Share

Kabanata 659

Tinatanong ni Gu Lichen ang sarili, 'Ano 'tong tinitignan ko? 'Di ba si Hua Lifang na nga ang taong matagal kong hinahanap?'

Ang taong sumalba sa buhay niya ay si Hua Lifang, at base sa imbestigasyon niya, si Hua Lifang ay nahirapan sa buhay nitong mga nakaraang taon. Ang kailangan niyang gawin ay alagaan si Lifang nang maayos at bigyan si Lifang ng magandang buhay kapalit ng pagsalba nito sa kanya.

Pero, pagkatapos niyang mahanap si Lifang, pakiramdam niya ay hindi pa rin siya kumpleto at para bang may nawala sa kanya.

"Anong tinitignan mo, Lichen?" nagsalita si Hua Lifang.

Lumingon si Gu Lichen para tignan si Hua Lifang na papunta sa kanya. Nilapitan niya ito at sinabi, "Wala naman, uuwi na din ako. Tawagan mo nalang ako kung magkaproblema man dito."

"Uuwi ka na ba ngayon?" Parang ayaw pa ni Hua Lifang na umuwi ito. "Gabing-gabi na. Bakit hindi ka nalang dito matulog at bukas ka na umuwi. May mga kwarto pa namang bakante dito na pwede mong tulugan."

"Hindi na, okay lang. May mg
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status