"Ano bang trabaho ang gusto mong gawin?" Tinanong niya ito nung oras na 'yun, dahil nakukuha naman agad ni Gu Lichen ang lahat ng gusto niya kahit hindi niya paghirapan.Katulad siya ng ibang tao na nasa kanila na lahat pagkapanganak pa lang.Bukod dito... ang salitang 'trabaho' ay hindi niya naisip kahit kailan.Pero, itong taong 'to na mas bata pa sa kanya ng isa o dalawang taon eh iniisip na agad yung ganitong bagay?"Hindi ko pa talaga naiisip, pero gusto ko lang naman magkaroon ng trabaho na kaya akong protektahan pati na rin ang mga taong mahal ko!” sagot niya.''Yun lang?'Dahil ipinanganak sa mayamang pamilya, alam niyang wala naman talagang totoong hustisya dahil sa impluwensyang natatanggap niya simula pagkabata, at minsan pa, ang tinatawag sa na hustisya ay paniniwala lang sa hindi naman totoo.Pero, sobrang seryoso ng mga mata niya na parang may mga salita itong hindi masabi.Lumipas ang ilang taon at nakita niya na rin ang batang babae, nalaman niyang hindi nagkaro
"So... Sorry!" mabilis siyang humingi ng tawad. Napawala ng sakit sa kamay niya ang sakit ng ulo niya."Bakit mo 'ko hinawakan? Bakit mo 'ko tinawag sa ganung pangalan? Ling Yiran, wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin?" Nakatingin lang ito sa kanya.Namutla ang mukha niya at namula. "Akala... Akala mo lang 'yun!""Akala?" natawa ito bigla. "Sige, sabihin mo nga sa’kin kung ano ba ang dapat kong maisip sa pagtawag mo sakin sa palayaw ko nang paulit ulit at pati na rin yung paghawak mo sa mukha ko."Napakagat ito sa labi niya. Ilang saglit lang, hindi niya na alam ang sasabihin niya, kaya ang sinabi niya na lang, "Hindi yun katulad ng iniisip mo. Hindi ko na ulit ‘yun gagawin. Sumakit ang ulo at napagkamalan kitang ibang tao.""Napagkamalan? Nagkamali ka rin ba sa pagtawag sakin sa pangalang 'Chenchen'?" bulong niya."Hindi lang naman ikaw ang tinatawag na 'Chenchen' sa mundong 'to," sagot niya.Ilang saglit pa ay nasa malapit na si Qin Lianyi. Nung nakita niya ito, sinab
...Tinignan ni Yi Jinli ang mga litrato sa phone niya. Lahat ng nakita niya ay mga kuha na hinihila ni Gu Lichen si Ling Yiran papasok sa kotse.Kahit na kakapost lang nito sa online, nag-trending na agad ito sa internet.Marami nga rin ang naghihinala kung anong relasyon meron si Ling Yiran at Gu Lichen.Natakot si Gao Congming nang tignan niya ang boss niya habang nakatingin ito nang masama sa cellphone nito. Tapos, bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob para magsalita, "Ahh... Si Mr. Gu po kasi bigla na lang sumulpot. Kaya yung mga bodyguard na palihim na nagbabantay kay Miss Ling hindi agad siya..."Ang mga mata niya ay nakatitig lang sa litrato sa cellphone habang mahigpit ang pag hawak niya dito."Gumawa ka ng paraan para maalis 'to. Ayoko nang makita pa ulit ang mga picture na 'to sa internet," galit na nag-utos si Yi Jinli."Opo, Sir." sumagot agad si Gao Congming at lumabas na ito ng president's office.Sa tahimik na kwarto, hinahaplos ng dahan-dahan ni Yi Jinli ang
"May nangyari kanina nung bumibili ako ng mga libro sa bookstore. Tapos, nakita ko si Gu Lichen," sinabi ni Ling Yiran nang hindi siya nagtatago.Dahil ayaw niya rin naman na iba pa ang magsabi kay Jin at magalit pa ito sa kanya.Nakatingin lang ito sa kanya. "Tapos ano nangyari?""Kinukuhanan ako ng video ng mga tao gamit ang cellphone nila at marami ring tao ang nakikitingin. Dinala lang ako ni Gu Lichen sa kotse niya para tulungan ako makaalis doon. Tinigil niya din yung kotse nung nakalayo na kami ng konti sa bookstore, dahil nagkita ulit kami ni Lianyi."Sinabi niya ang lahat ng detalye sa nangyari kanina."Jin, ayokong may iba ka pang isipin. Nagkataon lang talaga na napadaan doon si Gu Lichen kanina," sabi ni Ling Yiran.Kung meron man siyang ibang nararamdaman kay Gu Lichen, yun ay dahil lang sa pag-iisip niya sa mga panaginip niya.Medyo nag-iba ang tingin ni Yi Jinli, tapos tinaas niya ang kamay niya para yakapin si Yiran. "Hindi ako mag-iisip ng kahit ano kasi alam ko
"Jin, gusto kita," nanggaling na rin sa mapula nitong labi ang gusto niyang marinig.Ilang saglit pa, natakpan na ng katawan ni Jin ang katawan ni Yiran......Tinignan ni Hua Lifang ang cellphone niya at hindi niya na mahanap yung nakita niya kanina.Biglang kumalat sa internet ang balita na nakahawak si Gu Lichen sa kamay ni Ling Yiran, at hindi siya naging masaya pagkakita niya sa mga litratong ito.'Sa isip ni Lichen, ako dapat ang nagligtas sa kanya! Bakit niya pa tinulungan si Ling Yiran sa harap ng publiko at pinapasok niya pa talaga ito sa kotse niya?Sa litratong 'yun, kung tignan niya si Ling Yiran... Para bang... Siya lang ang iniisip nito at wala nang iba!'Kung alam lang ni Lichen na si Ling Yiran yung totoong hinahanap niya..." Hindi na inisip pa ni Hua Lifang ang posibleng mangyari.At dito, bigla na lang may nagsalita, "Hala, bakit may isa dyan na nakatingin pa rin sa cellphone niya? Nawala agad sa internet yung bagong chismis tungkol sa crown prince. Baka ginaw
Yung buhok niya, na lagi naman nakasuklay nang maayos, ngayon ay medyo magulo na. May kaunting buhok na nakalaylay sa may noo niya, at ang gwapo niyang mukha ay parang hindi suplado nang makita niya ito. Ang mukha niya ngayon ay hindi maipinta.Sa kabilang kamay niya, may hawak siyang silver na bracelet.Nakatitig lang ang mga mala-phoenix nitong mata sa bracelet.Nang makita niya ang bracelet, lalong hindi alam ni Hua Lifang ang gagawin niya.Imbis na ibigay niya kay Hua Lifang ang bracelet pagkatapos nitong magpanggap na si Ling Yiran, tinago na lang ito ni Gu Lichen sa kanya.Kahit na kasama niya si Lichen minsan, nakatingin padin siya sa bracelet na para bang may nakikita siya sa kaloob looban nito.'Anong kayang tinitignan niya? Iniisip niya kaya si Ling Yiran nung bata pa ito?' Nakaramdam ng matinding selos si Hua Lifang nang maisip niya ito."Lichen." kinagat ni Hua Lifang ang labi niya at nagkunwaring nag-alala ito. "Bakit hindi mo ko sinundo sa school kanina? At ngayon
Dahil matagal na siyang hindi nakakabasa ng professional law books sa halos apat na taon, naisip ni Ling Yiran na baka kalawangin na siya at baka hindi na din niya maalala kahit yung batas na matagal nang ipinatutupad..Pero, parang mas natatandaan niya ang mga ito ngayon nang mas mabilis kumpara dati. Para siyang sponge ngayon, binabasa niya ang iba't-ibang mga kaso at nakukuha niya na ang naranasan ng mga naunang abogado sa kanya.Siguro gusto rin talaga ng utak niya na mapunan ang mga pagkukulang na naiwan sa nakalipas na apat na taon.Na-enjoy ni Ling Yiran ang pagbasa sa dalawang makapal na law books.Sa isang kwarto kasunod ng mesa ni Yi Jinli, may isa pang mesa na nakatabi para kay Ling Yiran.Nagbasa si Ling Yiran nang dahan-dahan, at kung nag-aalangan man siya, mamarkahan niya ito sa libro bago gumamit ng internet para hanapin ang impormasyon tungkol sa nabasa niya.Dahil tutok na tutok ito sa binabasa niya, hindi napansin ni Ling Yiran si Yi Jinli na nakaupo sa kabilang
Pero, ano ang nangyayari kay Ate Lifang kung ganoon?Kung lumabas na ang mga panaginip niya ay walang kaugnayan sa pagkawala ng ala-ala niya pero maaring napanaginipan niya ito dahil narinig niyang sinabi ito ni Ate Lifang noong pagkabata, kung ganoon ay nag-iisip lamang siya ng sobra. Kung sasabihin niya ito kay Jin, mapupukaw lamang niya ang mga hinala nito. Kahit na... Sasabihin lang niya ito sa kanya kapag maayos na ang lahat.“Bakit hindi kita hanapan ng eksperto?” tanong ni Yi Jinli. Malamang ay top-notch ang mga eksperto na sinasabi niya. “Gumawa na ako ng appointment para bukas, kaya salamat na lang muna sa ngayon. Pag-usapan natin ang tungkol dito pagkatapos kong magpa-konsulta sa doktor,” ani Ling Yiran. “Sasamahan kita bukas,” sabi ni Yi Jinli. “Salamat pero hindi holiday bukas. Kaya kong pumunta mag-isa. Ipapasuri ko lang ang sakit ng ulo ko. Hindi mo kailangang samahan ako,” nagmamadaling sinabi ni Ling Yiran. Tsaka, pupunta siya sa doktor bukas para itanong