"Nikka, nagluto na ako ng almusal!" sigaw ko mula sa kusina.
Maaga ako gumising para magluto ng almusal dahil may lakad ako. Hindi ko na siya ginising kanina dahil alam kong puyat siya kaya nauna na akong kumain sa kanya. Waitress din siya sa Restaurant na malapit sa pinasukan ko. Si Nikka ang pinakamalapit kong pinsan sa side ni Papa. Maliit pa lang kami ay sobrang close na kami at kahit pa nga lumipat na sila rito sa Maynila ay hindi naputol ang komunikasyon namin. Tuwing bakasyon ay nauwi siya sa probinsya at madalas ay sa amin tumutuloy. Highschool ako ng maghiwalay ang mga magulang ko. Sinama ni Mama si Ate at ako naman ay naiwan kay Papa. Ilang buwan lang ang lumipas ay may kinakasama na si Papa. Maraming katanungan sa isip ko dahil sa mga nangyari pero tinanggap ko na lang ang lahat dahil wala naman ako magagawa. Patuloy naman niya ako sinuportahan at pinag-aral pero hindi na niya kinaya dahil lumalaki na rin ang mga anak niya. Hindi naman kasi biro ang gastos sa kolehiyo kaya nagdesisyon na lang ako na magtrabaho. Lumuwas ako ng Maynila para hindi maging pabigat sa kanya kahit pa nga tutol siya desisyon ko. Sa una ay nahirapan ako maghanap ng trabaho lalo na at hindi ako college graduate. Si Nikka ang tumulong sa akin para makahanap ako ng trabaho. Naging okay na ang lahat dahil kahit paano ay nakakaipon na ako. Last year ay na diagnosed si Papa ng diabetes at kinakailangan niya ng maintenance. Wala naman ibang tutulong kay Papa kung hindi ako at hindi ko naman siya kayang pabayaan. Naawa rin ako sa apat ko pang kapatid na maliliit pa kaya naman doble kayod talaga ako para sa kanila. Iba't ibang trabaho ang pinapasok ko para lang kahit paano ay makapag-padala sa kanila. "Mauna na ako sa 'yo at baka malate ako." paalam ko sa pinsan ko. "Ha? Mamayang eight pa naman ang pasok mo sa bar, hindi ba? Saan na naman ang punta mo?" nagtataka na tanong niya habang pababa ng hagdan. "May raket kasi kami ni Edu ngayon sayang din iyon. Kumain ka na bago pa lumamig ang sinangag. Initin mo na lang iyong adobo na manok sa ref para mamayang tanghali." Nakangiti na sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi bago ako tuluyang lumabas ng bahay. "Raket na naman!" Narinig kong sigaw niya at napa-iling na lang ako. Habang nakasakay sa jeep ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Message iyon mula kay Edu at nandoon ang exact address kung saan kami magkikita. Kahit medyo nakakaramdam pa ako ng antok at gusto ko pa matulog ay wala akong choice kasi kailangan kong kumita ng extra. Bukod sa trabaho ko sa bar bilang waitress at cashier paminsan minsan ay may mga raket ako. Sobrang laki ng pasasalamat ko kay Edu dahil lagi niya ako sinasama sa mga raket niya. Matagal na kaming magkaibigan ni Edu at parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Normal na sa akin ang kulang sa tulog at laging nagmamadali. Sanay na ako sa ganoong routine at okay lang 'yon sa akin kasi ang mahalaga sa akin ay malaki ang ipapadala ko sa probinsya. Pagkalipas ng ilang oras ay nakarating na ako sa venue kung saan kami kakanta. Pagbaba ko ng dyip ay agad ko siya nakita sa entrance ng hotel dala ang gitara niya. "Ang aga mo naman ata? Hindi ka ba napatumba ng mga kainuman mo kagabi?" biro ko sa kanya at sumimangot lang siya. "Ilang beses ko ba kailangan sabihin sa iyo Thea, nagbago na ako mula ng makilala kita. Matino na ako ngayon," tugon niya sabay kindat at ako naman ang sumimangot. "Tigilan mo nga ako Eduardo sa mga kalokohan mo. Huwag mo na ako isali sa mga babaeng nababaliw sa iyo. Hindi mo ako madadala sa mga ganyang style mo na bulok," mataray na sabi ko at tumawa siya nang malakas. Tiningnan ko siya ng masama at umiling lang siya saka naglakad na kami papasok sa loob ng hotel. Saglit ako nagpaalam sa kanya para magpalit ng damit at mag-ayos na rin. Pagkalabas ko ng banyo ay diretso kami sa function hall kung saan ay sinalubong kami ng isang may edad na babae. Pinakilala ako ni Edu sa kanya at magalang na binati ko siya. Ilang sandali lang ay pumuwesto na kami malapit sa stage dahil magsisimula na ang party. Last week pa binigay sa amin ang listahan ng mga kanta na paborito ng couple kaya napag-aralan na namin. Habang kumakanta kami ay pinapanood naman ng mga bisita ang slideshow na ginawa para sa couple. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil kitang-kita ang kislap sa mga mata nila. "Babe, may raket pala kami sa susunod na buwan kaso medyo high class pero malaki ang bigayan. Bet mo?" sabi ni Edu habang nagpapahinga kami sa likod ng stage. Miyembro ng isang banda si Edu na tumutugtog malapit sa bar na pinapasukan ko. Isang gabi habang break ko nang marinig niya ako na kumakanta. Nagulat ako nang lapitan niya ako para alukin na sumali sa banda nila. Hindi ko gusto ang idea dahil hindi naman talaga ako professional na singer. Mahilig lang talaga ako kumanta at nagkataon na biniyayaan ng magandang boses. Inalok na lang niya ako ng sideline at iyon ang sumama sa mga raket niya. Nag-solo na kasi ang dati niyang partner kaya kailangan niya ng kapalit. Tinesting ko muna and so far ay okay naman kaya hanggang ngayon ito na ang isa sa mga raket ko. "High class?" tanong ko. "Bigay ko sa 'yo ang buong detalye Babe pagkatapos nito." Nakangiti na sagot niya at pinisil ang pisngi ko. "Eduardo!" saway ko sa kanya. "Pwede bang huwag mo akong tawaging Babe baka kung anong isipin ng makakarinig sa 'yo. At saka baka mamaya niyan bigla na lang may humablot sa buhok ko at sampalin ako," sabi ko habang pinandidilatan ko siya nang mata. "Ang cute mo talaga kapag napipikon ka kaya gustong-gusto kita. Ayaw mo noon may reservation ka na sa akin," preskong tugon niya at tinaasan ko siya nang isang kilay. "Hay naku, if i know defense mechanism mo lang 'yan para walang lumapit na babae sa 'yo. Lumantad ka na kasi tanggap naman kita at promise walang magbabago. Beshy?" nakangiting sabi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit mailap siya sa mga babae dahil kung tutuusin ang daming babae nagkakandarapa sa kanya. Sa bar kung saan sila tumutugtog ay halos babae ang customer nila dahil sa kanya. Lahat na ata ng pwede kong maisip na katangiang hinahanap ng isang babae sa lalaki ay halos na kay Edu na. Isang napakalaking palaisipan sa akin kung bakit umiiwas siya sa mga babae. Sabi ng mga kasama niya sa Banda ay babaero si Edu pero biglang nagbago. Napaka-impossible namang bakla siya dahil lalaking lalaki ang datingan mula sa porma hanggang sa pananalita. Pero sa panahon ngayon ay mahirap ng malaman kung straight, bi-sexual or gay ba ang isang lalaki. Ilang beses ko na siyang tinatanong pero lagi lang niya dinadaan sa biro. "Talaga? Walang magbabago?" tanong niya pagkatapos ng mahabang katahimikan. "Aamin na ata ang bakla. Mababawasan na naman ng magagandang lahi ng kalalakihan sa mundo." nanghihinayang na sabi ko sa sarili habang nakatingin sa kanya. Nakita kong magsasalita na siya nang bigla kaming tinawag ng event coordinator para sa last set namin. Tiningnan niya ako ng seryoso at hindi ko alam kung ano ba talaga ang magiging reaksyon ko kapag sinabi na niya ang totoo. "Let's go," aya niya at tumango ako. "Hindi pa siguro ito ang tamang panahon para aminin niya ang lahat." Sabi ko sa sarili ko. Tinapik niya ako sa balikat bago siya tumayo saka ako inalalayan palabas papunta sa stage. Nagpa-extend pa sila ng ilang oras kaya almost five na natapos. Tuwang-tuwa ang couple at personal pang nagpasalamat sa amin. Inabutan nila kami ng sobreng may laman na pera bilang tip kaya naman ang saya ko. Nangako sa amin ang event coordinator na kaibigan ni Edu na kokontakin niya ulit kami once na mangailangan ulit siya. "Diretso ka na ba sa bar?" tanong ni Eduard habang sakay kami ng elevator. "Oo. Ikaw ba?" sagot ko. "Sabay na tayo pero pwede ba mag-dinner muna tayo," sabi niya habang hinihimas ang tiyan. "Ha? Eh mauna na ako kasi busog pa naman ako," nakangiti na sagot ko at umiling siya. Ang totoo ay gutom na rin ako pero ayaw kong bawasan ang kinita ko. Nakakahiya man pero nagpaalam ako kanina sa coordinator kung pwede ako mag-take out ng pagkain at pumayag naman siya. Ang balak ko ay kainin ko iyon mamaya pagdating ko sa bar bago ako pumasok. "Hay naku Thea, hindi ka pa rin nagbabago ang kuripot mo pa rin. Sa palagay mo ba mabubusog ka roon sa kinuha mong pagkain kanina?" natatawa na sabi niya. Bigla akong napatingin sa kanya at nakita kong pinipigilan niya ang matawa sa harap ko. Agad akong tumungo sa sobrang kahihiyan at naramdaman kong nanginit ang pisngi ko. "Althea, nakakahiya ka ang tingin tuloy niya sa 'yo isa kang PG!" inis na sabi ko sa sarili. "Common Thea, huwag ka ng mahiya sa akin okay lang 'yon ang sa akin lang ay hindi ka naman mabubusog kasi pasta at sandwich lang iyon. Kanina namang lunch hindi ka rin kumain ng marami. Sige na treat ko naman kaya huwag ka ng tumanggi. Okay?" nakangiti na sabi niya. "Okay." mabilis na sagot ko at nakita kong umiling-iling lang siya saka tumawa. Pagdating namin sa Restaurant ay hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na umorder. Dahil matagal na rin kaming magkaibigan kaya alam na niya ang gusto kong kainin kaya siya na mismo ang umorder ng pagkain para sa aming dalawa. Saglit ako pumunta sa banyo para magpalit ulit ng damit. "Thea, may raket ka ba sa Sunday? Birthday kasi ng Boss ko and I heard need nila ng extra waitress? Gusto mo ba?" tanong niya at parang bumbilya nagliwanag ang mga mata ko. "Ano ka ba Edu, kailangan pa bang tanungin iyan. Syempre naman gorabels ako para namang hindi mo ako kilala." sagot ko habang ngumunguya. "Syempre rest day mo 'yon Babe kaya tinanong muna kita. Alam mo Thea pwede naman kitang pahiramin ng pera kung kailangan mo talaga. Ayaw sana kita isama sa mga raket ko kasi alam kong pagod ka na sa work mo pero - "Subukan mo lang na hindi ako isama sa mga raket mo at isusumpa kita hanggang langit. Isusumpa ko rin ang mga susunod mong henerasyon," putol ko sa sinasabi niya at tinuro ko ang tinidor sa kanya. "Sorry naman! Nagmamalasakit lang 'yong tao gusto mo namang manakit." nakangiwi na sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay. "Tungkol nga pala doon sa highclass na raket na sinabi mo kanina?" tanong ko sa kanya pagkatapos ko uminom ng tubig. "Naimbitahan kasi kami na tumugtog sa isang charity event and we need female vocalist. Ang sabi ni Mike tanungin daw kita kung gusto mo," sagot niya. "Kung ang sabi mo kanina ay malaki ang bigayan syempre naman G na G ako. Ako pa ba ang tatanggi alam mo naman na mukha akong pera. So, kailan ang start ng practice?" excited na tanong ko. "Mukhang pera talaga? Oo, isang malaking company ang may sponsor nang event kaya for sure ay malakihan 'yon. By next week ay ibibigay na kay Mike ang list ng mga kanta. Advice na lang kita Babe kung kailan," sagot niya sabay kindat. "Mahanginan ka sana," nakangiwi na sabi ko at tumawa siya nang malakas. Pinagpatuloy namin ang pagkain at pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na kami ng Restaurant. Napatingin muna ako sa relo ko at tamang-tama lang dahil may ilang oras pa kami bago makarating sa bar. Inabot niya sa akin ang helmet at nang subukan niya na tulungan ako ay tinapik ko ang kamay niya. Hindi naman ito ang unang pagkakataon ko na sumakay sa motor niya kaya sanay na ako. Pagkababa ko ng motor niya tinanggal ko ang helmet at inabot sa kanya. Natigilan ako sa pag-aayos ng buhok ng inabot niya sa akin ang envelope. Sinenyasan niya ako na kunin pero umiling ako at tiningan ko siya ng masama. "Text-text na lang, Babe." sabi niya. "Okay, text mo na lang ako. Salamat ulit." tugon ko. "Uy bakla, 'yong sa Sunday na raket I confirm mo na ako ha," pahabol ko bago niya paandarin ang motor at tinanggal niya ang helmet. "Anong sabi mo?" naguguluhan na tanong niya at natigilan ako. "Ang sabi ko 'yong raket na sinabi mo sa sunday go na ako," pag-uulit ko at tiningnan niya ako ng maigi. "Pero parang may iba pa akong narinig sa sinabi mo?" tanong niya. Inalala ko kung ano nga ba ang sinabi ko kanina at gusto kong batukan ang sarili ko. Hindi ako nagpahalata at ngumiti ako. Hindi ko naman siya pinipilit na maglantad agad kung hindi pa siya handa. Naisip ko rin na mahirap para sa kanya iyon lalo na sa trabaho niya. Magaling na musikero si Eduard at nakikita ko na passion talaga niya ang pagtugtog. Hindi niya sinabi ang buong kwento pero nabanggit niya na mas pinili niya ang musika kaysa sa pamilya niya. Kapag nababanggit ko ang tungkol sa pamilya ko bakas sa mukha niya ang pangungulila. "Shocks! Ayaw pa ata talaga niyang maglantad," bulong ko at tinakpan ko ang mukha ko. "Oh siya gorabels na ako," sabi niya at bigla akong napatingin sa kanya. "Ingat Bessie," nakangiti na sabi ko at ngumiti lang siya saka sinuot ulit ang helmet. Habang tinatanaw ko ang motor niya papalayo ay hindi ko maiwasang mapangiti. Napakaswerte ko dahil may kaibigan akong katulad ni Eduard na laging nandiyan para sa akin. Hindi ko masabi na may pamilya ako dahil pakiramdam ko ay mag-isa na lang ako. Marami akong pinagdaanan sa buhay ko kaya natutunan ko na maging independent. Si Nikka at Eduard ang nagparamdam sa akin na may masasandalan ako at malalapitan sa oras na kailangan ko."Jay, have you already contacted the supplier from Thailand?" tanong ko pagpasok ng opisina.Kagagaling ko lang ng Europe para sa isang business trip at alam kong maraming trabaho ang naghihintay sa akin mula sa isang linggo na pagkawala ko. Higit sa lahat ayaw kong nag-aaksaya ng oras dahil para sa akin bawat minuto at segundo ay mahalaga. Gusto kong nagagawan agad ng solusyon ang lahat ng problema bago maging komplikado. Pagdating sa personal o negosyo ay masasabi ko na perfectionist ako. Hindi ako tumatanggap ng kahit ano na hindi pasok sa standard ko. Mataas ang expectation ng pamilya ko sa akin kaya naman lumaki ako na competitive and I don't settle just for the best but for the excellent. Nag-iisa akong anak kaya naman inaasahan ng lahat na ako ang magpapatuloy sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya ko. Sa lumipas na taon mula ng ako ang humawak sa negosyo namin ay napalago ko iyon at ngayon ay mas na kilala pa. Ang kumpanya namin ang isa sa mga kilalang construction company sa b
"Tita, nakuha mo na po ba 'yong pinadala ko pong pera?" tanong ko sa kabilang linya."Oo Thea nakuha ko na maraming salamat at may pambili na si Papa mo ng mga gamot niya." masayang sagot niya at nakahinga ako ng maluwag.May natanggap si Papa na pension pero hindi iyon sapat para sa kanilang lahat. Nagtitinda ng isda si Tita Liza habang si Papa naman ay nasa bahay lang nagbabantay ng maliit na tindahan. May apat pa akong kapatid na mga nag-aaral kaya kulang na kulang sa kanila. Hindi naman nila ako inobliga na magpadala pero dahil sa sitwasyon nila ay hindi ko sila matiis. "Oo nga po at 'yong matitira naman ay idagdag po ninyo sa gastusin ninyo diyan. Iyong pambayad po ng mga bata sa school sa sunod na linggo ko po ipapadala," sabi ko."Thea, maraming salamat talaga sa tulong mo. Alam mo naman konti lang ang kita sa palengke kasya lang sa pang araw-araw naming gastusin. Kumikita naman ang tindahan pero paikot lang din. Nahihiya na nga ako sa iyo dahil hindi mo naman obligasyon ang m
Pinilit kong imulat ang mga mata ko pero blurred ang paningin ko. Ilang beses na binuka at sara ko ang mga mata ko para luminaw pero nanatili na malabo pa rin epekto ng matagal na pagtakip sa mga mata ko. May mga boses akong naririnig mula pa kanina pero hindi ko masyado maintindihan ang sinasabi ng mga nila. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko dahil nakatali ang dalawang kamay ko sa likuran ng bangko. Napangiwi naman ako nang makaramdam ako nang pangangalay ng braso ko at likod. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko para alalahanin ang lahat ng mga nangyari. Masakit na ang buong katawan ko at nanghihina na ako pero kailangan ko patatagin ang sarili ko. Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagbubukas ng pinto kaya yumuko agad ako. "Hindi ba sinabi ko naman sa 'yo na hintayin muna nating makasal kami," pabulong na sabi ng isang babae."Hindi ko na kayang hintayin pa ang araw na 'yon. Ilang taon na ako nagtitiis at hindi ko na kaya na maghintay pa. Alam mo ba na sa tuwing magkasama kayo ay
"Jay, wala pa rin bang balita sa kanya?" tanong ko pagkatapos ko magbasa ng report.Nakita kong nagulat siya at tiningnan niya ako dahil hindi siguro niya inaasahan ang tanong ko. Ilang buwan na rin akong hindi nagtatanong tungkol sa bagay na iyon dahil sa sobrang busy ko sa trabaho. Kung hindi dahil sa panaginip ko kagabi ay hindi ko siya ulit maiisip. Katulad ng dati kong mga panaginip ay boses lang niya ang naririnig ko."Napanaginipan mo na naman ba siya?" tanong niya at tumango lang ako bago ko pinatong ang folder sa lamesa."May nakuha ka bang clue na pwedeng makatulong sa atin para mahanap siya?" tanong niya at huminga ako ng malalim."It was the same as before," tugon ko saka sumandal sa upuan at tumingin sa kisame."Subukan ko ulit mag-follow doon sa private investigator na kinuha natin. Ang huling balita niya sa akin ay may nakuha siyang lead sa mga nurse naka-duty that night. After noon ay hindi na ulit siya nagbigay ng update. Hindi ako sigurado kung ano ang kinalabasan ng
"Saan ang punta mo?" nagtataka na tanong ni Nikka habang inaayos ko ang bag ko. "Huwag mo sabihin na may raket ka na naman? Hindi ba usapan natin sasamahan mo ako sa Mall ngayon?" paalala niya sa akin. Natigilan ako sa ginagawa ko at napatingin ako sa kanya. Nawala sa isip ko na may usapan nga pala kami ng pinsan ko ngayon. Hindi ko agad nabanggit sa kanya kahapon dahil tulog na siya pag-uwi ko sobrang dami kasi ng tao sa Bar dahil Sabado. Hindi na ako pwedeng mag-back out kasi nag-confirm na ako kay Edu at nakakahiya naman sa kanya. Na-guilty tuloy ako dahil minsan lang kami lalabas ni Nikka pero nakalimutan ko pa. "Sorry, nakalimutan ko," malambing na tugon ko at tinaasan niya ako ng isang kilay saka nilagay ang dalawang kamay sa bewang. "Althea, huwag mo ako daanin sa mga ganyan mo dahil alam mo na hindi eepek sa akin ang pagpapa-cute mo," inis na sabi niya at yinakap ko siya sa tagiliran. "Sorry talaga nawala kasi sa isip ko. Promise, babawi ako sa iyo next week hindi ko
"Tumawag si Patrick, tinanong niya kung makakarating ka pa raw ba? Ang sabi ko nasa meeting ka pa at tatawagan mo na lang siya pagkatapos," sabi ni Jay pagabot niya ng phone ko. Katatapos lang ng meeting ko sa isang client namin at hindi ko inakala na tatagal ang meeting namin dahil akala ko ay okay na sa kanya ang lahat. Ang purpose kasi ng meeting ay para ma-finalize ang contract pero humaba ang oras dahil marami siyang tanong for clarification. Kailangan ko ipaliwanag at sagutin ang mga tanong niya dahil hindi ko pwede pabayaan na mawala ang project na ito sa kumpanya namin. Kapag nakuha namin ang project na ito ay sigurado na marami pa ang kasunod. "No need, I'll just explain to him when we get there," tugon ko habang naglalakad kami palabas ng Hotel papunta sa parking lot. Habang nasa biyahe ay binasa ko ang mga message niya at napailing lang ako saka napangiti. Pagkalipas ng ilang sandali ay papasok na kami sa subdivision kung saan naganap ang birthday celebration ni Patric
"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Eduard pagtanggal ko nang helmet."Medyo," alanganin na sagot ko at ngumitii siya."You will be fine. Just relax and do what you do best," nakangiti na sabi niya at natawa ako."Best talaga? Kahit kailan napaka-bolero mo talaga," natatawa na sabi ko at kinindatan lang niya ako.Naglakad na kami papasok sa Hotel kung saan gaganapin ang event. Nandoon na ang mga kasamahan ni Eduard kanina pa para mag-set up ng mga gamit nila. Wala pa naman mga bisita at puro mga staff pa lang ang nasa function hall na abala sa pag-aayos. Hindi ko mapigilan ang mamangha habang tinitignan ko ang makapigil hininga na mga naka-display na painting."Ang gaganda naman," mangha na sabi ko ng mapatigil ako sa paglalakad."Maganda talaga at siguradong maganda rin ang mga presyo ng mga iyan," tugon niya mula sa likuran ko at napatingin ako sa kanya."Part kasi ng event na ito ang pag-auction ng mga painting na iyan. Lahat ng mabebenta nila ay mapupunta sa isang foundation," paliwan
"Mister! Mister! Mister, naririnig mo ba ako? Kung naririnig mo ako please imulat mo ang mga mata mo," naririnig ko na sigaw ng isang babae.Pinilit kong buksan ang mga mata ko para makita kung kanino nanggaling ang tinig na iyon. Blurred ang imahe ng babae pero nakikita ko ang liwanag mula sa ilaw ng poste. Ang bigat ng pakiramdam ko at hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. "Diyos ko! Ano ang gagawin ko sa iyo ang dami ng dugo ang nawawala sa iyo. Ano ba ang nangyari sa iyo? Naririnig mo ba ako, Mister? Please, hang in there huwag kang bibitaw at lumaban ka. Aalis lang ako para humingi ng tulong. Babalik agad ako," paalam niya at pumikit ako.Inipon ko ang natitira ko pang lakas para pigilan siya. Hindi ko alam kung sino siya at kung nasaan ako pero sa oras na iyon ay natatakot ako na mag-isa. Hinigpitan ko ang kapit sa braso niya at mukhang naintindihan naman niya ang gusto ko mangyari. Narinig ko na may kausap siya pero hindi ko masyado maintindihan. "Relax ka lang nakatawag na
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm sa phone ko. Ibig sabihin ay kailangan ng uminom ng gamot ni Axel. Kahit antok na antok pa dahil sa puyat ay kinapa ko sa side table ang phone ko at pinatay ang alarm saka ako paupong bumangon. Kinuha ko ang gamot nakapatong sa side table."Nasaan kaya siya?" takang tanong ko ng makitang wala si Axel sa kama.Tumingin muna ako sa paligid bago ako tuluyang tumayo para silipin kung nasa banyo ba siya. Wala roon ang binata pero amoy na amoy ko ang magkahalong amoy ng after shave, shampoo at sabon."Mukhang okay na siya," sabi ko sa sarili.Habang palabas ng kwarto ay narinig ko na may nag-uusap. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses at nakarating ako sa kusina. Nakita ko si Axel nagluluto habang may kausap sa phone. Hindi niya namalayan ang pagdating ko dahil abala siya sa ginagawa niya. Malaya ko napagmamasdan ang kabuuan niya at napalunok ako sa nakikita ko na magandang tanawin. "Lord, kung ganito po ang sasalubong sa akin tuwing umaga ako na
Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi ko nagustuhan ang nangyari kanina dahil pinaalam ko naman sa kanya na magkikita kami ni Eduard para mag-usap. Hindi siya nag-reply pero Hindi ibig sabihin hindi na ako tutuloy. Hindi naman niya kailangan saktan si Eduard dahil nakita niya nakayakap sa akin. Sinabi ko naman sa kanya noon na sobrang close kami at parang nakakatandang kapatid ang turing ko sa kanya. Nilinaw ko sa kanya kung ano ba talaga ang relasyon namin ni Eduard kaya hindi dapat ganoon ang naging reaksyon niya kanina."Okay, siguro nga dapat siya magalit dahil naabutan niyang nakayakap sa akin si Edu pero sana naman inalam muna niya ang side ko. Pwede naman niya ako kausapin at hindi na sana umabot sa ganoon. Kung alam lang niya na gusto ko lang na linawin ang relasyon namin ni Edu kaya ako nakipagkita," sabi ko sa sarili habang nakayuko.Sinusulyapan ko siya para makita ang reaksyon niya. Obvious na galit siya dahil sa mahigpit na hawak niya sa manibela. Nakakun
Hello!" bati ko pagkarating sa restaurant kung saan kami mag-uusap ni Eduard.Nagkatinginan kaming dalawa at hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya katulad ng ginagawa ko dati. Habang papunta ako ay hindi mawala ang kaba sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ako aakto sa harap niya ngayon na alam ko na hindi lang basta kaibigan ang tingin niya sa akin. Niyakap ko siya para mabawasan ang tensyon sa pagitan namin at tinugon naman niya. Kung noon ay hindi ako nakakaramdam ng ilang sa kanya pero ngayon ay iba na. Ilang ulit ko sinabi sa sarili ko na siya pa rin ang kaibigan nakilala ko noon."Hi! Umorder na ako ng pagkain dahil alam kong gutom ka na pagdating mo," nakangiti na sabi niya at nakangiti na tumango ako.Pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung naiilang pa ba ako sa mga oras na ito at sa tingin ko naman ay ganoon pa rin kami tulad ng dati. Masaya kaming nagkwekwentuhan at nagbiruan ni Eduard katulad ng dati. Puro pa rin siya kalokohan at puro biro kaya hindi ko mapigilan ang tuma
"Kumusta, Bakla?" tanong ni Nikka habang kumakain kami ng almusal.Kahapon ay nagpaalam ako kay Axel na kakausapin ko si Carlo. Ramdam ko ang alinlangan niya na payagan ako pero ipinaliwanag ko sa kanya na kailangan ko iyon gawin dahil ayaw ko na umasa si Carlo. Ayaw ko rin kasi na magkaroon pa kami ng misunderstanding sa susunod. "Okay naman dahil nakahinga na ako ngayon ng maluwag. Syempre tinanong niya kung ano ang dahilan at kung ano ang pwede niya gawin. Tinanggap naman niya ang mga sinabi ko na hanggang kaibigan lang ang pwede ko maibigay sa kanya. " nakangiti na tugon ko."Kumusta naman ang boyfriend mo na ubod ng seloso?" tanong niya at natawa ako.Naikwento ko kasi sa kanya ang reaksyon ni Axel nang makita niya ako kasama si Carlo sa hallway. Pagbalik ko kasi sa table ko ay nakita ko ang message niya at pinapababa niya ako sa basement kung saan siya maghihintay. Sakto naman na lunch break kaya pinuntahan ko siya. Nagulat ako dahil pagsakay ko sa sasakyan ay siya ang nakita k
"Okay ka lang ba Axel?" tanong ni Jay ng mapansin niya na nagbago ang mood ko. Hindi mawala sa isip ko ang imahe ni Althea habang kasama ang lalaking iyon. Pinigilan ko ang sarili ko na lapitan sila at pilipitin ang leeg ng lalaking kasama niya. Kinontrol ko ang sarili ko dahil ayaw ko na malagay si Althea sa hindi magandang sitwasyon. Hindi ako pwedeng magalit sa kanya dahil pumayag ako na ilihim ang relasyon namin pero deep inside ay para akong bulkang na malapit na sumabog. "Ano ang schedule ko ngayong araw?" tanong ko at agad siya tumingin sa hawak niya na tablet."Nevermind. Cancel them all," sabi ko at hindi makapaniwala nakatingin siya sa akin.Tiningnan ko siya para sabihin na seryoso ako sa sinabi ko. I never cancel my appointment ever but this time I know I can't work in this state I'm in. Ayaw ko magsayang ng oras ko at sayangin ang oras ng iba kung alam ko na hindi rin naman ako makapag-concentrate."Okay, Sir!" tugoj niya at lumabas na siya ng opisina ko.Umupo na ako a
Nagpaalam na ako sa dalawa na mauuna ng umuwi dahil biglang sumakit ang ulo ko. Gulong-gulo ang isip ko sa mga nangyari kanina. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Eduard. Hindi naman mawala sa isip ko ang pamilyar na boses ng lalaking nakasalubong ko kanina. Noong una ay ayaw pumayag ni Nikka dahil nag-aalala siya pero sinabi ko na kailangan ko lang itulog at magiging okay din ako. Hindi na ako tumutol ng hinatid ako ni Nikka sa labas ng Restaurant para maghintay ng taxi. Lumipas ang ilang minuto at sinabi ko sa kanya na bumalik na sa loob at kaya ko na."Going somewhere?" tanong ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko habang nag-aantay ako ng taxi."Axel!" gulat na bigkas ko ng makita ko siya paglingon ko. Nagulat ako dahil inaasahan ko ay pinaglalaruan na naman ako ng guni-guni ko. Saglit ako pumikit para lang makasigurado at pagmulat ko ay siya pa rin ang nakikita ko. Sa pagkakataon na ito ay hindi na imagination o guni-guni ko lang ang lalaking nasa harap k
"Nasaan ka na ba?" inip na tanong ni Nikka pagsagot ko sa tawag niya."Malapit na po ako Mahal na Reyna. Pasensya na po kung na late po ako kasi naman po late mo na rin ako ininform Bruha ka!" sagot ko at tumawa siya nang malakas.Kalalabas ko lang mula sa trabaho ng nakatanggap ako ng message mula sa kanya. Nakalagay doon ang buong address ng isang Restaurant at pinapapunta niya ako. Manlilibre kasi siya dahil malaki ang naging commission niya sa pinapabentang lupa sa kanya. Ilang sandali lang ay tumigil na ang taxi na sinakyan ko. "Edu?" nagtataka na tanong ko ng makita ko siya at lumingon siya sa direksyon ko.Medyo nagulat ako na makita siya dahil expected ko ay tatlo lang kami si Nikka, ang boyfriend niya at ako. Nararamdaman ko na may pinaplano ang pinsan ko kaya nandoon si Eduard. Hindi kasi naniniwala na bakla si Eduard at sinasabi niya na mali ang hinala ko. Sa tingin din niya ay may gusto si Eduard sa akin na sa tingin ko ay imposible. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang pa
Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Althea sa hindi inaasahang pagkakataon. May mga scenario na akong na imagine kung paano kami magkikita ng dalaga pero hindi sa lugar na ito. Kakabalik ko lang galing sa isang conference abroad at inimbitahan ako ni Patrick na uminom. Noong una ay tumanggi pa ako dahil may gusto sana akong gawin pero dahil sa pangungulit niya ay napilitan na rin akong sumama. Naisip ko rin na hindi magandang timing kung pupuntahan ko si Althea sa bahay nila ng alanganin na oras. Sa isang KTV Bar ako dinala ni Patrick dahil ang may-ari noon ay ang bagong prospect niya."God! How I missed her," sabi ko sa sarili pag-upo sa table namin.Hindi ko alam kung bakit umiwas ako nang makita ko siya Althea kanina. Nagulat ako nang makita ko siya na lumabas ng VIP Room at ng makita ko siya na pumikit ay agad akong umalis. Sa palagay ko ay hindi pa talaga ako handa na makita at makausap siya. May part kasi sa sarili ko ang nakaramdam ng takot na baka hindi niya ako harapin.
"Sige na Althea sumama ka na sa amin minsan lang magyaya si Queen Sebastian kaya samantalahin na natin. May bagong jowa kasi ang Lola mo kaya good mood. Sige na huwag ka naman KJ diyan at saka ngayon ka lang namin makakasama sa mga ganitong ganap," pangungumbinsi ni Chino at napangiti ako.Mula pagpasok ko hanggang sa break namin kinukulit niya ako. Wala ako balak na sumama pero ngayon naisip ko na wala rin naman akong gagawin sa bahay pag-uwi ko. Sa bahay ng boyfriend ni Nikka siya matutulog kaya solo lang ako sa bahay. Nagmumukmok lang naman ako sa bahay at maghihintay."Oh sige na nga Bakla, sasama na ako," natatawa na sabi ko at nagtatalon siya sa tuwa."Mabuti naman at hindi nasayang ang laway ko sa iyo," sabi niya at napailing lang ako habang nakangiti.Bumalik na siya sa table niya at ipinagpatuloy na namin ang mga ginagawa namin. Nagkasundo ang lahat na sa isang KTV kami pupunta. Buong akala ko ay kami-kami lang sa department namin pero meron din pala na galing sa ibang depart