‘Hindi ko hahayaang maalala niya ito, kahit na sa anong paraan!‘Gusto kong ako lang ang iniisip niya!’...Sa gabi, wala sa ulirat si Ling Yiran. Lumakad si Yi Jinli sa banyo kasama si Ling Yiran sa kanyang mga bisig. Dahan-dahan niyang nilagay ito sa bathtub na puno ng maligamgam na tubig at marahan siyang nilinisan. Sinandal ni Ling Yiran ang kanyang ulo sa isang tabi, nakatulog ito ng mabuti, ngunit ang kanyang magandang mukha ang nagtutulak sa kanya na mahalin pa ito ng sobra. Kung labis kang nagmamahal sa isang tao, maaakit ka sa anumang ginagawa nila. Maputi siya, pero ang maputing balat nito ay nagpapahiwatig ng lumang peklat nito. Ang mga peklat na ito ay nakuha niya noong nasa selda pa lamang siya. Sa tuwing nakikita niya ang mga peklat na ito, nakakaramdam siya ng pagsisisi at bigat sa kanyang puso. Marahil ay mahihirapan siyang tanggalun ang ganitong pakiramdam sa buong buhay niya. Hangga’t mahal niya ito, dadalhin niya ang pakiramdam na iyon!Bilang kara
“Kung ganoon, tingnan natin kung sino ang magtatangkang pahiyain ka.” Nagbigay ng isang kaswal na ngiti si Yi Jinli at malambing na pinagmasdan si Ling Yiran. “Tsaka, sayo ako. Ano bang mahalaga sa pagmamataas?”“Pero...”“Kung talagang nag-aalala ka tungkol dito, bakit hindi na lang ako mamahiya ng ibang tao kaysa mapahiya ka? Huwag kang mag-alala tungkol dito,” kaswal na sabi ni Yi Jinli. Hindi alam ni Ling Yiran kung tatawa ba siya o iiyak. ‘Hays, hindi iyon ang punto.’Kumaripas ang sasakyan papunta sa trade fair. Gumawa na ng ilang pananaliksik si Ling Yiran at nalaman na ang trade fair ngayon ay higit na dadaluhan ng ilang kilalang negosyante. Maliban sa Shen City, mayroon ding ilang mga negosyante mula sa ibang mga lungsod. Sabihin na nating ang mga nasabing mga eksibisyon ay maaring magsulong ng mga kolaborasyon sa negosyo at makakatulong sa mga negosyanteng bumuo ng mga koneksyon. Ang trade fair ngayon ay nagtakda ng isang mataas na bukana, kaya maraming maliit at kat
Sa sandaling iyon, patay na ang kanyang puso. Sa mga araw na ito, kasama ang kumbinasyon ng gamot at pisikal na therapy, gumaling ang kanyang mga daliri at hindi ulit kumirot sa mahabang panahon. Gayunpaman, ang makita sina Xiao Ziqi at Hao Yimeng na magkasama ang nagpanumbalik ng imahe sa kanyang isipan nang pagtanggal sa kanyang mga kuko. At ang kanyang kamay... Ay nagsisimulang sumakit muli.Isang pares ng malalaking kamay ay pumulupot sa kanyang panginginig at sumasakit na mga kamay. Isang matikas na baritonong boses ang umalingawngaw sa kanyang mga tainga. “Ang lamig ng kamay mo.” “Wala... Wala ito. Bigla na lang nagsimulang sumakit ang mga kamay ko. Magiging maayos din ito ng ilang minuto,” ani Ling Yiran. Alam niya sa kanyang puso na ang sakit sa kanyang kamay ay mas sikolohikal kaysa sa pisikal. Habang naririnig ito, medyo umismid si Ling Yiran at kinuha ang kanyang mga kamay sa kanya, yinuko ang kanyang ulo habang malumanay na hiningaan ang mga ito. Hulyo na ngayo
‘Si Ling Yiran ba talaga ito?’‘Ang babaeng minsan ko nang tinapakan?’“Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Yi Jinli na may pag-aalala na para bang ang presensya lamang niya ang tanging nananatili sa kanyang mga mata. Naramdaman ni Ling Yiran ang lamig sa kanyang kamay na paunti-unting umiinit dahil sa pagbuga niya ng hangin dito, ang sakit sa kanyang mga daliri ay nawawala. “Maayos na,” sabi niya na may buntong-hininga.Pinagmasdan niya ang mukha nito at lumabas ngang medyo maayos na siya kaysa kanina. “Mukhang kailangan kong kumuha ng doktor para ipatingin ang mga kamay mo ulit. Hindi man lang sila gumaling.”“Maayos na talaga sila. Siguro ay sikolohikal na reaksyon lang ito na naging dahilan kung bakit kumirot ang mga kamay ko,” sabi ni Ling Yiran. “Dahil ba ito kila Xiao Ziqi at Hao Yimeng? Sumakit ba ang mga kamay mo dahil halos wasakin na nila ang mga kamay mo noon?” utas ni Yi Jinli. Nagulat si Ling Yiran, pagkatapos ay binaba niya ang kanyang mga mata ulit. ‘
Gagamit siya ng makatuwiran at legal na paraan upang mahanap ang hustisya na para sa kanyang sarili. Sa paraan lamang na ito makikita na karapat dapat sa kanya ang damit ng abogado na kanyang suot. Tsaka, hindi niya sasayangin ang maraming taon sa pag-aaral ng batas!Tumitig si Yi Jinli sa taong nasa kanyang harapan, bahagyang humapit ang itim sa mga mata niya. Ilang sandali, halos hindi niya mapigilan alisin ang kanyang mga mata kay Ling Yiran. Na para bang pabilis nang pabilis ang kanyang paglago, nag-iiba ang kanyang anyo nang hindi niya namamalayan. Mas lalo din siyang... Gumaganda! ‘Bakit hindi na lang umasa si Yiran sa kanya? Pero maaring ito ang tunay na siya.’“Masyadong madali para sa kanila kung papakawalan natin silang pareho. Paano kung may gawin ako para pagsisihan nila ang mga ginawa nila sayo ngayon?” sabi ni Yi Jinli. Bago malaman ni Ling Yiran ito, hinila na siya ni Yi Jinli si Ling Yiran papunta kina Xiao Ziqi at Hao Yimeng. Maraming mga tao sa paligid ang
‘Ang isang salarin na nagsasabi sa biktima na kalimutan na ang tungkol sa nangyari noon? Anong karapatan ni Hao Yimeng na sabihin ito?”Mas lalong namutla si Hao Yimeng. “Miss Ling, sana lang ay magkaroon ng kapayapaan sa pagitan natin.”“Sa tingin ko ay hindi na tayo magkakaroon ng kapayapaan sa isa’t-isa,” sabi ni Ling Yiran. Marami pang gustong sabihin si Hao Yimeng, ngunit nagsalita si Yi Jinli, “Kung sinabi ni Ling Yiran na hindi ka niya papatawarin, kung ganoon, hindi.”Sa ilang sandali, nanginig si Hao Yimeng at halos hindi na makatayo. Sinuportahan kaagad ni Xiao Ziqi ang kasintahan. Binaling ni Ling Yiran ang kanyang ulo upang harapin si Yi Jinli at sinabi, “Jin, gusto kong pumunta sa ibang lugar.” Pakiramdam niya ay hindi siya komportableng harapin ang dalawang taong nanakit sa kanya. “Sige,” sagot ni Yi Jinli. Aalisin niya na rin naman ito rito.Paglingon ng dalawa, biglang sinabi ni Xiao Ziqi, “Yiran, patawad.”Huminto si Ling Yiran sa paglalakad ngunit hindi siy
Ang babala sa mukha ni Yi Jinli ay sapat na upang ipaalam sa kanya na mas mabuti mawala na sa kanyang isipan si Ling Yiran.Kung hindi man, hindi siya magdadalawang isip na saktan ito. Pero... matapos niyang malaman na si Ling Yiran ay nagkasala, minsan ay hindi niya maiwasang isipin kung ano ang mangyayari sa kanya at kay Ling Yiran kung walang nangyaring aksidente o demandahan. Ngunit kahit anong pag-iisip niya, wala na siyang karapatang makalapit kay Ling Yiran. Siguro ay kakailanganin niya pa ring subaybayan ang babaeng iyon......Sa kabilang banda, sinulyapan ni Yi Jinli si Ling Yiran at tinanong, “Galit ka pa rin ba sa sinabi ni Hao Yimeng ngayon?”Tumango siya. “Konti. Alam kong humingi lang siya ng tawad sa akin dahil sayo. Sadyang sobrang ipokrito niya sa paghingi ng tawad at gusto niya na patawarin ko siya kaagad. Nakakatawa.” Paano makakabawi ang isang kaswal na paghingi ng tawad para sa pinsalang dinanas nila? Kumislap ang mga mata ni Yi Jinli nang hawakan mu
Iginiya ni Yi Jinli si Ling Yiran, at hindi mapigilan ni Ye Wenming na medyo magulat nang makita silang dalawa. “Nagkita ulit tayo. Hindi ko akalain na si Young Master Yi ay magiging interesado sa mga peryahan.”“Pumunta ako rito upang makita si Lawyer Wen ngayon,” sabi ni Yi Jinli. Tapos ay lumingon siya kay Wen He at sinabi, “Kumusta, Lawyer Wen. Ako si Yi Jinli, at ito ang aking kasintahan, si Ling Yiran. Gustong gusto niyang makita ka.”“Makita ako?” Nagulat si Wen He nang sinabi ni Yi Jinli sa kanya ang kanyang pangalan. ‘Yi Jinli! Ito ba ang tinaguriang lokal na malupit ng Shen City? Siya ay isang taong hindi mo mababangga sa Shen City.’Siya ay mas bata at mas kaakit akit higit pa sa iniisip niya. Pagkatapos ay nahulog ang kanyang mga mata kay Ling Yiran. Dahil gusto niyang pumunta sa Shen City, sinundan niya din ang mga balita sa Shen City. Sa mga araw na ito, ang pag baliktad ng kaso mula sa halos apat na taon na ang nakakalipas ay hindi lamang sumikat sa mga tabloid
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at