Bumangon na si Ling Yiran, para siyang pagod na pagod, at naghilamos na ito. Pupunta na sana ito sa baba nang biglang tumunog ang phone niya. Tumatawag si Hua Lifang.Pagkasagot ni Ling Yiran ng tawag, narinig niya agad ang boses ni Hua Lifang. "May gagawin ka ba ngayon, Yiran? Gusto sana kitang kausapin nang harapan tungkol sa isang bagay,"Inisip muna ito nang sandali ni Ling Yiran at sinabi, "Sige, magkita tayo." Gusto din nga pala niya kasing tanungin si Hua Lifang tungkol sa pangalang Chenchen at yung tungkol sa pagliligtas niya kay Gu Lichen nung bata pa ito.Nung nakita ni Ling Yiran si Hua Lifang, nakasuot ito ng isang bestida na galing sa bagong koleksyon ng isang mamahaling brand. Isang crocodile bag din ang nakasukbit dito at nakasuot ng sapatos na may seven-inch na takong. Nakakulot pa nang maayos ang buhok nito, may magandang make-up din at nakashades.Nagmukha siyang mayaman na nakatira sa siyudad. Sinong mag-aakala na si Hua Lifang ay isang ordinaryong housewife la
Tinaas ni Hua Lifang ang noo niya. "Hindi ako natatakot sabihin sayo na nagbago ako nung nalaman kong ilang taon na pala akong hinahanap ni Lichen. Divorced na rin naman ako, kaya okay lang na sundin ko pa rin kung anong magpapasaya sa'kin. Alam kong magkakilala na kayo ni Lichen dati pa, at narinig ko rin kay Lichen na napagkamalan ka niyang ako dati, pero hindi naman ikaw ako, di ba? Kaya sana mag-ingat ka sa mga sinasabi at ginagawa mo. Mas magiging maayos ang lahat kung ganito."Dinadamitan si Hua Lifang ng isang professional stylist nitong mga nakaraang araw. Kahit na mukha siyang ordinaryo, pwede pa rin siyang magmukhang artista. Sa totoo lang, nagbigay talaga ito ng kumpiyansa sa kanya.Pakiramdam niya normal lang ang itsura niya dati kasi hindi naman siya nagbibihis ng maganda. Basta nakabihis siya nang maayos, mukhang siya ang pinakamaganda sa mga naging girlfriend ni Gu Lichen dati.Pagkatapos nito, tinitigan ni Hua Lifang si Ling Yiran at sinabi, "Sana hindi ka maging had
Nang minulat ni Ling Yiran ang mga mata niya, nalaman nitong nananaginip ulit siya. Napanaginipan niya ang tungkol sa batang lalaki at babae.Nagising siya pagkatapos niyang mapanaginipan na nahulog ang batang lalaki!Pagkagising niya, ang mga mala-peach blossom na mata ay nakatingin sa mala-almond niyang mata. Pero, sa pagkakataong 'yun, ang mga mata ni Yi Jinli ay tila madilim at malalim na parang dagat."Nanaginip ka ba?" tanong niya na para bang ang layo nito sa kanya."Oo.," tumango si Ling Yiran at tumingin sa orasan. Pasado alas dos palang ng madaling araw. "Nagising ba kita?""Hindi naman, nahirapan lang ako matulog ngayon. Anong napanaginipan mo? Ang putla ng mukha mo," sabi niya.Magsasalita na sana si Ling Yiran, pero para bang biglang hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Pwede niya bang sabihin na nanaginip siya tungkol sa isang batang babae na niligtas ang isang batang lalaki at ang nasa isip niya na baka yung batang lalaki ay si Gu Lichen?Masyado ng sensitib
Hindi niya akalain na magagalit siya dahil lang sa mga sinasabi ni Yiran."Mas maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Ling Yiran, wala na siyang pake kahit nasasaktan siya sa yakap nito. Ang iniisip niya na lang eh kung ano bang nangyari kay Jin.Pero, mukhang medyo nababawasan na ang panginginig niya. Hindi na ito malala katulad kanina."Mas okay na...." bulong ni Yi Jinli, habang nakayakap pa rin sa kanya.Nalaman niyang mas takot pala siya kay Yiran at mas matindi ang impluwensya nito sa kanya higit pa sa inaakala niya.Pagkatapos ng ilang saglit, tumigil din ang panginginig ni Yi Jinli.At doon, bumitaw na siya kay Ling Yiran at sinabi, "Siguro nasaktan kita nung niyakap kita kanina.""Okay lang 'yun. Hindi naman masyadong masakit. Medyo mataas na naman ang pain tolerance ko," sabi niya. Sa bagay, sa matinding pasakit na naranasan niya sa kulungan, wala na lang sa kanya ang ordinaryong sakit.Nagdilim bigla ang paningin ni Yi Jinli na parang may naisip ito. "Sige na, ok
Paulit ulit niya itong tinapik bago nagsalita at sinabi, "Wag ka nang matakot. Wag ka nang matakot. Hindi ka na babangungutin. Dito lang ako sa tabi mo."Hindi alam ni Jin kung matatawa siya o maiiyak. 'Bata ba talaga ang tingin niya sa'kin?'Pero, para bang nawala ng unti-unti ang takot niya dahil sa pag tapik sa kanya at sa malambing na boses nito. At doon na nga siya nakatulog.'Dito ka lang sakin...' Pakiramdam niya kapag katabi niya ito, hindi siya matatakot.Hindi akalain ni Yi Jinli sa sarili niya na ganun kabilis siyang makakatulog ulit.Nang marinig ni Ling Yiran ang paghinga niya, napatigil siya at tinawag ito nang mahina, "Jin?"Nakatulog na nga ito and hindi na sumagot sa kanya.Napahinga nang maluwag si Yiran. Nakatulog na nga siya, hindi na rin nakakunot ang noo niya tulad kanina. Mukha siyang anghel sa pagtulog niya-tahimik at mabait.Ibang-iba ang itsura niya ngayon kumpara sa tuwing nasa harap siya ng ibang tao.Siguro, kay Yiran lang siya nagmumukhang anghel.
Pero, para bang nakatingin ang mata niya sa ibang tao kahit na nakaharap naman siya kay Hua Lifang. 'Panakip butas... Sinong panakip butas?'May isang beses, iniisip niya kung ano kayang magiging itsura nung batang babae paglaki nito. Ang babaeng nahanap niya halos merong bakas ng mukhang naisip niya.Nung nakita niya si Ling Yiran, pakiramdam niya ay nakita niya na ang batang babae.Pero, hindi pala si Ling Yiran ang babaeng matagal niya nang hinahanap. Ang babaeng 'yun pala ay si Hua Lifang na nagligtas sa buhay niya.Nakita niya rin ang mga litrato ni Hua Lifang nung lumalaki siya, at totoo nga, nung 8 o 9 years old siya, kamukhang kamukha niya yung batang babaeng nakilala niya dati.Pero, ang lumaking Hua Lifang ay hindi kamukha ng na-imagine niyang itsura sa paglaki nito. Mas naging kamukha siya ni Ling Yiran, pareho ang mga kilay, mata, at panga, pero 'pag magkasama sila ni Hua Lifang, hindi mo mapapansin ang pagkakaiba.Medyo magkaiba ang aura nilang dalawa."Lichen?" nag
Siguro kung mangyari man 'yun, magiging sobrang miserable ang buhay niya.Nakaramdam ng kaba si Hua Lifang sa puso niya, pero dahil nasimulan niya na 'tong gawin, wala nang bawian ito.Hindi niya bibitawan si Gu Lichen kahit anong mangyari. Hanggat hindi nalalaman ni Gu Lichen kung ano ang totoo, siya ang magiging malakas na backup niya!...Dinala ni Yi Jinli si Ling Yiran sa kulungan kung saan nila nakilala si Wan Yuming.Isa siyang hindi naman katandaan na lalaki na nasa 40s, medyo mataba ang katawan at hindi pamilyar ang mukha. Hindi siya talaga kilala ni Yiran.Pero, may masamang ginawa ang taong ito sa kanya!'Kung hindi dahil sa taong 'to, hindi sana ako nakulong ng tatlong taon. Hindi ako sobrang nagdusa. Pwede pa sana akong maging magaling na abogado, at ginagawa ko sana ang gusto ko talagang gawin habang buhay!'Nung una, akala ni Ling Yiran ay hindi niya makikita si Wan Yuming bago ang court hearing. Dahil nakatakas na rin naman ito papunta sa ibang bansa.Pero, hin
Nangintab ang mga mata ni Yi Jinli at nagsalita ito. "Baka nahirapan siya nung niloko at pinahamak ka niya. Nakatakas na siya sa abroad, at kung 'di niya na gustong bumalik, hindi natin siya mahuhuli agad agad. Siya mismo ang bumalik ng kusa at sinuko ang sarili niya nung nalaman niyang iniimbestigahan ulit ang kaso."Syempre, hindi niya sinabi na kaya pumayag si Wan Yuming na isuko ang sarili ay dahil ginawa ni Yi Jinli lahat para pilitin ang lalaking 'yun na gawin ito."Nahirapan siya?" sabi ni Ling Yiran. "Pwede na ba siyang patawarin dahil lang nahirapan siya? Para kang pumatay ng tao tapos hihingi ka ng tawad sa biktima. Hindi ba nakakaloko 'yun? Hindi lang talaga ako namatay sa kulungan eh. Kung namatay ako doon, hinding hindi ako makakatayo sa harap niya!"Para siyang hinahampas ng bawat salitang sinasabi ni Yiran, hinahampas ang puso niya at pinapahirapan siya sa paghinga."Edi... Hindi mo siya mapapatawad, tama?" tanong ni Yi Jinli sa kanya."Oo, hindi ko mapapatawad ang
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at