Share

Kabanata 418

Natatakot si Tammy na baka iba ang maging pagkakaintindi ni Avery kaya nagmamadali niyang dinadagdagan, “Avery, kung ayaw mo niyang umattend, hayaan mo siya pero kailangan mong umattend! Ikaw ang best friend ko kaya hindi matutuloy ang kasal ko kapag hindi ka umattend!”

“Aattend ako sa kasal mo.” Sagot ni Avery.

Nakahinga ng maluwag si Tammy. “Yehey! Balita ko may sugat ka daw sa binti mo? Kamusta? Ang tagal na kitang gustong tawagan pero noong nabalitaan ko yung nangyari kay Elliot, naisip ko na baka wala ka sa mood makipag usap kaya hindi kita kinontak.”

“Okay na ang binti ko.”

“Magandang balita yan! Gusto mong mag shopping bukas?”

“Hindi pa ako ganun kagaling.” Tinignan ni Avery ang sugat niya sa binti. Hindi na ito nakabandage pero nag iwan ito ng malaking peklat.

Mabuti nalang at mahilig siyang magsuot noon ng mga mahahabang palda kaya naittatago niya pa rin ito kahit papaano.

“Bibisitahin nalang kita bukas. Wag kang mag alala. Hindi ako magtatanong ng kahit anong tungkol
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status