Share

CHAPTER 4

last update Last Updated: 2024-10-14 13:10:15

Pinilit kong imulat ang mga mata ko pero blurred ang paningin ko. Ilang beses na binuka at sara ko ang mga mata ko para luminaw pero nanatili na malabo pa rin epekto ng matagal na pagtakip sa mga mata ko. May mga boses akong naririnig mula pa kanina pero hindi ko masyado maintindihan ang sinasabi ng mga nila. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko dahil nakatali ang dalawang kamay ko sa likuran ng bangko. Napangiwi naman ako nang makaramdam ako nang pangangalay ng braso ko at likod. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko para alalahanin ang lahat ng mga nangyari. Masakit na ang buong katawan ko at nanghihina na ako pero kailangan ko patatagin ang sarili ko. Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagbubukas ng pinto kaya yumuko agad ako.

"Hindi ba sinabi ko naman sa 'yo na hintayin muna nating makasal kami," pabulong na sabi ng isang babae.

"Hindi ko na kayang hintayin pa ang araw na 'yon. Ilang taon na ako nagtitiis at hindi ko na kaya na maghintay pa. Alam mo ba na sa tuwing magkasama kayo ay para akong mababaliw kakaisip dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko at hindi ko iyon gusto. Gusto ko siyang suntukin sa tuwing nakikita kong magkadikit kayo. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil ayokong masira ang mga plano natin. Kung sinunod lang ni Tito ang sinabi ko hindi na sana aabot pa sa ganito ang lahat," boses ng isang lalaki na familiar sa akin.

"Ano na ang gagawin natin ngayon? Ayaw pa rin niya magbigay ng pera?" tanong ng babae.

Hindi gumagana ang isip ko sa oras na ito dahil kumikirot ang ulo ko idagdag pa ang pananakit ng buong katawan ko. Nagtaka ako dahil biglang tumahimik ang paligid kaya minulat ko ulit ang mga mata ko at katulad kanina ay ganun pa rin ang paningin ko. Bigla ko naalala ang lahat at nakuyom ko ang mga kamay ko. Papunta kami ng girlfriend ko sa beach house namin sa Batangas para mag-celebrate ng birthday ko. Hindi pa kami nakapasok sa gate ay may mga armado at nakamaskara na mga kalalakihan ang pumapalibot sa sasakyan ko. Nakita kong takot na takot siya at bago ko pa maniubra ang sasakyan ko palayo ay bumukas ang pinto niya. Nakita ko kung paano siya kaladkarin palabas ng sasakyan at agad ako lumabas para kunin siya pero hindi ko na nagawa. Naramdaman ko ang malakas na pag-pukpok ng matigas na bagay sa ulo ko at kasunod noon ay wala na akong matandaan. Yumuko ako at hindi ko mapigilan ang umiyak dahil hindi mawala sa imahe ko ang takot sa mga mata niya. Awang-awa ako sa kanya habang nagpupumiglas siya. Naririnig ko kung paano niya paulit-ulit tawagin ang pangalan ko at humingi ng tulong. Taimtim ako nagdasal para sa kaligtasan naming dalawa. Hindi ako relihiyosong tao pero sa pagkakataon na ito ay humihingi ako ng tulong sa kanya.

"Axel, naririnig mo ba ako?" tanong ng isang babae at minulat ko ang mata ko dahil pamilyar ang boses na iyon.

Hindi ko maaninagan ang mukha ng babaeng nasa harap ko pero ilang minuto lang ay naging maliwanag na ang imahe niya. Laking gulat ko ng unang bumungad sa akin ang mukha ni Ellaine. Nagpalinga-linga ako sa paligid para tingnan kung may iba pang tao sa kwartong saka ko siya tiningnan. Nakahinga ako nang maluwag dahil nakita kong kami lang dalawa. Gustong-gusto ko siya yakapin at sabihin na magiging okay lang ang lahat pero hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon. Napapikit na lang ako ng haplusin niya ang pisngi ko.

"Okay ka lang ba, Hon? Sinaktan ka ba nila? May ginawa ba sila sa'yo?" nagaalala na tanong ko sa kanya.

"Okay lang naman ako Hon wala naman silang ginawa sa akin," namumula ang mga mata na tugon niya.

"Salamat at okay ka. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari na hindi maganda sa iyo," tugon ko.

Nakatali ang dalawang kamay niya sa harapan. May ilang galos siya sa balikat, braso at hita. Puro grasa ang suot niya na bestida at wala na siyang sapin sa paa.

Pinagmasdan ko pa siya ng mabuti at tiningnan mula ulo hanggang paa para makasigurado na okay lang talaga siya. Galit na galit ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa para protektahan siya.

"Hon, kailangan mo sabihin sa Papa mo na ibigay na niya ang hinihingi ng mga kidnappers. Pakiusapan mo siya na ibigay na lang para Hindi na tayo mapahamak. Kung hindi raw nila makukuha ang gusto nila ay papatayin nila tayo. Please Axel ayoko pa mamatay," pakiusap niya sa akin habang lumuluha.

Hanggang sa huli pala ay nagmamatigas pa rin si Papa sa hinihingi ng mga holdappers. Hindi na ako magtataka dahil mas mahalaga talaga sa kanya ang pera higit pa sa kahit anong bagay pero iba na ngayon. Kung ako lang ay walang problema sa akin pero hindi ko hahayaan na mapahamak ang mahal ko.

"Sige kakausapin ko siya Ella pipilitin ko siya na gawin kung ano ang gusto nila. Sabihin mo sa kanila na tawagan na ngayon si Papa at kakausapin ko siya. Huwag kang mag-alala Hon maliligtas tayo hindi ko hahayaang mangyari iyon dahil may mga pangarap pa tayo. I love you so much," sabi ko para mapanatag ang loob niya.

"I love you too," tugon niya.

Ilang minuto lang ay pumasok ang mga nakamaskara na lalaki at sapilitang kinuha si Ellaine. Sumisigaw siya at nagpupumiglas habang nilalabas ng kwarto. Sinigawan ko sila pero hindi nila ako pinapansin pinilit ko rin makawala sa pagkakatali ko. Kung kinakailangan na isuko ko ang share ko sa kumpanya ay gagawin ko para lang maligtas kami. May pumasok na dalawang lalaki at nilagyan ulit ng takip ang mga mata ko. Narinig ko ang pag-ring ng phone at ilang sandali lang ay narinig ko na ang boses ni Papa.

"Pa, nakikiusap ako sa iyo ibigay mo na ang hinihingi nila dahil hawak din nila si Ella. Kahit 'yong share ko ang ibigay mo sa kanila wala na akong pakialam doon dahil ang mahalaga ay maligtas ko si Ella. Nakikiusap ako Papa, hindi ko kakayanin na mawala sa akin si Ella," naiiyak na pakiusap ko kay Papa at narinig ko ang buntong hininga niya.

"You know I can't do that. Axel just hang in there and I'll save you don't worry son," sagot niya at lalo akong nakaramdam ng galit para sa kanya.

"God Damnit! Just give them the fucking money!" sigaw ko.

"Okay Axel." tugon niya pagkalipas ng ilang minutong katahimikan.

"Magbibigay din naman pala pinatagal pa," natatawa na sabi ng lalaki nakatayo sa tagiliran ko at tumawa rin ang iba pa niyang kasama.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sunod-sunod na putukan narinig ko mula sa labas. Si Ellaine agad ang pumasok sa isip ko at sinubukan ko kumawala sa kinauupuan ko. Dahil naka-blindfold pa rin ako kaya hindi ko makita kung ano ang nangyayari sa paligid ko pero naririnig kong nagkakagulo na. Napasigaw na lang ako ng maramdaman ko ang matalas na bagay na bumaon sa tagiliran ko pati na rin sa balikat ko.

Napabalikwas ako ng bangon at agad na tumingin sa paligid. Pawis na pawis ako at habol ko ang hininga. Yumuko ako at kinuyom ko ang mga kamay ko. Isa na namang masamang panaginip. Dalawang taon na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari dahil sariwa pa sa alaala ko. Kahit gusto ko ng kalimutan ang nakaraan ay hindi ko magawa dahil na rin sa mga panaginip ko na paulit-ulit.

"Damn you, Ellaine!" galit na sabi ko.

Bumangon ako para pumunta sa banyo at pagkatapos kong maghilamos ay diretso ako sa bar para kumuha ng maiinom na alak. Hindi na bago sa akin ang mga ganitong gabi dahil mula noon ay lagi na lang ako nanaginip . Kahit anong gamot ang inumin ko ay walang epekto tanging alak lang ang nakatulong sa akin. Hindi na ako kumuha ng baso at diretsong ininom ang alak mula sa bote. Sanay na ako sa lasa ng alak kaya hindi ko na nalalasahan ang pait.

Naalala kong nagising na lang ako sa isang ospital. May bandage ang balikat ko at puno ng sugat ang iba't ibang parte ng katawan ko lalo na sa parte ng tiyan. Base sa paliwanag ng Doctor ay may tama ako ng bala sa may balikat at mga malalalim na saksak rin ako. Kinuwento sa akin ni Jay ang lahat ng nangyari pagkagising ko kahit pa nga may alinlangan siya. Wala na kasi akong matandaan pagkatapos kong makausap si Papa sa telepono dahil nagkagulo na. Halos gumuho ang mundo ko ng malaman ko na mag-kasabwat pala si Ellaine at ang stepbrother kong si Eric. Matagal na palang may relasyon ang dalawa bago ko pa siya nakilala at ang sakit dahil planado nilang dalawa ang lahat mula pa sa umpisa. Although magkasing-edad `kami ni Eric ay hindi kami naging close. Pagkatapos mamatay ni Mama ay nag-asawa ulit si Papa at si Eric ang anak ng bagong naging Asawa ni Papa. Noong una ay hindi ako makapaniwala na magagawa ni Ellaine 'yon sa akin dahil naramdaman ko na mahal niya ako sa loob ng ilang taon na pagsasama namin kaya mahirap paniwalaan na kaya niya akong saktan. Namatay sa engkwentro si Ellaine samantalang nasa Rehabilitation center naman si Eric dahil nalaman na lulong pala siya sa ipinagbabawal na gamot noong panahong 'yon. Gusto ko siya makita sa kulungan para pagdusahan niya ang mga ginawa sa akin pero mas pinili ni Papa na ipasok sa Rehabilitation. Nagmakaawa kasi ang Mama niya na bigyan pa ng isang pagkakataon at pumayag si Papa. Galit na galit ako sa naging desisyon ni Papa at hindi ko iyon matanggap. Doon na ako tuluyang namuhi sa kanya dahil mas pinahalagahan pa niya ang kalagayan ng ibang tao kaysa sa akin. Pinamukha lang niya sa akin na wala akong halaga sa kanya. Hindi ako makapaniwala na ang mga taong mahal ko ang nanakit sa akin. Si Papa at si Ellaine ang mga taong nagbigay ng malaking sugat sa puso ko. Sinubukan ni Papa na kausapin ako pero wala siyang narinig mula sa akin dahil una pa lang Hindi na niya in alam muna ang opinyon ko. Paglabas ko ng ospital pagkalipas ng ilang buwan ay pumunta ako ng ibang bansa para doon magpagaling. Pagbalik ko naman ay umalis na ako sa bahay namin para bumukod. Hindi ako umalis sa kumpanya dahil gusto ko ipakita sa kanya na kaya kong higitan lahat ng ginawa niya.

"Damn you!" galit na sigaw ko at straight ko na ininom ang laman ng bote.

Naikwento rin sa akin kung paano ako nakarating sa hospital. Base kay Jay ay may isang babae ang nagdala sa akin sa hospital at hindi agad umalis hanggang walang kamag-anak na pumunta. Nagawa rin niya na mag-donate ng dugo nang malaman na kailangan ko para sa operasyon. Sabi pa ni Jay pagdating niya sa ospital ay tanging pambayad lang sa taxi ang hinihingi ng dalaga at umalis na agad ito. Hindi ito nag-iwan ng pangalan o kahit anong impormasyon ng tanungin niya sa mga nurse. Ang sabi ng mga nurse ay nakita raw ako ng dalaga sa isang eskinita na duguan. Natakot daw siguro ang dalaga na magbigay ng impormasyon dahil ayaw masangkot. Sinubukan din siya tingnan sa CCTV pero hindi malinaw dahil sa suot niya na jacket na may hood. Hindi na rin nila matandaan ang itsura dahil sa pagmamadali ng babae at dahil sa dami na rin ng tao. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya mahanap para makapagpasalamat. Useless ang pag-hire ko ng mga investigator dahil hindi malinaw ang mga detalye ng hinahanap ko. May mga pagkakataon napapanaginipan ko ang tagpong 'yon pero malabo ang mukha niya. Dahil sa insidente ay nagkaroon ako ng trauma at ang epekto noon ay nahihirapan ako tandaan ang mukha ng mga taong kinakausap ko. Ang paliwanag ng Si Jay lang ang may alam Kung may malinaw man sa aking alaala iyon ay ang boses niya pati na rin ang amoy niya. Weird pero iyon lang ang tanging palatandaan ko sa kanya. Paano ko hahanapin ang isang tao kung iyon lang ang alam ko sa kanya. Natatandaan ko na sinabi ng mga doktor na kung medyo natagalan pa ako nadala sa hospital ay malamang daw na mag-fifty fifty ako o ma-comatose and worst mamatay. Sa dami kasi ng tinamo ko ay naubusan na ako ng dugo.

"Who are you? How will I find you?" desperado na tanong ko bago inumin ang alak at pumikit.

Gusto ko lang naman bayaran ang utang na loob ko sa kanya dahil sa pagligtas niya sa buhay ko. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob kahit kanino. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit gusto ko siya makita ulit. Ang bigat kasi sa kalooban ko na hindi makilala ang taong dahilan kung bakit buhay pa ako.

"That would be the last and it will never happen to me again. I won't let anyone hurt me and betray me again." pangako ko sa sarili at inubos ko na ang laman ng bote.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
si Thea cguro yon nagligtas sa kanya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Never let you go   CHAPTER 5

    "Jay, wala pa rin bang balita sa kanya?" tanong ko pagkatapos ko magbasa ng report.Nakita kong nagulat siya at tiningnan niya ako dahil hindi siguro niya inaasahan ang tanong ko. Ilang buwan na rin akong hindi nagtatanong tungkol sa bagay na iyon dahil sa sobrang busy ko sa trabaho. Kung hindi dahil sa panaginip ko kagabi ay hindi ko siya ulit maiisip. Katulad ng dati kong mga panaginip ay boses lang niya ang naririnig ko."Napanaginipan mo na naman ba siya?" tanong niya at tumango lang ako bago ko pinatong ang folder sa lamesa."May nakuha ka bang clue na pwedeng makatulong sa atin para mahanap siya?" tanong niya at huminga ako ng malalim."It was the same as before," tugon ko saka sumandal sa upuan at tumingin sa kisame."Subukan ko ulit mag-follow doon sa private investigator na kinuha natin. Ang huling balita niya sa akin ay may nakuha siyang lead sa mga nurse naka-duty that night. After noon ay hindi na ulit siya nagbigay ng update. Hindi ako sigurado kung ano ang kinalabasan ng

    Last Updated : 2024-10-14
  • Never let you go   CHAPTER 6

    "Saan ang punta mo?" nagtataka na tanong ni Nikka habang inaayos ko ang bag ko. "Huwag mo sabihin na may raket ka na naman? Hindi ba usapan natin sasamahan mo ako sa Mall ngayon?" paalala niya sa akin. Natigilan ako sa ginagawa ko at napatingin ako sa kanya. Nawala sa isip ko na may usapan nga pala kami ng pinsan ko ngayon. Hindi ko agad nabanggit sa kanya kahapon dahil tulog na siya pag-uwi ko sobrang dami kasi ng tao sa Bar dahil Sabado. Hindi na ako pwedeng mag-back out kasi nag-confirm na ako kay Edu at nakakahiya naman sa kanya. Na-guilty tuloy ako dahil minsan lang kami lalabas ni Nikka pero nakalimutan ko pa. "Sorry, nakalimutan ko," malambing na tugon ko at tinaasan niya ako ng isang kilay saka nilagay ang dalawang kamay sa bewang. "Althea, huwag mo ako daanin sa mga ganyan mo dahil alam mo na hindi eepek sa akin ang pagpapa-cute mo," inis na sabi niya at yinakap ko siya sa tagiliran. "Sorry talaga nawala kasi sa isip ko. Promise, babawi ako sa iyo next week hindi ko

    Last Updated : 2024-10-18
  • Never let you go   CHAPTER 7

    "Tumawag si Patrick, tinanong niya kung makakarating ka pa raw ba? Ang sabi ko nasa meeting ka pa at tatawagan mo na lang siya pagkatapos," sabi ni Jay pagabot niya ng phone ko. Katatapos lang ng meeting ko sa isang client namin at hindi ko inakala na tatagal ang meeting namin dahil akala ko ay okay na sa kanya ang lahat. Ang purpose kasi ng meeting ay para ma-finalize ang contract pero humaba ang oras dahil marami siyang tanong for clarification. Kailangan ko ipaliwanag at sagutin ang mga tanong niya dahil hindi ko pwede pabayaan na mawala ang project na ito sa kumpanya namin. Kapag nakuha namin ang project na ito ay sigurado na marami pa ang kasunod. "No need, I'll just explain to him when we get there," tugon ko habang naglalakad kami palabas ng Hotel papunta sa parking lot. Habang nasa biyahe ay binasa ko ang mga message niya at napailing lang ako saka napangiti. Pagkalipas ng ilang sandali ay papasok na kami sa subdivision kung saan naganap ang birthday celebration ni Patric

    Last Updated : 2024-10-18
  • Never let you go   CHAPTER 8

    "Kinakabahan ka ba?" tanong ni Eduard pagtanggal ko nang helmet."Medyo," alanganin na sagot ko at ngumitii siya."You will be fine. Just relax and do what you do best," nakangiti na sabi niya at natawa ako."Best talaga? Kahit kailan napaka-bolero mo talaga," natatawa na sabi ko at kinindatan lang niya ako.Naglakad na kami papasok sa Hotel kung saan gaganapin ang event. Nandoon na ang mga kasamahan ni Eduard kanina pa para mag-set up ng mga gamit nila. Wala pa naman mga bisita at puro mga staff pa lang ang nasa function hall na abala sa pag-aayos. Hindi ko mapigilan ang mamangha habang tinitignan ko ang makapigil hininga na mga naka-display na painting."Ang gaganda naman," mangha na sabi ko ng mapatigil ako sa paglalakad."Maganda talaga at siguradong maganda rin ang mga presyo ng mga iyan," tugon niya mula sa likuran ko at napatingin ako sa kanya."Part kasi ng event na ito ang pag-auction ng mga painting na iyan. Lahat ng mabebenta nila ay mapupunta sa isang foundation," paliwan

    Last Updated : 2024-10-19
  • Never let you go   CHAPTER 9

    "Mister! Mister! Mister, naririnig mo ba ako? Kung naririnig mo ako please imulat mo ang mga mata mo," naririnig ko na sigaw ng isang babae.Pinilit kong buksan ang mga mata ko para makita kung kanino nanggaling ang tinig na iyon. Blurred ang imahe ng babae pero nakikita ko ang liwanag mula sa ilaw ng poste. Ang bigat ng pakiramdam ko at hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. "Diyos ko! Ano ang gagawin ko sa iyo ang dami ng dugo ang nawawala sa iyo. Ano ba ang nangyari sa iyo? Naririnig mo ba ako, Mister? Please, hang in there huwag kang bibitaw at lumaban ka. Aalis lang ako para humingi ng tulong. Babalik agad ako," paalam niya at pumikit ako.Inipon ko ang natitira ko pang lakas para pigilan siya. Hindi ko alam kung sino siya at kung nasaan ako pero sa oras na iyon ay natatakot ako na mag-isa. Hinigpitan ko ang kapit sa braso niya at mukhang naintindihan naman niya ang gusto ko mangyari. Narinig ko na may kausap siya pero hindi ko masyado maintindihan. "Relax ka lang nakatawag na

    Last Updated : 2024-10-20
  • Never let you go   CHAPTER 10

    "Althea, may naghahanap sa iyo na customer sa labas at mukhang bigatin," sabi ni Princess na kasama ko sa trabaho.Tinapos ko muna ang paglalagay ng mga plato sa lababo bago ako humarap sa kanya. Tiningnan ko muna siya para makasigurado na hindi siya nagbibiro. Kapag kasi may customer siya na ayaw niya ay madalas pinapasa niya sa ibang waitress. Nilakihan niya ako ng mata para iparating na seryoso nga siya."Sa akin?" paglilinaw ko at tinuro ko pa ang sarili ko."Unless na lang kung may iba pang Althea na nagtatrabaho rito." natatawa na tugon niya."Sino raw?" nagtataka na tanong ko at nagkibit-balikat lang siya.Tumingin ako sa orasan at sakto na break ko na pala. Napaisip ako kung sino ang posibleng maghanap sa akin. Sa tagal ko na rito sa Bar ay may mga nakilala na akong mga customer at lahat ng iyon ay kilala ng mga staff kaya nagtataka ako kung sino ang tinutukoy ni Princess. Tinuro ni Princess ang table kung saan nandoon ang taong naghahanap sa akin. Hindi ko siya kilala at ngay

    Last Updated : 2024-10-21
  • Never let you go   CHAPTER 11

    ''Saan naman ang gorabels mo, Baklita?" tanong sa akin ng pinsan ko habang naghahain siya ng pagkain.Nag-effort kasi ako ng kauntian sa ayos ko kaya siguro nagtaka ang pinsan ko. Gusto ko lang magbigay ng magandang impression kapag nagkita kami ng taong niligtas ko. Ayaw ko naman humarap sa kanya ng basta lang lalo pa at anak siya ng Presidente ng isang kilalang kumpanya."Diyan lang naman sa tabi-tabi," nakangiti na sabi ko saka umupo at uminom ng kape.Kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Nakakatuwa isipin na hinanap niya ako para pasalamatan at nagulat talaga ako dahil hindi ko inaasahan. Nakahinga rin ako nang maluwag dahil ngayon ay alam kong okay na siya. "Raket?" nagtataka na tanong niya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago umupo sa harapan ko."Wala akong raket ngayon pahinga ang Lola mo pero may kailangan akong puntahan," sagot ko sa pagitan ng pagnguya at tumango-tango siya."Grabe ka Thea para kang lalaki. Pwede bang tap

    Last Updated : 2024-10-22
  • Never let you go   CHAPTER 12

    Nakatingin ako sa pinto kung saan lumabas ang babae na kausap ko kanina. Galit na galit siya pero nakita ko na pinipigilan niya ang sarili na ipakita iyon sa akin. Pumikit ako para alalahanin ang mukha niya pero ang tanging naiwan sa alaala ko ay ang amoy niya. It was the same scent from that evening and same voice. Akala ko ay matatapos na ngayon ang lahat pero hindi pala. Kung sa tingin niya ay na insulto ko siya dahil sa sinabi ko tinapakan naman niya ang pride ko. Tinanggap na lang sana niya ang inaalok ko para natapos na ang lahat. "I underestimate her," sabi ko at huminga ng malalim saka sumandal sa upuan. "Axel, ano ang nangyari? Nakasalubong ko si Miss Mendoza sa hallway at mukhang galit na galit siya? Ano ba ang sinabi mo sa kanya? May ginawa ka ba sa kanya?" nagtataka na tanong ni Jay pagpasok ng opisina ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tumawa ng dahil sa naging takbo ng pag-uusap namin kanina lang. Never pa ako naka-encounter ng babae na katulad niya. In fact, wal

    Last Updated : 2024-10-23

Latest chapter

  • Never let you go   CHAPTER 35

    Nagising ako dahil sa tunog ng alarm sa phone ko. Ibig sabihin ay kailangan ng uminom ng gamot ni Axel. Kahit antok na antok pa dahil sa puyat ay kinapa ko sa side table ang phone ko at pinatay ang alarm saka ako paupong bumangon. Kinuha ko ang gamot nakapatong sa side table."Nasaan kaya siya?" takang tanong ko ng makitang wala si Axel sa kama.Tumingin muna ako sa paligid bago ako tuluyang tumayo para silipin kung nasa banyo ba siya. Wala roon ang binata pero amoy na amoy ko ang magkahalong amoy ng after shave, shampoo at sabon."Mukhang okay na siya," sabi ko sa sarili.Habang palabas ng kwarto ay narinig ko na may nag-uusap. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses at nakarating ako sa kusina. Nakita ko si Axel nagluluto habang may kausap sa phone. Hindi niya namalayan ang pagdating ko dahil abala siya sa ginagawa niya. Malaya ko napagmamasdan ang kabuuan niya at napalunok ako sa nakikita ko na magandang tanawin. "Lord, kung ganito po ang sasalubong sa akin tuwing umaga ako na

  • Never let you go   CHAPTER 34

    Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi ko nagustuhan ang nangyari kanina dahil pinaalam ko naman sa kanya na magkikita kami ni Eduard para mag-usap. Hindi siya nag-reply pero Hindi ibig sabihin hindi na ako tutuloy. Hindi naman niya kailangan saktan si Eduard dahil nakita niya nakayakap sa akin. Sinabi ko naman sa kanya noon na sobrang close kami at parang nakakatandang kapatid ang turing ko sa kanya. Nilinaw ko sa kanya kung ano ba talaga ang relasyon namin ni Eduard kaya hindi dapat ganoon ang naging reaksyon niya kanina."Okay, siguro nga dapat siya magalit dahil naabutan niyang nakayakap sa akin si Edu pero sana naman inalam muna niya ang side ko. Pwede naman niya ako kausapin at hindi na sana umabot sa ganoon. Kung alam lang niya na gusto ko lang na linawin ang relasyon namin ni Edu kaya ako nakipagkita," sabi ko sa sarili habang nakayuko.Sinusulyapan ko siya para makita ang reaksyon niya. Obvious na galit siya dahil sa mahigpit na hawak niya sa manibela. Nakakun

  • Never let you go   CHAPTER 33

    Hello!" bati ko pagkarating sa restaurant kung saan kami mag-uusap ni Eduard.Nagkatinginan kaming dalawa at hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya katulad ng ginagawa ko dati. Habang papunta ako ay hindi mawala ang kaba sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ako aakto sa harap niya ngayon na alam ko na hindi lang basta kaibigan ang tingin niya sa akin. Niyakap ko siya para mabawasan ang tensyon sa pagitan namin at tinugon naman niya. Kung noon ay hindi ako nakakaramdam ng ilang sa kanya pero ngayon ay iba na. Ilang ulit ko sinabi sa sarili ko na siya pa rin ang kaibigan nakilala ko noon."Hi! Umorder na ako ng pagkain dahil alam kong gutom ka na pagdating mo," nakangiti na sabi niya at nakangiti na tumango ako.Pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung naiilang pa ba ako sa mga oras na ito at sa tingin ko naman ay ganoon pa rin kami tulad ng dati. Masaya kaming nagkwekwentuhan at nagbiruan ni Eduard katulad ng dati. Puro pa rin siya kalokohan at puro biro kaya hindi ko mapigilan ang tuma

  • Never let you go   CHAPTER 32

    "Kumusta, Bakla?" tanong ni Nikka habang kumakain kami ng almusal.Kahapon ay nagpaalam ako kay Axel na kakausapin ko si Carlo. Ramdam ko ang alinlangan niya na payagan ako pero ipinaliwanag ko sa kanya na kailangan ko iyon gawin dahil ayaw ko na umasa si Carlo. Ayaw ko rin kasi na magkaroon pa kami ng misunderstanding sa susunod. "Okay naman dahil nakahinga na ako ngayon ng maluwag. Syempre tinanong niya kung ano ang dahilan at kung ano ang pwede niya gawin. Tinanggap naman niya ang mga sinabi ko na hanggang kaibigan lang ang pwede ko maibigay sa kanya. " nakangiti na tugon ko."Kumusta naman ang boyfriend mo na ubod ng seloso?" tanong niya at natawa ako.Naikwento ko kasi sa kanya ang reaksyon ni Axel nang makita niya ako kasama si Carlo sa hallway. Pagbalik ko kasi sa table ko ay nakita ko ang message niya at pinapababa niya ako sa basement kung saan siya maghihintay. Sakto naman na lunch break kaya pinuntahan ko siya. Nagulat ako dahil pagsakay ko sa sasakyan ay siya ang nakita k

  • Never let you go   CHAPTER 31

    "Okay ka lang ba Axel?" tanong ni Jay ng mapansin niya na nagbago ang mood ko. Hindi mawala sa isip ko ang imahe ni Althea habang kasama ang lalaking iyon. Pinigilan ko ang sarili ko na lapitan sila at pilipitin ang leeg ng lalaking kasama niya. Kinontrol ko ang sarili ko dahil ayaw ko na malagay si Althea sa hindi magandang sitwasyon. Hindi ako pwedeng magalit sa kanya dahil pumayag ako na ilihim ang relasyon namin pero deep inside ay para akong bulkang na malapit na sumabog. "Ano ang schedule ko ngayong araw?" tanong ko at agad siya tumingin sa hawak niya na tablet."Nevermind. Cancel them all," sabi ko at hindi makapaniwala nakatingin siya sa akin.Tiningnan ko siya para sabihin na seryoso ako sa sinabi ko. I never cancel my appointment ever but this time I know I can't work in this state I'm in. Ayaw ko magsayang ng oras ko at sayangin ang oras ng iba kung alam ko na hindi rin naman ako makapag-concentrate."Okay, Sir!" tugoj niya at lumabas na siya ng opisina ko.Umupo na ako a

  • Never let you go   CHAPTER 30

    Nagpaalam na ako sa dalawa na mauuna ng umuwi dahil biglang sumakit ang ulo ko. Gulong-gulo ang isip ko sa mga nangyari kanina. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Eduard. Hindi naman mawala sa isip ko ang pamilyar na boses ng lalaking nakasalubong ko kanina. Noong una ay ayaw pumayag ni Nikka dahil nag-aalala siya pero sinabi ko na kailangan ko lang itulog at magiging okay din ako. Hindi na ako tumutol ng hinatid ako ni Nikka sa labas ng Restaurant para maghintay ng taxi. Lumipas ang ilang minuto at sinabi ko sa kanya na bumalik na sa loob at kaya ko na."Going somewhere?" tanong ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko habang nag-aantay ako ng taxi."Axel!" gulat na bigkas ko ng makita ko siya paglingon ko. Nagulat ako dahil inaasahan ko ay pinaglalaruan na naman ako ng guni-guni ko. Saglit ako pumikit para lang makasigurado at pagmulat ko ay siya pa rin ang nakikita ko. Sa pagkakataon na ito ay hindi na imagination o guni-guni ko lang ang lalaking nasa harap k

  • Never let you go   CHAPTER 29

    "Nasaan ka na ba?" inip na tanong ni Nikka pagsagot ko sa tawag niya."Malapit na po ako Mahal na Reyna. Pasensya na po kung na late po ako kasi naman po late mo na rin ako ininform Bruha ka!" sagot ko at tumawa siya nang malakas.Kalalabas ko lang mula sa trabaho ng nakatanggap ako ng message mula sa kanya. Nakalagay doon ang buong address ng isang Restaurant at pinapapunta niya ako. Manlilibre kasi siya dahil malaki ang naging commission niya sa pinapabentang lupa sa kanya. Ilang sandali lang ay tumigil na ang taxi na sinakyan ko. "Edu?" nagtataka na tanong ko ng makita ko siya at lumingon siya sa direksyon ko.Medyo nagulat ako na makita siya dahil expected ko ay tatlo lang kami si Nikka, ang boyfriend niya at ako. Nararamdaman ko na may pinaplano ang pinsan ko kaya nandoon si Eduard. Hindi kasi naniniwala na bakla si Eduard at sinasabi niya na mali ang hinala ko. Sa tingin din niya ay may gusto si Eduard sa akin na sa tingin ko ay imposible. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang pa

  • Never let you go   CHAPTER 28

    Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Althea sa hindi inaasahang pagkakataon. May mga scenario na akong na imagine kung paano kami magkikita ng dalaga pero hindi sa lugar na ito. Kakabalik ko lang galing sa isang conference abroad at inimbitahan ako ni Patrick na uminom. Noong una ay tumanggi pa ako dahil may gusto sana akong gawin pero dahil sa pangungulit niya ay napilitan na rin akong sumama. Naisip ko rin na hindi magandang timing kung pupuntahan ko si Althea sa bahay nila ng alanganin na oras. Sa isang KTV Bar ako dinala ni Patrick dahil ang may-ari noon ay ang bagong prospect niya."God! How I missed her," sabi ko sa sarili pag-upo sa table namin.Hindi ko alam kung bakit umiwas ako nang makita ko siya Althea kanina. Nagulat ako nang makita ko siya na lumabas ng VIP Room at ng makita ko siya na pumikit ay agad akong umalis. Sa palagay ko ay hindi pa talaga ako handa na makita at makausap siya. May part kasi sa sarili ko ang nakaramdam ng takot na baka hindi niya ako harapin.

  • Never let you go   CHAPTER 27

    "Sige na Althea sumama ka na sa amin minsan lang magyaya si Queen Sebastian kaya samantalahin na natin. May bagong jowa kasi ang Lola mo kaya good mood. Sige na huwag ka naman KJ diyan at saka ngayon ka lang namin makakasama sa mga ganitong ganap," pangungumbinsi ni Chino at napangiti ako.Mula pagpasok ko hanggang sa break namin kinukulit niya ako. Wala ako balak na sumama pero ngayon naisip ko na wala rin naman akong gagawin sa bahay pag-uwi ko. Sa bahay ng boyfriend ni Nikka siya matutulog kaya solo lang ako sa bahay. Nagmumukmok lang naman ako sa bahay at maghihintay."Oh sige na nga Bakla, sasama na ako," natatawa na sabi ko at nagtatalon siya sa tuwa."Mabuti naman at hindi nasayang ang laway ko sa iyo," sabi niya at napailing lang ako habang nakangiti.Bumalik na siya sa table niya at ipinagpatuloy na namin ang mga ginagawa namin. Nagkasundo ang lahat na sa isang KTV kami pupunta. Buong akala ko ay kami-kami lang sa department namin pero meron din pala na galing sa ibang depart

DMCA.com Protection Status