"Tita, nakuha mo na po ba 'yong pinadala ko pong pera?" tanong ko sa kabilang linya.
"Oo Thea nakuha ko na maraming salamat at may pambili na si Papa mo ng mga gamot niya." masayang sagot niya at nakahinga ako ng maluwag. May natanggap si Papa na pension pero hindi iyon sapat para sa kanilang lahat. Nagtitinda ng isda si Tita Liza habang si Papa naman ay nasa bahay lang nagbabantay ng maliit na tindahan. May apat pa akong kapatid na mga nag-aaral kaya kulang na kulang sa kanila. Hindi naman nila ako inobliga na magpadala pero dahil sa sitwasyon nila ay hindi ko sila matiis. "Oo nga po at 'yong matitira naman ay idagdag po ninyo sa gastusin ninyo diyan. Iyong pambayad po ng mga bata sa school sa sunod na linggo ko po ipapadala," sabi ko. "Thea, maraming salamat talaga sa tulong mo. Alam mo naman konti lang ang kita sa palengke kasya lang sa pang araw-araw naming gastusin. Kumikita naman ang tindahan pero paikot lang din. Nahihiya na nga ako sa iyo dahil hindi mo naman obligasyon ang magpadala ng pera sa akin. Imbes na makaipon ka para sa pag-aaral mo ay napupunta pa sa amin," malungkot na tugon niya. "Wala po 'yon Tita basta okay po kayong lahat diyan. Sige po balitaan mo na lang po ako at kamusta mo na lang po ako kay Papa at sa mga bata po," paalam ko. "Sige Thea, maraming salamat ulit. Mag-ingat ka palagi at huwag mo pabayaan ang sarili mo," tugon niya bago nawala sa kabilang linya. Naghiwalay ang magulang ko noong fourth year high school ako. Nalaman kasi ni mama na may ibang pamilya si Papa at ang malala ay may apat siyang anak na pawang mga bata pa. Bago pa man sila naghiwalay ay lagi na sila nag-aaway. Sa Laguna nagtatrabaho si Papa bilang operation manager sa isang pabrika. Every week ay nauwi siya sa Quezon para makasama namin. Masaya naman ang pamilya namin dahil close kami sa mga magulang namin. Hindi rin sila nagkulang sa amin dahil lahat ng pangangailangan namin ay binibigay nila. Hindi na bago sa amin ni Ate ang pagaaway nila dahil lagi naman nila sinasabi na normal lang iyon sa mag-asawa pero habang tumatagal ay mas lumala na. Tuwing gabi ay umiiyak si Mama at minsan naman ay tulala. Tinanong namin siya dahil nag-aalala kami pero hindi naman siya sumasagot kaya wala kaming ideya kung ano ang problema nilang dalawa. Isang araw pag-uwi ko sa bahay galing sa school ay hindi ko naabutan si Mama at Ate. Noong una ay hindi ako nag-isip ng kung ano pero ng napansin ko na bukas ang mga kabinet nila ay doon na ako nag-panic. Tinawagan ko agad si Papa para ipaalam sa kanya ang nakita ko. Sinubukan ko tawagan ang number nila pero hindi ko sila makontak. Gulong-gulo ang isip ko at ang tanging nagawa ko na lang ay ang umiyak hanggang dumating si Papa. Takot na takot ako ng mga oras na iyon dahil mag-isa lang ako. Ipinaliwanag ni Papa sa akin ang lahat kung bakit umalis sina Mama. Hindi ko alam kung kanino ba ako dapat magalit sa taong nanloko sa amin ng matagal na panahon, ang Papa ko o kay Mama at Ate na iniwan ako. Ang dapat masayang araw dahil sa wakas ay nagtapos na ako ay napuno ng lungkot dapat ay silang tatlo ang kasama ko para mag-celebrate pero mag-isa lang ako. Sa mismong araw kasi ng graduation ko ay nanganak ang kinakasama ni Papa at kahit na galit na galit ako ay wala akong magawa. Kalaunan ay natutunan ko na lang tanggapin ang lahat. Nakita ko kung paano nagsumikap si Papa para maitaguyod niya ang pamilya at ang pag-aaral ko. Hindi naging madali ang lahat at nakita kong nahihirapan na si Papa. Magastos ang pag-aaral sa kolehiyo at lumalaki na ang mga bata kaya nagdesisyon ako na tumigil na sa pag-aaral para magtrabaho na lang. Gusto ko rin mamuhay ng mag-isa dahil iyon naman ang pakiramdam ko mula pa noon. Pagkalipas ng isang taon ay nalaman ko na may sakit si Papa kaya umuwi ako ng probinsya para alamin ang kondisyon niya. Masakit para sa isang anak na makitang nasasaktan at nahihirapan ang magulang niya. Mula noon ay kinalimutan ko na ang pangarap ko na makapagtapos ng pag-aaral. Mula noon ay ginawa ko ang lahat hanggang sa kaya ko para makatulong kay Papa at pamilya niya. "Oh! Bakit parang pinagsakluban ka ng langit diyan?" tanong ni Nikka ng mapansin niyang tulala ako. "Hep! Hep! Yep! Huwag mo ng sagutin dahil knowing ko na kung bakit. Bakit kaya hindi ka sumulat kay Ate Charo o kaya kay Mareng Mel? Para kasing pang-teleserye ang buhay mo Thea sa sobrang drama. Ewan ko ba sa 'yo bakit ba kailangan mo pagurin ang katawang lupa mo para makapag-padala ng pera sa kanila. To think na pinaghirapan mo ang lahat ng iyon kaya dapat naman Ikaw ang makinabang. Okay, naiintindihan ko 'yong part na para kay Tito pero hi and hello pati ba naman lahat ng kailangan nila sa 'yo pa rin. Hindi ko sinasabi na huwag mo sila bigyan o pagdamutan mo sila pero magtira ka naman para sa sarili mo," sermon niya at huminga ako ng malalim. Tutol kasi siya sa ginagawa kong pagtulong sa pamilya ni Papa pero masisisi ba niya ako kung 'yon ang sa palagay kong dapat gawin. Naiintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin pero si Papa na lang ang natitira kong pamilya. Nagpapasalamat pa rin naman ako sa kanya dahil hindi niya ako iniwan at pinabayaan. "Alam mo namang gipit sila hindi ba? Hindi na pwedeng magtrabaho si Papa at hindi naman ganun kalaki ang pensyon natatanggap niya. Hindi rin naman malaki ang kinikita ni Tita Lisa sa palengke at saka maliit pa ang mga kapatid ko. Sino pa ba ang tutulong sa kanila kung hindi ako," paliwanag ko bago humigop ng kape. "Nandoon na ako na gusto mo silang tulungan pero hanggang kailan? Paano naman ang sarili mo?" tanong niya. "Hanggang kaya ko at saka hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko kung makapagsalita ka naman. Okay lang ako at masaya ako na makatulong sa kanila lalo na sa mga kapatid ko," tugon ko at umiling-iling siya. Mula ng nawala si Mama at Ate ay wala na akong naging balita sa kanila. Biglang silang nawala na parang bula at hindi ko alam kung saan sila hahanapin o paano sila kokontakin. Kahit kailan ay hindi nila ako kinontak kaya wala talaga akong idea sa kalagayan nila. Kahit ang mga kamag-anak namin sa side ni Mama at malalapit na kaibigan niya ay wala rin balita sa kanila. Although alam kong advance na ang teknolohiya ngayon at madali na maghanap pero may parte pa rin ng sarili ko na pumipigil na hanapin sila. Naisip ko kasi na bakit ko pa sila hahanapin kung sila mismo hindi nila hinanap. "Stop na natin ang topic na ito kasi alam kong hindi ako mananalo sa 'yo." sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay. "Mukhang wala ka atang raket ngayon," sabi niya habang naglalagay ng sinangag na kanin sa plato. "Wala nga pero inaantay ko 'yong text ni Edu baka kasi may praktis mamaya 'yong banda nila," sagot ko. "Ano naman ang kinalaman mo sa praktis nila?" nagtataka na tanong niya. "Kasi may gig sila na need ng female na vocalist at ang Lola mo ang kinuha nila. Take note bakla malaki ang bigayan kaya go ako," nakangiti na sagot ko. "Eh di wow! Ikaw na ang rakatera ng taon." paismid na tugon niya at natawa ako. "Speaking of Edu, bakit ayaw mo pa siyang sagutin mukhang seryoso naman 'yong tao," sabi niya at napatingin ako sa kanya. Pinipigilan ko ang tumawa dahil sa sinabi niya. Maling-mali kasi ang pag-aakala niya sa relasyon namin ni Eduard at hindi ko siya masisi kasi kasi kahit ang mga kaibigan ni Eduard ay iyon din ang alam. Madalas ay tinutukso nila kaming dalawa pero tinatawanan lang iyon ni Eduard. Para naman sa akin ay special ang relasyon naming dalawa. "Ano ka ba kaibigan ko lang 'yon at hindi ako ang type niya," tugon ko na parang alanganin at nagtataka na tiningnan niya ako. "Boylet din kasi ang peg niya." natatawa na sabi ko sa sarili. Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya pero masyado kasi siyang misteryoso. Napansin ko kasi ang pagiging metikuloso niya sa lahat ng bagay na daig pa ang isang babae. May naka-one night stand siya at iyon mismo ang nagsabi sa amin na bakla si Eduard dahil wala sa kanilang nangyari at hindi naman niya iyon inamin o tinanggi kaya marami ang nag-iisip kung totoo nga ba o hindi. Kahit na kalat ang balitang iyon sa bar ay marami pa ring babae ang humahanga sa kanya. "Bakit ganyan ang ngiti mo? Oh baka naman ikaw ang inlababo sa kanya at natatakot kang ma-friendzone. Alam mo Thea ang buhay mo ay parang teleserye sa t.v dahil puno ng drama at lahat ng teleserye ay may leading man na tutulong sa iyo makaahon sa kahirapan. Ang lalaki na sasambahin, pahalagahan at mamahalin ka. Iyong tipong ang haba-haba ng hair mo mas mahaba pa sa buhok ni Rapunzel pero take note lang dahil kung may bida syempre may kontrabida din," sabi niya. Hindi ko na napigilan ang tumawa ng malakas dahil sa kakaibang imagination niya. Tama bang ikumpara niya ang buhay ko sa isang teleserye. Lahat ng tao ay may ups and down kaya hindi lang naman ako ang nakakaranas nito. "Grabe ganyan na ang epekto sa iyo ng kakapanood mo ng mga teleserye sa t.v," natatawa na sabi ko. "Seryoso bakla ganoon na ganoon ang mangyayari sa iyo. Darating siya sa oras na kailangan mo at lalagyan niya ulit ng kulay ang boring mo na buhay. Literal na babaguhin niya ang buhay mo kaya humanda ka," puno ng determinasyon na sabi niya at lalo akong natawa. "Sorry po Direk hindi po ganoon ang mangyayari sa buhay ko kasi wala pa po akong balak na magka-boyfriend. Sa tingin mo ba may oras pa ako para sa ganyan? Hindi ko po priority ang lovelife dahil may mas mahalaga pa po na bagay ang kailangan ko pagtuunan ng pansin. At saka dakilang extra lang po ako Direk at hindi pwedeng maging bida," sakay ko sa kalokohan niya. "Hindi ko kailangan ng leading man na tutulong sa akin dahil kaya ko ang sarili ko. Hinding-hindi ko iaasa sa ibang tao ang kaligayahan ko para lang sa huli ay iwan at masaktan," dagdag ko at umiwas ng tingin. "Bitter ka, girl? Akala ko ba naka-move on na tayo, bakit parang mapait pa sa ampalaya ang panlasa mo? Hindi naman kasi lahat ng lalaki sa mundo ay katulad ng Ex-boyfriend mo kaya pwede ba huwag kang ganyan. Kahit kailan talaga ang boring mo ang lakas mo maka-negatron," nakasimangot na tugon niya. Naka-move naman na talaga ako pero hinding-hindi ko makakalimutan kung paano niya ako sinaktan. Ang akala ko naman ay nahanap ko na ang taong magmamahal sa akin at hindi ako iiwan pero nagkamali ako. Binigay ko sa kanya ang lahat na halos wala na akong tinira sa sarili ko pero hindi ko akalain na sa kabila ng lahat ay kulang pa rin dahil nakahanap siya ng iba. Masyadong malalim ang sugat na iniwan niya at talagang na trauma ako. "Sabi mo nga halos wala na akong oras sa sarili ko so paano pa kaya ako magkakaroon ng boyfriend, aber? Ayaw kong matulad sa 'yo," natatawa na sabi ko. "Iyon na nga ang point ko bakla puro ka raket para sa kanila paano naman ang lovelife mo? Anong katulad ko?" nakataas ang isang kilay na tanong niya at nakangiti na umiling ako. "Gusto ko lang na magkaroon ka ng special someone na magpapasaya sa 'yo," sabi niya. "Magpapasaya, magpapaiyak, magpapaasa at higit sa lahat ay masasaktan saka iiwan. Iyon ba ang gusto mo?" tanong ko pagkatapos ko ubusin ang kape ko. "Ano ka ba syempre kasama lahat iyon kapag nagmahal ka. Normal lang ang lahat ng 'yon pero mas matimbang nga lang 'yong masaya. Sabi nga nila hindi mo masasabing nagmamahal ka kung hindi ka nasasaktan. Ang sarap kaya mainlove," katwiran niya. "Ewan ko sa 'yo para kang ewan. Baliw na baliw ka mainlove pero kapag nasaktan ka naman halos isumpa mo na ang lahat ng lalaki. Basta ako ayoko ko pa ulit dahil marami pa akong dapat unahin kaysa diyan sa love na 'yan, okay." sabi ko at inismiran niya ako. Iba kasi mainlove si Nikka bigay ang lahat pero naawa ako sa kanya kapag iniiwan siya. Madali siya ma-attach sa isang tao at madali rin siya mainlove. Kahit anong payo ko sa kanya ay hindi niya ako pinapakinggan. Kahit na ilang beses na siya nabigo sa pag-ibig ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Sa totoo lang ay naiinggit ako sa kanya dahil kaya pa niya ulit magmahal sa kabila ng lahat. "Ibig sabihin may chance na mainlove ka pa rin." paglilinaw niya. Kung talagang darating ang panahon na magmamahal ako ay hindi ko naman 'yon pipigilan. Gusto ko rin naman maramdaman ulit kung paano ang mahalin at pahahalagahan. Alam ko naman at naranasan ko ang tinutukoy niya kaso sa ngayon ay hindi ako naghahanap pero umaasa ako na may tao nga na para sa akin. "Korek!' natatawa na sagot ko para matapos na ang usapan. "Huwag kang mag-alala Thea, nararamdaman kong darating na siya. Nakikita ko na magiging masaya ka ulit katulad noon. Stay foot ka lang pinsan," puno ng kumpinyansa na sabi niya habang nasa sintido ang mga daliri at nakapikit. "Grabe, hindi ko alam na manghuhula ka na rin pala ngayon," natatawa na sabi ko at sinenyasan niya ako na huwag maingay. "Hay naku, natuluyan na talaga ata ang pinsan ko," bulong ko habang pinagmamasdan siya.Pinilit kong imulat ang mga mata ko pero blurred ang paningin ko. Ilang beses na binuka at sara ko ang mga mata ko para luminaw pero nanatili na malabo pa rin epekto ng matagal na pagtakip sa mga mata ko. May mga boses akong naririnig mula pa kanina pero hindi ko masyado maintindihan ang sinasabi ng mga nila. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko dahil nakatali ang dalawang kamay ko sa likuran ng bangko. Napangiwi naman ako nang makaramdam ako nang pangangalay ng braso ko at likod. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko para alalahanin ang lahat ng mga nangyari. Masakit na ang buong katawan ko at nanghihina na ako pero kailangan ko patatagin ang sarili ko. Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagbubukas ng pinto kaya yumuko agad ako. "Hindi ba sinabi ko naman sa 'yo na hintayin muna nating makasal kami," pabulong na sabi ng isang babae."Hindi ko na kayang hintayin pa ang araw na 'yon. Ilang taon na ako nagtitiis at hindi ko na kaya na maghintay pa. Alam mo ba na sa tuwing magkasama kayo ay
"Jay, wala pa rin bang balita sa kanya?" tanong ko pagkatapos ko magbasa ng report.Nakita kong nagulat siya at tiningnan niya ako dahil hindi siguro niya inaasahan ang tanong ko. Ilang buwan na rin akong hindi nagtatanong tungkol sa bagay na iyon dahil sa sobrang busy ko sa trabaho. Kung hindi dahil sa panaginip ko kagabi ay hindi ko siya ulit maiisip. Katulad ng dati kong mga panaginip ay boses lang niya ang naririnig ko."Napanaginipan mo na naman ba siya?" tanong niya at tumango lang ako bago ko pinatong ang folder sa lamesa."May nakuha ka bang clue na pwedeng makatulong sa atin para mahanap siya?" tanong niya at huminga ako ng malalim."It was the same as before," tugon ko saka sumandal sa upuan at tumingin sa kisame."Subukan ko ulit mag-follow doon sa private investigator na kinuha natin. Ang huling balita niya sa akin ay may nakuha siyang lead sa mga nurse naka-duty that night. After noon ay hindi na ulit siya nagbigay ng update. Hindi ako sigurado kung ano ang kinalabasan ng
"Saan ang punta mo?" nagtataka na tanong ni Nikka habang inaayos ko ang bag ko. "Huwag mo sabihin na may raket ka na naman? Hindi ba usapan natin sasamahan mo ako sa Mall ngayon?" paalala niya sa akin. Natigilan ako sa ginagawa ko at napatingin ako sa kanya. Nawala sa isip ko na may usapan nga pala kami ng pinsan ko ngayon. Hindi ko agad nabanggit sa kanya kahapon dahil tulog na siya pag-uwi ko sobrang dami kasi ng tao sa Bar dahil Sabado. Hindi na ako pwedeng mag-back out kasi nag-confirm na ako kay Edu at nakakahiya naman sa kanya. Na-guilty tuloy ako dahil minsan lang kami lalabas ni Nikka pero nakalimutan ko pa. "Sorry, nakalimutan ko," malambing na tugon ko at tinaasan niya ako ng isang kilay saka nilagay ang dalawang kamay sa bewang. "Althea, huwag mo ako daanin sa mga ganyan mo dahil alam mo na hindi eepek sa akin ang pagpapa-cute mo," inis na sabi niya at yinakap ko siya sa tagiliran. "Sorry talaga nawala kasi sa isip ko. Promise, babawi ako sa iyo next week hindi ko
"Tumawag si Patrick, tinanong niya kung makakarating ka pa raw ba? Ang sabi ko nasa meeting ka pa at tatawagan mo na lang siya pagkatapos," sabi ni Jay pagabot niya ng phone ko. Katatapos lang ng meeting ko sa isang client namin at hindi ko inakala na tatagal ang meeting namin dahil akala ko ay okay na sa kanya ang lahat. Ang purpose kasi ng meeting ay para ma-finalize ang contract pero humaba ang oras dahil marami siyang tanong for clarification. Kailangan ko ipaliwanag at sagutin ang mga tanong niya dahil hindi ko pwede pabayaan na mawala ang project na ito sa kumpanya namin. Kapag nakuha namin ang project na ito ay sigurado na marami pa ang kasunod. "No need, I'll just explain to him when we get there," tugon ko habang naglalakad kami palabas ng Hotel papunta sa parking lot. Habang nasa biyahe ay binasa ko ang mga message niya at napailing lang ako saka napangiti. Pagkalipas ng ilang sandali ay papasok na kami sa subdivision kung saan naganap ang birthday celebration ni Patric
"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Eduard pagtanggal ko nang helmet."Medyo," alanganin na sagot ko at ngumitii siya."You will be fine. Just relax and do what you do best," nakangiti na sabi niya at natawa ako."Best talaga? Kahit kailan napaka-bolero mo talaga," natatawa na sabi ko at kinindatan lang niya ako.Naglakad na kami papasok sa Hotel kung saan gaganapin ang event. Nandoon na ang mga kasamahan ni Eduard kanina pa para mag-set up ng mga gamit nila. Wala pa naman mga bisita at puro mga staff pa lang ang nasa function hall na abala sa pag-aayos. Hindi ko mapigilan ang mamangha habang tinitignan ko ang makapigil hininga na mga naka-display na painting."Ang gaganda naman," mangha na sabi ko ng mapatigil ako sa paglalakad."Maganda talaga at siguradong maganda rin ang mga presyo ng mga iyan," tugon niya mula sa likuran ko at napatingin ako sa kanya."Part kasi ng event na ito ang pag-auction ng mga painting na iyan. Lahat ng mabebenta nila ay mapupunta sa isang foundation," paliwan
"Mister! Mister! Mister, naririnig mo ba ako? Kung naririnig mo ako please imulat mo ang mga mata mo," naririnig ko na sigaw ng isang babae.Pinilit kong buksan ang mga mata ko para makita kung kanino nanggaling ang tinig na iyon. Blurred ang imahe ng babae pero nakikita ko ang liwanag mula sa ilaw ng poste. Ang bigat ng pakiramdam ko at hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. "Diyos ko! Ano ang gagawin ko sa iyo ang dami ng dugo ang nawawala sa iyo. Ano ba ang nangyari sa iyo? Naririnig mo ba ako, Mister? Please, hang in there huwag kang bibitaw at lumaban ka. Aalis lang ako para humingi ng tulong. Babalik agad ako," paalam niya at pumikit ako.Inipon ko ang natitira ko pang lakas para pigilan siya. Hindi ko alam kung sino siya at kung nasaan ako pero sa oras na iyon ay natatakot ako na mag-isa. Hinigpitan ko ang kapit sa braso niya at mukhang naintindihan naman niya ang gusto ko mangyari. Narinig ko na may kausap siya pero hindi ko masyado maintindihan. "Relax ka lang nakatawag na
"Althea, may naghahanap sa iyo na customer sa labas at mukhang bigatin," sabi ni Princess na kasama ko sa trabaho.Tinapos ko muna ang paglalagay ng mga plato sa lababo bago ako humarap sa kanya. Tiningnan ko muna siya para makasigurado na hindi siya nagbibiro. Kapag kasi may customer siya na ayaw niya ay madalas pinapasa niya sa ibang waitress. Nilakihan niya ako ng mata para iparating na seryoso nga siya."Sa akin?" paglilinaw ko at tinuro ko pa ang sarili ko."Unless na lang kung may iba pang Althea na nagtatrabaho rito." natatawa na tugon niya."Sino raw?" nagtataka na tanong ko at nagkibit-balikat lang siya.Tumingin ako sa orasan at sakto na break ko na pala. Napaisip ako kung sino ang posibleng maghanap sa akin. Sa tagal ko na rito sa Bar ay may mga nakilala na akong mga customer at lahat ng iyon ay kilala ng mga staff kaya nagtataka ako kung sino ang tinutukoy ni Princess. Tinuro ni Princess ang table kung saan nandoon ang taong naghahanap sa akin. Hindi ko siya kilala at ngay
''Saan naman ang gorabels mo, Baklita?" tanong sa akin ng pinsan ko habang naghahain siya ng pagkain.Nag-effort kasi ako ng kauntian sa ayos ko kaya siguro nagtaka ang pinsan ko. Gusto ko lang magbigay ng magandang impression kapag nagkita kami ng taong niligtas ko. Ayaw ko naman humarap sa kanya ng basta lang lalo pa at anak siya ng Presidente ng isang kilalang kumpanya."Diyan lang naman sa tabi-tabi," nakangiti na sabi ko saka umupo at uminom ng kape.Kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Nakakatuwa isipin na hinanap niya ako para pasalamatan at nagulat talaga ako dahil hindi ko inaasahan. Nakahinga rin ako nang maluwag dahil ngayon ay alam kong okay na siya. "Raket?" nagtataka na tanong niya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago umupo sa harapan ko."Wala akong raket ngayon pahinga ang Lola mo pero may kailangan akong puntahan," sagot ko sa pagitan ng pagnguya at tumango-tango siya."Grabe ka Thea para kang lalaki. Pwede bang tap