Ang pulang button na ito ay alarm button. Nakakonekta ito kay Mike. Kapag pinindot ni Hayden ang button, masesend kay Mike ang lokasyon niya. Tatawag din si Mike ng pulis kapag pinindot niya ito.Kung hindi lang napwersa si Hayden na gumawa ng paraan, hindi niya kakalabanin si Elliot! Si Elliot ang gumawa ng dahilan para gawin ito.“Hayden…” Nung nasa kama na si Avery, nag-aalala niyang tinawag ito.Kaagad na lumapit si Hayden sa kama at hinawakan ang kamay nito. “Mommy, huwag kang matakot, nandito ako.”Nag-aalalang sinabi ni Avery sa kanya, “Hayden, hindi ako makagalawa ngayon. Babalik ako kapag magaling na ako. Kapag dumating si Elliot mamaya, sasabihan ko siya na kumuha ng driver para ihatid ka pauwi. Kailangan mo magpakabait at makinig—”Napasimangot si Hayden. “Mommy, huwag ka sa kanya humingi ng tulong! Gusto kong umuwi kasama ka! Pinangako ko kay Layla na iuuwi kita!”“Hindi ako makagalaw ngayon—”“Tumawag na ako ng pulis. Iuuwi nila tayo.”Nagsalubong ang kilay ni Aver
Ang nangyari nung araw na yun ay isang masakit na leksyon! Hindi kaya ni Avery na hayaan ang anak niya na kalabanin si Elliot ulit.“Pero hindi ka masasaktan ng walang rason. Siya ang may pakana nito…” hula ni Hayden.“Sobrang gusto ko kayong makita ni Layla kagabi, kaya umalis ako mag-isa. Pero, may nakasalubong akong lobo,” pagpapaliwanag ni Avery. “Sabihan mo sila Uncle Mike at Layla na ayos lang ako. Ayokong mag-alala sila sakin, okay?”Tumango si Hayden, di pa rin ito kumbinsido.“Mommy, hindi ka ba talaga sasama sakin pabalik? Pwede tayong iuwi ng pulis.”“Sobrang sakit ng legs ko. Uuwi ako kapag mas magaling na ito.”“Oh, Mommy, huwag kang tumakbo kung saan-saan. Kapag mapanganib sa labas, manatili ka sa loob. Hahanap kami ng paraan para iligtas ka.”Tumango si Avery. “Hayden, sobrang saya ko na hinanap mo ako, pero, kapag may ganitong sitwasyon ulit sa hinaharap, ay wag ka ng pumunta. Ang liit liit mo pa. Kapag may nangyari sayo, sobrang malulungkot ako!”Matigas ang ul
Ang tanging rason lang kung bait tinanong ni Avery si Eliot ay dahil mukha itong nakakatakot nung sinasakal niya si Hayden!Natakot si Avery habang iniisip ito.Hindi niya tinanong si Elliot kung bakit niya ginawa ito dahil kahit anong pang-iinis ang ginawa sa kanya ni Hayden, ay dapat hindi ito nang-aatake ng isang bata!Sinong papatol sa isang limang taong gulang?Tumingin si Elliot kay Avery pagkatanong nito.“Hindi lang yan,” sabi nito ng may mababang boses. “Rape, murder, kidnap, pagnanakaw, nagawa ko yan lahat.”Walang masabi si Avery. Mukha at tunog seryoso ito. Nagulat siya na halos di niya alam ang sasabihin.“Avery, huwag kang magkunwari na may pake ka sakin. Wala kang pake sa mga nagawa ko dati.” Tinaktak niya ang sigarilyo sa ashtray. “Ang tanging pinapahalagahan mo lang ay ang dalawa mong anak. Binalaan ko na ang anak mo. Kaya huwag mo akong gagalitin,” sabi niya.“Hindi niya ito ulit gagawin!” Sabi ni Avery. Ang boses niya ay matinis, pinapakita nito kung gaano si
“Basta magpagaling ka. Kapag hindi ka niya pinakawalan pagkatapos ng isang linggo, tatawagan ko ulit ang pulis,” sabi ni Mike. “Alam ko na ang nangyari.”Tanong ni Avery, “Paano mo nalaman?”“Sinabi ni Chad sakin ang tungkol dito. Hindi siya naniniwala na masamang tao ang boss niya, kaya siya mismo ang nag-imbestiga.”Bitter na ngumiti si Avery.Tanong ni Mike, “Ito ba ay dahil nalaman ng nanay niya ang tungkol sa mga identity ng mga anak niya?”“Hmm.”Ipinagpatuloy niya,, “Alam ko na mangyayari ito. Hindi mo ito sasabihin sa kanya, kaya nawala siya sa sarili.”“Hmm.”“Loka ka talaga! Kung ako sayo, hindi ko hahayaan na kainin ako ng lungkot! So ano naman kung sasabihin mo sa kanya? Kaya ba niya talagang patayin sila Layla at Hayden? Hindi ako naniniwala dito! Sa tingin ko ay hindi siya magiging ganun kasama para patayin ang mga anak niya! Wala namang utang na loob sa kanya ang dalawang bata!”Sabi ni Avery, “Kaya ko naman ang kasalukuyang sitwasyon, at ayokong isaalang-alang
Kaagad niyang binuksan ang ilaw at napuno ng liwanag ang kwarto.Nabulag ito sa biglang pagbukas ng ilaw. Dahil bigla itong nairita, malakas nitong sinara ang pinto.Takot na nakatingin sa kanya si Avery.Namumula ang mga mata nito dahil sa alak. Pagkatapos isara ang pinto, ang mahahaba at payat nitong daliri ay nagmamadaling tinanggal ang butones ng shirt niya.Kaagad naman narealize ni Avery ang balak nito gawin. Sa sobrang takot niya, hindi siya makahinga.“Elliot! Mali ka ng pinasok na kwarto!” Sinusubukan niya ibalik ito sa ulirat. “Kwarto ko to!”Nakatingin lang ito sa kanya habang papalapit sa kama. Habang naglalakad siya, tinanggal niya ang shirt niya at inihagis sa sahig.“Hindi ako lasing.” Gumapang siya sa kama at hinila ang injured niyang leg. “Huwag mong galawin ang leg na ito.”Hindi makapagsalita si Avery. Mukhang totoo naman ang sinabi nito. Mukha siyang hindi lasing. Alam naman nito na injured siya; kaya bakit kailangan siyang itorture nito?!Dumampi ang mga m
May kinuha si Avery sa ilalim ng unan niya at may nakuha itong kutsilyo!Binigay ni Nick sa kanya ang kutsilong ito nung tatakas sana siya. Gagamitin niya ito para protektahan ang sarili.Nung niligtas siya ni Elliot, ang kutsilyo ay nasa mga kamay niya. Nung una, gusto kunin ni Elliot ang kutsilyo; dahil natatakot ito na baka magpakamatay siya gamit ito. Pero, pinilit ni Avery na ibigay ito sa kanya.Nung nakuha na niya ito, inilagay niya ito sa ilalim ng unan niya. Sinagip na siya nito dati, at mahalaga ito sa kanya, kaya tinago niya ito.Pero, kailanman ay hindi niya naisip na papahiyain siya ng ganito nito! Sinira nito ang dignidad niya at napuno na siya! Nung mga sandaling yun, ang tanging gusto niya lang ay patayin ito at ang sarili niya.Papatayin niya siya, at pagkatapos, papatayin niya ang sarili niya!Siya ay isang doktor. Alam niya kung saan sasaksak para mabilis itong mamatay!Kinuha ni Avery ang kutsilyo at nagsimulang mamili ng ugat. Tinitigan niya ang mukha nito n
Dahil sa mga sigaw ni Avery, pumasok ang mga bodyguards na nakatayo sa labas!Bumukas ang ilaw pagkapasok nila.Nagulat ang bodyguard sa nasaksihan niya.“Doktor! Bilisan niyo tumawag kayo ng doktor!” Sumigaw ang bodyguard sa likod niya bago siya tumakbo sa kama.Umiyak si Avery, “Tanggalin niyo ang kamay niya! Bilisan niyo tanggalin niyo!”Inisip ng bodyguard na si Avery ang sumubok na patayin si Elliot, pero, kinailangan niya ng lakas para alisin ang kamay ni Elliot sa kutsilyo.Malinaw na si Elliot ang may hawak sa kutsilyo at sinusubukan patayin ang sarili niya.Sa ibang salita, nagpapakamatay si Elliot.Pagkatanggal ng bodyguard sa kamay ni Elliot, kaagad na tumayo si Avery.Nagmamadaling pumasok ang doktor dala ang suitcase niya.Kaagad din ninakaw ni Avery ang suitcase niya at pumunta sa kama para pigilan ang pagdurugo ni Elliot!Nagulat ang doktor!“Paano nakatakbo si Avery ng ganun kabilis? Gumaling na ba ang legs niya?” Iniisip nito,“Kinuha niya ang medical suit
Natatarantang kinuha ng bodyguard at ng doktor si Elliot.Habang si Avery ay naiwan na nakapo sa kama. Nakayakap siya sakanyang tuhod at walang tigil sa paghagulgol. Habang lumilipas ang mga minuto, mas nagiging malinaw sakanya ang nagawa niya at wala siyang ibang maramdaman kundi pagsisisi… matinding pagsisisi…Narinig niya ang pagdating ng helicopter sa rooftop na hindi nagtagal ay umalis din kaaagad. May narinig siyang mga yabag ng paa mula sa labas pero hindi man lang siya tumingin… Wala na siyang pakielam kahit sino pa ang pumasok.Lumapit ang lalaki kay Avery at kinumutan ito. Pagkatapos, kinuha nito ang kutsilyo na balot ng dugo.“Miss Tate, binigay ko sayo ang kutsilyo na ‘to para protektahan ang sarili mo, hindi para pumatay ng tao,” Huminga ng malalim si Nick at nagpatuloy, “Kailangan ko ng bawiin ‘to sayo.”“Sinubukan ko siyang patayin, pero hindi ko kaya!” Humagulgol na sabi ni Avery.“Pero sinagad mo siya,” Kalmadong sagot ni Nick. “Walang pinagkaiba yun sa pagsa