Share

CHAPTER 5

"Jay, wala pa rin bang balita sa kanya?" tanong ko pagkatapos ko magbasa ng report.

Nakita kong nagulat siya at tiningnan niya ako dahil hindi siguro niya inaasahan ang tanong ko. Ilang buwan na rin akong hindi nagtatanong tungkol sa bagay na iyon dahil sa sobrang busy ko sa trabaho. Kung hindi dahil sa panaginip ko kagabi ay hindi ko siya ulit maiisip. Katulad ng dati kong mga panaginip ay boses lang niya ang naririnig ko.

"Napanaginipan mo na naman ba siya?" tanong niya at tumango lang ako bago ko pinatong ang folder sa lamesa.

"May nakuha ka bang clue na pwedeng makatulong sa atin para mahanap siya?" tanong niya at huminga ako ng malalim.

"It was the same as before," tugon ko saka sumandal sa upuan at tumingin sa kisame.

"Subukan ko ulit mag-follow doon sa private investigator na kinuha natin. Ang huling balita niya sa akin ay may nakuha siyang lead sa mga nurse naka-duty that night. After noon ay hindi na ulit siya nagbigay ng update. Hindi ako sigurado kung ano ang kinalabasan ng investigation niya. Pati nga ang Papa mo ay pinapahanap na rin siya," sabi niya at bigla akong napatingin sa kanya.

"What the hell? Hindi ba sinabi ko sa kanya na I don't want him to involve in my business," galit na sabi ko.

"Narinig ko siya na may kausap last time at nabanggit niya ang tungkol doon. Desidido siya na mahanap ang babaeng iyon sa lalong madaling panahon bago mo pa siya makilala. Hindi ko alam kung bakit at kung ano ang plano niya," paliwanag niya at nakuyom ko ang isang palad ko.

"The more reason I need to find her first before he does. I told him from the start to back off and I don't need his help. Find another private investigator. I want this to be over and done. I hate this feeling of owing my life to someone I don't know," sabi ko at tumango siya.

"Hindi mo ba talaga natatandaan ang mukha niya, Axel? Base kasi sa kwento ng nurse ay kinakausap ka pa niya noong time na dinala ka niya sa hospital kaya nga nabigay niya ang pangalan mo sa information. Sinabi mo rin sa kanya kung sino at paano ako kokontakin kaya ako nakarating doon," sabi niya at napaisip ako dahil hindi ko maalala ang part na iyon.

"Hindi ba malinaw ang mukha niya sa panaginip mo?" tanong niya at umiling ako.

"Sa tuwing napanaginipan ko siya malabo ang mukha niya. Mas aware ako sa paligid ko kaysa sa nakikita ko. Tanging boses lang niya ang malinaw sa pandinig ko. May specific ako naamoy na hindi mawala sa isip ko. Hindi ko matukoy kung iyong amoy ba niya o kung paano niya ako kausapin ang nagpapakalma sa akin sa oras na iyon," paliwanag ko.

Ilang beses ko ng naamoy 'yon kahit saan pero hindi naman tumutugma sa boses. Kung tutuusin ay napaka-common lang naman ng amoy na iyon at masasabing hindi mamahalin o branded.

"I can tell she is just a ordinary person base on her smell. Malaking tulong sana iyong naiwan niyang panyo pero useless kasi bukod sa puno ng dugo ay marami rin finger prints. Hindi rin nakatulong ang initial sa panyo niya. I don't have time to search every name in the registry just to find that match," sabi ko.

"Her smell, voice, initial on the handkerchief and blood type. That's all we have," frustrated na dagdag ko at hinilot ko ang sintindo ko.

Ang sabi noon ni Papa ay kalimutan ko na iyon at magpasalamat na lang ako dahil ligtas ako. How can I be thankful kung hindi ko man lang nakita ang mukha niya? Paano ko makakalimutan ang lahat kung hindi pa rin siya mawala sa panaginip ko? Okay lang sana kung hindi ko siya napapanaginipan baka sakali hindi ako nagkakaganito. Matatapos lang ang lahat ng ito once na makilala ko siya at mabayaran ko ang utang na loob ko sa kanya.

"Ano ba ang plano mo kung sakaling mahanap mo siya?" tanong niya.

"Of course I need to compensate her for saving me. You know me very well, ayaw ko magkaroon ng utang na loob sa kahit kanino. Sa panahon ngayon baka dumating ang panahon na higit pa sa nararapat ang hilingin niya sa akin," sagot ko.

Nakita ko ang malaking epekto ng pera sa mga tao. Nagbabago ang isang tao kapag may perang involved. Ilang beses ko na iyon napatunayan. May mga tao na gagawin ang lahat para lang makalamang sa iba. Ayaw kong dumating ang araw na gagamitin ng taong iyon ang pagliligtas sa buhay ko kaya dapat ngayon pa lang ay maputol ko na agad ang koneksyon ko sa taong iyon. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung bakit niya ako niligtas.

"Pero mukhang hindi naman siya ganun kasi kung naghihintay siya ng kapalit sa pagligtas sa iyo ay hindi siya dapat umalis agad. Nagulat pa nga ako dahil ang tanging hiningi niya sa akin ay pambayad sa taxi para makabalik agad siya sa trabaho. Sinubukan ko naman siyang pigilan para makausap pa pero nagmakaawa siya na makaalis agad dahil baka matanggal siya sa trabaho niya. Inalok ko pa siya ng reward pero tinanggihan niya at sinabi niya na hindi niya kailangan. Tinanong ko rin ang pangalan at contact number niya pero tumanggi siya. Bago pa nga siya umalis ang sabi niya na sana ay maging okay ang lahat. Sa loob ng ilang buwan ay naging laman ng balita ang nangyari sa iyo pero hindi rin siya nagpaparamdam sa atin hanggang ngayon," kwento nito at ngumiti ako saka umiling.

"Tandaan mo Jay, nagbabago ang tao lalo na kapag nangangailangan kaya hindi na ako magugulat kung isang araw ay bigla siya magpakita para kunin ang kabayaran sa ginawa niya. Hindi natin masasabi baka naghihintay lang siya magandang pagkakataon," matigas na sabi ko.

Subok na subok ko na ang bagay na iyon kasi marami na akong nakilala na ganoong tao. Mga taong hindi marunong makuntento at naghahangad ng higit pa lalo na pagdating sa pera. Sa panahon ngayon sa pera na umiikot ang buhay ng tao. Lahat naman ay nangangailangan ng pera pero may mga tao pa rin na hindi makuntento kung anong meron sila. Hindi ko naman sinasabi na lahat pero majority ng mga tao nakasalamuha ko ay ganoon. Hangga't maaari ay gusto ko na agad makilala ang taong nagligtas sa akin para mabayaran ko na agad siya at matapos na ang lahat. Sa palagay ko kaya ko siya napapanaginipan is to remind me that I owe her my life.

"Hindi naman lahat ng tao ay ganoon Axel nagkataon lang napapaligiran ka ng mga ganoong tao. Marami pa rin tao ang may mabuting kalooban at hindi basta nasisilaw ng pera. Mga tao na mas mahalaga ang dignidad at prinsipyo sa buhay. Kailangan mo lang ulit magtiwala," sabi niya.

"By the way, how's the charity event?" tanong ko para maiba na ang takbo ng usapan.

Taon-taon ay may dinadaos na charity event ang kumpanya namin para sa isang foundation. Ang foundation na mismo si Papa ang nagpatayo bilang paggunita kay Mama. Sa tingin ko kaya niya iyon ginawa ay para makabawi man lang kay Mama dahil wala siyang nagawa para iligtas ni Mama. Walang nagawa ang pera at kapangyarihan na ipinagmamalaki niya para iligtas ang buhay ng mahal niya. Namatay si Mama dahil sa liver cancer noong nasa high school pa lang ako. Nakita ko kung paano siya pinahirapan ng sakit niya at sobrang nasaktan ako para sa kanya. Late siya na diagnosed kaya hindi na siya kayang iligtas pa. Siyam na buwan hanggang isang taon ang binigay sa kanya na palugit at sa loob ng panahon na iyon ay sinulit ko ang oras na kasama siya. Kahit na may sakit ay pinilit ni Mama na pagaanin ang pakiramdam ko. Pinilit ko ipakita na matatag ako pero deep inside ay unti-unti akong pinapatay. Nakita ko rin kung gaano nasaktan si Papa at sobrang nagsisisi siya sa lahat ng pagkukulang niya. Hindi naging madali para sa akin na tanggapin ang pagkawala niya. Mahal na mahal ko siya at siya lang ang taong nagpaparamdam sa akin ng unconditional love. Malapit ako kay Mama dahil siya ang lagi kong kasama habang lumalaki ako. Lagi kasing abala si Papa sa kumpanya kaya hindi namin siya laging nakakasama. Mas importante sa kanya ang sasabihin ng magulang ni Mama kaya mas nag-focus siya sa kumpanya.

"Settled na ang venue at set-up. Naipadala na rin last week ang lahat ng invitation at ang ilan ay nag-confirm na. Base sa update ng organizer ay okay na ang food at flowers. Sa tingin ko ay okay na ang lahat para sa event. Naideliver na rin kahapon ang mga paintings na kasama sa auction," pagre-report niya at tumango ako.

Ang mga paintings ay galing sa mga matalik na kaibigan ni Mama at ang iba naman ay galing sa mga taong matagal ng sumusuporta sa foundation. May mga na kilala rin akong artists na willing mag-donate ng mga gawa nila para sa auction. Sa paglipas ng taon ay marami ng natulungan ang foundation lalo na sa mga taong kapos sa pagpapagamot. Malaking bagay na mabigyan sila ng assistant dahil hindi biro ang gastos sa pagpapagamot. Mahirap labanan ang sakit na Cancer pero ang mas mahirap para sa pamilya na tanggapin.

"Good," sagot ko.

"Tell April I need the revised contract for the Tagaytay Highlands Project. We need to finalize it before the end of the month or else that project will be gone before we know it. That project is very important to us and I will close the deal no matter what. Call Chester and tell him to come with me to the meeting later," utos ko at tumango-tango siya.

"Oo nga pala birthday ni Patrick ngayon doon tayo didiretso pagkatapos ng meeting mamaya," sabi ko at ngumiti siya.

Si Patrick ay kababata ko at matalik kong kaibigan. Magkaibigan ang Mama namin kaya naman halos sabay na kami lumaki. Siya lang ang masasabi ko na tanging kaibigan na pinagkakatiwalaan ko. Mula noong nangyari sa akin ay lumayo na ako sa mga kaibigan ko. Bukod kay Jay ay isa rin siya sa taong nakakakilala sa akin ng lubos. Lahat ng nangyari sa buhay ko ay alam niya at kapatid na ang turingan namin.

"Akala ko nga ay nakalimutan mo na Axel ipapaalala ko pa lang sana sa iyo," natatawa na sabi niya.

"Makalimutan ko na ang lahat huwag lang 'yon at baka sa hospital ulit ang bagsak ko kapag nagkataon," sabi ko at tumawa naman.

"Sigurado ako na puro kalokohan na naman ang magaganap sa birthday niya. Ano naman kaya ang pakana niya? Habang tumatanda ay parang naging bata. Gustuhin ko man na huwag pumunta pero alam kong magagalit ang taong iyon. Para pa namang babae magalit ang isa iyon," sabi ko.

Si Patrick kasi ang tipo ng tao na walang pakialam sa bukas. Lahat na lang ay ginagawa niya ng walang pakundangan. Pero mas naging malala siya pagkatapos ng nangyari sa akin. Hindi ko siya masisi dahil na trauma siya sa nangyari sa akin. Siya kasi ang nagpakilala sa akin kay Ellaine kaya sinisisi niya ang sarili. Mula noon lagi na niya sinasabi na mabubuhay siya na parang walang bukas. Sinusulit niya bawat oras para magpakasaya. Lagi niya sinasabi na maikli lang ang buhay at pwedeng mangyari sa kanya ang nangyari sa akin. Magkaiba kami dahil hindi ako mag paapekto sa nakaraan. Imbes na mag-aksaya ako ng oras para sa ibang bagay ay mas tinuon ko ang atensyon ko sa pagpapalago ng kumpanya.

"Hindi ka pa ba nasanay sa kanya, Axel? Mag-enjoy ka na lang," sabi niya at natawa ako dahil hindi ko kayang mag-pagkabaliw katulad niya.

Nag-enjoy naman ako na kasama siya. Okay na sa akin ang makasama siya na uminom at makausap pero hanggang doon lang. Never kong sinakyan ang mga kalokohan niya hindi katulad ng iba pa naming mga kaibigan. Kung saan siya masaya ay masaya na rin ako para sa kanya dahil kaibigan ko siya. Sinusuportahan ko ang mga gusto niyang gawin katulad ng pagsuporta niya sa akin. Magkaiba man kami ng pananaw pero nirerespeto namin ang isa't isa at iyon ang mahalaga. Naiintindihan ko kung ano ang ginagawa niya at walang problema sa akin. Wala naman kasi siya tinatapakan o nasasaktan sa ginagawa niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status