Uminom si Mike ng tubig. “Ano nanamang nangyari sa boss mo? Pwede bang itigil mo na ang paghahanap sa akin kay Avery sa tuwing may nangyayari sakan—”“Patay na siya.” Hindi mapakaling sagot ni Chad.Dahil dito, biglang nabulunan si Mike. “Pinaprank mo ba ako? Anong sabi mo? Patay na siya? Paano?”“Hindi ko rin alam. Wala akong alam pero yun ang kumakalat ngayon sa internet.”Hindi nakasagot si Mike. Nang makita niyang mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Chad, nakumpirma niyang hindi talaga ito nag bibiro. Nagmamadali niyang inilapag ang hawak niyang baso at naglakad papunta sakanyang kwarto para kunin ang phone niya.“Wag kang mag alala. Makikibalita ako kay Avery. Nag usap palang kami kahapon. Ang sabi niya hindi na raw masyadong masakit ang sugat niya kaya baka makauwi na rin siya sa mga susunod na araw. Wala naman siyang nabanggit tungkol sa nangyari kay Elliot—”“Ngayong umaga lang daw nangyari.” Sinundan ni Chad si Mike. “Sinubukan naming tawagan siya at ang mga bodyguard na kas
Pagkarating ni Mike sa kung nasaan si Avery, nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan at naglakad papunta sa pintuan pero pinigilan siya ng mga guard. “Nandito ako para sunduin si Avery! Patay na ang boss niyo kaya siguro ang mas maganda niyong gawin ngayon ay isipin kung masasahuran pa kayo!” Gulat na gulat ang mga guard.Inalalayan ng katulong si Avery na bumaba ng hagdanan. Desidido siyang umalis. Patay na si Elliot atr wala siyang ibang gustong gawin ngayon kundi makita ito sa pinaka huling pagkakataon.Nang makita ni Mike si Avery, tinulak niya ang guard na nakaharang at tumakbo papalapit dito. “Avery! Uuwi na tayo!” Hinila ni Mike si Avery.Inanalayan niya ito hanggang sa makasakay ito ng sasakyan. Tinignan niya ang binti nito pero dahil nakasuot ito ng pajama, hindi niya makita ang sugat nito. “Akala ko ba magaling na? Bakit paika-ika ka pa rin maglakad?” Tinignan ni Mike ng masama si Avery at inistart ang sasakyan. “Kailangan nating dumiretso sa ospital.”Nakakapit a
Kung patay na nga ang tatay nila, bakit naman nila kailangan itong bisitahin sa sementeryo?“Bisitahin mo siya kung gusto mo. Hindi ako sasama.” Pagkatapos magsalita, naglakad si Hayden pabalik sa classroom nila nang hindi manlang hinihintay na makasagot si Layla. “Hayden… Namimiss ko na si Mommy. Kailan ba siya uuwi?” Umiiyak na sabi ni Layla habang humabahol kay Hayden. Hinawakan niya ang kamay nito. “Pauwi na siya.” Pakiramdam ni Hayden.Ngayong patay na si Elliot, wala ng kailangang problemahin ang mommy nila. …Dumiretso si Mike sa Elizabeth Hospital para dalhin si Avery kay Wesley. Nang makita ni Avery si Wesley, walang pagdadalawang isip niyang tinanong, “Saang ospital siya dinala?”“Sa General Hospital. Ang huling balita na nakuha ko ay nirerevive pa raw siya. Wag ka na masyadong mag alala.” Sagot ni Wesley.Inalalayan ni Wesley na humiga si Avery. Makalipas ang ilang sandali, doon lang nag sink in sakanya ang sinabi ni Wesley. “Wesley, sinabi mo ba na hindi pa s
Nakita ng estate attorney kung gaano ka confident si Ben. “Noong namatay ang mommy niya, may mga pinapalitan siya sa akin.”“Oh?” Gulat na sagot ni Ben.Hindi ako interesadong makipag dinner o inuman sayo. Balitaan mo nalang ako kapag may update na sa kundisyon ni Mr. Foster.”“Okay. Ihahatid nalang kita sa labas.”Pagkatapos ihatid ang estate attorney, tinignan ni Ben ang oras. Hindi niya na namalayan na alas siete na pala ng gabi. Matapos magising mula sa mahimbing na pagtulog, pakiramdam ni Avery ay panaginip pa rin ang lahat.“Avery, umuwi na tayo!” Nang makita ni Mike na nagising na si Avery, ibinalita kagad nito ang update tungkol kay Elliot. “Kagagaling ko lang sa General Hospital. Hindi pa patay si Elliot at nailipat na siya sa ICU. Masyado lang nagbida-bida ang media. Hindi pa patay yung tao pero yan sila kung anu-anong tsismis na ang pinakalat!” Tinulungan ni Mike na bumangon si Avery, na agad nahimasmasan nang marinig ang magandang balita. “Anong oras na?” Inala
Nakatayo si Ben sa tabi ng kama niya habang kinakausap siya pero parang walang naririnig si Elliot. Nakatulala lang siya. Sinadya yung sabihin ni Ben para magising si Elliot sa katotohanan dahil bukod kay Shea, wala naman siyang maisip na hindi nito kayang iwanan. Siyempre, kung natuluyang namatay si Elliot, mayroon at mayroon namang mag aalaga kay Shea. Hindi nagtagal, dumating ang doktor na tinawag ni Zoe. Inexamine nito si Elliot at sinabi, “Mr. Foster, sobrang hina pa ng katawan mo kaya kailangan mo pang maconfine dito ng ilang araw para maka recover ka. Kapag may naramdaman kang masakit, wag kang mahihiyang magsabi sa akin.”Pumikit si Elliot. Hinila ni Ben ang doktor sa labas para kausapin ito. “Ligtas na siya, diba?” Tanong ni Ben. “Kung makikisama siya at susundin niya ang lahat ng mga sasabihin ko, sa tingin ko oo ligtas na siya. Pero kung nasa sakanya mismo na ayaw niya ng mabuhay, masasabi kong nagdedelikado pa rin tayo.” Sagot ng doktor. “Gagawa ako ng paraa
Natatakot si Tammy na baka iba ang maging pagkakaintindi ni Avery kaya nagmamadali niyang dinadagdagan, “Avery, kung ayaw mo niyang umattend, hayaan mo siya pero kailangan mong umattend! Ikaw ang best friend ko kaya hindi matutuloy ang kasal ko kapag hindi ka umattend!”“Aattend ako sa kasal mo.” Sagot ni Avery. Nakahinga ng maluwag si Tammy. “Yehey! Balita ko may sugat ka daw sa binti mo? Kamusta? Ang tagal na kitang gustong tawagan pero noong nabalitaan ko yung nangyari kay Elliot, naisip ko na baka wala ka sa mood makipag usap kaya hindi kita kinontak.”“Okay na ang binti ko.”“Magandang balita yan! Gusto mong mag shopping bukas?”“Hindi pa ako ganun kagaling.” Tinignan ni Avery ang sugat niya sa binti. Hindi na ito nakabandage pero nag iwan ito ng malaking peklat.Mabuti nalang at mahilig siyang magsuot noon ng mga mahahabang palda kaya naittatago niya pa rin ito kahit papaano.“Bibisitahin nalang kita bukas. Wag kang mag alala. Hindi ako magtatanong ng kahit anong tungkol
Hindi nagtagal, dumating na ang bisitang nabanggit ni Avery.Pumarada ang isang itim na Buik Business. Nagbukas ang pintuan ng sasakyan at bumaba ang dalawang bodyguard. Dali-dali namang sumilip si Tammy para makita kung sino ang tinutukoy ni Avery. “Sino yan? Bakit ang dami naman niyang bodyguard na kasama?”Tumayo si Avery at noong nilampasan niya si Tammy, sinagot niya ang tanong nito, “Si Eric Santos.”Makalipas ang ilang buwan ng rehabilitation, sa wakas kaya ng tumayo ni Eric. Matagal na niyang gustong bisitahin si Avery at ngayong araw, sinama niya ang kanyang buong pamilya para personal na makapag pasalamat dito.Nakasuot si Eric ng kulay itim na stripes na t-shirt at sumbrero. Dahil sa mask at sunglasses na suot niya, hindi siya basta-bastang makikilala pero dahil sa ganda ng katawan at tindig niya, pansinin pa rin siya!“Avery, pwede ba akong sumigaw?!” Nanginginig ang buong katawan ni Tammy. “Mas maganda siguro kung wag kasi baka tumawag ng pulis ang mga kapitbah
Nag lunch lang si Eric at ang pamilya niya at nagpaalam na rin sila kaagad kay Avery. “Sige na Avery. Mag pahinga ka muna bago ka pumunta sa physical examination mo. Ilalabas ko nalang muna ang mga bata para makapasyal sila.” Napansin ni Tammy na maganda ang panahon kaya nakita niya na maganda itong pagkakataon na makalabas. “Uuwi kami bago mag six.”Nakita ni Avery kung gaano ka excited ang mga bata kaya pumayag na siya. “Tammy, okay lang ba talaga sayo? Baka naman makaabala sila sayo?”“Anong abala ka jan! Hindi naman na sila mga baby na kailangan kong buhatin at ang dami dami kong energy kaya walang problema kung maglalaro kami.”Pinasama ni Avery ang bodyguard kina Tammy. Hinatid niya lang ang mga ito sa labas at bumalik din siya kaagad sa loob ng bahay. Kinuha ni Avery ang puting kahon na binigay sakanya ni Eric kanina. Regalo daw nito sakanya. Ang sabi ni Eric sakanya, yun daw ang lucky charm nito. Hindi naman kamahalan pero sana raw ay magbigay din yun sakanya ng swer