‘Letse!’*Crack*Umalingawngaw ang tunog ng pagkabasag ng baso, ang baso sa kamay ni Ye Wenming ay nabasag at tumusok sa kanyang kamay. Dali-dali dumaloy ang dugo sa kanyang kanang kamay. Hawak-hawak niya ang baso kaya’t nabasag niya ito! Napasinghap si Wen He. “Ikaw...”“Wala ito. May pumasok lang sa isip ko. Paumanhin, nawala ko ang postura ko,” magaang sinabi ni Ye Wenming. Ang kanyang kanang kamay ay dumudugo pa rin, pero hindi siya nakakaramdam ng kahit na anong sakit. ...“Ngayon dapat tayo nagsasaya dahil nakita mo na si Wen He, pero nagagalit ka,” ani Yi Jinli. “Hindi, masaya akong nakita ko si Wen He. Jin, salamat,” sabi ni Ling Yiran. “Ginalit ka ba ni Ye Wenming?” tanong niya. “Galit ako kay Ye Wenming, pero hindi sayo. Nasaktan lang ako para kina Ate Zhuo at Lil Yan. Nasaan siya noong nanganak si Ate Zhuo sa bilangguan? Ngayon, sinabi niya na gusto niyang pondohan ang pagpapagamot ni Lil Yan? Hindi ba nakakatawa? Sarili niyang anak ‘yon!” utas ni Ling Yi
Nang tumayo sa harap niya si Gu Lichen ay wala sa isang ulirat si Ling Yiran. “Bakit ganyan ka tumingin sa akin?” Ang kanyang malamig na boses ay umalingawngaw sa tainga ni Ling Yiran. “Ano?” Bigla siyang bumalik sa katinuan. “Para kang may hinahanap na kung ano sa akin.” Biglang humilig si Gu Lichen, ang kanyang mukha ay lumapit kay Ling Yiran sa isang iglap. “Akala ko kay Yi Jinli ka lang interesado. Bakit, may kung ano ba sa akin na interesado ka?”Walang malay na umatras si Ling Yiran, sinusubukan na iwasan siya. Pero, masyadong mataas ang takong na kanyang suot ngayon. Tumagilid ang takong habang siya ay umatras, at ang kanyang bestida ay naging sagabal, na naging sanhi ng pagkahulog niya nang wala sa oras. Ang tanging magagawa niya sa ngayon ay ang humawak sa kahit na anong bagay na makakapitan!Bang!Ang kamay niya ay kumapit sa isa pang kamay na parang siya ay nahuhulog mula sa bangin at sa wakas ay nahawakan ang isang pagkakataon na mabuhay. Mahigpit niya itong hi
Hindi nakaramdam ng anumang sakit si Gu Lichen dahil ang lahat ng kanyang atensyon ay nasa kanya. “Ling Yiran, bitawan mo na para maihatid kita sa ospital,” aniya.‘Bitawan? Hindi, hindi ko bibitiw, dahil...’“Hin... Hindi kita bibitawan. Iha... Ihahatid na kita roon. Dapat mong hawakan ako...” Halos walang malay na sinabi ni Ling Yiran ang mga katagang ito habang hirap na hirap dahil sa sakit ng kanyang ulo. Nang marinig ni Gu Lichen ang mga salitang ito, nanigas bigla ang kanyang katawan. Parang sa isang segundo, ang kanyang dugo ay tila huminto sa pag-agos. Huminto pa siya sa paghinga. ‘Ang mga salitang ito... Ang mga salitang ito ay...”Ang kanyang mga madidilim na nag-aapoy na mga mata ay nakatingin sa taong nasa kanyang harapan, at ang kanyang mukha ay palapit nang palapit sa kanya habang sinusubukan niyang makinig nang mas malapit sa mga hindi malinaw na mumunting lumalabas sa kanyang bibig. ‘Bakit niya sasabihin iyon? ‘Siya lang’ ang nakakaalam nito!’Maya maya, isa
Nang kinalas ni Ling Yiran ang kanyang hawak nang hinawakan naman ni Gu Lichen ang kanyang kamay sa sumunod na sandali. “Sino ka?” Ang kanyang masidhing nag-aalab na mga mata ay matalim gaya ng isang espada, sinusubukan siyang hiwain sa malapitang tingin! Natigilan si Ling Yiran, at hinawakan na ng kamay ni Yi Jinli si Gu Lichen. “Bitawan mo!” Malamig na sabi ni Yi Jinli. Wang pakialam si Gu Lichen kay Yi Jinli. Nakatingin pa rin ang mga mata niyang nag-aalab kay Ling Yiran. “Sino ka?!”May bakas ng galit sa mga mata ni Yi Jinli. Pagkatapos ay diniin niya ng mahigpit ang hawak gamit ang kanyang mga daliri. Kung ordinaryong tao ito ay binitawan na nila ngayon si Ling Yiran, pero kumapit pa rin si Gu Lichen sa kamay ni Ling Yiran na para bang sinusubukan niyang hawakan ang pinakamahalagang bagay sa buhay niya. Nakakasakal na hangin ang bumalot sa kapaligiran. Ang hindi pangkaraniwang estado ng tato ay nakakuha ng atensyon sa mga dumadaan, marami ang nakakilala kina Gu Lich
Doon lamang napansin ni Gu Lichen si Hua Lifang. Agad na sumilay ang kalungkutan sa kanyang mga mata. ‘Ano bang mayroon sa akin? Nandito si Lifang. Ano pa ba ang pinagdududahan ko?‘O... Ano pa ba ang inaasahan ko?’Sa wakas ay dahan dahan bumitiw ang kanyang mga daliri, at agad namang hinawi ni Ling Yiran ang kanyang kamay. Gamit ang madilim na mukha, binuhat ni Yi Jinli si Ling Yiran sa kanyang bisig. “Jin, kaya kong maglakad mag-isa,” dali-daling sabi ni Ling Yiran. “Galing lang sa sakit ang ulo mo. Mas mabuti kung bubuhatin kita papunta sa sasakyan,” ani Yi Jinli habang papalayo patungo sa labasan ng peryahan. Nagmamasid si Gu Lichen hanggang sa mawala sila sa kanyang paningin. Pagkatapos ay binaba niya ang kanyang mata at nakita ang pulang marka sa kanyang pulso. Dito banda siya mahigpit na hinawakan nina Ling Yiran at Yi Jinli kanina, ngunit ngayon lang niya naramdaman ang sakit sa pulso. “Lichen, ayos ka lang? Masakit ba?” Tumingin si Hua Lifang sa pulso ni Gu Li
“Nagkataon lang na nakita ko siya. Tapos, muntik na akong matumba, kaya hinawakan ko ang kamay niya nang hindi sinasadya. Pagkatapos ay sumakit na ang ulo ko...” sinubukan ni Ling Yiran ipaliwanag kay Yi Jinli ang nangyari, baka magkaroon pa sila ng hindi pagkakaunawaan. “Kalokohan lang ba ang mga bagay na sinabi mo sa kanya?” tanong niya ulit. Natigilan siya. Ang kanyang boses ay bumara sa kanyang lalamunan, at hindi niya mailabas ang mga salita! Kalokohan? Hindi ‘yon kalokohan. Iyon ang sinabi ng batang babae sa batang lalaki sa panaginip niya. ‘Pero, paano ko sasagutin ang tanong na ‘yon?’‘Ayokong magsinungaling sa kanya, ngunit ayokong maunawaan niya ang sitwasyon bago mo malaman ang totoo.’“Bakit, mahirap bang sagutin yon?” Napaangat ang ulo ni Yi Jinli nang bahagya sa katahimikan ni Ling Yiran. Nakatitig lang sa kanya ang maitim niyang nagniningning na mga mata.“Masyadong... Masyadong masakit ang ulo ko kaya hindi ko na maalala ang sinabi ko,” sabi ni Ling Yiran. To
Base sa itsura niya ngayon... Kahit hindi niya tingnan ang sarili sa salamin, alam ni Ling Yiran ang hitsura niya na maaaring maging dahilan ng maling akala sa mga katulong. Nasusunog na ng sobra ang kanyang pisngi ngayon, at ang kanyang mga labi ay halos manhid mula sa halik.Pumasok si Yi Jinli sa kwarto dala si Ling Yiran sa kanyang mga bisig at pinahiga siya sa kama. Ang mahahaba niyang daliri ay nagsimulang hubarin ang kanyang tie at ang kanyang suit jacket...Nagsumikap si Ling Yiran na umupo sa kama. “Jin, makinig ka sa akin.”“Sige, sabihin mo lang. Makikinig ako,” madilim niyang sinabi. Pero, ang kanyang mga daliri ay nagsimulang tanggalin sa butones ang shirt niya na pang ilalim, at ang kanyang mga mata, na nakatingin sa kanya, ay may malalim na pagnanasa. Ang mukha ni Ling Yiran na mula pa sa sasakyan ay lalong namula. Bigla niyang nalaman kung ano ang susunod na mangyayari. Pero mahalagang linawin muna ang mga bagay!“Maling ang sinabi ko tungkol sa bingit ng
Ibinaba niya ang kanyang katawan at lumuhod sa harap ni Ling Yiran, malumanay na tinanggal ni Yi Jinli ang kanyang mataas na takong. Hinawakan niya ang kanyang paa gamit ang kanyang mga kamay. “Yiran, ikaw lang ang tanging tao sa mundong ito ang maaring mangibabaw sa akin!”Nang matapos niya ang kanyang pagsasalita, ibinaba niya ang kanyang ulo at hinalikan ang dulo ng paa ni Ling Yiran...Suminghap si Ling Yiran. Tumingin si Yi Jinli... Na parang gumagawa siya ng isang panata. Para bang inilalagay niya ang kanyang buhay sa mga kamay ni Ling Yiran. Agad na nagsimulang mag-init ang kanyang paa na parang isang impyerno, at malinaw niyang nararamdaman ang labi ni Yi Jinli.Sinusubukan ni Ling Yiran sabihin ang isang bagay, ngunit sobrang natuyo ang kanyang lalamunan. Nang tumingala si Yi Jinli, ang kanyang maliwanag na mga mata ay nakatitig kay Ling Yiran nang walang katapusang panunukso. ‘Alam ba niya na kaya kong ibigay sa kanya ang lahat hangga’t hindi siya nagtataksil sa akin?