Natatarantang kinuha ng bodyguard at ng doktor si Elliot.Habang si Avery ay naiwan na nakapo sa kama. Nakayakap siya sakanyang tuhod at walang tigil sa paghagulgol. Habang lumilipas ang mga minuto, mas nagiging malinaw sakanya ang nagawa niya at wala siyang ibang maramdaman kundi pagsisisi… matinding pagsisisi…Narinig niya ang pagdating ng helicopter sa rooftop na hindi nagtagal ay umalis din kaaagad. May narinig siyang mga yabag ng paa mula sa labas pero hindi man lang siya tumingin… Wala na siyang pakielam kahit sino pa ang pumasok.Lumapit ang lalaki kay Avery at kinumutan ito. Pagkatapos, kinuha nito ang kutsilyo na balot ng dugo.“Miss Tate, binigay ko sayo ang kutsilyo na ‘to para protektahan ang sarili mo, hindi para pumatay ng tao,” Huminga ng malalim si Nick at nagpatuloy, “Kailangan ko ng bawiin ‘to sayo.”“Sinubukan ko siyang patayin, pero hindi ko kaya!” Humagulgol na sabi ni Avery.“Pero sinagad mo siya,” Kalmadong sagot ni Nick. “Walang pinagkaiba yun sa pagsa
Hindi makahinga si Avery nang makita ang article. “Patay na siya?“Paano nangyaring namatay siya ng ganun ganun nalang?“Napahinto ko kaagad ang bleeding niya at nadala naman siya kaagad ng helicopter sa ospital. Paanong hindi nila siya nailigtas?“Hindi kaya noong nasa helicopter siya ay tinanggal niya ang bandage niya? O baka naman hindi niya pinayagan ang doktor na irevive siya?”Kung ano-anong pumasok sa isip ni Avery at hindi siya maawat ang kanyang mga luha sa pag agos. Pero ano pa mang nangyari, patay na si Elliot! Patay na siya!Kayang iligtas ng mga doktor ang naghihingalo pero hindi naman kaya ng mga ito na bumuhay ng patay!Kagabi, gustong gusto niya itong patayin dahil yun lang ang alam niyang paraan para makatakas mula rito, pero bakit sobrang nasasaktan siya ngayong nabalitaan niyang patay na ito?…Sa internet, kanya-kanyang post ang lahat tungkol sa pagkamatay ni Elliot.[Tribute para kay Elliot Foster: A Legend Has Fallen!][Sterling Group: Ano nalang ang
Uminom si Mike ng tubig. “Ano nanamang nangyari sa boss mo? Pwede bang itigil mo na ang paghahanap sa akin kay Avery sa tuwing may nangyayari sakan—”“Patay na siya.” Hindi mapakaling sagot ni Chad.Dahil dito, biglang nabulunan si Mike. “Pinaprank mo ba ako? Anong sabi mo? Patay na siya? Paano?”“Hindi ko rin alam. Wala akong alam pero yun ang kumakalat ngayon sa internet.”Hindi nakasagot si Mike. Nang makita niyang mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Chad, nakumpirma niyang hindi talaga ito nag bibiro. Nagmamadali niyang inilapag ang hawak niyang baso at naglakad papunta sakanyang kwarto para kunin ang phone niya.“Wag kang mag alala. Makikibalita ako kay Avery. Nag usap palang kami kahapon. Ang sabi niya hindi na raw masyadong masakit ang sugat niya kaya baka makauwi na rin siya sa mga susunod na araw. Wala naman siyang nabanggit tungkol sa nangyari kay Elliot—”“Ngayong umaga lang daw nangyari.” Sinundan ni Chad si Mike. “Sinubukan naming tawagan siya at ang mga bodyguard na kas
Pagkarating ni Mike sa kung nasaan si Avery, nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan at naglakad papunta sa pintuan pero pinigilan siya ng mga guard. “Nandito ako para sunduin si Avery! Patay na ang boss niyo kaya siguro ang mas maganda niyong gawin ngayon ay isipin kung masasahuran pa kayo!” Gulat na gulat ang mga guard.Inalalayan ng katulong si Avery na bumaba ng hagdanan. Desidido siyang umalis. Patay na si Elliot atr wala siyang ibang gustong gawin ngayon kundi makita ito sa pinaka huling pagkakataon.Nang makita ni Mike si Avery, tinulak niya ang guard na nakaharang at tumakbo papalapit dito. “Avery! Uuwi na tayo!” Hinila ni Mike si Avery.Inanalayan niya ito hanggang sa makasakay ito ng sasakyan. Tinignan niya ang binti nito pero dahil nakasuot ito ng pajama, hindi niya makita ang sugat nito. “Akala ko ba magaling na? Bakit paika-ika ka pa rin maglakad?” Tinignan ni Mike ng masama si Avery at inistart ang sasakyan. “Kailangan nating dumiretso sa ospital.”Nakakapit a
Kung patay na nga ang tatay nila, bakit naman nila kailangan itong bisitahin sa sementeryo?“Bisitahin mo siya kung gusto mo. Hindi ako sasama.” Pagkatapos magsalita, naglakad si Hayden pabalik sa classroom nila nang hindi manlang hinihintay na makasagot si Layla. “Hayden… Namimiss ko na si Mommy. Kailan ba siya uuwi?” Umiiyak na sabi ni Layla habang humabahol kay Hayden. Hinawakan niya ang kamay nito. “Pauwi na siya.” Pakiramdam ni Hayden.Ngayong patay na si Elliot, wala ng kailangang problemahin ang mommy nila. …Dumiretso si Mike sa Elizabeth Hospital para dalhin si Avery kay Wesley. Nang makita ni Avery si Wesley, walang pagdadalawang isip niyang tinanong, “Saang ospital siya dinala?”“Sa General Hospital. Ang huling balita na nakuha ko ay nirerevive pa raw siya. Wag ka na masyadong mag alala.” Sagot ni Wesley.Inalalayan ni Wesley na humiga si Avery. Makalipas ang ilang sandali, doon lang nag sink in sakanya ang sinabi ni Wesley. “Wesley, sinabi mo ba na hindi pa s
Nakita ng estate attorney kung gaano ka confident si Ben. “Noong namatay ang mommy niya, may mga pinapalitan siya sa akin.”“Oh?” Gulat na sagot ni Ben.Hindi ako interesadong makipag dinner o inuman sayo. Balitaan mo nalang ako kapag may update na sa kundisyon ni Mr. Foster.”“Okay. Ihahatid nalang kita sa labas.”Pagkatapos ihatid ang estate attorney, tinignan ni Ben ang oras. Hindi niya na namalayan na alas siete na pala ng gabi. Matapos magising mula sa mahimbing na pagtulog, pakiramdam ni Avery ay panaginip pa rin ang lahat.“Avery, umuwi na tayo!” Nang makita ni Mike na nagising na si Avery, ibinalita kagad nito ang update tungkol kay Elliot. “Kagagaling ko lang sa General Hospital. Hindi pa patay si Elliot at nailipat na siya sa ICU. Masyado lang nagbida-bida ang media. Hindi pa patay yung tao pero yan sila kung anu-anong tsismis na ang pinakalat!” Tinulungan ni Mike na bumangon si Avery, na agad nahimasmasan nang marinig ang magandang balita. “Anong oras na?” Inala
Nakatayo si Ben sa tabi ng kama niya habang kinakausap siya pero parang walang naririnig si Elliot. Nakatulala lang siya. Sinadya yung sabihin ni Ben para magising si Elliot sa katotohanan dahil bukod kay Shea, wala naman siyang maisip na hindi nito kayang iwanan. Siyempre, kung natuluyang namatay si Elliot, mayroon at mayroon namang mag aalaga kay Shea. Hindi nagtagal, dumating ang doktor na tinawag ni Zoe. Inexamine nito si Elliot at sinabi, “Mr. Foster, sobrang hina pa ng katawan mo kaya kailangan mo pang maconfine dito ng ilang araw para maka recover ka. Kapag may naramdaman kang masakit, wag kang mahihiyang magsabi sa akin.”Pumikit si Elliot. Hinila ni Ben ang doktor sa labas para kausapin ito. “Ligtas na siya, diba?” Tanong ni Ben. “Kung makikisama siya at susundin niya ang lahat ng mga sasabihin ko, sa tingin ko oo ligtas na siya. Pero kung nasa sakanya mismo na ayaw niya ng mabuhay, masasabi kong nagdedelikado pa rin tayo.” Sagot ng doktor. “Gagawa ako ng paraa
Natatakot si Tammy na baka iba ang maging pagkakaintindi ni Avery kaya nagmamadali niyang dinadagdagan, “Avery, kung ayaw mo niyang umattend, hayaan mo siya pero kailangan mong umattend! Ikaw ang best friend ko kaya hindi matutuloy ang kasal ko kapag hindi ka umattend!”“Aattend ako sa kasal mo.” Sagot ni Avery. Nakahinga ng maluwag si Tammy. “Yehey! Balita ko may sugat ka daw sa binti mo? Kamusta? Ang tagal na kitang gustong tawagan pero noong nabalitaan ko yung nangyari kay Elliot, naisip ko na baka wala ka sa mood makipag usap kaya hindi kita kinontak.”“Okay na ang binti ko.”“Magandang balita yan! Gusto mong mag shopping bukas?”“Hindi pa ako ganun kagaling.” Tinignan ni Avery ang sugat niya sa binti. Hindi na ito nakabandage pero nag iwan ito ng malaking peklat.Mabuti nalang at mahilig siyang magsuot noon ng mga mahahabang palda kaya naittatago niya pa rin ito kahit papaano.“Bibisitahin nalang kita bukas. Wag kang mag alala. Hindi ako magtatanong ng kahit anong tungkol