Pero, ano ang nangyayari kay Ate Lifang kung ganoon?Kung lumabas na ang mga panaginip niya ay walang kaugnayan sa pagkawala ng ala-ala niya pero maaring napanaginipan niya ito dahil narinig niyang sinabi ito ni Ate Lifang noong pagkabata, kung ganoon ay nag-iisip lamang siya ng sobra. Kung sasabihin niya ito kay Jin, mapupukaw lamang niya ang mga hinala nito. Kahit na... Sasabihin lang niya ito sa kanya kapag maayos na ang lahat.“Bakit hindi kita hanapan ng eksperto?” tanong ni Yi Jinli. Malamang ay top-notch ang mga eksperto na sinasabi niya. “Gumawa na ako ng appointment para bukas, kaya salamat na lang muna sa ngayon. Pag-usapan natin ang tungkol dito pagkatapos kong magpa-konsulta sa doktor,” ani Ling Yiran. “Sasamahan kita bukas,” sabi ni Yi Jinli. “Salamat pero hindi holiday bukas. Kaya kong pumunta mag-isa. Ipapasuri ko lang ang sakit ng ulo ko. Hindi mo kailangang samahan ako,” nagmamadaling sinabi ni Ling Yiran. Tsaka, pupunta siya sa doktor bukas para itanong
Pero nang makarating siya sa punto ng hypnosis, medyo nag-aalangan siya. ‘Kung memorya ko nga iyon, ako ba talaga ang hinahanap ni Gu Lichen? Ano ang gagawin ko? Sasabihin ko ba kay Gu Lichen na ako ang hinahanap niya?’‘Gagawa ba ito ng mas malaki pang gulo?’‘Pero... Kung hindi ako makarating sa ilalim nito, kung ganoon...’ Nawalan ng puwang ang kanyang puso na parang wala itong ilalim. Ito ay parang ang imahinasyon at ang katotohanan ay patuloy na nagdurugtong, hindi siya mapakali. Habang iniisip niya ang tungkol dito ay biglang tumunog ang kanyang phone. Ito ay tawag mula kay Yi Jinli. Sinagot ito ni Ling Yiran at narinig ang pamilyar na panlalaking boses mula sa kanyang phone. “Kumusta ang pagpunta mo sa ospital? Nagpatingin ka na ba sa doktor?”“Oo, nagpatingin na ako,” sagot ni Ling Yiran. “Anong sabi ng doktor?”“Hindi... Hindi naman masyadong seryoso. Ipagpapatuloy ko pang ipatingin ito,” sinabi niya nang may pagsisisi. Lagi niyang nararamdaman na dapat ay maging tap
Kahihiyan lang ang natamo niya noon. Hindi pa talaga siya napaparito. Alam niyang magalang ang ugali ng mga tauhan sa kanya hindi dahil siya ay si Ling Yiran kundi dahil sa lalaking nasa likod niya na si Yi Jinli. Ito ang katotohanan mito. Maraming tao sa lipunang ito ang sabay sa uso. Pero umaasa siya na isang araw, titingnan siya ng mga tao sa kanyang mata hindi dahil sa kung sino ang nasa likod niya kundi dahil lamang sa kanyang sarili. Sa huli, pinili ni Ling Yiran ang isang kulay lila na gown. Ang gown na ito ay napaka simple ang disenyo. Bagaman ang disenyo ay medyo konserbatibo, binibigyan nito ang mga tao ng isang elegante at mabini na pakiramdam. Ang kumbinasyon ng mga durog na diamante at puntas sa baywang at palda ay nagbibigay ng kalangitang kagandahang pakiramdam na siyang nakakatulong sa gown na maging matibay. Isa sa mga tauhan ay malapit nang sabihin ang isang bagay nang pinili ni Ling Yiran ang gown, pero pinigilan ito ni Manager Wang gamit ang kanyang mga
Sa opinyon ni Manager Wang, usap-usapan lamang online si Hua Lifang bilang sunod na nobya ng prinsipe, pero hindi pa ito inaamin ng prinsipe, diba?Pero hindi siya natatakot na masaktan ang damdamin ni Hua Lifang. Pero, sa hindi inaasahan, talagang ang prinsipe ang sumama sa kanya rito, na nagmukhang nag-aalala siya tungkol kay Hua Lifang. ‘Si Hua Lifang ba talaga ang gustong babae ng prinsipe?’Ang isa ay babae ng prinsipe, at ang isa naman ay babae ni Young Master Yi. Hinihiling lamang ni Manager Wang na agad-agad siyang mahimatay para hindi na niya maharap ang ganitong kahirap na problema. Blankong tumitig si Gu Lichen kay Ling Yiran. Nanatiling nakatayo si Ling Yiran, hinihintay ang sagot ng manager. Ang ilaw mula sa koridor ay malumanay na nahulog sa kanya, na ginawang tahimik at banayad ang kanyang hitsura.Pero, ‘tila may tenasidad sa kanyang mga aprikot na mata. Ang babae ay maaring magmukhang banayad, ngunit ‘tila walang maaring makadurog sa kanya. Ito ay tulad ng
Tiningnan ni Yi Jinli si Gu Lichen sa sulok ng kanyang mata. Mukhang napansin ito ni Gu Lichen at binaling ang kanyang mata upang masalubong ang tingin ni Yi Jinli. Ang mga mata ng dalawang lalaki ay nagtagpo sa kalagitnaan ng hangin na parang sumasagupa sa tahimik na kumpetisyon. Biglang naglagay ng ngiti si Yi Jinili sa kanyang mga labi. Nilagay niya ang kanyang kamay sa mga balikat ni Ling Yiran at yumuko. Pinuwesto ang mukha malapit sa kanyang pisngi, malumanay niyang inulit ang tanong, “Ano ang sinabi mo na ibibigay mo?”Iritasyon lamang ang naramdaman ni Gu Lichen. ‘Yi Jinli... Sinasadya niya ‘to!‘Sinasadya ba niyang ipakita ang epekto niya kay Ling Yiran upang sabihin sa iba na huwag gumawa ng anumang pagtatangka sa kanya?’Nangangalaiti ang bibig ni Gu Lichen. Kailan pa siya pumatol sa kasintahan ng ibang lalaki?Sa parte niya, hindi siya kailanman nawalan ng babae, o hindi siya sumubok sa babaeng may laman nang iba ang puso. Parehong siya at ang mga babae na n
Noong pagkarinig ni Ling Yiran na gusto ni Gu Lichen ng lila ay mukhang nagbago ang isip niya tungkol sa gown na lila. “Sinusubukan... Ba niyang dumistansya sa akin?’Dumaan sa kanyang isipan ang mga ito, pero hindi kumportable ang kanyang pakiramdam. ...Hiwalay ang bawat dressing room dito. Sina Gu Lichen at Hua Lifang ay dinala ng tauhan sa isa sa mga ekslusibong dressing room. Nang lumitaw si Hua Lifang sa harapan ni Gu Lichen suot ang pareho na gown na sinuot ni Ling Yiran, sumulyap lamang si Gu Lichen sa kanya at sinabi, “Hindi na masama.”Alam na rin ni Hua Lifang na hindi magiging maganda sa kanya ang gown na ito tulad ng kay Ling Yiran. Lalo na noong sinuot niya ito pagkatapos suotin ni Ling Yiran. Nagmukha lang siyang magaspang na manggagaya, pero hindi man lang siya makakuha ng ibang gown. “Lichen, sa tingin mo ba hindi dapat ako nakipag-talo kay Yiran sa isang gown?” Nagmukhang malungkot si Hua Lifang. “Gusto... Gusto ko lang na magsuot ng isang lilang bestid
Sa sumunod na sandali, pinulupot ni Yi Jinli ang kanyang mga braso kay Ling Yiran mula sa kanyang likuran. Ang kanyang mga labi ay lumapit sa kanyang tainga habang ang kanyang hininga ay ‘sing bango ng orkidyas at sinabi, “Napakaganda mo, Ate.”Namula agad ang pisngi ni Ling Yiran. Nandito ang mga staff ng shop na ito! “Bitawan... Bitawan mo ako! May nanonood sa atin!” bulong ni Ling Yiran, nagsisimula na namang uminit ang kanyang pisngi. “Ano naman? Mag-couple naman tayo. Hindi ba na natural lang na hagkan natin ang isa’t-isa?” ani Yi Jinli. Hindi mapigilan ni Ling Yiran na mapatingin sa salamin. Puno ng kahihiyan ang kanyang mukha sa salamin, at lubog siya sa mga bisig ni Yi Jinli. Ang kanyang itim na suit at ang kanyang pilak na gown ay gumawa ng isang matalim na kaibahan at isang malakas na biswal na epekto. Maya-maya ay nagtagpo ang kanilang mga mata sa salamin. Pareho silang nakasulyap sa salamin na nasa kanilang harapan, at ang kanilang mga mata ay nakaugnay ng ma
‘Nag-aalala ako na mayroon talagang kahina-hinala tungkol kay Ate Lifang. ‘Marahil ay tama ang hinala ko?‘Pero... Paano kung totoo ito?‘Kung totoo nga ito, ang relasyon ko kay Gu Lichen ay hindi na magiging tulad ng dati.‘Kahit na maari ko lamang ituring si Gu Lichen bilang isang ordinaryong tao at isaalang-alang siya, higit sa lahat, siya pa rin ang kababata ko na nagpabahagi ng isang karaniwang karanasan noong maliit pa lang ako... Kumusta naman si Gu Lichen? Ano ang iisipin niya?‘Paano si Jin? Ano ang magiging reaksyon niya?’ Base sa pagkakaroon ng paggugol ng oras nang magkasama, unti-unting natuklasan ni Ling Yiran na maaring manghinala at maging sensitibo si Yi Jinli. Marahil ito ay dahil sa kanyang mga karanasan bilang isang bata.Nag-alala na siya kay Gu Lichen noon, at kung tama ang hinala niya, nag-aalala siya tungkol sa iisipin niya. Kaya ang ideya ng pagpunta sa isang psychiatrist ay naging alanganin para kay Ling Yiran. Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng ba