Natulala si Ling Yiran kay Yi Jinli. Ilang saglit lang, sinabi nito, "Kung ganon, siguro masyado na akong maraming pinagdaanan... Para lang makilala ka at mahulog din ako sa'yo. Siguro kung hindi ko naranasan ang mga ‘to, baka hindi tayo magkakilala at maging ganito ngayon."Kung hindi siguro siya nakulong, baka kinasal na siya kay Xiao Zigi at nanatiling abugado. Pero, baka hindi niya pa rin makasundo ang Xiao family pagkatapos nilang ikasal.Syempre, posible din na hindi niya pinakasalan si Xiao Zigi dahil sa pagkontra ng mga magulang nito.Baka hindi niya din makilala si Yi Jinli nung gabing gusto siyang ipakasal ng mga tito niya at hindi niya rin ito madadala sa bahay nila.Siguro hindi talaga sila magtatagpo ng landas na parang dalawang tuwid na linyang hindi magkakonekta. Para bang kinilig at natuwa si Yi Jinli sa sinabi nito. Dahan-dahan niyang niyakap si Ling Yiran, sinubsob ang mukha niya sa leeg nito, at inamoy ang katawan nito. "Oo, baka nga... naranasan mo 'yun lahat
Tinatanong ni Gu Lichen ang sarili, 'Ano 'tong tinitignan ko? 'Di ba si Hua Lifang na nga ang taong matagal kong hinahanap?'Ang taong sumalba sa buhay niya ay si Hua Lifang, at base sa imbestigasyon niya, si Hua Lifang ay nahirapan sa buhay nitong mga nakaraang taon. Ang kailangan niyang gawin ay alagaan si Lifang nang maayos at bigyan si Lifang ng magandang buhay kapalit ng pagsalba nito sa kanya.Pero, pagkatapos niyang mahanap si Lifang, pakiramdam niya ay hindi pa rin siya kumpleto at para bang may nawala sa kanya."Anong tinitignan mo, Lichen?" nagsalita si Hua Lifang.Lumingon si Gu Lichen para tignan si Hua Lifang na papunta sa kanya. Nilapitan niya ito at sinabi, "Wala naman, uuwi na din ako. Tawagan mo nalang ako kung magkaproblema man dito.""Uuwi ka na ba ngayon?" Parang ayaw pa ni Hua Lifang na umuwi ito. "Gabing-gabi na. Bakit hindi ka nalang dito matulog at bukas ka na umuwi. May mga kwarto pa namang bakante dito na pwede mong tulugan.""Hindi na, okay lang. May mg
Napakagat ng labi si Hua Lifang. "Kung hindi ba kita niligtas, hindi ka magiging mabait sa'kin?"Ang gusto lang naman niya ay sagutin siya ng hindi, pero parang biglang nag-iba ang tingin nito sa kanya galing sa mala-phoenix niyang mata.Kalmado lang ang tingin ng lalaking ito sa kanya na parang nakatingin sa hindi niya kakilala.Para bang may kirot na naramdaman si Hua Lifang at gustong niyang bawiin ang sinabi niya. "Gusto... Gusto ko lang naman na maging mabait ka sa'kin hindi lang dahil niligtas kita, kundi dahil... Dahil sa iba pang rason..." nanginginig itong nagsalita."Sige na, wag ka na masyado mag-isip. Gumagabi na masyado, kaya kailangan mo nang magpahinga nang maaga," sabi ni Gu Lichen.Habang nagsasalita siya, binuksan niya ang pinto at bago siya pumasok ng kotse nagsalita bigla si Hua Lifang sa likod niya at sinabi, "Ingat ka pauwi, Chenchen!"Nagulat si Gu Lichen nang marinig niya ang salitang 'Chenchen'. Pumasok bigla sa isip niya yung araw na merong isang batang b
Pinakita ng mga painting na ito ang mga imahe tulad ng pagpasan sa kanya pababa ng burol o ang pag-aalaga nito sa kanya sa kakahuyan.Nung panahong 'yun, ang isa't isa lang ang inaasahan nila.Sa unang pagkakataon, naisip niya na sa sobrang importante ni Hua Lifang ay baka hindi niya kayaning mabuhay nang wala siya.May isa lang na kakaiba sa mga painting na 'to.Hindi siya painting ng isang bata, kundi mukha ng isang dalaga. Ang babae sa painting ay nakangiti nang bahagya. Ang mala-almond niyang mata ay napakasimple lang at napakaamo, pero ang mga taong nakakakita nito ay nagagandahan dito. Para bang kapag tinitigan ka ng ganung mata ay makakalma ka pero parang di ka rin mapapakali.Tumayo si Gu Lichen sa harap ng painting, tinititigan niya ang taong nasa painting gamit ang kanyang mala-phoenix na mata. Para bang nakita sa mga mata niya ang sakit ng pinagdaanan nito.Kung andito lang si Ling Yiran, malalaman niyang siya ang taong nasa painting!"Bakit hindi siya ikaw?" rinig an
Sino si Ling Yiran? Galing siya sa kulungan!Sa maliit na bayang ganito, natural na ayaw ng mga tao sa mga dating nabilanggo. May mga taong pumupuna kay Yiran, may iba naman na ang tingin ay dapat hindi siya talaga nakikipaglamay dito. Isa siyang kahihiyan sa Lu family, kaya dapat pinaalis na siya dito!Tuwing nakakarinig ang Lu family ng ganung mga bagay, takot na takot sila na baka ikagalit ito ni Yi Jinli. Kung mangyari 'yun, paaalisin niya ang Lu family dito at kahit umiyak sila sa harap nito ay wala silang mapapala.Kahit na si Lifang ay protektado ni Gu Lichen, kahit kailan hindi sinabi ni Gu Lichen na poprotektahan niya din ang Lu family!Sa araw ng prusisyon ng libing ni Old Mrs. Lu, si Ling Yiran ang nasa unahan ng mga tao at nakadamit ng itim. Ang mga mata niya ay medyo mapula dahil kita namang umiiyak ito ulit.Naka-itim na suit si Yi Jinli. Nakatayo siya sa tabi ni Ling Yiran at sinamahan siya sa funeral home.Nagbayad ang Lu family ng isang malaking lugar sa funeral
Bago pa matapos magsalita ang lalaki, nasipa na siya ni Yi Jinli ng isang nitong paa."Pasensya na, di ko na napigilan ang paa ko," sabi ni Yi Jinli, pero ang kaliwang paa nito ay tinapakan din ang dibdib ng lalaki, kaya napasigaw ito sa sobrang sakit. Namula ang mukha nito, pero hindi nito maalis ang paa na nakatapak sa dibdib niya.Pagkakita nila dito, ang First Uncle, Second Uncle at Third Aunt ng Lu family ay lumapit agad at sinabi, "Mr. Yi, um... Hindi niyo dapat 'to ginagawa dito sa burol.""Makakabastos ito sa patay kung may iba pang mangyari.""Para yun lang naman ang sinabi ng lalaking 'yan. Wag mo masyado seryosohin, Mr. Yi!"Tinignan ni Yi Jinli ang tatlong taong nasa harap niya, "Siguro kung nakikita ni Lola na may taong umaaway sa apo niya nang ganito, malamang papayag siya dito sa ginawa ko, hindi ba?" Ang bahagyang pag-ngiti nito ay nagpakaba sa kanila."Oo, oo naman, papayag siya!""Tama 'yan. Ang lalaking 'to ay galit lang dahil hindi siya sinagot ni Yiran sa
Natutunan 'yun ni Ling Yiran nung nasa kulungan pa siya!Pumunta siya sa harap at tinignan nang tahimik ang lola niya na nasa loob ng kabaong, alam niyang ito na ang huling pagkakataon na makita ito. Minahal siya nang sobra ng mabait na matandang ito pagkatapos niyang mawalan ng nanay at dahil dito naging masaya ang kabataan niya.Dahan-dahang nilagay ni Ling Yiran ang bulaklak na hawak niya sa harap ng kabaong ng lola niya at nagpaalam siya dito sa huling pagkakataon.Hindi siya pumunta sa lugar kung saan na-cremate si Lola. Natakot siya, takot na baka hindi niya kayaning makita na sinusunog sa harap niya ang katawan ng lola niya."Iniwan na din ako ni Lola, Jin. Wala nang ibang tao sa mundo ang totoong magmamahal at mag-aalaga sa'kin katulad niya," bulong ni Ling Yiran.Habang nakatingin kay Ling Yiran, sinabi ni Yi Jinli, "Hindi kita iiwan." 'Nandito lang ako lagi para sa'yo.'"Oo, alam kong hindi mo 'ko iiwan, at ako din... hindi kita iiwan," sagot ni Ling Yiran. Lagi niyang
...Nakaupo si Ling Yiran sa kotse, habang nakatingin sa mga tanawin sa labas. At nagsimula itong humuni. Isang maganda at nakakakalmang kanta ang narinig nila sa loob ng kotse.Napataas ng kilay si Yi Jinli at hinintay munang matapos si Ling Yiran sa pagkanta bago ito nagtanong, "Anong kanta 'yan?""Strolling Down the Path of Life. Lumang kanta siya. Gustong gusto pakinggan 'to ni Lola. Siya ang nagturo sa'kin na kantahin 'to at laging ko din ‘to kinakanta nung bata pa 'ko. Hindi ko pa naiintindihan yung ibig sabihin ng kanta dati, pero habang lumalaki ako, mas naintindihan ko na din siya." sagot ni Ling Yiran."Maganda nga talaga yung kanta," sabi ni Yi Jinli."Oo, nakakalungkot lang hindi na 'ko matuturuan ni Lola ng iba pang kanta," bulong niya, at mukhang pagod na pagod ito.Tatlo hanggang apat na oras lang ang tulog nito kada araw. Binuhos niya ang halos lahat ng oras niya sa pagbabantay sa lola niyang nasa malamig na kabaong o sa pag-asikaso ng burol at libing, kaya wala n