Share

CHAPTER 2

"Jay, have you already contacted the supplier from Thailand?" tanong ko pagpasok ng opisina.

Kagagaling ko lang ng Europe para sa isang business trip at alam kong maraming trabaho ang naghihintay sa akin mula sa isang linggo na pagkawala ko. Higit sa lahat ayaw kong nag-aaksaya ng oras dahil para sa akin bawat minuto at segundo ay mahalaga. Gusto kong nagagawan agad ng solusyon ang lahat ng problema bago maging komplikado. Pagdating sa personal o negosyo ay masasabi ko na perfectionist ako. Hindi ako tumatanggap ng kahit ano na hindi pasok sa standard ko. Mataas ang expectation ng pamilya ko sa akin kaya naman lumaki ako na competitive and I don't settle just for the best but for the excellent. Nag-iisa akong anak kaya naman inaasahan ng lahat na ako ang magpapatuloy sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya ko. Sa lumipas na taon mula ng ako ang humawak sa negosyo namin ay napalago ko iyon at ngayon ay mas na kilala pa. Ang kumpanya namin ang isa sa mga kilalang construction company sa bansa.

"I already confirmed with them Sir regarding our orders. They will advise us the estimated time of arrival of the shipments," sagot niya at tumango ako.

Tinanggal ko muna ang coat ko bago umupo. Kahit naman out of the country ako ay updated naman ako sa lahat ng galaw sa kumpanya. Inumpisahan ko na buklatin ang mga folder na nasa ibabaw ng lamesa ko.

"Ms. Perez of Sunridge Real Estate wants to have an appointment with you Sir regarding the upcoming project in Bataan. The project in Quezon City is ready for our inspection. All of the on-going projects we have are going as planned. We already got the invitation for the bidding of Maxville Condominiums and we are just waiting for the schedule," report niya.

"Good! Get me all the information we need about that Maxville project. If you can find out who else got the invitation do that. I want to know who we are going against for this project." tugon ko.

Sa industriya na ginagalawan ko kailangan ay kilala ko na kung sino-sino ang makakalaban ko. Hanggang maaari ay kinikilala ko silang mabuti at inaalam ko lahat ng bagay tungkol sa kumpanya nila. Hindi ako ang tipo ng tao na basta-basta na lang lumulusob sa isang laban ng walang sandata. Sa paglipas ng taon ay natutunan kong makisama kung kinakailangan at lumaban kung dapat. Marami akong naging koneksyon sa paglipas ng taon pero marami rin ako nakalaban. Hindi lahat ng tao kinakaharap ko ay mapagkakatiwalaan kaya

"I also want to remind you Sir regarding your appointment with Dr. Villamayor," banggit niya at napatingin ako sa kanya.

Saglit ko tinigil ang pagbabasa ko at sumandal sa upuan. Huminga ako nang malalim saka tumingala.

"Do I really need to go?" tanong ko habang nakatingin ako sa kisame.

"Alam mo na ang sagot sa tanong mo Axle, pero base kay Dr. Villamayor this could be your last check up. Dalawang session na ang pinalampas mo kaya kailangan mo pumunta," sagot niya at bumuntong hininga ako

"Exactly, kaya nga hindi na ako sumipot dahil pakiramdam ko naman ay okay na ako. The medicine he prescribed really helped me a lot," tugon ko.

Ang totoo kaya ayaw ko na bumalik ay dahil sa tuwing nakikita ko ang siya ay naaalala ko lang kung bakit ba ako nandoon. Matalik na kaibigan siya ni Papa at sobrang nagpapasalamat ako sa kanya dahil ginawa niya ang lahat para maisalba ang buhay ko. Mula sa hospital, recovery at hanggang ngayon ay hindi niya ako pinabayaan.

"At saka nag-aalala rin ang Papa mo kaya sinabi niyang i-remind ko ulit sa 'yo. Sinabi rin niya na hindi pwedeng hindi mo tapusin ang session mo," dagdag pa niya at napatingin ako sa kanya.

Gusto kong matawa sa sinabi ni Mr. Jay dahil kilala ko si Papa hindi siya mag-aalala kung walang kinalaman sa Business. In short, hindi siya mismo nag-aalala sa akin kung hindi sa kapakanan ng kumpanya. Para sa kanya isa lang ang mahalaga iyon ay ang negosyo at kayamanan niya. Kahit naman noong nabubuhay pa si Mama ay ganun na talaga siya kailangan pa magmakaawa ni Mama para lang makasama namin siya. Mas lumala pa siya ng mamatay si Mama dahil nakatira kami sa isang bahay pero hindi kami nagkikita at naguusap. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ba siya naging Ama sa akin.

"Talaga nag-aalala siya sa akin? Nagpapatawa ka ba Jay? Nag-aalala siya na mawala ang taong nagdadala ng pera sa negosyo niya at hindi dahil sa anak niya ako," puno ng hinanakit na sabi ko.

"Axle, huwag ka naman mag-isip ng ganyan dahil Ama mo pa rin siya. Normal lang sa kanya na mag-alala sa kalagayan mo at hindi man niya sinasabi sa 'yo pero totoong nag-aalala siya. Ang Papa mo ang tipo ng tao na hindi alam kung paano express ang nararamdaman niya katulad mo. Alam mo naman ang mga pinagdaanan niya kaya dapat ay maintindihan mo siya," sabi niya.

Sa tuwing napag-uusapan namin si Papa ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng matinding hinanakit at galit. Natutunan ko na lang na kontrolin ang emosyon ko dahil kahit paano ay ginagalang ko pa rin siya. Tutol ang magulang ni Mama kay Papa dahil galing siya sa mahirap na pamilya. Kung hindi pa nakiusap si Mama sa magulang niya ay hindi nila matatanggap si Papa at nagbago ang pakikitungo nila kay Papa ng pinanganak ako. Gustong patunayan ni Papa ang sarili niya kaya naman ginawa niya ang lahat para palaguin ang negosyo na pamana kay Mama. Lagi niya sinasabi sa amin ni Mama na ginagawa niya ang lahat para sa amin pero sa tingin ko ay hindi. Nilamon siya ng ambisyon niya at nangibabaw sa kanya ang pagkakaroon ng kapangyarihan dahil sa pera.

"Kaya pala mas pinaboran pa niya ang ibang tao kaysa sa sarili niyang kadugo. Wala na akong pakialam sa kanya dahil ganoon din naman siya sa akin. Huwag na lang natin siyang pag-usapan dahil walang kwenta naman kung babalikan pa ang nakaraan," galit na sabi ko at umiling lang si Mr. Jay.

Matagal ng nagtatrabaho sa pamilya namin si Mr.Jay. Ang Ama niya ay matalik na kaibigan ni Papa na nag-trabaho sa kanya bilang Assistant noon at ngayon naman siya bilang assistant ko. Walang sikreto sa pamilya namin ang hindi niya alam. Limang taon ang tanda niya sa akin kaya naman parang nakakatandang kapatid na ang turing ko sa kanya at siya lang ang taong pinagkakatiwalaan ko mapa-business man o personal. Lahat ng bagay tungkol sa akin ay alam niya at siya lang talaga ang nakakakilala sa akin.

"About the project in Quezon City, arrange an appointment with the board of members for the site visit and inspection. Everything must be finished ahead of time. Also, the investors are expecting feedback soon. Sent Gilbert and Raymond to discuss the business proposal with Ms. Perez. Just tell her I'm still out of the country," sabi ko.

"Okay Sir, but I don't think Ms. Perez will agree to that because as you know she only deals with you," tugon niya at umiling ako.

"You already know what happened last time I met her and I'm not planning to be in that position again. If she doesn't like to do business with us it's not our loss. Also I need you to deal with Christine. I don't want to see or talk to her," utos ko at nagtataka nakatingin siya sa akin.

"Bakit naman, Axle? Ano ba ang nangyari sa Europe?" tanong niya.

"She is demanding things that I already told her I can't give. She already knows from the beginning how this thing goes but now all of a sudden she keeps asking for more. From the very start I told her that I don't do commitment and she agreed but out of nowhere she wanted me to marry her," paliwanag ko.

Okay na sana si Christine kasi open minded siya at hindi siya katulad ng ibang babae na demanding. Nakilala ko siya sa isang party at unang pagkikita pa lang namin ay nagpakita na agad siya ng interest at walang matinong lalaki ang tatanggi sa katulad niya. Brand ambassador siya ng isang kilalang cosmetic line. Bukod sa magandang mukha, magandang katawan ay magkasunod kami sa lahat ng bagay. Buong akala ko ay pareho kami ng gusto pero biglang nagbago ang lahat. Alam niya kung paano kumilos at kung saan siya lulugar kaya wala akong problema sa kanya. Mula naman sa umpisa ay sinasabi ko na agad sa mga nakarelasyon ko how my relationship goes. Ilang buwan ko ng nakakasama ang dalaga at malinaw sa kanya ang lahat kaya naman sinama ko siya sa business trip ko. Everything was going okay but to my surprise she became clingy and demanding while we were there. Sa huling gabi namin ay bigla na lang niya sinabi sa akin na magpakasal na kami at nagulat ako dahil alam naman niya na wala iyon sa usapan namin. All along pala ay umaasa siya na magbabago ang isip ko kaya ginawa niya ang lahat ng gusto ko. I can't deal with her kaya kailangan ko ng putulin ang connection ko sa kanya.

"Noong una ang sabi niya gusto niya na maging formal na ang relasyon namin. Gusto rin niya na magsama na kami. Hindi ko alam kung anong nangyari at bigla niyang naisip ang mga bagay na 'yon. Sinabi rin niya na buntis siya kaya dapat ay pakasalan ko siya but I doubt na totoo kasi alam kong mas mahalaga sa kanya ang trabaho niya kaya I know she can't be careless with that. I just don't want to see her anymore," kwento ko sa kanya.

"Okay, I understand. Ako na ang bahala sa kanya," sagot niya at tumango ako.

"Alam mo Axle hindi ka na bumabata at kailangan mo nang babaeng laging nasa tabi mo. Iyong babaeng na makakasama mo, magpasaya at magmamahal sa 'yo. At your age you should be considering settling down and having a family. Huwag mo isara ang puso at isip mo dahil lang sa nakaraan. Deserve mo rin maging masaya," payo niya sa akin at natatawa na napailing ako.

"I don't need a woman in my life just to be happy!" pinal na sagot ko at tiningnan lang niya ako.

Wala akong balak na mag-asawa at kung anak naman ay maraming paraan para magkaroon ako. Hindi ko kailangan ng babae para makumpleto ang buhay ko dahil walang mabuting naidudulot iyon sa buhay ko. The last time I opened my heart and life to someone almost cost my life. I just need a successor, that's all. Sa panahon ngayon lahat ng tao ay praktikal na sa buhay.

"You need to sign all of this, Sir." sabi niya pagkalipas ng mahabang katahimikan at nilagay sa table ko ang mga hawak niyang folder.

"Okay, you can leave now. I'll just call you after I sign this." sabi ko at tumango siya.

"Also call Dr. Villamayor set the appointment this afternoon. I just want to get this nonsense over and done." habol na utos ko sa kanya bago siya lumabas ng opisina ko.

Huminga muna ako nang malalim bago ko inumpisahan na buklatin ang mga folder. Ilang sandali lang ay bigla kong nasapo ang balikat ko ng makaramdam ako ng pagkirot. Mariing ipinikit ko ang mga mata ko at nakuyom ko ang isang kamay ko. Sa tuwing sasakit kasi iyon ay bumabalik sa alaala ko ang nakaraan na gusto ko ng makalimutan. Hinintay ko na humupa ang sakit saka ko kinuha ang gamot ko sa drawer at agad ininom iyon.

"You keep on reminding me!" inis na sabi ko habang hinihintay ko ang pag-epekto ng gamot.

Isang taon na ang lumipas pero sariwa pa rin sa akin ang lahat. Isang bangungot na hanggang ngayon ay patuloy pa rin gumugulo sa buhay ko. Ang sakit na 'yon ang nagpapaalala sa akin na hindi na ako dapat magmahal at magtiwala pa muli. Iyon ang dahilan kung bakit sinarado ko ang puso ko sa kahit kaninong babae. Marami ring bagay ang nagbago dahil sa nangyaring 'yon sa buhay ko. Naghilom man ang mga sugat na tinamo ko pero hindi naman nawala ang sakit nararamdaman ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang masakit na alaala ng nakaraan pero sa kabila ng lahat ay 'yon din ang nagsisilbing leksyon ko sa buhay.

"Mawawala rin ang lahat ng masamang alaala pagdating ng panahon. Malilimutan ko rin ang lahat ng 'yon at hindi ko na hahayaan na mangyari pa ulit iyon," paalala ko sa sarili ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status