"Saan ang punta mo?" nagtataka na tanong ni Nikka habang inaayos ko ang bag ko.
"Huwag mo sabihin na may raket ka na naman? Hindi ba usapan natin sasamahan mo ako sa Mall ngayon?" paalala niya sa akin. Natigilan ako sa ginagawa ko at napatingin ako sa kanya. Nawala sa isip ko na may usapan nga pala kami ng pinsan ko ngayon. Hindi ko agad nabanggit sa kanya kahapon dahil tulog na siya pag-uwi ko sobrang dami kasi ng tao sa Bar dahil Sabado. Hindi na ako pwedeng mag-back out kasi nag-confirm na ako kay Edu at nakakahiya naman sa kanya. Na-guilty tuloy ako dahil minsan lang kami lalabas ni Nikka pero nakalimutan ko pa. "Sorry, nakalimutan ko," malambing na tugon ko at tinaasan niya ako ng isang kilay saka nilagay ang dalawang kamay sa bewang. "Althea, huwag mo ako daanin sa mga ganyan mo dahil alam mo na hindi eepek sa akin ang pagpapa-cute mo," inis na sabi niya at yinakap ko siya sa tagiliran. "Sorry talaga nawala kasi sa isip ko. Promise, babawi ako sa iyo next week hindi ko lang talaga pwedeng tanggihan ang raket na ito," malambing na sabi ko at sumimangot siya. "Okay, madali naman ako kausap basta libre mo," tugon niya at napangiti ako saka sumenyas ng okay sign. "Kailangan mo na talaga magkaroon ng boyfriend," umiiling na sabi niya at kunot ang noo nakatingin ako sa kanya. "Paano naman nasali iyon usapan natin? Ano naman kaya ang kinalaman ng pagkakaroon ng boyfriend?" nagtataka na tanong ko at ipinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng bag ko. Wala kasi nasabi si Eduard kung ano ang dapat na isuot tinanong ko naman siya kanina pero hindi pa siya nag-reply kaya naisip ko na magdala ng extra white at black t-shirt para kung sakali. Nagdala na rin ako ng black shoes in case na kailangan. Iyon naman kasi ang kadalasan na kulay ng damit na sinusuot namin. "Kasi kung may boyfriend ka sigurado na mababawasan ang mga raket mo at magkaroon ka ng oras para sa sarili mo. May mag-aalaga na sa iyo at magkakaroon ng kulay ang buhay mo," tugon niya habang nakatingin sa gamit ko at umiling ako. "Hindi ko kailangan magkaroon ng boyfriend para magkaroon ng oras sa sarili ko. Pwede ko tanggihan at tanggapin ang mga raket kung gugustuhin ko. Mag-aalaga? Hindi na ako bata para alagaan at saka iyong huling taong gumawa noon sa akin ang nag-wasak sa puso ko. Kaya kong alagaan ang sarili ko na hindi umaasa sa ibang tao. Kulay? Ano pang kulay ang kailangan sa buhay ko." sabi ko at sinara ko na ang bag na dadalhin ko. Naniniwala ako na experience make us stronger and wiser dahil iyon ang nangyari sa akin. Sa sobrang pangungulila ko sa pamilya at paghahanap ng pagmamahal ay nakalimutan ko na ang sarili ko. Sa kanya umikot ang mundo ko dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Pinaramdam niya sa akin kung paano mahalin at pahalagahan pero hindi naman iyon nagtagal. Katulad ng pamilya ko ay iniwan din niya ako pero mas masakit ang ginawa niya sa akin. "Alam mo Thea, hindi ko alam kung bitter ka lang ba at hindi pa naka-move on o nilamon ka na ng galit mo kaya ka ganyan. Ang harsh mo kasi masyado sa sarili mo," sabi niya at huminga ako nang malalim. "Natuto lang talaga ako sa mga nangyari sa akin noon. Madaling magpatawad pero mahirap makalimot. Madali kasing sabihin na okay na ako pero sa totoo lang ay sariwa pa ang sugat at ayoko ng maranasan ulit ang sakit na naramdaman ko noon," paliwanag ko at nakita kong lumungkot ang ekspresyon ng mukha niya. "Alis na ako medyo malayo rin iyong event. Hindi ako pwedeng ma-late kasi may brief orientation pa raw sabi ni Edu," paalam ko sa kanya at tumango siya. "Sige, mag-ingat ka sa byahe mo." Tugon niya at hinalikan niya ako sa pisngi. Hindi na ako nagpasundo pa kay Eduard kahit pa nga nagsabi siya dahil alam kong busy rin siya. Ang banda nila ang tutugtog sa party kaya sigurado na mag-set up pa sila. Ang sabi niya pwede ako sumakay ng taxi at siya na ang magbabayad pagdating ko roon pero hindi ako pumayag. Alam ko naman ang lugar medyo may kalayuan nga lang kaya kailangan ko umalis ng maaga. Isang private resort sa loob ng subdivision ang venue na pagmamay-ari rin ng Boss ni Eduard. "Gago ka talaga kahit kailan!" galit na sabi ko ng makita ko siya paglabas ko ng dressing room. Nakita kong natulala siya pagkakita sa akin. Mas lalo ako nakaramdam ng inis dahil hindi ko masabi kung okay lang ba ang itsura ko o masagwa. Pagdating ko kanina ay nilapitan agad ako ng isang babae at tinanong kung isa ba ako sa mga waitress. Nagulat ako nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko ng ngumiti siya at nag-thumbs up. Tinuro niya sa akin kung saan ako dapat pumunta. Ang inaasahan ko ay orientation ang mangyayari pero may iba pa pala. Pagkatapos sabihin sa amin kung ano ang mga kailangan namij gawin ay binigyan ng isang supot at sinabi na kailangan namin iyon suotin. Ganoon na lang ang paglaki ng mga mata ko ng isa-isa ng ilabas ang laman ng supot. Gusto ko na sana mag-back out pero alam kong hindi na pwede. Sinuot ko na lang iyon kagaya ng ginawa ng mga kasama kong babae. Ilang beses ko pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin pagkatapos ko isuot ang costume. Naninibago ako at medyo naiilang dahil hapit na hapit iyon sa katawan ko. Komportable naman siya suotin dahil maganda ang tela. Huminga muna ako nang malalim bago ako lumabas ng dressing room. Gusto kong sakalin si Eduard nang makita ko siya. Kung hindi ko pa siya sinuntok sa dibdib ay hindi pa siya mahimasmasan. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka tuwang-tuwa na pumalakpak. "Rawr!" natatawa na sabi niya at tiningnan ko siya nang masama. "Pwede ba sa susunod pakibigay ang buong detalye ng raket!" gigil na sabi ko na pinipigilan ko ang sumigaw. Nakita ko na pinipigilan niya ang tumawa kaya lalo akong nainis sa kanya. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera ay kanina pa ako nag-walk out. Ang init-init na ng pisngi ko dahil nahihiya at conscious ako sa itsura ko. "Hindi ko naman alam na may uniform pala at saka kung alam ko na meron hindi ko rin sasabihin sa iyo," natatawa na sabi niya at sinuntok ko siya sa braso. "Catwoman talaga? Siguro manyakis 'yang Boss mo. Sa dinami dami ng pwedeng suotin ito pa talaga," bulong ko . "Grabe ka naman Thea dahil ganyan ang napili niya manyakis na agad? Ang judgemental naman nito. Mahilig kasi si Boss sa mga pusa in fact may pinagawa pa nga siyang shelter para sa mga pusang gala. Huwag ka na mag-reklamo dahil bagay naman sa iyo. Wala ka rin dapat ikahiya dahil hindi naman nila makikita ang mukha mo kaya safe na safe ka," sabi niya. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin at sinuot ko na ang mask. Tama naman siya hindi nga makikita ang mukha ko kaso naiilang lang talaga ako dahil hapit na hapit ang suot ko. Halos lumuwa na rin ang dibdib ko dahil sa sobrang sikip ng suot ko. "Ano pa nga ba ang magagawa ko eh nandito na ako. Kung hindi lang talaga malaki ang bigayan kanina pa ako umalis. Ilang oras lang naman ito kaya okay na rin," sabi ko. "That's my Girl! See you later, Babe." nakangiti na paalam niya sa akin. "Babe mo mukha mo! Hindi ibig sabihin nito ligtas ka na dahil hindi pa tayo tapos. Humanda ka sa akin mamaya," inis na sabi ko at tumawa lang siya saka nag-flying kiss bago siya tumalikod. "Althea, kaya mo ito hindi ka dapat mailang. Oo, hindi naman nakakaasiwa tingnan dahil bagay na bagay sa iyo. Gawin mo lang ang trabaho mo at ilang oras lang tapos na." Kumbinsi ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. Hinati kami sa dalawang grupo. Ang unang grupo ay nasa buffet table para mag-serve ng pagkain. Ang ikalawang group naman ay para mag-serve ng mga drinks at pica-pica sa mga guest. Napasama ako sa ikalawang grupo. Ilang sandali lang ay nagsimula na ang party at sa palagay ko ay mas mukhang bachelor party iyon kaysa birthday party. Ilan sa mga bisita ay naka-super hero costume. Pinakilala na ang birthday celebrant at nakasuot siya ng Batman na costume. Aside sa pagiging cat lover ay nalaman ko na big fan siya ni Batman. Nakakatuwa sila pagmasdan dahil sa magaganda nilang costume. "Iba talaga ang trip ng mga mayayaman. Sabagay, keber ko naman pera nila iyon at hindi sa akin. Pwede nila gawin ang lahat dahil marami silang pera," bulong ko. Nakilala ko na kanina ang iba pa na kasama kong waitress sa dressing room habang nagbibihis kami. Ang gaganda nila kaya naman lalo akong na conscious. Mga friendly, mabait at makulit kaya naman kahit paano ay naging komportable na ako. Ang iba sa kanila ay magkakilala na at tulad ko ay may mga sideline rin sila bukod sa pinaka-trabaho nila. Nagpalitan kami ng mga number at natuwa ako dahil inalok nila ako na sumama sa kanila kapag may mga sideline sila. Habang nagbibihis kanina ay nakikinig lang ako sa mga kwentuhan nila. "Grabe girls ang daming mga gwapo. Parang nagtipon-tipon sa isang lugar ang mga yummy at hot na papabols," nakangiti na sabi ng isa naming kasama at tuwang-tuwa ang mga ito. Nasa isang gilid kami na medyo may kalayuan sa stage kung saan ay nagbibigay ng speech ang celebrant. Naghihintay pa kami ng go signal para pumunta sa mga pwesto namin. Habang naghihintay ay halatang excited na ang mga kasama ko na taliwas sa nararamdaman ko. Ang nasa isip ko lang kasi sa mga oras na iyon ay ang matapos na ang gabing ito. "Oo nga sana ay makabingwit tayo dahil kapag nagkataon ay para na tayong nanalo ng jackpot. Balita ko kasi lahat ng bisita ni Sir Patrick ay mga bigatin at hindi basta-basta. Mga galing sa mayaman na pamilya, negosyante at take note mga single pa ang iba sa kanila," sabi naman ng isa habang inaayos ang suot niya para lalong makita ang cleavage niya. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil kung ako ay naiilang sa suot ko ang iba ko naman na kasama ay lalong pina-sexy ang costume na suot nila. "Oh my gulay! Sana matapos na agad ito." bulong ko sa sarili. Ilang oras pa at binigyan na kami ng hudyat na i-serve ang alak sa mga guest sa labas. Alak ang nakatalaga sa akin kaya kailangan ko maging maingat sa dala ko. Kitang-kita ko ang mga reaksyon ng mga bisita habang kami ay nag-serve lalo na ang mga kalalakihan. Napabuntong hininga na lang ako ng makita ang iba kong kasama na nakikipag-flirt sa mga guest. Hindi naman ako against sa ginagawa nila. Mas naging alive pa ang party dahil sa banda ni Eduard. Lahat ng bisita ay halatang nag-e-enjoy sa party. Ang iba nga ay lumusong na sa pool at may Ilan naman na sumasayaw sa gilid ng pool. Umiwas ako ng tingin ng nagkatinginan kami ni Eduard. Habang lumalalim ang gabi ay mas dumami pa ang mga bisita. "Thea, ikaw na ang magdala nitong mga drinks doon sa table ng celebrant," utos sa akin ni Tina, ang organizer ng event at tumango ako. "Okay po," sagot ko at nilagay ko na sa tray ang bote ng alak pati na rin ang mga shot glass. "Good evening Sir, your drinks." sabi ko at nakatingin sa akin ang mga ito habang pinapatong ko sa lamesa ang dala ko. "Thank you," tugon niya at tumungo ako bago umalis. Pagbalik ko sa counter ay sinabihan ako ni Tina na mag-break na muna. Sinabihan din niya ako na kumain na rin at tumango ako. Kumuha muna ako ng pagkain at pumunta sa dressing room kung saan ay nandoon din ang iba kong kasama na kumakain. Binigyan lang kami ng forty-five minutes break. Napasandal ako sa upuan pagkatapos ko kumain. Nararamdaman ko na ang pananakit ng binti at paa ko pero kailangan ko tiisin. Wala naman trabaho na madali lalo na sa panahon ngayon at maswerte pa nga ako dahil may pagkakataon ako na kumita ng extra sa marangal na paraan. Nagpaalam ako sa kanila para pumunta sa garden para magpahindag dahil naparami ang kain ko."Tumawag si Patrick, tinanong niya kung makakarating ka pa raw ba? Ang sabi ko nasa meeting ka pa at tatawagan mo na lang siya pagkatapos," sabi ni Jay pagabot niya ng phone ko. Katatapos lang ng meeting ko sa isang client namin at hindi ko inakala na tatagal ang meeting namin dahil akala ko ay okay na sa kanya ang lahat. Ang purpose kasi ng meeting ay para ma-finalize ang contract pero humaba ang oras dahil marami siyang tanong for clarification. Kailangan ko ipaliwanag at sagutin ang mga tanong niya dahil hindi ko pwede pabayaan na mawala ang project na ito sa kumpanya namin. Kapag nakuha namin ang project na ito ay sigurado na marami pa ang kasunod. "No need, I'll just explain to him when we get there," tugon ko habang naglalakad kami palabas ng Hotel papunta sa parking lot. Habang nasa biyahe ay binasa ko ang mga message niya at napailing lang ako saka napangiti. Pagkalipas ng ilang sandali ay papasok na kami sa subdivision kung saan naganap ang birthday celebration ni Patric
"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Eduard pagtanggal ko nang helmet."Medyo," alanganin na sagot ko at ngumitii siya."You will be fine. Just relax and do what you do best," nakangiti na sabi niya at natawa ako."Best talaga? Kahit kailan napaka-bolero mo talaga," natatawa na sabi ko at kinindatan lang niya ako.Naglakad na kami papasok sa Hotel kung saan gaganapin ang event. Nandoon na ang mga kasamahan ni Eduard kanina pa para mag-set up ng mga gamit nila. Wala pa naman mga bisita at puro mga staff pa lang ang nasa function hall na abala sa pag-aayos. Hindi ko mapigilan ang mamangha habang tinitignan ko ang makapigil hininga na mga naka-display na painting."Ang gaganda naman," mangha na sabi ko ng mapatigil ako sa paglalakad."Maganda talaga at siguradong maganda rin ang mga presyo ng mga iyan," tugon niya mula sa likuran ko at napatingin ako sa kanya."Part kasi ng event na ito ang pag-auction ng mga painting na iyan. Lahat ng mabebenta nila ay mapupunta sa isang foundation," paliwan
"Mister! Mister! Mister, naririnig mo ba ako? Kung naririnig mo ako please imulat mo ang mga mata mo," naririnig ko na sigaw ng isang babae.Pinilit kong buksan ang mga mata ko para makita kung kanino nanggaling ang tinig na iyon. Blurred ang imahe ng babae pero nakikita ko ang liwanag mula sa ilaw ng poste. Ang bigat ng pakiramdam ko at hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. "Diyos ko! Ano ang gagawin ko sa iyo ang dami ng dugo ang nawawala sa iyo. Ano ba ang nangyari sa iyo? Naririnig mo ba ako, Mister? Please, hang in there huwag kang bibitaw at lumaban ka. Aalis lang ako para humingi ng tulong. Babalik agad ako," paalam niya at pumikit ako.Inipon ko ang natitira ko pang lakas para pigilan siya. Hindi ko alam kung sino siya at kung nasaan ako pero sa oras na iyon ay natatakot ako na mag-isa. Hinigpitan ko ang kapit sa braso niya at mukhang naintindihan naman niya ang gusto ko mangyari. Narinig ko na may kausap siya pero hindi ko masyado maintindihan. "Relax ka lang nakatawag na
"Althea, may naghahanap sa iyo na customer sa labas at mukhang bigatin," sabi ni Princess na kasama ko sa trabaho.Tinapos ko muna ang paglalagay ng mga plato sa lababo bago ako humarap sa kanya. Tiningnan ko muna siya para makasigurado na hindi siya nagbibiro. Kapag kasi may customer siya na ayaw niya ay madalas pinapasa niya sa ibang waitress. Nilakihan niya ako ng mata para iparating na seryoso nga siya."Sa akin?" paglilinaw ko at tinuro ko pa ang sarili ko."Unless na lang kung may iba pang Althea na nagtatrabaho rito." natatawa na tugon niya."Sino raw?" nagtataka na tanong ko at nagkibit-balikat lang siya.Tumingin ako sa orasan at sakto na break ko na pala. Napaisip ako kung sino ang posibleng maghanap sa akin. Sa tagal ko na rito sa Bar ay may mga nakilala na akong mga customer at lahat ng iyon ay kilala ng mga staff kaya nagtataka ako kung sino ang tinutukoy ni Princess. Tinuro ni Princess ang table kung saan nandoon ang taong naghahanap sa akin. Hindi ko siya kilala at ngay
''Saan naman ang gorabels mo, Baklita?" tanong sa akin ng pinsan ko habang naghahain siya ng pagkain.Nag-effort kasi ako ng kauntian sa ayos ko kaya siguro nagtaka ang pinsan ko. Gusto ko lang magbigay ng magandang impression kapag nagkita kami ng taong niligtas ko. Ayaw ko naman humarap sa kanya ng basta lang lalo pa at anak siya ng Presidente ng isang kilalang kumpanya."Diyan lang naman sa tabi-tabi," nakangiti na sabi ko saka umupo at uminom ng kape.Kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Nakakatuwa isipin na hinanap niya ako para pasalamatan at nagulat talaga ako dahil hindi ko inaasahan. Nakahinga rin ako nang maluwag dahil ngayon ay alam kong okay na siya. "Raket?" nagtataka na tanong niya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago umupo sa harapan ko."Wala akong raket ngayon pahinga ang Lola mo pero may kailangan akong puntahan," sagot ko sa pagitan ng pagnguya at tumango-tango siya."Grabe ka Thea para kang lalaki. Pwede bang tap
Nakatingin ako sa pinto kung saan lumabas ang babae na kausap ko kanina. Galit na galit siya pero nakita ko na pinipigilan niya ang sarili na ipakita iyon sa akin. Pumikit ako para alalahanin ang mukha niya pero ang tanging naiwan sa alaala ko ay ang amoy niya. It was the same scent from that evening and same voice. Akala ko ay matatapos na ngayon ang lahat pero hindi pala. Kung sa tingin niya ay na insulto ko siya dahil sa sinabi ko tinapakan naman niya ang pride ko. Tinanggap na lang sana niya ang inaalok ko para natapos na ang lahat. "I underestimate her," sabi ko at huminga ng malalim saka sumandal sa upuan. "Axel, ano ang nangyari? Nakasalubong ko si Miss Mendoza sa hallway at mukhang galit na galit siya? Ano ba ang sinabi mo sa kanya? May ginawa ka ba sa kanya?" nagtataka na tanong ni Jay pagpasok ng opisina ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tumawa ng dahil sa naging takbo ng pag-uusap namin kanina lang. Never pa ako naka-encounter ng babae na katulad niya. In fact, wal
"Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon!" gigil na sabi ko pagpasok ko ng elevator.Padabog na pinindot ko ang button at tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Huminga ako nang malalim at bumilang mula sampu pababa. Nakuyom ko ang kamay ko ng bigla ko maalala ang sarkastiko na ngiti niya. Gusto ko sumigaw pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayaw ko sana maapektuhan sa mga sinabi niya pero hindi ko mapigilan. "Ang sama niya para isipin na pera ang dahilan kung bakit ako pumunta rito. Akala mo kung sino kung makapagsalita. Kalahating milyon? Isang milyon? Nagpapatawa ba siya? Akala ba niya masisilaw ako sa ganoon lalaking halaga? Dahil ba mahirap ako at mayaman siya ay pwede na niya gawin sa akin 'yon. Ganun ba ka baba ang tingin niya sa mga tao sa paligid niya?" inis na bulong ko.Kulang ang salitang galit para ipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ba ako ng mga tao sa loob ng elevator. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko pe
"Hindi pa rin ba siya tumatawag?" tanong ko pagpasok ng office.Tinanggal ko na muna ang coat ko at niluwagan ang necktie bago ako umupo. Inabot ni Mr. Jay sa akin ang mga folder na kailangan kong pag-aralan at pirmahan. Napatigil ako bigla pagkatapos kong pirmahan ang dalawang folder at napatingin ako sa calendar nakapatong sa lamesa ko. Mahigit tatlong linggo na mula ng pumunta ang babaeng iyon dito sa opisina ko. Sa lumipas na mga araw ay hindi ako makapag-concentrate sa mga ginagawa ko. Katulad ngayon natigilan na naman ako dahil bigla ko na naman siya naalala. Kahit sa panaginip ko ay hindi rin siya maalis. Kung dati ay blurred ang mukha niya sa mga panaginip ko ngayon ay nakikita ko ng maliwanag ang imahe niya. Akala ko ay hindi ko na siya mapanaginipan pero mas naging madalas pa at hindi ko maipaliwanag kung bakit iyon nangyayari. Hindi ko man lubos matandaan ang mukha niya pero bigla na lang lumilitaw ang imahe niya sa isip ko. Stress and frustration ang naiisip ko na dahilan
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm sa phone ko. Ibig sabihin ay kailangan ng uminom ng gamot ni Axel. Kahit antok na antok pa dahil sa puyat ay kinapa ko sa side table ang phone ko at pinatay ang alarm saka ako paupong bumangon. Kinuha ko ang gamot nakapatong sa side table."Nasaan kaya siya?" takang tanong ko ng makitang wala si Axel sa kama.Tumingin muna ako sa paligid bago ako tuluyang tumayo para silipin kung nasa banyo ba siya. Wala roon ang binata pero amoy na amoy ko ang magkahalong amoy ng after shave, shampoo at sabon."Mukhang okay na siya," sabi ko sa sarili.Habang palabas ng kwarto ay narinig ko na may nag-uusap. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses at nakarating ako sa kusina. Nakita ko si Axel nagluluto habang may kausap sa phone. Hindi niya namalayan ang pagdating ko dahil abala siya sa ginagawa niya. Malaya ko napagmamasdan ang kabuuan niya at napalunok ako sa nakikita ko na magandang tanawin. "Lord, kung ganito po ang sasalubong sa akin tuwing umaga ako na
Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi ko nagustuhan ang nangyari kanina dahil pinaalam ko naman sa kanya na magkikita kami ni Eduard para mag-usap. Hindi siya nag-reply pero Hindi ibig sabihin hindi na ako tutuloy. Hindi naman niya kailangan saktan si Eduard dahil nakita niya nakayakap sa akin. Sinabi ko naman sa kanya noon na sobrang close kami at parang nakakatandang kapatid ang turing ko sa kanya. Nilinaw ko sa kanya kung ano ba talaga ang relasyon namin ni Eduard kaya hindi dapat ganoon ang naging reaksyon niya kanina."Okay, siguro nga dapat siya magalit dahil naabutan niyang nakayakap sa akin si Edu pero sana naman inalam muna niya ang side ko. Pwede naman niya ako kausapin at hindi na sana umabot sa ganoon. Kung alam lang niya na gusto ko lang na linawin ang relasyon namin ni Edu kaya ako nakipagkita," sabi ko sa sarili habang nakayuko.Sinusulyapan ko siya para makita ang reaksyon niya. Obvious na galit siya dahil sa mahigpit na hawak niya sa manibela. Nakakun
Hello!" bati ko pagkarating sa restaurant kung saan kami mag-uusap ni Eduard.Nagkatinginan kaming dalawa at hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya katulad ng ginagawa ko dati. Habang papunta ako ay hindi mawala ang kaba sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ako aakto sa harap niya ngayon na alam ko na hindi lang basta kaibigan ang tingin niya sa akin. Niyakap ko siya para mabawasan ang tensyon sa pagitan namin at tinugon naman niya. Kung noon ay hindi ako nakakaramdam ng ilang sa kanya pero ngayon ay iba na. Ilang ulit ko sinabi sa sarili ko na siya pa rin ang kaibigan nakilala ko noon."Hi! Umorder na ako ng pagkain dahil alam kong gutom ka na pagdating mo," nakangiti na sabi niya at nakangiti na tumango ako.Pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung naiilang pa ba ako sa mga oras na ito at sa tingin ko naman ay ganoon pa rin kami tulad ng dati. Masaya kaming nagkwekwentuhan at nagbiruan ni Eduard katulad ng dati. Puro pa rin siya kalokohan at puro biro kaya hindi ko mapigilan ang tuma
"Kumusta, Bakla?" tanong ni Nikka habang kumakain kami ng almusal.Kahapon ay nagpaalam ako kay Axel na kakausapin ko si Carlo. Ramdam ko ang alinlangan niya na payagan ako pero ipinaliwanag ko sa kanya na kailangan ko iyon gawin dahil ayaw ko na umasa si Carlo. Ayaw ko rin kasi na magkaroon pa kami ng misunderstanding sa susunod. "Okay naman dahil nakahinga na ako ngayon ng maluwag. Syempre tinanong niya kung ano ang dahilan at kung ano ang pwede niya gawin. Tinanggap naman niya ang mga sinabi ko na hanggang kaibigan lang ang pwede ko maibigay sa kanya. " nakangiti na tugon ko."Kumusta naman ang boyfriend mo na ubod ng seloso?" tanong niya at natawa ako.Naikwento ko kasi sa kanya ang reaksyon ni Axel nang makita niya ako kasama si Carlo sa hallway. Pagbalik ko kasi sa table ko ay nakita ko ang message niya at pinapababa niya ako sa basement kung saan siya maghihintay. Sakto naman na lunch break kaya pinuntahan ko siya. Nagulat ako dahil pagsakay ko sa sasakyan ay siya ang nakita k
"Okay ka lang ba Axel?" tanong ni Jay ng mapansin niya na nagbago ang mood ko. Hindi mawala sa isip ko ang imahe ni Althea habang kasama ang lalaking iyon. Pinigilan ko ang sarili ko na lapitan sila at pilipitin ang leeg ng lalaking kasama niya. Kinontrol ko ang sarili ko dahil ayaw ko na malagay si Althea sa hindi magandang sitwasyon. Hindi ako pwedeng magalit sa kanya dahil pumayag ako na ilihim ang relasyon namin pero deep inside ay para akong bulkang na malapit na sumabog. "Ano ang schedule ko ngayong araw?" tanong ko at agad siya tumingin sa hawak niya na tablet."Nevermind. Cancel them all," sabi ko at hindi makapaniwala nakatingin siya sa akin.Tiningnan ko siya para sabihin na seryoso ako sa sinabi ko. I never cancel my appointment ever but this time I know I can't work in this state I'm in. Ayaw ko magsayang ng oras ko at sayangin ang oras ng iba kung alam ko na hindi rin naman ako makapag-concentrate."Okay, Sir!" tugoj niya at lumabas na siya ng opisina ko.Umupo na ako a
Nagpaalam na ako sa dalawa na mauuna ng umuwi dahil biglang sumakit ang ulo ko. Gulong-gulo ang isip ko sa mga nangyari kanina. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Eduard. Hindi naman mawala sa isip ko ang pamilyar na boses ng lalaking nakasalubong ko kanina. Noong una ay ayaw pumayag ni Nikka dahil nag-aalala siya pero sinabi ko na kailangan ko lang itulog at magiging okay din ako. Hindi na ako tumutol ng hinatid ako ni Nikka sa labas ng Restaurant para maghintay ng taxi. Lumipas ang ilang minuto at sinabi ko sa kanya na bumalik na sa loob at kaya ko na."Going somewhere?" tanong ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko habang nag-aantay ako ng taxi."Axel!" gulat na bigkas ko ng makita ko siya paglingon ko. Nagulat ako dahil inaasahan ko ay pinaglalaruan na naman ako ng guni-guni ko. Saglit ako pumikit para lang makasigurado at pagmulat ko ay siya pa rin ang nakikita ko. Sa pagkakataon na ito ay hindi na imagination o guni-guni ko lang ang lalaking nasa harap k
"Nasaan ka na ba?" inip na tanong ni Nikka pagsagot ko sa tawag niya."Malapit na po ako Mahal na Reyna. Pasensya na po kung na late po ako kasi naman po late mo na rin ako ininform Bruha ka!" sagot ko at tumawa siya nang malakas.Kalalabas ko lang mula sa trabaho ng nakatanggap ako ng message mula sa kanya. Nakalagay doon ang buong address ng isang Restaurant at pinapapunta niya ako. Manlilibre kasi siya dahil malaki ang naging commission niya sa pinapabentang lupa sa kanya. Ilang sandali lang ay tumigil na ang taxi na sinakyan ko. "Edu?" nagtataka na tanong ko ng makita ko siya at lumingon siya sa direksyon ko.Medyo nagulat ako na makita siya dahil expected ko ay tatlo lang kami si Nikka, ang boyfriend niya at ako. Nararamdaman ko na may pinaplano ang pinsan ko kaya nandoon si Eduard. Hindi kasi naniniwala na bakla si Eduard at sinasabi niya na mali ang hinala ko. Sa tingin din niya ay may gusto si Eduard sa akin na sa tingin ko ay imposible. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang pa
Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Althea sa hindi inaasahang pagkakataon. May mga scenario na akong na imagine kung paano kami magkikita ng dalaga pero hindi sa lugar na ito. Kakabalik ko lang galing sa isang conference abroad at inimbitahan ako ni Patrick na uminom. Noong una ay tumanggi pa ako dahil may gusto sana akong gawin pero dahil sa pangungulit niya ay napilitan na rin akong sumama. Naisip ko rin na hindi magandang timing kung pupuntahan ko si Althea sa bahay nila ng alanganin na oras. Sa isang KTV Bar ako dinala ni Patrick dahil ang may-ari noon ay ang bagong prospect niya."God! How I missed her," sabi ko sa sarili pag-upo sa table namin.Hindi ko alam kung bakit umiwas ako nang makita ko siya Althea kanina. Nagulat ako nang makita ko siya na lumabas ng VIP Room at ng makita ko siya na pumikit ay agad akong umalis. Sa palagay ko ay hindi pa talaga ako handa na makita at makausap siya. May part kasi sa sarili ko ang nakaramdam ng takot na baka hindi niya ako harapin.
"Sige na Althea sumama ka na sa amin minsan lang magyaya si Queen Sebastian kaya samantalahin na natin. May bagong jowa kasi ang Lola mo kaya good mood. Sige na huwag ka naman KJ diyan at saka ngayon ka lang namin makakasama sa mga ganitong ganap," pangungumbinsi ni Chino at napangiti ako.Mula pagpasok ko hanggang sa break namin kinukulit niya ako. Wala ako balak na sumama pero ngayon naisip ko na wala rin naman akong gagawin sa bahay pag-uwi ko. Sa bahay ng boyfriend ni Nikka siya matutulog kaya solo lang ako sa bahay. Nagmumukmok lang naman ako sa bahay at maghihintay."Oh sige na nga Bakla, sasama na ako," natatawa na sabi ko at nagtatalon siya sa tuwa."Mabuti naman at hindi nasayang ang laway ko sa iyo," sabi niya at napailing lang ako habang nakangiti.Bumalik na siya sa table niya at ipinagpatuloy na namin ang mga ginagawa namin. Nagkasundo ang lahat na sa isang KTV kami pupunta. Buong akala ko ay kami-kami lang sa department namin pero meron din pala na galing sa ibang depart