Nang hawakan ni Ling Yiran ang noo niya, pakiramdam niya ay pinagpapawisan siya ng malamig. 'Anong meron sa'kin? Binangungot ba 'ko? Ang burol sa panaginip niya ay yung burol na malapit sa lugar nila.'Pati... Yung mga tanawin sa panaginip ko...' Hindi niya napigilang makagat ang labi niya.Mataas ang sikat ng araw sa labas ng bintana. Maaraw ngayon.Tinignan ni Ling Yiran ang oras. Malapit ng mag alas-onse., at nakatulog pala siya nang mahaba. Merong papel na may sulat galing kay Yi Jinli sa tabi niya.Manipis at madiin ang pagkakasulat niya.Binasa ni Ling Yiran ang nakasulat at nalaman niya na pumasok siya nang maaga sa office para asikasuhin ang mga kailangan sa kumpanya na hindi niya nagawa ng ilang araw, pero babalik daw siya para sabayan itong maghapunan mamaya.Habang nakatingin sa mga salitang nakasulat, nakaramdam ng init si Ling Yiran sa puso niya. Medyo nawala ang kaba at takot niya sa panaginip kanina dahil dito.Kumuha siya ng mga damit pangpalit, dinala sa banyo a
"Wala 'yun. Kung 'yun ang gusto mo, syempre, gagawin ko para sa'yo," sagot ni Gu Lichen."Ang bait mo naman sa'kin, Chenchen," sabi Hua Lifang.Ang salitang 'Chenchen' ay parang nagpakirot sa puso niya. Nung sinabi niya ang salitang 'yun, para bang nairita siya nang marinig niya ito."Tawagin mo 'kong Lichen simula ngayon. Pang-batang pangalan ko lang ang Chenchen," sabi ni Gu Lichen."Okay, sige," sagot ni Hua Lifang.Si Ling Yiran ang nagsabi sa kanya ng pangalang Chenchen. Nung bata pa si Ling Yiran, umuwi siya nang marumi ang damit niya at punit punit at sinabi nitong may tao daw siyang niligtas. Walang naniwala sa pamilya niya at ang akala nilang lahat ay nagsisinungaling lang siya para pagtakpan ang kakulitan niya. At dahil dito, pinagalitan at pinarusahan siya.Pero, si Hua Lifang ay sobrang matanong nung bata, pinuntahan at tinanong niya si Ling Yiran kung anong ginawa niya at saan siya galing. Kaya alam niya kung paano niligtas ni Ling Yiran ang batang lalaking may panga
"Isang taon?" nalungkot si Qin Lianyi. "Edi yung kasal niyo ni Yi Jinli ma-popostpone din ng isang taon?"Tumango si Ling Yiran. "Hindi ko pa 'to nababanggit kay Jin. Kakausapin ko siya mamayang gabi at titignan ko kung anong masasabi niya." Pero, tingin niya ay papayag naman ito.Para bang sa lahat naman ng gusto niya eh pumapayag siya simula nung naging sila.Tinignan ni Qin Lianyi ang haggard na mukha ng kaibigan niya at sinabi. "Bakit 'di tayo pumunta sa shopping mall? Nagpapasama sa'kin si Bai Tingxin sa isang meeting niya. Sabi niya sa’kin nag-order siya ng isang set ng damit at kunin ko daw sa isang shop sa shopping mall na malapit dito."Ayaw ni Qin Lianyi na napapansin siya sa mga okasyon, conference, at kung saan-saan pa. Pero, lagi siyang pinipilit ni Bai Tingxin na sumama at para bang naaadik na ito.Ang pinaka-nakakainis sa lahat eh yung nakipagtalo pa siya nung sinabi niyang busy siya sa trabaho at kailangan niyang mag-overtime, ngingitian lang siya nito at sasabihin
"Nagpasama lang sa'kin dito yung kaibigan ko. Kung gusto mong mamili ng mga damit, pwede kang humingi na lang ng tulong doon sa isang saleslady," sabi ni Ling Yiran.Parang napahiya si Hua Lifang at humanap na lang ito ng saleslady para tulungan siyang mamili ng damit.Lumapit si Gu Lichen sa gilid ni Ling Yiran at sinabi, "Wag ka masyadong malungkot sa pagkawala ng lola mo. Lahat naman ng tao pinapanganak, nagkakasakit, at namamatay din. Meron lang talagang taong mauunang umalis dito sa mundo."Tinignan siya ni Ling Yiran. 'Pinapagaan... Niya ba ang loob ko?' Ang makisig niyang katawan ay nakasuot ng isang dark graphite gray suit. Ang gwapo nitong mukha ay parang suplado ang dating.Ang crown prince ng entertainment industry ay kilala sa pagiging suplado at ugali nitong papalit-palit ng girlfriend dahil pagkatapos ng isa ay meron agad itong kapalit.Walang may alam kung sino ang kasunod na girlfriend nito.'Si Sis Lifang kaya ang sunod?' Biglang itong naisip ni Ling Yiran. Sa ba
"Anong pinag-uusapan niyo? Bakit bigla kang..." tanong ni Hua Lifang na litong-lito, pero biglang kinabahan at natakot ito sa mga sunod na sinabi Gu Lichen."Paano mo nalaman ang pangalang 'Chenchen', Ling Yiran?" tanong ni Gu Lichen.Biglang tumayo ang balahibo ni Hua Lifang nang tignan niya si Ling Yiran at hindi ito makapaniwala. 'Tinawag... Niya ba si Lichen na 'Chenchen'?'Bumalik na ba ang memorya ni Ling Yiran?'Kung bumalik na ang ala-ala niya, mawawala agad kay Hua Lifang kung anong meron siya ngayon. Nung naisip niya ito, pakiramdam niya ay parang mawawalan siya ng malay."Tinatawag ka talagang 'Chenchen' nung bata ka pa?" tanong ni Ling Yiran habang nakasimangot ito. 'Edi si Gu Lichen nga ang batang lalaki sa panaginip ko?'Totoo kaya talaga yung nangyari sa panaginip?"Saan at paano mo naman nalaman 'yan?" Gusto pa rin malaman ni Lichen ang sagot ni Yiran."Sa'kin! Sinabi ko kay Yiran nung bata pa 'ko!" Biglang sumagot si Hua Lifang.Medyo nagulat si Ling Yiran hab
Para bang nakaramdam siya ng kaunting kirot sa puso niya nung narinig niya ito....Pagkatapos marinig ang kwento ni Ling Yiran tungkol kay Gu Lichen and Hua Lifang, bumuka nang malaki ang bibig ni Qin Lianyi, at sinabi, "Ang drama naman nito."Sinong mag-aakala na ang crown prince ng entertainment industry ay papalit palit ng girlfriend para lang malaman na ang totoong hinahanap niya pala eh yung pinsan ng bestfriend niya?"Bakit niya hinawakan ang braso mo doon sa shop?" tanong ni Qin Lianyi."May tinanong ako sa kanya, pero parang masyado yatang sensitive yung tanong ko," sagot ni Ling Yiran pagkatapos niya itong isipin. Ang pinagtaka naman niya eh kung bakit sinabi ng pinsan niya na siya daw ang nagbanggit nito sa kanya.Sa pagkaka-alala niya, kahit kailan walang sinabi sa kanya ang pinsan niya tungkol sa pagliligtas ng isang batang lalaki, lalo na yung may pangalang Chenchen.Wala na nga lang siyang oras para isipin pa ito."Oo nga pala, di ba napagkamalan ka ni Gu Lichen
Pakiramdam ni Ling Yiran ay pinipilit siya nitong magpakasal. "Sa totoo lang... Para na rin naman tayong mag-asawa ngayon," sabi niya. Isipin mo, nagsasama na sila sa isang bahay. Natutulog na nga din sila ng tabi sa isang kama. Marriage certificate na lang ang kulang nila para masabing mag-asawa na talaga sila."Magkaiba pa 'yun. Sa mata ng ibang tao, ikaw pa rin si Miss Ling, hindi si Mrs. Yi. Gusto kong maging akin ka nang buong buo, at gusto ko rin mapasayo nang buong buo," sagot ni Yi Jinli.Pakiramdam ni Ling Yiran ay masyadong nakatuon ang pansin ni Yi Jinli sa certificate. "Kahit naman magpakasal ka, pwede ka pa rin makipag-divorce."Bigla lang itong lumabas sa bibig niya.Nagbago agad ang itsura ni Yi Jinli. Ang malalim nitong mata ay nagdilim nang sobra. "Sa tingin mo ba kahit na magpakasal tayo, balang araw magdidivorce din tayo?"Mahina lang ang boses nito, pero sa loob ng tahimik na kwarto, sobrang linaw ng pagkarinig niya dito.Ang mga braso niyang nakayakap kay Yir
Bumangon na si Ling Yiran, para siyang pagod na pagod, at naghilamos na ito. Pupunta na sana ito sa baba nang biglang tumunog ang phone niya. Tumatawag si Hua Lifang.Pagkasagot ni Ling Yiran ng tawag, narinig niya agad ang boses ni Hua Lifang. "May gagawin ka ba ngayon, Yiran? Gusto sana kitang kausapin nang harapan tungkol sa isang bagay,"Inisip muna ito nang sandali ni Ling Yiran at sinabi, "Sige, magkita tayo." Gusto din nga pala niya kasing tanungin si Hua Lifang tungkol sa pangalang Chenchen at yung tungkol sa pagliligtas niya kay Gu Lichen nung bata pa ito.Nung nakita ni Ling Yiran si Hua Lifang, nakasuot ito ng isang bestida na galing sa bagong koleksyon ng isang mamahaling brand. Isang crocodile bag din ang nakasukbit dito at nakasuot ng sapatos na may seven-inch na takong. Nakakulot pa nang maayos ang buhok nito, may magandang make-up din at nakashades.Nagmukha siyang mayaman na nakatira sa siyudad. Sinong mag-aakala na si Hua Lifang ay isang ordinaryong housewife la