Siguro kung mangyari man 'yun, magiging sobrang miserable ang buhay niya.Nakaramdam ng kaba si Hua Lifang sa puso niya, pero dahil nasimulan niya na 'tong gawin, wala nang bawian ito.Hindi niya bibitawan si Gu Lichen kahit anong mangyari. Hanggat hindi nalalaman ni Gu Lichen kung ano ang totoo, siya ang magiging malakas na backup niya!...Dinala ni Yi Jinli si Ling Yiran sa kulungan kung saan nila nakilala si Wan Yuming.Isa siyang hindi naman katandaan na lalaki na nasa 40s, medyo mataba ang katawan at hindi pamilyar ang mukha. Hindi siya talaga kilala ni Yiran.Pero, may masamang ginawa ang taong ito sa kanya!'Kung hindi dahil sa taong 'to, hindi sana ako nakulong ng tatlong taon. Hindi ako sobrang nagdusa. Pwede pa sana akong maging magaling na abogado, at ginagawa ko sana ang gusto ko talagang gawin habang buhay!'Nung una, akala ni Ling Yiran ay hindi niya makikita si Wan Yuming bago ang court hearing. Dahil nakatakas na rin naman ito papunta sa ibang bansa.Pero, hin
Nangintab ang mga mata ni Yi Jinli at nagsalita ito. "Baka nahirapan siya nung niloko at pinahamak ka niya. Nakatakas na siya sa abroad, at kung 'di niya na gustong bumalik, hindi natin siya mahuhuli agad agad. Siya mismo ang bumalik ng kusa at sinuko ang sarili niya nung nalaman niyang iniimbestigahan ulit ang kaso."Syempre, hindi niya sinabi na kaya pumayag si Wan Yuming na isuko ang sarili ay dahil ginawa ni Yi Jinli lahat para pilitin ang lalaking 'yun na gawin ito."Nahirapan siya?" sabi ni Ling Yiran. "Pwede na ba siyang patawarin dahil lang nahirapan siya? Para kang pumatay ng tao tapos hihingi ka ng tawad sa biktima. Hindi ba nakakaloko 'yun? Hindi lang talaga ako namatay sa kulungan eh. Kung namatay ako doon, hinding hindi ako makakatayo sa harap niya!"Para siyang hinahampas ng bawat salitang sinasabi ni Yiran, hinahampas ang puso niya at pinapahirapan siya sa paghinga."Edi... Hindi mo siya mapapatawad, tama?" tanong ni Yi Jinli sa kanya."Oo, hindi ko mapapatawad ang
"Mr. Yi, Nagawa... Nagawa ko na ang gusto mo. Parang awa mo na, hayaan mo 'kong mabuhay!" pagmamadaling pakiusap ni Wan YumingMadilim ang mga mata ni Yi Jinli. Ang lalaking nasa harap niya ang isa sa mga dahilan kung bakit nagdusa si Ling Yiran. "Hanggat hindi mo sinasabi ang mga hindi mo dapat sabihin, mabubuhay ka."Nakahinga nang maluwag si Wan Yuming.Kung siya lang ang magdedesisyon, hindi niya maiisip na isuko ang sarili niya. Pinilit lang siya ni Yi Jinli.Kahit sa abroad, kapag may gustong habulin ang katulad ni Yi Jinli, hinding hindi talaga ito makakatakas sa kanya."Kung ganon, yung pamilya ko..." kinabahang sinabi ni Wan Yuming."Hindi ko gagalawin ang pamilya mo dahil hindi naman nila alam ang ginawa mo. Pero..." tumigil ang boses ni Yi Jinli. Kakahinga lang nang maluwag ni Wan Yuming nang bigla na naman itong kinabahan. "Kung paano mo pinahamak si Yiran dati at kung ano yung pinaranas mo sa kanya, pagbabayaran mo 'yun lahat ng doble ngayon."Gusto pa sanang depens
"Bakit gusto mong pumunta dito?" tanong ni Yi Jinli."Nung bata pa 'ko, lagi akong naglalaro sa burol na 'to. Kahit na hindi kami pinapayagan maglaro dito dahil sabi ng matatanda delikado daw, tumatakas pa rin ako paakyat dito. Pakiramdam ko kasi para akong naglalakbay sa burol na 'to.” sabi ni Ling YiranSa kabilang banda, si Hua Lifang naman ay ayaw na ayaw pumunta dito."Lahat ng bata ginagawa 'yan," sabi ni Jin."Dati, akala ko makakahanap ako ng sikreto sa burol na 'to. Halimbawa, mga kayamanan, alien, spaceship, o baka makakita ako ng lagusan papunta sa future. Ang kulit ko ba? sabi ni Ling Yiran.Siguro sa mata ng isang nakakatanda, hindi kalakihan ang burol na 'to kahit na karugtong siya ng bundok sa likod nito. Pero, sa mata ng mga bata, para itong panibagong mundo."Hindi, natutuwa nga ako eh. Pero, malaki ka na ngayon. Isa na lang 'tong simpleng burol, di ba? Oh siya halika na, gumagabi na. Nag-aalala ako na baka masyado na tayong gabihin pagbalik natin sa Shen City,"
"Kahit na baliktarin nila ang kaso, hindi dapat mangyari 'to ng ganito ka aga! Kung sinusunod nila ang normal na proseso..."Pero, bago pa matapos sa pagsasalita si Hao Yimeng, sinagot na siya agad ni Hao Qirong. "Wag mong kalimutan kung sino ang nasa likod ni Yiran ngayon!"Natahimik si Hao Yimeng. 'Si Yi Jinli!'Sa mga ordinaryong tao lang sinusunod ang tinatawag na normal na oras ng pagproseso."Okay sige. Kung ano man ang mangyari, kapag nasabi na ito sa balita, kailangan pa ring may gawin ang Hao family. Hindi natin pwedeng hayaan na madismaya ang Yi family dahil dito, kuha mo?" Paulit ulit na binalaan ni Hao Qirong ang anak niya.Halos masira ng kaka-manicure lang na kuko ni Hao Yimeng ang cellphone nito.Tinapakan niya si Ling Yiran sa harap ng maraming media at kinalat niya sa mga ito na si Ling Yiran ang pumatay sa kapatid niya.Ngayon, ang sinabi ng tatay niya ay katumbas ng paghingi niya ng tawad kay Ling Yiran sa harap ng publiko. Di ba para na din niyang sinampal an
Tumungo siya, at tinignan ang mga mata ni Yiran. Nakasandal ito sa balikat niya. 'Kung alam niya kaya ang totoo, masasabi niya pa rin kaya na... Sobrang saya niya dahil nakilala niya ako?''Malamang hindi.'Nung nakatulog na nang mahimbing si Ling Yiran, dahan-dahang gumalaw si Yi Jinli at binuhat si Ling Yiran. Bumalik ito ng kwarto at hiniga siya sa malambot na kama. Tapos, dahan-dahan niyang hinawakan ang buhok nito. "Yiran, tapos na tayo dito, ha?"Ang katotohanan sa likod ng kaso niya ay nagtapos na ngayon, at pati na rin ang nakaraan niya kay Gu Lichen.'Wag na nating pag-usapan pa ang tungkol sa mga bagay na yun!''Ito ang makakabuti para sa lahat!'...Isang reporter ang nagkalat ng balita sa internet tungkol sa reversal ng kaso ni Ling Yiran.Ilang saglit lang, maraming tao na ang nag diskusyon tungkol dito.Syempre, si Ling Yiran na nakalaya na sa pambibintang ay hindi masyado pinag-usapan dahil isa lang naman siyang baguhang abogado. Ang ex-boyfriend ni Ling Yiran n
"Sa mga sinasabi mo para akong ibang tao sa buhay mo. Yiran, di ba nangako tayo na forever tayong magkaibigan. Hindi ka dapat magtatago sakin ng mga ganyang bagay sa susunod. Ayokong malaman lang sa balita kung anong nangyayari sa mga kaibigan ko," sabi ni Qin Lianyi."Okay, sorry." napansin ni Ling Yiran na namula ang ilong niya.Ganun ang ugali ni Lianyi. Kapag tinuring ka niyang kaibigan, talagang buong puso niya itong gagampanan.Kinabukasan, kinita ni Qin Lianyi si Ling Yiran at nalaman niya ang mga detalye ng kaso, pati na rin kung paano naging si Wan Yuming ang mastermind sa likod nito."Hindi ako makapaniwala na ipinahamak niya ang ibang tao dahil lang takot siyang madamay sa kaso. Pero, ngayong napatunayan mo nang inosente ka, anong nang balak mong gawin?" emosyonal na pagkasabi ni Qin Lianyi."Hindi ko pa talaga alam," sabi ni Ling Yiran. Meron siyang mga planong gawin pero nag-aalangan pa rin ito sa future niya."Magiging abogado ka ba ulit?" tanong ni Qin Lianyi.Nat
Lahat ng sinabi ng lalaki ay naka depensa kay Hao Yimeng. Para siyang taga-hanga ni Hao Yimeng sa kilos at salita niya.Sumimangot nang kaunti si Ling Yiran, kinuha ang ilang librong pinili niya, at pumunta sa kahera para bayaran na ang mga 'to. Balak niya sanang hanapin si Qin Lianyi pagkabayad niya.Pero, hindi tumigil ang lalaki at tinuloy ang pagsunod kay Ling Yiran. Tinuloy niya lang din ang pagsasalita niya dahil gusto niyang sabihin ni Ling Yiran sa online na pinapatawad niya na talaga si Hao Yimeng, nilabas pa nga niya ang cellphone para kuhanan ng video si Yiran.Lalong nainis si Ling Yiran. "Wala kang karapatan na kuhanan ako ng video nang di ako pumapayag!""Nagui-guilty ka 'no? Kinukuhanan lang kita ng video gamit ang phone ko. Ano naman 'yun sayo? Hindi ka pa nga sumasagot sa publiko tungkol sa apology ni Hao Yimeng. May tinatago ka siguro, ‘no? Posible bang gustuhin mo ulit na makipagbalikan kay Xiao Ziqi?"Binomba niya ng tanong si Yiran para makakuha siya ng chismi