Inisip ni Elliot na nagbanyo si Avery at pagkatapos, pumunta sa kwarto. Nung narealize niya na umakyat ito, tumigil ito sa pag-inom.Bigla niyang naisip. Tumakas ba si…. Avery?!Napapalibutan ang billa ng gubat na halos nasa sandaang kilometro ang radius.Paano siya makakaalis sa gubat kung sobrang hina?Napayukom siya ng kamao, tumalikod, at naghanada na bumaba.“Mr. Foster! Ichecheck ko kaagad ang cctv! Titingnan ko kung umalis talaga siya!” Pagkarealize ng bodyguard na nawawala si Avery, kaagad niyang sinabi, “Masyado ng malalim ang gabi, at wala ding street lights. Paniguradong hindi siya makalayo!”“Mga tanga! Hindi niyo mabantayan ang isang babae!” Galit na sabi ni Elliot!“Sorry! Maghahanap na ako ng tao para hanapin siya! Pinapangako ko na ibabalik ko siya pagdating ng madaling araw!” Natatakot na pangako ng bodyguard sa mukha niya.Kaagad nawala ang tama niya! Sobrang linaw ng pag-iisip niya nung sandaling yun. May malakas din siyang hinala na may mangyayaring masama!
Ang tanging meron lang ay ang walang katapusan at malawak na gubat. Maraming mabagsik na hayop dito. Kahit na sa umaga, may chance na baka maatake ka ng mga ito, pero sa gabi, sigurado ito.Sa ilalim ng proteksyon ng mga bodyguards, pumasok si Elliot sa nakakatakot na gubat.May hawak itong torch sa kamay. Naliwanagan niyo ang madilim na gubat na puno ng mga baging at sanga. Bigla siyang naging desperado!Ang lakas ng loob niya?! Paano siya nagkalakas ng loob na pumasok sa gubat? Iniisip niya ba na makakalis siya dito ng buhay?Kung alam niya na papunta ito sa kamatayan, bakit hindi siya bumalik? Kahit na nakatakas siya sa mansyon, pwede pa rin naman siyang bumalik? Hindi naman siya magagalit dito.“Avery!” Napalunok siya at sinigaw ang pangalan nito ng may nanginginig na boses!Pagkatapos niya sumigaw, sumigaw din ang mga bodyguards, “Miss Tate! Pumunta kami para sayo! Kapag naririnig mo kami, sumagot ka!”Ang tanging sagot lang na narinig nila ay mga ungol ng mga hayop, ang ma
Basang basa sila pagkadating nila sa mansyon. Alas tres na ng umaga.Ang ilang mga kaibigan ni Elliot ay nag-iinuman pa rin sa main hall. Hinihintay nila si Elliot na makabalik. Pagkakita nila na nakabalik na ito, buhat si Avery, napatayo sila lahat sa sofa. Kailangan ay may sabihin sila apra mabawasan ang awkwardness, pero ni isa ay walang nagsalita.Si Elliot ay nakasuot lang ng manipis na t-shirt. Basang basa ito mula sa ulan, kaya nakahapit ang suot nito ng maigi sa katawan niya. Natulo din ang tubig mula sa buhok nito.Ang malalim na amber eyes nito ay puno ng lungkot at kadiliman.Ang babae na buhat niya ay nakabalot sa jacket. Ang maputla at walang buhay nitong mukha ay nakikita. Nakapikit ito, at mukhang di na magbubukas ulit.Ang sandaling yun ay sobrang lungkot at tragic!Dinala ni Elliot si Avery sa taas at nawala sa paningin ng lahat.…Pagkatapos lumabas ng autopsy report ni Rosalie, pinadala kaagad ito ni Henry kay Elliot.Hindi namatay si Rosalie sa kahit anong
Pero, nung nakita ni Chad ang message ni Mike, napatigil siya.Kalimutan na natin ito! Wala siyang pake tungkol dito! Magkukunwari nalang siya na walang alam. Sa sandaling ito, si Elliot ang unang nanggulo.Paanong dinakip niya si Avery at hindi man lang kinontak ang pamilya nito?Kung siya si Mike, magagalit din siya.Dumaan ang oras, at halos alas onse na ng umaga. Hindi nanggulo si Hayden. Ni hindi siya nakita ni Chad.Hindi niya alam kung ano ang plano ni Hayden. Kung anuman ang plano niya, baka inabandona na niya ito.Pagkatapos ng libing, bumalik na ang mga bisita sa hotel para magtanghalian.Lumapit si Chad kay Elliot.“Mr. Foster.”Napatigil si Elliot at cold na tumingin sa kanya.Awkward na sinabi ni Chad, “Condolence.”Narinig siya ni Elliot at pumunta sa parking lot. Kaagad siyang hinabol ni Chad at naglakas loob na magtanong, “Mr. Foster, kasama niyo po ba si Miss Tate? Nag-aalalala ang mga anak niya sa kaligtasan niya—”Napalunok si Elliot at sinabi, “Hindi pa
“Miss Tate, gising ka na sa wakas!” May bigla siyang narinig na boses ng lalaki.Tumingin si Avery sa pinagmumulan nito. Ito ang bodyguard ni Elliot.“Miss Tate, naaalala mo pa ba ang nangyari kagabi?” Nakatayo ang bodyguards sa gilid ng kama at sinabi, “Kagabi, kinarga ka ni Mr. Foster pabalik kahit na sobrang lakas ng ulan! Nawalan pa siya ng sapatos! Kaya nakapaa ka niyang kinarga pabalik!”Walang masabi si Avery.“Kahit na sobrang injured ng leg mo, ang paa naman ni Mr. Foster ay may sobrang lalim na hiwa din…” Tumingin ang bodyguard sa kanya. “Naulanan ka kagabi kaya ka nilagnat at pati na rin si Mr. Foster. Pagkatapos ka niya dalhin pabalik, inasikaso niya ang injury niya sa paa, uminom ng gamot, at umalis para dumalo ng libing ni Madame Rosalie ng hindi nagpapahinga.”Walang emosyon na nakatingin sa kanya ang bodyguard. Iniisip nito, na baka, naging mangmang si Avery sahil sa lagnat.“Miss Tate, ikaw ang pinakabaliw at pinakamatapang na babaeng nakilala ko.” May paghangang
Nanggigil si Elliot at cold na tumingin sa kanya. Inilapag niya ang bowl ng oatmeal at tinulungan siya umangat. Pagkatapos, inayos niya ang dalawang unan sa likod nito para makasandal ito.Nilagay niya ang bowl sa mga kamay nito.Tinanggap ni Avery ang oatmeal, pero hindi niya maiangat ang kutsara, ang kaliwang kamay niya na nakahawak sa bowl ay biglang nawalan ng lakas. Ang mga kamay niya ay nanginig kaya nalaglag ang bowl sa bedsheet.Natapon ang lahat.Gulat na napatingin si Avery sa natapong oatmeal.Nasaktan naman si Elliot sa nakita niya. Hindi ito sinadya ni Avery. Gusto lang nito kumain mag-isa, pero wala siya ni kahit katiting na lakas para hawakan ang bowl.Bago pa tumulo ang mga luha Avery, inalis na ni Elliot ang maduming bedsheet.“Avery, gagaling ka. Huwag kang umiyak!” Gusto niyang icomfort ito, pero nagtunog ito na pinapangaralan niya ito.Huminga siya ng malalim, gusto niya mag-explain, pero humiga na si Avery at tumalikod sa kanya.Ayaw ni Elliot na marinig
Pagkakita ni Elliot kay Hayden, kaagad niyang naisip na baka namali lang siya ng pasok.Bakit nandito si Hayden? Paano siya nakarating dito?Narealize ni Elliot na lagi siyang nasosorpresa ng bata na ito.Syempre, sa ganitong lagay, hindi masaya ang sorpresang ito.“Bakit injured si Mommy?” Nakatayo si Hayden sa gilid ng kama, cold ang mga mata nito habang tinatanong ang daddy niya.Nakita ni Hayden na nakabalot ng bandages ang noo ni Avery. Siguro ay nainjure ito kaya ito nakabandaged.Tsaka, nung tinawag niya ito, hindi nagreact si Avery. Ang suspetsa niya ay baka hindi ito natutulog, pero, sa halip ay nawalan ng malay.Pero, wala siyang ibang choice kung hindi maghintay ng mga sagot. Hindi niya ito kayang buhatin paalis, o pagalingin ito.Hindi pinansin ni Elliot ang tanong ni Hayden. Tumingin siya sa maliit na bat, “Paano ka nakapunta dito? SIno ang kasama mo?” “Mag-isa lang ako!” Hindi natatakot si Hayden. Mas lalong lumaki ang galit niya “Sinaktan mo ang Mommy ko! Kaila
Si Elliot ang taong nagbubuhat kay Hayden.Si Elliot ay sinasakal si Hayden!Nananaginip pa rin ata si Avery! Dahil kung hindi, bakit nandito si Hayden? Hindi ito ang unang beses na binangungot siya.Limang taon ang nakakalipas, sinabi ni Elliot na sasakalin niya ang kahit sinong anak ni Avery na ipapanganak niya, kaya simula nun, laging binabangungot si Avery tungkol dito.Nanaginip din siya kung paano tinorture ni Elliot ang mga anak niya gamit ang iba’t ibang paraan hanggang sa mamatay ang mga ito.Katulad ito ng nakikita niya ngayon. Ilang beses na niya itong napanaginipan!Ang tanging pagkakaiba lang ay ang eksenang nakikita niya sa harap niya ngayon ay sobrang totoo.Si Hayden ay nagpupumiglas hanggang sa makakaya niya kaya nalaglag ang bag niya at tumunog ito ng malakas!Napakurap si Avery. Biglang naactivate ang switch sa katawan niya. Kumukulo ang dugo niya!Hindi ito panaginip! Hindi ito panaginip!“Elliot! Bitawan mo siya!” sigaw niya. Nanginginig siya at gustong t