Tumungo siya, at tinignan ang mga mata ni Yiran. Nakasandal ito sa balikat niya. 'Kung alam niya kaya ang totoo, masasabi niya pa rin kaya na... Sobrang saya niya dahil nakilala niya ako?''Malamang hindi.'Nung nakatulog na nang mahimbing si Ling Yiran, dahan-dahang gumalaw si Yi Jinli at binuhat si Ling Yiran. Bumalik ito ng kwarto at hiniga siya sa malambot na kama. Tapos, dahan-dahan niyang hinawakan ang buhok nito. "Yiran, tapos na tayo dito, ha?"Ang katotohanan sa likod ng kaso niya ay nagtapos na ngayon, at pati na rin ang nakaraan niya kay Gu Lichen.'Wag na nating pag-usapan pa ang tungkol sa mga bagay na yun!''Ito ang makakabuti para sa lahat!'...Isang reporter ang nagkalat ng balita sa internet tungkol sa reversal ng kaso ni Ling Yiran.Ilang saglit lang, maraming tao na ang nag diskusyon tungkol dito.Syempre, si Ling Yiran na nakalaya na sa pambibintang ay hindi masyado pinag-usapan dahil isa lang naman siyang baguhang abogado. Ang ex-boyfriend ni Ling Yiran n
"Sa mga sinasabi mo para akong ibang tao sa buhay mo. Yiran, di ba nangako tayo na forever tayong magkaibigan. Hindi ka dapat magtatago sakin ng mga ganyang bagay sa susunod. Ayokong malaman lang sa balita kung anong nangyayari sa mga kaibigan ko," sabi ni Qin Lianyi."Okay, sorry." napansin ni Ling Yiran na namula ang ilong niya.Ganun ang ugali ni Lianyi. Kapag tinuring ka niyang kaibigan, talagang buong puso niya itong gagampanan.Kinabukasan, kinita ni Qin Lianyi si Ling Yiran at nalaman niya ang mga detalye ng kaso, pati na rin kung paano naging si Wan Yuming ang mastermind sa likod nito."Hindi ako makapaniwala na ipinahamak niya ang ibang tao dahil lang takot siyang madamay sa kaso. Pero, ngayong napatunayan mo nang inosente ka, anong nang balak mong gawin?" emosyonal na pagkasabi ni Qin Lianyi."Hindi ko pa talaga alam," sabi ni Ling Yiran. Meron siyang mga planong gawin pero nag-aalangan pa rin ito sa future niya."Magiging abogado ka ba ulit?" tanong ni Qin Lianyi.Nat
Lahat ng sinabi ng lalaki ay naka depensa kay Hao Yimeng. Para siyang taga-hanga ni Hao Yimeng sa kilos at salita niya.Sumimangot nang kaunti si Ling Yiran, kinuha ang ilang librong pinili niya, at pumunta sa kahera para bayaran na ang mga 'to. Balak niya sanang hanapin si Qin Lianyi pagkabayad niya.Pero, hindi tumigil ang lalaki at tinuloy ang pagsunod kay Ling Yiran. Tinuloy niya lang din ang pagsasalita niya dahil gusto niyang sabihin ni Ling Yiran sa online na pinapatawad niya na talaga si Hao Yimeng, nilabas pa nga niya ang cellphone para kuhanan ng video si Yiran.Lalong nainis si Ling Yiran. "Wala kang karapatan na kuhanan ako ng video nang di ako pumapayag!""Nagui-guilty ka 'no? Kinukuhanan lang kita ng video gamit ang phone ko. Ano naman 'yun sayo? Hindi ka pa nga sumasagot sa publiko tungkol sa apology ni Hao Yimeng. May tinatago ka siguro, ‘no? Posible bang gustuhin mo ulit na makipagbalikan kay Xiao Ziqi?"Binomba niya ng tanong si Yiran para makakuha siya ng chismi
Marami nang tao ang nagkakagulo sa gilid ni Ling Yiran. Sa sigaw na 'yun, lalo pang dumami ang taong pumalibot sa kanya.Nayamot si Gu Lichen ng kaunti. Ilang saglit lang, hinila niya si Ling Yiran papunta sa isang nakapark na kotse. Pumasok sila dito at umalis na palayo sa bookstore.Mabilis na tumakbo ang kotse, naiwan ang kumpol ng mga tao doon at walang nagawa kundi tingnan na lang ang pag-alis nila. Pagkatapos, sinimulan na nilang pagchismisan ang relasyon ni Ling Yiran at Gu Lichen.Pagpasok ng dalawa sa kotse, sinabi ni Ling Yiran kay Gu Lichen, "Salamat sa ginawa mo ngayon lang. Pwede mo na 'kong ibaba kahit dyan na lang sa tabi."Pero, imbis na itigil ang kotse, nagtanong si Gu Lichen, "Ano bang nangyari sayo dun kanina?""Nakilala ako ng isang lalaki dun sa loob ng bookstore. Kasi nga naging malaking isyu sa internet ang pag baliktad ng kaso ko dahil sa apology ni Hao Yimeng. Pakitigil na yung kotse. Yung kaibigan ko naiwan dun sa bookstore at kailangan ko pa siyang kita
"Ano bang trabaho ang gusto mong gawin?" Tinanong niya ito nung oras na 'yun, dahil nakukuha naman agad ni Gu Lichen ang lahat ng gusto niya kahit hindi niya paghirapan.Katulad siya ng ibang tao na nasa kanila na lahat pagkapanganak pa lang.Bukod dito... ang salitang 'trabaho' ay hindi niya naisip kahit kailan.Pero, itong taong 'to na mas bata pa sa kanya ng isa o dalawang taon eh iniisip na agad yung ganitong bagay?"Hindi ko pa talaga naiisip, pero gusto ko lang naman magkaroon ng trabaho na kaya akong protektahan pati na rin ang mga taong mahal ko!” sagot niya.''Yun lang?'Dahil ipinanganak sa mayamang pamilya, alam niyang wala naman talagang totoong hustisya dahil sa impluwensyang natatanggap niya simula pagkabata, at minsan pa, ang tinatawag sa na hustisya ay paniniwala lang sa hindi naman totoo.Pero, sobrang seryoso ng mga mata niya na parang may mga salita itong hindi masabi.Lumipas ang ilang taon at nakita niya na rin ang batang babae, nalaman niyang hindi nagkaro
"So... Sorry!" mabilis siyang humingi ng tawad. Napawala ng sakit sa kamay niya ang sakit ng ulo niya."Bakit mo 'ko hinawakan? Bakit mo 'ko tinawag sa ganung pangalan? Ling Yiran, wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin?" Nakatingin lang ito sa kanya.Namutla ang mukha niya at namula. "Akala... Akala mo lang 'yun!""Akala?" natawa ito bigla. "Sige, sabihin mo nga sa’kin kung ano ba ang dapat kong maisip sa pagtawag mo sakin sa palayaw ko nang paulit ulit at pati na rin yung paghawak mo sa mukha ko."Napakagat ito sa labi niya. Ilang saglit lang, hindi niya na alam ang sasabihin niya, kaya ang sinabi niya na lang, "Hindi yun katulad ng iniisip mo. Hindi ko na ulit ‘yun gagawin. Sumakit ang ulo at napagkamalan kitang ibang tao.""Napagkamalan? Nagkamali ka rin ba sa pagtawag sakin sa pangalang 'Chenchen'?" bulong niya."Hindi lang naman ikaw ang tinatawag na 'Chenchen' sa mundong 'to," sagot niya.Ilang saglit pa ay nasa malapit na si Qin Lianyi. Nung nakita niya ito, sinab
...Tinignan ni Yi Jinli ang mga litrato sa phone niya. Lahat ng nakita niya ay mga kuha na hinihila ni Gu Lichen si Ling Yiran papasok sa kotse.Kahit na kakapost lang nito sa online, nag-trending na agad ito sa internet.Marami nga rin ang naghihinala kung anong relasyon meron si Ling Yiran at Gu Lichen.Natakot si Gao Congming nang tignan niya ang boss niya habang nakatingin ito nang masama sa cellphone nito. Tapos, bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob para magsalita, "Ahh... Si Mr. Gu po kasi bigla na lang sumulpot. Kaya yung mga bodyguard na palihim na nagbabantay kay Miss Ling hindi agad siya..."Ang mga mata niya ay nakatitig lang sa litrato sa cellphone habang mahigpit ang pag hawak niya dito."Gumawa ka ng paraan para maalis 'to. Ayoko nang makita pa ulit ang mga picture na 'to sa internet," galit na nag-utos si Yi Jinli."Opo, Sir." sumagot agad si Gao Congming at lumabas na ito ng president's office.Sa tahimik na kwarto, hinahaplos ng dahan-dahan ni Yi Jinli ang
"May nangyari kanina nung bumibili ako ng mga libro sa bookstore. Tapos, nakita ko si Gu Lichen," sinabi ni Ling Yiran nang hindi siya nagtatago.Dahil ayaw niya rin naman na iba pa ang magsabi kay Jin at magalit pa ito sa kanya.Nakatingin lang ito sa kanya. "Tapos ano nangyari?""Kinukuhanan ako ng video ng mga tao gamit ang cellphone nila at marami ring tao ang nakikitingin. Dinala lang ako ni Gu Lichen sa kotse niya para tulungan ako makaalis doon. Tinigil niya din yung kotse nung nakalayo na kami ng konti sa bookstore, dahil nagkita ulit kami ni Lianyi."Sinabi niya ang lahat ng detalye sa nangyari kanina."Jin, ayokong may iba ka pang isipin. Nagkataon lang talaga na napadaan doon si Gu Lichen kanina," sabi ni Ling Yiran.Kung meron man siyang ibang nararamdaman kay Gu Lichen, yun ay dahil lang sa pag-iisip niya sa mga panaginip niya.Medyo nag-iba ang tingin ni Yi Jinli, tapos tinaas niya ang kamay niya para yakapin si Yiran. "Hindi ako mag-iisip ng kahit ano kasi alam ko