‘Si Ling Yiran ba talaga ito?’‘Ang babaeng minsan ko nang tinapakan?’“Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Yi Jinli na may pag-aalala na para bang ang presensya lamang niya ang tanging nananatili sa kanyang mga mata. Naramdaman ni Ling Yiran ang lamig sa kanyang kamay na paunti-unting umiinit dahil sa pagbuga niya ng hangin dito, ang sakit sa kanyang mga daliri ay nawawala. “Maayos na,” sabi niya na may buntong-hininga.Pinagmasdan niya ang mukha nito at lumabas ngang medyo maayos na siya kaysa kanina. “Mukhang kailangan kong kumuha ng doktor para ipatingin ang mga kamay mo ulit. Hindi man lang sila gumaling.”“Maayos na talaga sila. Siguro ay sikolohikal na reaksyon lang ito na naging dahilan kung bakit kumirot ang mga kamay ko,” sabi ni Ling Yiran. “Dahil ba ito kila Xiao Ziqi at Hao Yimeng? Sumakit ba ang mga kamay mo dahil halos wasakin na nila ang mga kamay mo noon?” utas ni Yi Jinli. Nagulat si Ling Yiran, pagkatapos ay binaba niya ang kanyang mga mata ulit. ‘
Gagamit siya ng makatuwiran at legal na paraan upang mahanap ang hustisya na para sa kanyang sarili. Sa paraan lamang na ito makikita na karapat dapat sa kanya ang damit ng abogado na kanyang suot. Tsaka, hindi niya sasayangin ang maraming taon sa pag-aaral ng batas!Tumitig si Yi Jinli sa taong nasa kanyang harapan, bahagyang humapit ang itim sa mga mata niya. Ilang sandali, halos hindi niya mapigilan alisin ang kanyang mga mata kay Ling Yiran. Na para bang pabilis nang pabilis ang kanyang paglago, nag-iiba ang kanyang anyo nang hindi niya namamalayan. Mas lalo din siyang... Gumaganda! ‘Bakit hindi na lang umasa si Yiran sa kanya? Pero maaring ito ang tunay na siya.’“Masyadong madali para sa kanila kung papakawalan natin silang pareho. Paano kung may gawin ako para pagsisihan nila ang mga ginawa nila sayo ngayon?” sabi ni Yi Jinli. Bago malaman ni Ling Yiran ito, hinila na siya ni Yi Jinli si Ling Yiran papunta kina Xiao Ziqi at Hao Yimeng. Maraming mga tao sa paligid ang
‘Ang isang salarin na nagsasabi sa biktima na kalimutan na ang tungkol sa nangyari noon? Anong karapatan ni Hao Yimeng na sabihin ito?”Mas lalong namutla si Hao Yimeng. “Miss Ling, sana lang ay magkaroon ng kapayapaan sa pagitan natin.”“Sa tingin ko ay hindi na tayo magkakaroon ng kapayapaan sa isa’t-isa,” sabi ni Ling Yiran. Marami pang gustong sabihin si Hao Yimeng, ngunit nagsalita si Yi Jinli, “Kung sinabi ni Ling Yiran na hindi ka niya papatawarin, kung ganoon, hindi.”Sa ilang sandali, nanginig si Hao Yimeng at halos hindi na makatayo. Sinuportahan kaagad ni Xiao Ziqi ang kasintahan. Binaling ni Ling Yiran ang kanyang ulo upang harapin si Yi Jinli at sinabi, “Jin, gusto kong pumunta sa ibang lugar.” Pakiramdam niya ay hindi siya komportableng harapin ang dalawang taong nanakit sa kanya. “Sige,” sagot ni Yi Jinli. Aalisin niya na rin naman ito rito.Paglingon ng dalawa, biglang sinabi ni Xiao Ziqi, “Yiran, patawad.”Huminto si Ling Yiran sa paglalakad ngunit hindi siy
Ang babala sa mukha ni Yi Jinli ay sapat na upang ipaalam sa kanya na mas mabuti mawala na sa kanyang isipan si Ling Yiran.Kung hindi man, hindi siya magdadalawang isip na saktan ito. Pero... matapos niyang malaman na si Ling Yiran ay nagkasala, minsan ay hindi niya maiwasang isipin kung ano ang mangyayari sa kanya at kay Ling Yiran kung walang nangyaring aksidente o demandahan. Ngunit kahit anong pag-iisip niya, wala na siyang karapatang makalapit kay Ling Yiran. Siguro ay kakailanganin niya pa ring subaybayan ang babaeng iyon......Sa kabilang banda, sinulyapan ni Yi Jinli si Ling Yiran at tinanong, “Galit ka pa rin ba sa sinabi ni Hao Yimeng ngayon?”Tumango siya. “Konti. Alam kong humingi lang siya ng tawad sa akin dahil sayo. Sadyang sobrang ipokrito niya sa paghingi ng tawad at gusto niya na patawarin ko siya kaagad. Nakakatawa.” Paano makakabawi ang isang kaswal na paghingi ng tawad para sa pinsalang dinanas nila? Kumislap ang mga mata ni Yi Jinli nang hawakan mu
Iginiya ni Yi Jinli si Ling Yiran, at hindi mapigilan ni Ye Wenming na medyo magulat nang makita silang dalawa. “Nagkita ulit tayo. Hindi ko akalain na si Young Master Yi ay magiging interesado sa mga peryahan.”“Pumunta ako rito upang makita si Lawyer Wen ngayon,” sabi ni Yi Jinli. Tapos ay lumingon siya kay Wen He at sinabi, “Kumusta, Lawyer Wen. Ako si Yi Jinli, at ito ang aking kasintahan, si Ling Yiran. Gustong gusto niyang makita ka.”“Makita ako?” Nagulat si Wen He nang sinabi ni Yi Jinli sa kanya ang kanyang pangalan. ‘Yi Jinli! Ito ba ang tinaguriang lokal na malupit ng Shen City? Siya ay isang taong hindi mo mababangga sa Shen City.’Siya ay mas bata at mas kaakit akit higit pa sa iniisip niya. Pagkatapos ay nahulog ang kanyang mga mata kay Ling Yiran. Dahil gusto niyang pumunta sa Shen City, sinundan niya din ang mga balita sa Shen City. Sa mga araw na ito, ang pag baliktad ng kaso mula sa halos apat na taon na ang nakakalipas ay hindi lamang sumikat sa mga tabloid
Kahit na marahil ay hindi gusto ni Ye Wenming na maging anak ito, si Ate Zhuo ay hindi gagawa ng anumang mha panganib na siyang makapaglalayo sa kanya kay Lil Yan.“Gusto ko ang batang iyon,” sabi ni Ye Wenming. May ngiti sa kanyang normal na seryosong mukha. “Iniisip ko kung makikita ko ulit ang batang iyon sa pagbisita ko sa Shen City sa oras na ito.”‘Gusto niyang makita si Lil Yan?’ Naramdaman ni Ling Yiran na parang sumakit ang kanyang ilong. Ito ang lalaking ginawang miserable ang buhay ni Ate Zhuo at iniwan si Lil Yan nang walang ama nang ipanganak. Habang siya ay nabubuhay sa isang marangyang buhay kasama ang mga taong isang tawag lang, si Ate Zhuo ay naghirap sa bilangguan. Pero, ngayon na sinabi niya na gusto niyang makita si Lil Yan – Ang anak niya na hindi niya alam na nabubuhay. Ito ay sobrang kataka-taka. “Hindi pwede,” halos walang malay na tanggi ni Ling Yiran. Dahil tumanggi siya nang napakabilis at masyadong pinal, medyo natigilan si Ye Wenming. May bakas
‘Letse!’*Crack*Umalingawngaw ang tunog ng pagkabasag ng baso, ang baso sa kamay ni Ye Wenming ay nabasag at tumusok sa kanyang kamay. Dali-dali dumaloy ang dugo sa kanyang kanang kamay. Hawak-hawak niya ang baso kaya’t nabasag niya ito! Napasinghap si Wen He. “Ikaw...”“Wala ito. May pumasok lang sa isip ko. Paumanhin, nawala ko ang postura ko,” magaang sinabi ni Ye Wenming. Ang kanyang kanang kamay ay dumudugo pa rin, pero hindi siya nakakaramdam ng kahit na anong sakit. ...“Ngayon dapat tayo nagsasaya dahil nakita mo na si Wen He, pero nagagalit ka,” ani Yi Jinli. “Hindi, masaya akong nakita ko si Wen He. Jin, salamat,” sabi ni Ling Yiran. “Ginalit ka ba ni Ye Wenming?” tanong niya. “Galit ako kay Ye Wenming, pero hindi sayo. Nasaktan lang ako para kina Ate Zhuo at Lil Yan. Nasaan siya noong nanganak si Ate Zhuo sa bilangguan? Ngayon, sinabi niya na gusto niyang pondohan ang pagpapagamot ni Lil Yan? Hindi ba nakakatawa? Sarili niyang anak ‘yon!” utas ni Ling Yi
Nang tumayo sa harap niya si Gu Lichen ay wala sa isang ulirat si Ling Yiran. “Bakit ganyan ka tumingin sa akin?” Ang kanyang malamig na boses ay umalingawngaw sa tainga ni Ling Yiran. “Ano?” Bigla siyang bumalik sa katinuan. “Para kang may hinahanap na kung ano sa akin.” Biglang humilig si Gu Lichen, ang kanyang mukha ay lumapit kay Ling Yiran sa isang iglap. “Akala ko kay Yi Jinli ka lang interesado. Bakit, may kung ano ba sa akin na interesado ka?”Walang malay na umatras si Ling Yiran, sinusubukan na iwasan siya. Pero, masyadong mataas ang takong na kanyang suot ngayon. Tumagilid ang takong habang siya ay umatras, at ang kanyang bestida ay naging sagabal, na naging sanhi ng pagkahulog niya nang wala sa oras. Ang tanging magagawa niya sa ngayon ay ang humawak sa kahit na anong bagay na makakapitan!Bang!Ang kamay niya ay kumapit sa isa pang kamay na parang siya ay nahuhulog mula sa bangin at sa wakas ay nahawakan ang isang pagkakataon na mabuhay. Mahigpit niya itong hi