya. Wala roon ang binata pero amoy na amoy ko ang magkahalong amoy ng after shave, shampoo at sabon."Mukhang okay na siya," sabi ko sa sarili.Habang palabas ng kwarto ay narinig ko na may nag-uusap. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses at nakarating ako sa kusina. Nakita ko si Axel nagluluto habang may kausap sa phone. Hindi niya namalayan ang pagdating ko dahil abala siya sa ginagawa niya. Malaya ko napagmamasdan ang kabuuan niya at napalunok ako sa nakikita ko na magandang tanawin. "Lord, kung ganito po ang sasalubong sa akin tuwing umaga ako na
Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi ko nagustuhan ang nangyari kanina dahil pinaalam ko naman sa kanya na magkikita kami ni Eduard para mag-usap. Hindi siya nag-reply pero Hindi ibig sabihin hindi na ako tutuloy. Hindi naman niya kailangan saktan si Eduard dahil nakita niya nakayakap sa akin. Sinabi ko naman sa kanya noon na sobrang close kami at parang nakakatandang kapatid ang turing ko sa kanya. Nilinaw ko sa kanya kung ano ba talaga ang relasyon namin ni Eduard kaya hindi dapat ganoon ang naging reaksyon niya kanina."Okay, siguro nga dapat siya magalit dahil naabutan niyang nakayakap sa akin si Edu pero sana naman inalam muna niya ang side ko. Pwede naman niya ako kausapin at hindi na sana umabot sa ganoon. Kung alam lang niya na gusto ko lang na linawin ang relasyon namin ni Edu kaya ako nakipagkita," sabi ko sa sarili habang nakayuko.Sinusulyapan ko siya para makita ang reaksyon niya. Obvious na galit siya dahil sa mahigpit na hawak niya sa manibela. Nakakun
Hello!" bati ko pagkarating sa restaurant kung saan kami mag-uusap ni Eduard.Nagkatinginan kaming dalawa at hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya katulad ng ginagawa ko dati. Habang papunta ako ay hindi mawala ang kaba sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ako aakto sa harap niya ngayon na alam ko na hindi lang basta kaibigan ang tingin niya sa akin. Niyakap ko siya para mabawasan ang tensyon sa pagitan namin at tinugon naman niya. Kung noon ay hindi ako nakakaramdam ng ilang sa kanya pero ngayon ay iba na. Ilang ulit ko sinabi sa sarili ko na siya pa rin ang kaibigan nakilala ko noon."Hi! Umorder na ako ng pagkain dahil alam kong gutom ka na pagdating mo," nakangiti na sabi niya at nakangiti na tumango ako.Pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung naiilang pa ba ako sa mga oras na ito at sa tingin ko naman ay ganoon pa rin kami tulad ng dati. Masaya kaming nagkwekwentuhan at nagbiruan ni Eduard katulad ng dati. Puro pa rin siya kalokohan at puro biro kaya hindi ko mapigilan ang tuma
"Kumusta, Bakla?" tanong ni Nikka habang kumakain kami ng almusal.Kahapon ay nagpaalam ako kay Axel na kakausapin ko si Carlo. Ramdam ko ang alinlangan niya na payagan ako pero ipinaliwanag ko sa kanya na kailangan ko iyon gawin dahil ayaw ko na umasa si Carlo. Ayaw ko rin kasi na magkaroon pa kami ng misunderstanding sa susunod. "Okay naman dahil nakahinga na ako ngayon ng maluwag. Syempre tinanong niya kung ano ang dahilan at kung ano ang pwede niya gawin. Tinanggap naman niya ang mga sinabi ko na hanggang kaibigan lang ang pwede ko maibigay sa kanya. " nakangiti na tugon ko."Kumusta naman ang boyfriend mo na ubod ng seloso?" tanong niya at natawa ako.Naikwento ko kasi sa kanya ang reaksyon ni Axel nang makita niya ako kasama si Carlo sa hallway. Pagbalik ko kasi sa table ko ay nakita ko ang message niya at pinapababa niya ako sa basement kung saan siya maghihintay. Sakto naman na lunch break kaya pinuntahan ko siya. Nagulat ako dahil pagsakay ko sa sasakyan ay siya ang nakita k
"Okay ka lang ba Axel?" tanong ni Jay ng mapansin niya na nagbago ang mood ko. Hindi mawala sa isip ko ang imahe ni Althea habang kasama ang lalaking iyon. Pinigilan ko ang sarili ko na lapitan sila at pilipitin ang leeg ng lalaking kasama niya. Kinontrol ko ang sarili ko dahil ayaw ko na malagay si Althea sa hindi magandang sitwasyon. Hindi ako pwedeng magalit sa kanya dahil pumayag ako na ilihim ang relasyon namin pero deep inside ay para akong bulkang na malapit na sumabog. "Ano ang schedule ko ngayong araw?" tanong ko at agad siya tumingin sa hawak niya na tablet."Nevermind. Cancel them all," sabi ko at hindi makapaniwala nakatingin siya sa akin.Tiningnan ko siya para sabihin na seryoso ako sa sinabi ko. I never cancel my appointment ever but this time I know I can't work in this state I'm in. Ayaw ko magsayang ng oras ko at sayangin ang oras ng iba kung alam ko na hindi rin naman ako makapag-concentrate."Okay, Sir!" tugoj niya at lumabas na siya ng opisina ko.Umupo na ako a
Nagpaalam na ako sa dalawa na mauuna ng umuwi dahil biglang sumakit ang ulo ko. Gulong-gulo ang isip ko sa mga nangyari kanina. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Eduard. Hindi naman mawala sa isip ko ang pamilyar na boses ng lalaking nakasalubong ko kanina. Noong una ay ayaw pumayag ni Nikka dahil nag-aalala siya pero sinabi ko na kailangan ko lang itulog at magiging okay din ako. Hindi na ako tumutol ng hinatid ako ni Nikka sa labas ng Restaurant para maghintay ng taxi. Lumipas ang ilang minuto at sinabi ko sa kanya na bumalik na sa loob at kaya ko na."Going somewhere?" tanong ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko habang nag-aantay ako ng taxi."Axel!" gulat na bigkas ko ng makita ko siya paglingon ko. Nagulat ako dahil inaasahan ko ay pinaglalaruan na naman ako ng guni-guni ko. Saglit ako pumikit para lang makasigurado at pagmulat ko ay siya pa rin ang nakikita ko. Sa pagkakataon na ito ay hindi na imagination o guni-guni ko lang ang lalaking nasa harap k